Friday, February 22, 2013

The Casanova Sisters : Chapter 10

CHAPTER 10

~ ONDREA'S POV ~


Pagkagising ko, una ko talagang naalala eh yung mag-friends na kami ni Bryan sa facebook.. ayiiiee~ ahahah! chat chat lang kaming dalawa.. kwentuhan.. pero ewan ko ba dun, gusto nya mag-kwento ako ng tungkol kay Jayvee.. so syempre sinabi ko naman ang totoo na mabait, gwapo, masungit at gusto ko si Jayvee.. pero nung pagkasabi ko nun, bigla nalang sya nag-off.. Or nawala lang siguro? >__<



Sunday morning ngayon and 5 minutes nalang ay 12 pm na.. nyaha~  as usual ganun pa din sa mansion namin, well except sa nangyari kahapon… nakakatakot talaga si Brianna mukhang mangangain ng buhay >_<


Well kilala na pala ni Brianna si Jayvee -- na second crush ko *u*.. Sya pala yung guy na nagsabi na pangit si Brianna.. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganun nalang maka-react yung kambal ko nung makita sya..  Ay ewan ko sa dalawang yun. Ang gulo ng mga utak nila :3



Tumayo ako from my bed and did my thing kasi pupunta ako sa mall ngayon…



After ko maligo at mag-ayos, I called Mikee and Joan in a conference call.




<“hello?”> Si Mikee ang unang sumagot 


<“H-Heyow? who’sshh on the line?”> Then si Joan. Tulog pa toh sigurado >.<



“HOY JOANNA, MIKEE TARA SA CEHAVIR MALL! BOY HUNT TAYO!” excited kong sabi sa kanila.



<“Okaaaayy~! sure what time?”>- Mikee



<“uhmmmmm….”>- Joan



“Uhmmmm ka dyan JOAAAANNN!!”- sigawan ko nga nang matauhan at magising naman ang diwa *0*



<“Alright alright.. Ang aga pa kaya. See you around 3pm at the mall.”>




“Okieee!" Me and Mikee




/// 



Bumababa muna ako sa my lounge namin and nanood muna ng cartoons.. Yung Looney Tunes. Alam nyo yun? Hihi~ favorite ko kasing cartoon yun eh… :D




“Ms. Ondrea, lunch is ready.”  sabi ni kuya Jason hehe.. sya yung butler namin :)




“What’s for our lunch, butler Jason?” I asked.




“Well, Chef Paula had cooked bruschetta with shallots for appetizer, an Italian sausage soup for the soup, risotto for the first course, an arista for the main course, and for your dessert we do have tiramisu, Ms. Ondrea.” 




waah~ ang sarap ng pagkain.. Nakakagutom *O* Sige i’ll be there and call Brianna as well please.”




“Okay, Ms. Ondrea.” Nag-bow sya at umakyat na sa taas para tawagin si Brianna.



Pumunta na ako sa dining room para kumain … While waiting for my sister, may tumawag sakin.




“Hello?"



 <“Drea honey, are you free tonight? Meet me at Debris bar.”>



 “No, sorry I can’t go with you Joshua. May lakad ako tonight.” Sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang gusto ko talagang pumunta kaso na-trauma ako sa nangyari last Friday night.. ayokong maulit. Baka di na ako palarin at sa hell na ang diretso ko >0<




“Okay then. Hindi kita pipilitin pero pag gusto mo sumunod ka nalang dun” Ayan na naman si sunod eh
:3 


In-end ko na yung call at saktong dumating si Kuya Jason 



“Ms. Ondrea busog pa po daw si Ms. Brianna kaya mamaya na daw po siya kakain.” sabi nito.



“Oh okay.. Well shall I start?”



“yes Ms. Ondrea.”





Hindi ako sanay na walang kasabay kumain. Bakit kaya walang gana si sister/dragona? Galit pa rin kaya sya sakin? Haaay~ you're so tanga kasi Ondrea eh T^T



 After I ate, dumiretso na ako sa Cevahir mall para kitain ang dalawang bruha.. Hindi na ako pumunta sa room ni Brianna.. Nakakatakot eh. Parang may black aura na bumabalot sa pintuan ng room nya nung dumaan ako >__< Pagdating ko sa mall, dumeretso ako sa mga shops at nagtingin-tingin nalang dahil yung dalawang bruha eh as usual late. 




