Saturday, February 9, 2013

Loveless' Tale 2 : Chapter One



"Bye, Harris!" Paalam ni Summer kay Harris.

"Mwah!" -Summer.


Nakasandal lang si Niall sa pinto ng kotse niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Bumaba na si Summer sa limang step pababa sa mismong garahe ng bahay nila Harris. Maganda ang bahay ng binata. Mala-mansyon sa laki. Pero ang sabi ni Harris, sa mga magulang niya raw ito.


"Tara na, Niall!" Masayang yaya ni Summer. 


Umuna na itong pumasok sa kotse habang si Niall eh nakasandal pa rin sa pinto ng kotse niya.


"Brad! Alis na kami!" Paalam ni Niall saka na binuksan ang pinto ng Driver's seat saka pumasok.


Ni-start niya na ang engine ng kotse niya saka tahimik na nagmaneho.


"Ni (Pronounce as: Nai), Sa tingin mo, anong mas magandang dress-up ng venue natin? Itong isa or ito?" Tanong ni Summer sa Fiancee niya habang nakatitig siya sa magazine na nasa hita niya. Nakaturo ang dalawang daliri niya sa magkaibang dress-up ng venue para sa kasal nilang dalawa.


Medyo lumingon si Niall pero tumingin ding muli sa daanan.


"Kahit ano. Basta maikasal tayo ayos na." Sagot ni Niall.


Badtrip siya kaya wala siyang ganang makipagusap tungkol sa kasal nila ng Fiancee niya.


"WHAAT?! Niall! Ang pagkaka-alam ko 200 persons ang iimbitahin nating umattend sa kasal natin. Then this? Anong ayos na? Hello?! It's our Big day! It's our Wedding Day!" Naghuhurumintadong sigaw ni Summer. Halos mabingi naman ang kanang tenga ng Fiancee niya dahil sa sigaw niya.

"ANOO?! Dalawang daang tao ang aattend sa kasal natin?!! Aba! Baka gusto mo na ring maghanda ng sampung Tent na kadugtong ng Malaking Gazebo na rerentahan natin. OA na, Sum. Pramis! Sobrang dami non." Badtrip na sagot ni Niall.


Naiiyak si Summer. Nakakainis kasi si Niall eh. Iyon nga ang pangarap niya buong buhay niya eh. Ang maikasal sa harap ng maraming-maraming tao at maipagmalaki sa mga iyon kung gaano siya kaswerte sa lalaking mapapangasawa niya tapos ganoon pa ang sinabi ni Niall. Parang tinatanggal naman ng binata ang pangarap niya sa kanya.


Napahikbi ng wala sa oras si Summer. Yumuko siya at itinakip ang dalawang palad sa mukha niya. Umaagos ang mga luha niya. Nakakainis. Ano bang meron kay Niall at ganito ito makitungo sa kanya ngayon?


Pagkarating sa bahay nila Summer, pinagbuksan ni Niall si Summer ng pinto ng kotse. Tumayo si Summer sa tapat ng gate at nakaharap kay Niall. Inaantay niyang humingi ito ng paumanhin dahil sa nasabi nito kaya siya umiyak. Pero nagmumukha lang silang tuod parehas dahil magkatapat lang sila at magkatitigan sa mata. Tumalikod na siya at hahakbang na para buksan ang gate pero hinawakan ni Niall ang kamay niya saka siya hinila nito paharap sa kanya. Hinalikan siya ni Niall sa pisngi saka na ito tumalikod at naglakad papunta sa may kotse nito at pumasok. Maya-maya pa umandar pa palayo ang kotse ni Niall. Nasasaktan si Summer. Nagdesisyon siyang tumalikod na at pumasok na sa bahay nila. 


Pagpasok sa loob ng bahay, nakasalubong niya pa ang kuya niyang nakangiti. Parang gusto niyang sapakin ang kuya niya pero wag na lang. Dumiretso na agad siya sa kwarto niya at duon nagkulong. Umiyak lang siya ng umiyak don. Parang wala nang bukas kung umiyak. Ay nako. Masyadong ma-drama.

*Tok tok tok!*

"Summer! Open the door! C'mon, dinner time!" Tawag ni Harry. 

May halong pag-aalala ang boses ng kuya niya. Iniisip kasi nito na baka ulitin niya na naman ang ginawa niya dati. Nako, kabaliwan. Hindi niya na iyon kelan man gagawin pa. Ayaw niyang magkanda buhol buhol na naman ang pag-iibigan nila ng mapapangasawa niya.

"Please leave me alone, Kuya!" Sigaw niya

 "No, I'm not gonna leave, Summer. Open the door! Kanina ka pang 2pm nagkukulong diyan! At wala kaming ibang marinig kundi yang hikbi mo. Come on, Sum, please open the door. Please..." Harry pleaded.

