Back Off She's Mine!
"Waah! saan na?!?!!" Hinalungkat ko sa bag ang ID pero wala pa din.
kaninang umaga pa ako ganito dahil di ko makita ang ID ko. sigurado ako
na nasa loob yun ng bag ko kahapon.
TT__TT anong gagawin ko? di
ako makakapasok sa school kapag wala yun kung makakapasok naman ako ay
e-report naman ako sa SAO at magsusulat ng letter. waah! baka naiwan ko
yun? impossible!!!
Nang hindi ko pa din mahanap ay lumabas na ako
sa bahay at nagpaalam bahala na nga kesa naman ay hindi ako makapasok sa
klase. ganun nga ang nangyari pinapunta ako sa SAO tapos pinasulat na "hindi ko na iiwan ang ID ko."
pagkatapos
niyon ay pumasok na ako sa klase tapos nakita ko siya. OO siya. may
girl siyang kahalikan. wala pa kasi ang teacher at ang mga classmate ko
naman ay naghihiyawan. Parang may tumusok na kutsilyo sa puso ko ng
makita ko yun.Siguro, ito yung feeling na nasasaktan dahil nga yung
mahal mong lalaki ay may kahalikan babae. hindi ko kaya na tingnan sila
kaya naman ay tumalikod ako at mabilis na naglakad papunta sa rooftop.
gusto ko mag-isa. hindi muna ako papasok ngayon. baka kasi bigla na lang
bumagsak yung mga luha ko.
Sige na po. drama ko na. ako na ang drama queen. pano na iyan magtatapat pa din ba ako kung meron na siyang girl???
Hindi pa din mapigilan ang mga luha ko na nagsibagsakan na.
"-_____-
anak ng tokwa sino ba ang umiiyak diyan? oi! pwede ba kung iiyak ka
lang naman ay doon ka sa CR wag dito." Sita ng isang lalaki sa akin.
naglilika na ba ako ng ingay???
Pero wala naman ah. nang lumingon ako ay si Roland yun.
O_O
"Sorry, kung alam ko lang na may tao dito ay doon na sana ako sa CR."
Pero bigla na lang siyang tumawa. "Joke lang. kaw naman hindi na mabiro."
sabi niya.
Hay.. kung hindi lang ako malungkot ay baka mahawa ako sa tawa niya.
"ehem."
tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sorry, hindi dapat ko ginawa yun
lalo na ngayon malungkot ka." may kinuha sya sa bulsa. Isang Hankerchief
at inabot niya sa akin. "Pwede mo sabihin sa akin ang problema mo."
Umiling ako. Hangga't maari ay gusto ko ilihim ito.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pero para mawala iyang lungkot mo gusto mo bang pumunta sa park?"
"Ano naman ang gagawin ko don?"
"Since, we are skipping class ay pumunta na lang tayo doon. Para mag-isip isip? :D"
"Bakit mo naman ginagawa ito?"
"Kagaya nga ng sinabi ko gusto ko lang talaga mawala yang lungkot mo."
Hindi
pa rin siya nagbabago. Noon bata pa kasi kami ay kahit na takot siya ay
pinoprotektahan niya ako. kahit na mama's boy siya noon.
"Sige na nga eh ano ang e-dadahilan natin sa guard?"
"madali lang iyan." :D he smile. "Halika ka sundan mo ako."
Sumunod
naman ako at nandon kami sa likod ng building at teka! aakyatin namin
ang wall na iyan? sa kabilang bahagi kasi niyon ay labasan na.
"Diyan tayo lalabas?"
"oo."
"Ginagawa mo ba ito parati?"
Tumango siya. "Actually, hindi lang naman ako ang gumagawa nito eh pati si Helena."
Kapag
gusto kasi mag-skip ni Helena ay gagawin talaga ang kahit anong paraan.
Pero sa pagbanggit niya sa pangalan ni Helen ay parang kuminang yung
mga mata niya.
Oh... parang iba na ito ah.
Lumapit siya sa
puno tapos umakyat bago pa siya tumalong sa kabilang bakod. "para hindi
ka mahirapan ay umakyat ka dito." sabi niya.
Umakyat naman ako. Alam ko ata ang pag-akyat 'no.
Nang makalabas na kami sa school ay pumunta nga kami doon.