***



JOAN’S POV




Haha nandito na ako sa Cevahir mall at kararating ko lang.. Bakit ba kasi kelangan pa pumunta eh! Pagod na pagod pa naman ako dahil sa pag-aayos ng kasal ni Ate =.=


*bzzt

From : Ondrea

       Nsaan ka na girl? Meet me up here at the café.. i’ll wait for you ciao :D





Nang makarating na ako sa café, kakarating lang din pala ni Mikee.




“Nasaan si Brianna? Drea?” ask ni Mikee.




“a-ahm.. ehh ano kasi.. wala eh nasa bahay.. masama pakiramdam ata or baka tamad.”
Wow first time hindi kasama si Brianna. Ano kaya nangyari sa babaeng yun? Imposible naman na may sakit dahil minsan lang matablan ng sakit yun.. mga twice in a year siguro. 




“Hey girls~ sleep over kayo sa bahay you want?” out of no where, bigla nalang tinanong yun ni Drea.





Dati ayaw nya na may natutulog na iba sa bahay nila, habang si Brianna wala naman pakialam. Kahit na magbe-best friends forever kami, twice palang kami nakapunta ni Mikee sa mansion nila.. partly na din siguro dahil hindi naman sila lagi dun, dahil mas lagi silang nag-iistay dun sa condo nila. So ngayon, chance na namin ito para makita ulit yung bahay nila.




“SUREEEE~” sabay namin na sabi ni Mikee.





“So let’s go then? Shopping muna tayo then uwi na. ^__^” - Drea




“Akala ko ba magbo-boy hunt tayo?” Si Mikee sabik lang sa lalaki? PBB TEENS? Paano na si Papa Luke nya? ahaha :))




“Haha oo nga eh. Kaso ayoko na so bibigyan ko nalang kayo.. Marami naman ako nun hehe V^___^V”



Adik talaga etong si Drea. Basta ako hinihintay ko ang my one and only. :"> Kaso ang tagal nya dumating.. na-traffic pa ata.




“Edi ikaw na maganda!” - Mikee




“Maganda ka din naman Mikee, don’t worry.” ;))





So palabas na kami ng Cehavir mall nung may nakita akong gwapong nilalang… *O* Anubeyen, bakit ganun? Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya? Lord, sya na po ba ang matagal ko nang hinihintay? Sya na ba ang aking Mr Right? :">




Medyo nagulat ako nung huminto sya sa harap namin at kinausap si Drea.




“Hello Ondrea.” He greeted. Waah ano ba yan~ pati boses nya ang gwapo gwapo >//>





“Oh hello there Andrew.” Sabi ni Drea pero parang kanina pa sya hindi mapakali.. Parang may hinahanap ba.





Since kakilala sya ni Drea, mag-pareto kayo ako?? Hihi :DD





“Long time no see ah.”





“oh yeah. By the way ikaw lang? ay wait.. let me introduce my friends." Humarap sya samin. "This is Mikee and Joan… Girls, this is Andrew, Bryan’s friend.”




“Hi Mikee, Joan." Bati nya samin, then we greeted back.





Hahaha alam ko na name nya. kyaah~ he’s so hot and gwapo… ^___^




"Hinihintay ko tropa eh. Si pinuno naman ayaw lumabas ng kwarto nya.. ewan ko ba dun kung bakit. Niyaya naming lumabas ngayon pero mukhang broken hearted. Haha!”





“ha? bakit daw sya heart-broken?” Tanong ni Drea.





“asdfghjkl”




Ano daw sabi ni kuya?




“Ha? May sinasabi ka Andrew?” hindi rin pala naintindihan ni Drea.. akala ko ako lang




“aah eeh.. wala sige una na ako. Baka naghihintay narin yung tropa. By the way nice meeting you Joan and Mikee” :)





“bye nice meeting you too Andrew”






///




Pagkatapos nun, nag-drive na si Drea hanggang sa bahay nila. Pero may napansin kami ni Mikee sa kanya. Yung aura niya iba… mukhang malungkot sya.