Umupo si Summer pero bigla niyang napansin ang kumikinang na bagay sa daliri niya. Kinuha niya ito at ibinato sa kung saan. Sigurado naman siyang hindi sa bintana dahil nakasarado ito at isa pa, baka mapatay niya pa sarili niya. Ay nako.

"AAAAAAAARGGHHHHH!!! Nakakainis ka talaga!!!!" Nanggagalaiting sigaw ni Summer.


Lumakas ang kalabog sa pinto. Mukhang may balak si Harry na sirain ang pinto ng kapatid niya.


"Summer! Open the door!! Come on! Wag nang matigas ang ulo!" Alalang-alala na sigaw ni Harry.


"Ate! Tawagan mo na nga si Niall! Sabihin mo ayaw sumunod ni Summer at nagamatigas na naman!" Sigaw na naman ni Harry.


Nasa baba ang ate niya at kasalukuyang tinatawagan si Niall nang ibglang sumigaw si Summer.


"Wag niyong tatawagan! Lalabas na ako! Basta wag niyo siyang papupuntahin dito! Galit ako sa kanya! Nakakainis siya!" Sigaw ni Summer.


Makulit ang ate Autumn nila kaya tinawagan pa rin nito si Niall.


[Ate Autumn? Bakit po?]

"Oyy, nagkukulong si Summer sa kwarto niya. At kapag di ka daw nagpunta dito at nagsorry sa kanya, di raw siya lalabas sa kwarto niya at di ka na raw niya pakakasalan."

[What? Tsk. Sige-sige, ate. Pupunta ko dyan. Nako naman.]

~End Call~

Naibaba na ni Autumn ang tawag nang hablutin ito ni Summer.

"Summer!" Autumn screamed.


Muntik nang malaglag sa floor ang IPhone 5 niya na matagal niyang pinagipunan.


"Hindi mo na siya matatawagan! Belat!" Nang-iinis na sabi ni Summer.


Namumula ang mga mata ni Summer at pawis na pawis pa.


Nagsmirk si Autumn.


"I'm sorry, Sweetie, but you're too late. Any minute now nandyan na siya. Goodluck!" Sabi ni Autumn sabay hablot ng IPhone 5 niya mula sa kamay ni Summer. Tumakbo agad siya papunta sa kwarto niya dahil hinabol agad siya ni Summer. Nakapasok na siya sa kwarto niya at ni-lock ito bago pa siya maabutan ni Summer.


"AAARGHH! ATE!!! Nakakainis naman kayo eh!!" Summer Shouted.


"Tara na, Summer. Bumaba ka na. Ako na bahala kay Ate." Approach ni Harry.


Umirap si Summer saka bumaba. Pagkarating sa Dining Area, naupo lang si Summer saka nagpa-lumbaba sa mesa.


Maya-maya pa, napagitla siya ng may mag-doorbell.


"Si Niall na yan!!" Nang-aasar na sigaw ni Autumn. May kasunod pang tawa.

Walang nagawa si Summer kaya tumayo na siya at lumabas. Pinagbuksan niya ng gate ang nobyo niya.


"Oh! Summer! Anong nangyare sa mata mo?" Nag-aalalang tanong ni Niall sa kanya.


Umirap si Summer saka na tumalikod at nag martsa papasok sa loob ng bahay.


"Anyare dun?" Kunot noong tanong ni Niall sa sarili niya.


Sinara niya na ang gate at sumunod na rin sa loob.


"Parekoy." Bati ni Niall kay Harry. 


Ngumiti si Harry. "Kumain ka na ba? Tara sbaay ka na sa amin." Yaya ni Harry.


"Sige. Salamat na rin." --Niall.


Umupo si Niall sa tabi ni Summer at nagsimula na silang kumain. Tahimik lang si Summer habang kumakain. Si Harry naman panay ang kuwento. Pagkatapos raw ikasal ni Summer at ni Niall si Harry at si Ashley naman ang magpapakasal.

"Biils ah. Ayos yan, Parekoy. Mahal na mahal niyo naman ang isa't isa eh." Sabi ni Niall at nakipag-appear pa kay Harry.

Tumayo na si Summer at nilapag sa mesa ang table napkin. Naglakad na siya papunta sa may kwarto niya at isinara ang pinto. Si Niall naman ay nakatitig sa hagdan na dinaanan ni Summer. Natauhan lang siya ng danggiin ni Harry ang siko niya.


"Tol, baka kailangan niya muna ng space." Sabi ni Harry kay Niall.

