Saturday, February 9, 2013

Loveless' Tale 2 : Prologue

PROLOGUE





Dati, kapag nandyan siya, naiirita ako, naiinis ako. Hindi ko alam, pero nung inalam ko, mas nahirapan ako sa nararamdaman ko. CRUSH ko na pala siya. Crush na medyo Like. Nakakain

is kasi e. Kung hindi niya lang ako binigyan ng Carved Guava edi sana hindi ko naramdaman yun. Nakakainis siya. Ang kulit kulit niya. Yung Loveless legacy ko sinira niya pa. Kung pinakinggan niya lang ako nung nasa MOA kami nun, edi sana hindi ko sinunog yung mga bigay niya sakin. Kahit Dried Rose nandun pa eh. Kasalanan niya 'tong lahat. Ginawa niya kong tanga. Nakakainis! Nakakainis siya! Pero hayaan na nga natin, hindi ko pa rin naman maitatanggi sa sarili ko na na-Knockout niya na nga ng tuluyan ang Less ekek na yun sa Love. Wag niyo nang intindihin. Marami lang talagang arte ang katawan ko. Ayun at nagpaka-tanga ako. May balak pa nga akong tumalon nun. Natatawa na lang ako kapag iniisip ko yun e.

Eto lang ang pangako ko sa kanya. 'Be With You till my last breath'

~
AFTER GRADUATION

"Parekoy, handa ka na ba talaga?" Tanong ni Harry sa fiancee ng kapatid niya.

"Naman, parekoy. Handa na ko para dito. Hinding-hindi ko na pakakawalan kapatid mo." Confident na sagot ni Niall.

Ang ate Autumn nila Harry ang kinuhang wedding planner ni Sum. Syempre naman dahil puno ng kaartehan ang bunso nila, kailangan raw bongga ang kasal. Maraming bisita kailangan. Naku~ Kung alam lang nila. Gusto lang nitong ibida ang mapapangasa nitong Irish. 

Mula sa salas ay nakita nilang pababa na si Summer Beatrice Sullen na mapapangasa na nga ni Niall after the bonggang bonggang preparation for their wedding. Naka-dress itong red. Naka-lugay ang buhok nitong curly at may pagka-brown-black. Haay. Bagay talaga sila.

"Osha, Lovebirds. Magpakasaya kayo sa Date niyo." Biro ni Harry.

"Tse! Pupunta kami sa Wedding Organizer namin. Si Harris." Sabi ni Sum na halatang naiirita.

"Asus! Duon rin naman ang punta nun pagkatapos niyong makipag-kita sa Wedding Organizer niyo." Biro pa rin ng kuya niya.

Naiirita na talaga siya kaya hinila niya na lang ang fiancee niya palabas ng bahay. Pagkalabas ay pinagbuksan siya ng pinto ni Niall at pinasakay siya sa kotse.

Pagpasok ni Niall, nagtanong ito.

"Iritang-irita ka kanina, ah? Anong meron?" Nakangiting tanong ni Niall.

"Wala! Naiinis lang ako kay Kuya. Ang kulit-kulit niya pa rin. Haay. As Always." Sabi niya na halatang hindi kumportable.

"Hayaan mo na, Sum. Hindi ka pa nasanay sa kuya mo. Alam mo naman yun, number one fan natin yun pagdating sa Relationship natin." Sabi ni Niall na sinimulan nang magmaneho.

"Naku, isa ka pa. Sige na, at baka ma-late pa tayo sa meeting natin kay Harris." Pagtatapos ni Sum sa usapan.

Hindi na kumibo pa si Niall pero sa loob-loob niya nagseselos siya. Ano bang meron kay Harris at bidang-bida ata ito ngayon kay Summer?

Medyo nagitla si Niall ng isandal ni Summer ang ulo nito sa balikat niya. Inangat ni Summer ang ulo nito at lumapit pa sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.

"Alam ko nagtatampo ka, ramdam ko yun. Sorry na ha? Mahal kita. At pangako kong ikaw lang hanggang sa huli. Mahal kita hanggang sa dulo ng walang hanggan. To Infinity..." Nag-pause si Summer at itinaas ang kaliwang kamay na naka-labas ang pinky finger. Inilapit ni Niall ang kanyang kanang kamay na naka-labas rin ang pinky finger saka nila ito pinagdikit na parang nagpi-pinky promse sila. "And Beyond." Banggit ni Niall habang nakangiti at nagmamaneho.

~
"Bonding theirselves in Infinity and Beyond. Till the End, they will be Forever loved by each other. They Wish for Happy Ending, They Will have it. Until the Wedding Day Come... Saying I do's to each other... But one of them will refuse to say the word 'I do'. Who will refuse to say the magic word?"

1 comment:

  1. ((Sino yung magbabackout sa kasal nila))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^