"You okay girl?" I asked.





She slightly smiled. "Of course. Tara pasok na tayo."





Binigay nya yung car keys nya dun sa tauhan nila at pumasok sa mansion. May nag-aabang na mga maids sa may pinto at binigay namin sa kanila ang mga gamit namin.





"Where's Brianna? Nasa room pa din ba nya?" tanong ni Drea sa butler nila.





"Umalis po sya Ms Ondrea. Babalik daw sya mamayang gabi."





Hay naku yung bruhang yun. San na naman kaya nagsusuot? Psh stupid Joan.. of course siguradong naglaro-laro na naman yun. Haha 




"Dreaaaa!! May ice cream ba kayo sa fridge? Pahingi ako ah!" ^0^ Tumakbo naman agad si Mikee sa kusina. Baliw ang babaeng yun.. laging ice cream ang nasa utak, eh nag-ice cream palang sya kanina ah. tsk tsk..




///


ONDREA'S POV



Kamusta na kaya si Bryan? Kanina pa ako online sa facebook at hinihintay sya pero hindi pa sya nago-online. Haay~ broken-hearted? Naalala ko tuloy yung status nya.. sino ba kasi yun eh :|



"oy Mikee pengeng popcorn!"




"Nooo! Marami dun kumuha ka." Nilayo ni Mikee yung bowl ng popcorn kay Joan.




Nandito kami ngayon sa theater room at kakatapos lang namin manuod ng Ever After :">
 It was already 7pm at wala pa din si Brianna. We tried to call her for many times now but she wasnt answering >__<





"Brianna is so tagal! =o=" sabi ni Joan na ngayon meron ng sariling popcorn.





Niyakap ko yung throw-pillow at nag-cross legged.




"Waah! baka galit pa sya sakin?" ToT




"Hala ka! Ikaw kasi!" Sabi ni Mikee, sabay subo ng popcorn.




"Hindi ka na nga umuwi tapos kasama mo pa pala yung kinamumuhian nya.. Hoho~" dagdag pa ni Joan.




Malay ko baaaaa!! 





"Girls.. sa totoo lang, hindi kayo nakakatulong." (__ __")





"Hihi ^____^" - Joan and Mikee





Nagpagulong-gulong ako sa maluwag na sofa. Anong gagawin ko?? ToT



Natawa na lang sakin yung dalawa. Hmph! Not helping at all. -o-





Tumayo si Mikee at tumakbo papunta sa may malaking dvd collection rack.




"So ano pa ba magandang panuorin?" Tanong nya habang nagtigin-tingin.




Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang sliding door ng theater room. We all turned at napatingin kay Brianna na mala-gangster na naman ang dating. Nakasuot sya ng skinny jeans with  matching black high-heeled ankle boots, a tight red inner shirt (na kitang-kita ang shape nya *O*) and her black leather jacket. 





Wetwew sekshiiiii *Q*





I-add mo pa ung looks nya ngayon. Her straight hair was loosely hanging down her waist.. tapos ayun.. yung infamous eyes nya na napaka-talim kung tumingin ( ・ω・)



"Hey." Sabi nya.




"Where have you been?! Natapos na namin yung Ever After.. tagal mo eh!" - Mikee




 "Sa tabi-tabi lang." she replied at umupo sa tabi ko. She took the bottle of wine and poured it in the glass.



She took a sip at napatingin sa aming tatlo dahil nakatitig lang kaming lahat sa kanya.




"What?" (~.~)





"Sleep over kami ni Joan dito.." - Mikee


"Cool." 




"Really? You okay with that Bri?" - Joan




"Of course.. Pano pa at naging magbe-best friends tayo kung simpleng over night lang eh hindi pwede?" she repied.



*O* - Me, Joan & Mikee


"A-Are you still mad?" Tanong ko naman.