"Alam mo ba kung saan pumunta si Mhikaila??" Tanong ko sa kaklase niya. Nandito ako sa classroom niya may sasabihan sana ako.
"Nakita ko siya kanina pero nagmadaling lumabas eh hindi nga bumalik dito.." anito.
"Ganoon
ba? sayang naman. sige thank you na lang." Saan ba siya ngayon?
>3< tatalikod na ako nang makita ko si Clark na parang nasa bad
mood.
>////> Ang gwapooo niya. opppsss... ;x I shouldn't said those word.
pero totoo naman kahit na nasa anong expression niya ay gwapo talaga siya sa paningin ko.
"MAY NAGAWA BA AKONG MASAMA???" lumapit ang babae sa kanya.
"Fvck. Sino naman nagsabi sayo na pwede mo akong halikan? ayoko sa mga kagaya mo panget at ang baho ng hininga."
"Ang SAMA MO!" biglang tumakbo yung babae palabas.
Pranka niya 'no? anyway, pumasok ako sa room tapos nilapitan siya. Itatanong ko lang sana na alam niya kung saan si Mhikaila.
"Hayyoooo.... Clarkkkk!!!!!" tawag ko.
Nagtaas
naman siya ng tiningin. >///< shet naman! simula ng nangyari noon
ay bigla na lang ako ng naramdaman ng kakaiba para sakanya at ito ay
isang bad omen!!!
"Ikaw lang pala. Anong kailangan mo?"
"Hinahanap ko si Mhikaila." sagot ko.
"Hindi pa siya dumadating." Hindi niya ba nakita siya kanina?
"Pero sabi kasi ng classmate mo na dumating na siya sa school umalis nga lang kanina."
Tingnan
mo kapag si Mhikaila na ang pag-usapan ay nawawala yung kunot sa noo
niya. :( ang sakit naman 'no? Itong naramdaman ko ay one sided love lang
dahil nga siya ay in-love kay Mhikaila tapos ganun din si Mhikaila para
sakanya. Late na kasi akong dumating eh. pede bang e-rewind ang oras?
tapos kami na lang ang nagkita noong bata pa? o kahit nasa tiyan oa siya
ng mama niya tapos ako din. XD pero kahit ganun ay tutulungan ko pa din
sila na magtapatan na ng totoong feelings nila sa isa't isa lalo na si
Mhikaila ang tagal talagang mag-confess.
"Dumating na siya dito kanina?" hindi makapaniwalang sabi niya. Tumango ako.
Clark's POV
kanina? nakita ba niya ang ginawa ng babaeng yun?
Aww...
bakit ko pa ba iniisip ang babaeng yun? di ba siya naman ang nagsabi na
lumayo ako sakanya? seriously kung alam ko lang na ganun na pala ang
naramdaman niya sakin sana di ko na lang pinagpilitan. =_= hindi na sana
ako parang katawa-tawa na pinipilit ang sarili sa isang babae na ayaw
naman. kuh. kung di ko lang ma--ang babaeng yun ay baka tinapon ko na
siya sa bangil pero siyempre di ko magawa yun sakanya dahil... alam niyo
na yun! hindi ko na kailangan sabihin pa. Noon ay gustong gusto ko
talaga siya pero hindi ko ini-expect na yung like ay maging LOVE.
"yep. Gusto mo bang hanapin siya???"
bakit ko naman hahanapin ang isang yun? hindi ba sinabi niya na layuan ako? tss...
hinigit
niya yung braso ko tapos pilit akong pinapatayo. "tayo ka na! i know na
gustong mo siyang makita! kung ayaw mo ay sasabihin ko ang mga
kahihiyan na ginawa mo! come on! stand up! hanapin natin di Mhikaila."
"Si Mhikaila ba ang hinahanap niyo?" si Helena na yun. Mukhang wala ito sa mood.
"err... OO, Si Mhikaila."
"I saw her kasama niya si Roland. Wala na sila dito sa school."
Si Roland??? Bakit?
"Oh, hindi mo siguro alam 'no?" biglang tanong ni Helena. "May gusto si Mhikaila kay Roland."
parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. may gusto siya kay Roland... parang may sumaksak sa dibdib ko.
"Bakit mo naman na sabi iyan ha?" nameywang si Dacey.