"Eh yun nga ang problema eh. Badtrip din ako kanina kaya gusto ko ng space. Space to think. Pero habang nakahiga ako sa kama ko at nag-iisip ng malalim, biglang tumawag si Ate Autumn at sabi nagkukulong daw si Summer sa kwarto niya. Nung nagdoorbell naman ako kanina, siya ang nagbukas ng gate." Sagot ni Niall.


"Well, uhm... I guess, you must go, Niall." Sabat naman ni Autumn.

"Go, Where?" Harry and Niall asked in a chorus.

"Sundan mo na yon si Summer. Kung anuman yung tampuhan niyong dalawa, wag niyo nang palipasin ang gabi na 'to na di kayo nagkaka-ayos. " Sagot ni Autumn.

Tumayo na si Niall at inilapag ang table napkin sa mesa. Umakyat siya at nagpunta sa harap ng pinto ni Summer. HInawakan niya ang seradura at pinihit ito. Bumukas ang pinto. Madilim ang paligid ng kwarto. Nagmumula lang ang maliit na ilaw galing sa TV ni Summer. Walang tao sa loob. Napansin niya ang kurtinang pilit dinadala ng hangin papasok sa kwarto. Bukas ang sliding door ng kwarto in Summer. Pumasok siya at isinara ang pinto.

"Summer?" Tawag niya sa pangalan ng nobya niya.

Naglakad siya patungo sa may Veranda at duon niya nakita ang nobya niya na yakap ang sarili. Nakatalikod ito sa kanya at halatang nilalamig. Lumapit siya at niyakap ito mula sa likod kaya medyo napagitla pa ito. Tila malalim ang iniisip kanina ng dalaga kaya di nito napansin na pumasok pala siya.

"What are you doing here?" Tanong ni Summer kay Niall

"Look. I'm sorry, Sum. I'm very sorry." Paumanhin ni Niall.

 "Sorry? Ganun na lang ba yun, Niall? Alam mo bang pangarap ko yun? Na maraming tao ang aattend sa kasal ko kapag dumating na yung araw na yun? Pero ano? Anong ginawa mo? Bakit pinagbabawalan mo ko? Masakit yun sakin, Niall. " Naiiyak na sabi ni Summer.

"Sorry na, Summer. Sorry kasi may di ako magandang sinabi sayo. Badtrip ako kanina dahil kay--" Napatigil si Niall.

Ayaw niyang malaman ni Summer na masyado siyang mababaw dahil para pagselosan ang mga ganoong bagay.

Tumitig sa kanya si Summer.

"Kay? Kanino? Sabihin mo, Niall. Badtrip ka dahil kanino?" Tanong ni Summer.


 Bumuntong hininga si Niall.

"Fine. Nagseselos ako kay Harris. Kasi pakiramdam ko mas masaya ka kapag kasama mo siya. " Sagot ni Niall sa dalaga.

"Ang babaw mo, Niall! Sobrang babaw mo! Kaibigan natin yun si Harris! Bakit mo naman yun pagseselosan?! Alam mo, wala ka namang dapat pagselosan kay Harris eh! May Girlfriend yun!" Naiinis na sabi ni Summer.


"Sorry na nga kasi! Alam ko masyado akong mababaw! Kaya nga ayoko sanang sabihin sayo eh. Kasi sasabihin mo ang babaw ng dahilan ko para magselos. Nakakainis naman kasi eh." Tampong sabi ni Niall.

"Ewan ko sayo!" Naiinis na sigaw ni Summer.

Hinawakan ni Niall ang magkabilang kamay ni Summer. Napansin niya naman na wala ata ang singsing sa daliri nito.


"Yung sing-sing nga pala?" Tanong ni Niall.


"Binato ko." Sagot ni Summer.


"Saan?!" Tanong ni Niall na bumibilog na ang mata.


"Sa loob ng kwarto ko." Sagot ulit ni Summer.


Tsk Tsk. Lagot ka, Summer Beatrice Sullen.

3 comments:

  1. amy book 2!!!!!!!!!!



    ───▄▀▀▀▄▄▄▄▄▄▄▀▀▀▄───
    ───█▒▒░░░░░░░░░▒▒█───
    ────█░░█░░░░░█░░█────
    ─▄▄──█░░░▀█▀░░░█──▄▄─
    █░░█─▀▄░░░░░░░▄▀─█░░█ Anew Here!!!

    ReplyDelete
  2. si suMmer binAto uNg sinGsiNg!!!! hwAhehE,,, LaGot,,, kApaG aq nkKita nun, akiN na yuN hA,,, at tsAka aq n pkkSaLaN ni niALL,,, joKe LNg pO,,,

    ReplyDelete
  3. sNa makApag-updaTe agAd si atEy,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^