Napangiti sya. "No. Hindi na." :)





Para akong nabunutan ng tinik dun sa sinabi nya.. whoo~ buti nalang :D




Yumakap ako sa kanya then sumunod naman yung dalawa.. Yey group hug :DD




"Yiiee~ Ang bait bait talaga ni Bri.. hindi lang talaga nakikita ng iba ahahah XD" - Mikee




"Tss." 




AHAHA :))


***




BRIANNA'S POV




 I wasn't in the mood to go with them sa Cevahir.. maybe I could arrange my own plan.



I took my phone and dialled his number.


<"Hey."> 



"Zed. Wanna meet?" 






<"Wow. Ano toh, date? Sure!">



"Eff you. Sunduin mo ko dito sa bahay.. in 20 minutes kapag wala ka pa, kukutusin kita." Then I end the call.




Nag-ayos na ako at pinabilinan ko na si Mimi sa mga maids. 




 Pagkadating ni Zed, kinutusan ko agad sya. 3 minutes late kasi sya eh >:3




"Grabe ka naman. 3 minutes late lang eh." Pagrereklamo nya at binuksan ang engine ng sasakyan.



I rolled my eyes and fastened the seatbelt. "Whatever. You're still late."




Natawa nalang sya. "So san tayo?"





I looked at him and blinked; expresionless. "I dunno. Kaw na bahala."


"You're so random, Bri."


"I know."




"Pwede manligaw?"



"Mukha mo. Di na tayo talo. Tapos na ako sayo."



Oha. Rhyme. I'm such a genius.



"Ouch!" He put his right hand over his chest and acted as if he was hurt. Wala, sanay na ako sa lalaking toh.




"No personal---"





"-- just for fun." He cut my sentence and continued it.





Tumawa na lang kaming dalawa.






///




After half an hour, nag-park si Zed sa tapat ng isang malaking bahay.




"Where are we?" I asked. Lumabas ako ng kotse nya a nasa isa kaming subdivision.



"Sabi mo kahit saan eh. Nandito tayo sa bahay ng kaibigan ko."




Ni-lock nya ang sasakyan then we walked toward the big house.. but this house was nothing compared to ours.
I was just like following him.




"I'm hungry." Sabi ko habang si Zed ay pinindot yung doorbell.



"Did you even eat your breakfast?" Tanong nya.



"Nope."



"Thought so. Maga-alas quatro na wala ka pang nakakain. Buti nalang may kainan sa loob."




May maid na nagbukas ng pinto at pinapasok kami. Binati sya ni Zed at namula yung maid. Pssh. Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.




"What are you looking at?" Tinarayan ko nga. Sarap tusukin ng mata eh -__-


Tumungo na lang sya at dumeretso na ako para sundan si Zed na nauna na sakin.
Nakita ko syang nakipag-boy shake hands dun sa tatlong lalaki na nakaupo sa sofa.




"Wow chick *O*" sabi nung guy na naka-red nung makita ako.



Lahat sila lumingon at pare-parehas ang mga reksyon.. As in ganito *O* ang mga mukha.
Ha. Dyosa ako eh.




Binatukan ni Zed yung pinakamalapit na guy sa kanya.




"Lul. Wag nga kayong maglaway. Nagmumukha kayong mga aso. Haha."





Lumapit sya sakin at umakbay. "Mga tol, eto nga pala si Brianna Mad--"


"Hermosa. Brianna Hermosa." I said, cutting him.




Biglang tumayo yung tatlo at lumapit.





"Ako nga pala si Rick *O*" sabi nung lalaking naka-red.



"Hi. I'm Topher *O*" 



"Elijah here *O*"





Okay. Sige nga-nga nalang sila dyan -__-




"Hi? Uhm.." Tumingin-tingin ako sa paligid. "Is there any food? I'm hungry na kasi eh."




Tapos natawa na lang silang apat sakin.. What? Kanina pa ako gutom noh -_-





***




Pagkauwi ko sa mansion, nadatnan ko sina Drea, Joan and Mikee sa theater room. Ang iingay nila.. buti nalang sound proof yung kwarto.



It was already 9:30 pm at hindi pa kami natutulog kasi nandito kami ngayon sa room ni Drea at maglalaro daw ng truth or dare. Bawal daw KJ.. K.




