Saturday, November 3, 2012

Back Off She's Mine!: Chapter 5




^___^v ang saya talaga kapag napaka-kwela ng mga new friends mo. What? Hindi ko pa na-introduce ni AUTHOR sila? Naku naman author.


[Author: >.> Nawala sa isipan ko. kaw na lang.]


-__- Okay. Kahapon ko lang sila naging kaibigan.

 Si Dacey  Itong katabi ko na naka-cosplay na Haruhi Suzumiya *O* Nice! Sana pwede din ako mag-suot niyon kaso di pwede dahil nga pagtawanan ako ng kapatid ko hahhaha XD  NAPAKA ADDICT SA ANIME. Hahhaa... pareho lang ang edad namin... at ito naman babae na parang robot ay si Suzy! XD isang half-korean at half-filipina! Nakakausap pa naman yan ng maayos... suplada sa mga lalaki! Sa mga babae naman hmm... okay lang...


Nandito kami sa piñatas na bleachers... mas mahangin kasi doon... saan? Saan pa eh di sa
GYMNASIUM!


XD eh lunch break naman namin kaya pwede kaming tumambay... bumili na lang kami sa canteen ng makakain. Ang binili ko ay chicken sandwich at soft drinks. Ganun din ang binili nila.. pwera sa inumin. Grapes kasi kay Suzy at kay Dacey naman ay Pineapple.


Maganda sana ang mode ko ngayon pero dahil nga may bwisit sa di kalayuan ay nagmamasid sa akin... -____- sino pa? eh di si Clark Carl Valdes! OO isang araw pa lang siya dito sa school ay mabilis siyang naging CAMPUS HEARTHROB! Ano ba ang nakita nila sa lalaking ito? hindi nga 'yan pumapasok sa klase eh.


“WATCH OUT!”


Bigla ako napalingon at nanlaki ang mga mata ko... dahil nga yung bola ay papunta na sa mukha ko! at yun nga! dahil nga nabigla ako ay tumama yung bola sa ulo ko... meron kasi nag-vo-volley ball sa court kaya ganun! Kaya hayun... nakakita ako ng maraming star na umiikot sa ulo ko.


“daming staaaaaaarrrrrr....”


Niyugyog ako ni Dacey sa balikat.


“Oi... Mhikaila, wag kang mamatay!”


“Ulol! Hindi yan mamatay dahil lang sa bola!” Si Suzy yun.


“Oh I’m very sorry!!!!!” Kilala ko yung boses ah! Umupo ako ng maayos at umupo na pang-lady. At inayos ang buhok.


“Ah..eh okay lang 'yun, Roland.”


“May masakit ba sa'yo?”


“Ah—“


Naputol ko yung sasabihin ko dahil nga bigla na lang sumulpot si Clark at hinablot yung kamay ni Roland na hahawakan sana niya yung forehead ko...sayang.


“Don’t touch her.” Banta niya kay Roland.


O_o oheemmgeee!


Nakunot ang noo ni Roland at nagtataka na tumingin sa akin. “Boyfriend mo?” He ask.


At sabay pa kami ng mokong sumagot.


“Hindi!” sagot ko.


“OO!”


(“  -) ----------- (O.O  ) (~.~  )


Roland --------ako----si Clark



Matalim na tiningnan ko siya at siya naman ay malamig na tiningnan ako.... at tila ba hindi nagustuhan ang sagot.


“Ano ba talaga ang relation ninyo?” naguguluhan na siya.


“wag kang maniwala diyan,Roland, his a liar!”


“No im not! In fact we are en---“ Bigla ko tinakpan yung bibig niya tas hinablot ang kwelyo at hinila palabas ng GYM.. Pumunta kami sa Likod ng GYM.. walang tao doon kaya pwede ako sigiwan siya.


“What the heck is your problem?! At anong sinabi mo? Nobyo kita? At ano pa yung sasabihin mo?!”


“Aishh...” Hinilot niya yung likod ng batok niya. “I am just telling the truth! Fiance mo ako and once we graduate in College magpapakasal na tayo.”


“Hahhaa very funny, Mister, tatlong beses pa lang tayo nagkita at pano kita naging boyfriend o naging fiancé? Wala akong matandaan na nagsumpaan tayo!!!”



Clark poV

Naiinis na ako sa babaeng ito parati na lang niya sinasabi na wala siyang matandaan!


“Illusionado!”


>.> aba! At ako pa ang illusionado? Eh siya kaya 'yun! nakatatak na sa utak ko yun!  gustong gusto nga niya ako pakasalan... I know it sound childish pero >///> pero ng inalok ko yung proposal ay tinanggap niya yun... She’s crying with joy pa nga nung naglalaro kami ng kasal-kasalan...


:X opss... nasabi ko AUTHOR... >.>


Author: ewan ko sa'yo -___-


Yun na nga. Gusto ko naman talaga siya bakit pa ako magpa-hard to get? Tsaka siya yung nag-alok sa akin.. tsk. At ngayon ako pa ang illusiyonado? What the fvck? At nung Makita ko yung lalaki na SIYA ang dahilan kung bakit nasaktan  ang mukha niya at yung akmang touch niya yung noo gusto ko siyang sakmalin... -___-  walang sinoman pwedeng lumapit sa pag-aari ko na! lalo na at maraming saksi sa proposal ko nong bata pa kami!


Ginagawa ko ito dahil nga obligasiyon ko ito.


“AKO PA ANG ILLUSIYUNADO? MHIKAILA! 'DI BA IKAW DIN YUNG NAGPUMILIT SA AKIN NA PAKASALAN KITA BALANG ARAW?”


 Siya naman ay natigilan.  “w-wala akong matandaan! Wag ka ngang gumagawa ng kwento!” Ang ayaw ko talaga sa lahat ay yung pinagmumukha akong tanga. So kinalimutan na talaga nya?


Naningkit ang mga mata ko.


Hinablot yung braso niya.


“A-aray!!!!! Fvk !!! Bitiwan mo nga ako kung hindi makakatikim ka sa akin ng nalalaman kong—“


“Even if you know a lot of martial arts, dear, kahit black belter ka pa, I am much more stronger that you are.”


“ano—“ Hindi ko na siya pinatuloy sasabihin dahil hinalikan ko na siya at siya naman ay natigilan. I smirk.


“Ako lang ang nagmamay-ari sa 'yo, Mhikaila. Kaya kung sino man lalaki na magtangka na agawin ka sa akin, matitikman nila ang galit ko.” Binitiwan ko na siya tsaka iniwan na nakatulala.

3 comments:

  1. EEe iKaw nMn pLa mikaiLa aNg pUmiLit sa kaNyaNg maGpakaSaL,,, hwAHohO,,, kaKainLUv tLga c cLaRk,,, bKit nKkiLig aNg mgA gaNyAng kLAseNg LLki,,, gUstO ko tLGa mGa poSseSive,,,, kyAaaAaah,,,

    ReplyDelete
  2. Lufet naman nun. Wala pa ngang ‘kasal’ pagmamay-ari na agad? Grabe naman sa pagka-possesive si Clark. Kasi naman sa ganda naman ni mhikaila kailangan talagang bakuran. (*_*)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^