Alas-7 ng umaga, kanyang sinamantala ang oras na hindi pa gaanong maalisangan at tirik ang araw. Ayaw niyang lubos na pagpawisan sa kanyang suot na abuhing long sleeves at acid wash na Levis. Puting-puti pa rin ang kanyang Chuck Taylor dahil sa maingat na pag-iwas sa putik at alikabok--- Nais niyang maging presentable sa araw na ito.
Bumababa siya ng kanyang itim na sedan. Tangan-tangan ang isang bouquet ng pulang rosas at isang liham na isinulat sa scented stationary, tinahak niya ang malaparaisong landas patungo sa kinaroroonan ng kanyang pinakamamahal. Araw ng mga Puso ngayon. Sana'y magustuhan niya itong handog ko!
Manipis ang kaulapan. Nagbabadya ang mainit na panahon maya-maya lamang. Mabuti at naabutan niya pa ang samyo ng pabukadkad pa lamang na mga bulaklak sa paligid, at hamog ng pinong mga damo sa kanyang paanan. Maswerte't maaga siyang nakarating dito sapagkat hindi pa gaanong mabigat ang trapiko sa Edsa.
Tanaw na niya, ilang hakbang na lamang.
At siya'y nakarating na!
Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha, sa harap ng puntod na napipintahan ng puti at may katamtamang laki ng krus sa ibabaw, habang iniaalay niya ang dalang bulaklak at ang liham na naglalaman ng ganito:
Kung buhay ka pa sana't ika'y kasama, hindi lamang ang liham at bulaklak na ito ang ibibigay sa iyo. Ibibili rin sana kita ng Ferrero Rocher na iyong paborito, at dadalhin sa romantiko't payapang lugar maliban dito.
Valentine's Date
Ika-7 ng umaga. Sinamantala niya ang oras na hindi pa gaanong maalisangan. Ayaw niyang labis na pagpawisan sa kanyang suot na pulang polo-shirt at acid wash na Levis. Gusto niyang maging presentable sa araw na ito bagamat siya'y nakasuot lamang ng Havaianas na pambahay.
Tangan ang isang tasang mainit na Nescafe, nagtungo siya sa lamesang may kulay pulang table cloth. Sa ibabaw nito ay isang plorerang natutubigan ng mahigit sa kalahati at may talong pulang rosas, at isang kahon na anong liwanag.
Upang maging mas maging romantiko ang tema, sinadya niyang ipinid ang mga bintana at patayin ang ilaw. Nagsindi rin siya ng dalawang scented candles at inilagay sa magkabilang gilid malapit sa harapan ng maliwanag na kahon.
Tanging ang kahon lamang at ang kandila lamang ang saksi sa kanyang kakisigan.
Humalimuyak ang samyo ng aroma theraphy.
Handa na siya.
Handang-handa.
Sumulpot ang imahe ng kanyang pinakamamahal sa maliwanag na kahon, tulad ng kanyang inaasahan.
Mula sa speaker, sa tabi ng computer monitor:
Mabuti na lamang at may Skype noh. Kahit nandito ako sa Seoul makakapag-date pa rin tayo! Happy Valentines ddy!
Napangiti ang pinagtutukuyan sa paputol-putol na pahayag dulot na mabagal na internet connection, habang kanyang sineset-up ang headset upang lubos na silang magkaunawaan.
(Para sa karagdagan pang mga kwento, bisitahin ang TheGreatBorador.blogspot.com)
(Para sa karagdagan pang mga kwento, bisitahin ang TheGreatBorador.blogspot.com)
NoSebLeed aq s LaLim ng tAgaLog pEo aNg gAnda,,,
ReplyDeletehehe :)) maraming salamat po sa pagbasa... ganyan po kasi ang nakasanayan kong paraan ng pagsasalita eh, gayon na rin po sa pagsulat.
ReplyDelete((Ikaw ay nabigyan ng angking galing sa pagsulat gamit ang ating sariling wika))
ReplyDelete((Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa))
((Nanosebleed din ako sa tagalog ko, hahaha))
Salamat po. Nosebleed po ba sa tagalog??.. hehe, eto po try niyo english naman: http://thegreatborador.blogspot.com/2013/02/k12-definition-features-and-problems.html
Delete