We were sitting in a circle at nauna si Mikee and she chose truth.



"Hmm. May plano ka bang mag-confess kay papa Luke mo?" tanong ni Joan.




"(o///o) uhmm... i dunno??"





"Walaaa! Hindi pwedeng hindi mo alam~" - Drea




"Aish.. oo na nga! Oo may plano naman pero hindi muna ngayon kasi hindi pa kaya ng precious heart ko. Maybe after ng game nila?"




"Diba next 2 weeks na yun?"



"Waaah y-yeah >//<"




"hahaha good luck!!" - Drea & Joan



Then next naman si Joan. Truth din ang pinili nya.




Turn ko na magtanong. "Sino gusto mo?"




Okay lame =__= Pero naman.. wala pa kayang nagugustuhan etong si Joan.. hinihintay daw kasi ang na-traffic na mr right nya.. tss.




 "Si.. Si Andrew *u*"






O___O - Drea & Mikee



=__=? - Ako





"Andrew who?" I asked.





"OHMAYGHAAD! Di nga?! Seriously?? Sis! Si Andrew isa sa tropa ni Bryan."
"Ahh."



Namula naman etong si Joan. Wow perstaym. 




After ng kulitan nila about dun sa Andrew na yun, turn na ni Drea. Dare ang pinili nya.. pero ang weird ng dalawang toh dahil bago daw bigyan ng dare si Drea, gusto muna nila malaman kung anong pipiliin ko.. 




"Dare." I said. I love challenges >:)





So parehas na kami ni Drea na dare. Si Mikee and Joan tumalikod samin at nagbulungan.
After ng 5 minutes na pagbubulungan, humarap na din sa wakas at nag-high five pa.





"I don't know why pero bigla akong kinabahan." Say ni Drea.




"Same here." - ako


"Kambal talaga tayo ^0^"




*rolls eyes*




"Okaaayy~ Meron na kaming decision ni Joan.. Hihi :D" nag-unang nagsalita si Mikee.




"Go on."  - me





"Okie, diba kilala nyong dalawa yung hottilicious na new student na si Fafa Jayvee Nate Dy?"





Nagpintig bigla ang tenga ko nung marinig ko ang pangalan na yun. =__=++




"Yes? so? " - Drea





Nagtinginan muna ang dalawa tapos ngumiti ng nakakaloko samin.




"You have to compete for Jayvee's attention. Kailangan mapapayag nyo syang maging girlfriend nya.. at ang sasagutin nya or pipiliin nya, sya ang panalo.. Then ang mananalo, you have to be in a relationship with him for 3 months. But of course my prize yan mga teh! Lahat ng magiging harships nyo ay may kapalit naman.. ayy! Sa panalo lang pala ^0^" - Joan




What?







"WHAAAT?!" That was what my reaction.. While si Drea ay nakatingin lang sa kanila in disbelief.




"Oh? Mukhang ayaw nyo ah? Diba casanova kayo? Don't tell us na hindi nyo kaya? OMG!" - Mikee



"Wow.. nagiging weak na ba ang Casanova Sisters?"

+____+



Ano daw? Weak?? No way! Kapag hindi ako pumayag dito, siguradong tapak na ang pride ko. At isa pa, ipapakita ko sa loony brained mushroom na yun na  kapareho lang sya ng mga lalaki sa paligid.



He, himself was a casanova.. Magiging challenging. And I believe that I had already mentioned about me loving challenges. Kapag nanalo ako dito, this would be a big achievement. I would make a casanova guy fall onto knees because of my beauty.





And I guess parehas lang kami ni Drea na iniisip. Na kahit ganito, hinding-hindi ako magpapatalo..






"Game on." - me & Drea




 

4 comments:

  1. NAku gAme na uNg kAmbAL,,, mAs ngiGing eXcitiNg na,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. aq din excited n s next! sna mag-update n agad c otor! >____________<

      Delete
  2. pS,,, aLaM mu atEy,,, mAy cLassm8 aq iSa tO s mgA faVoritE niA,,, aQ nAgpAuso tLga nitOng sitE niO s cLassRoom nmiN eE,,, hWahEhE,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^