"Come
on. I know her at mas kilala ko sya kesa sayo dahil mula palang bata pa
siya at halata naman 'no the way she act and look at Roland."
"huwag kang maniwala diyan, Clark."
Ayokong
maniwala pero nag-re-rewind kasi yung sinabi niya lalo na at magkasama
sila lumabas dito sa school. Kinuyom ko yung kamao ko. Tapos lumabas ng
classroom.
Mhikaila's POV
Ang ginawa lang
namin ay mamasiyal sa park at ngayon nga eh bumili kami ng ice cream.
kahit pano ay nababawasan yung mabigat na naramdaman ko and thanks to
Roland.Umupo kami sa bench.
"Thank you ha? pinapagaan mo talaga ang naramdaman ko."
"okay lang 'yun. I'm glad na napasaya kita kahit pano."
HE SMILE. hayy, naku bakit ba hindi na lang ikaw? para hindi na maging magulo ang lahat. siya ata ang kabaliktaran kay Clark.
Pero KUNG hindi bumalik sa buhay ko si Clark. maging friend ko lang ba ang tingin sakanya.
"Grrr... arf! Arf!!!!"
Isang puting aso ang tumahol sa amin. Ang cute niya! pero saan na ang amo niya?
"tchot tchot..."
bigla naman kumalma siya.
"hindi ko alam na mahilig ka sa aso."
"hehhee
hindi naman gaano.. ang cute lang kasi niya eh." mabuti at hindi siya
nangangagat ng kinarga ko siya. "She looks adorable!"
">_> Ehem! it's a male."
"O_O talaga?" tiningnan ko--OO NGA! "hahaha." natawa na lang ako sa sarili.
Lumapad pa yung ngiti niya. "ayan ngumiti ka na. :) mas bagay sayo ang ngumingiti."
Mas lalo ata akong ngumiti. Loko ito ah!
"Yeah and thanks to you!"
"Footlong!!!!"
Biglang isang babae ang lumapit at tinawag ang asong ito. Ang boses
niya... saan ko ba 'yun narinig. at parang mas bata ito ng ilang taon sa
akin.
Bigla ko naman pinakawalan yun tapos tumalon at tumakbo palapit sakanya.
"bakit ka ba tumakbo ha?" sinulyapan niya ako."thanks." iyon lang ang sabi niya.
"you're welcome kid." i said.
"I'm not a kid anymore." naglakad na siya paalis.
parang may naalala ako sa sinabi niya.
Don't you ever call me bansot or bata because i am not!
O_O
ah!!! yung batang babae!! teka, meron siyang kinuha sa bag ko hindi ko
yun nakita pero alam ko na may kinuha siya baka ang ID ko yun. Hindi ako
nagkakamali kahit na nakasuot siya ng maskara doon ay alam ko na siya
yun!!!
"Ah, Roland umuna ka na lang umuwi kakausapin ko lang yung bata."
"Sasama na lang ako."
umiling
ako. Hindi siya dapat sumama baka kasi malaman niya na >.>
pumunta ako sa bar at kung ano pa ang isipin. "huwag na tsaka hindi pa
kasi ako uuwi eh. Sige na *O* please??!"
wala naman siyang magagawa kundi pumayag na lang.
kaya naman sinundan ko ang babae mabuti naman at hindi pa siya nakakalayo.
"Sandali!!!'
Tumigil naman siya at hinarap ako.
"o?"
"May itatanong lang ako sayo. Ikaw ba yung tumulong sa amin ng kaibigan ko sa bar?"
( >.) <------------ (.- )
Ako ------------- Siya
"Oo ako nga." So tama ako!!!
"naalala mo pa ba na may kinuha ka sa bag ko, Ang ID ko ba yun? Kung oo pakibalik naman o."
"Ah ang ID, mamaya ko na alng ibabalik sayo naiwan ko kasi sa bahay."
What the perk?
">_> bakit mo ba kinuha yun ha? kukulamin mo ba ako or something?"
Ah
nga pala yung gabi na tinulungan niya ako ay nagsinungaling siya na may
police napaparating. yung tunog na serena ay doon sa laruan niya na
nilagay niya sa bag ko. Hindi ko sya kilala pero naka-weird ng babaeng
ito.
"Hindi ako mangkukulam. Gusto ko lang alamin kung saan ka nakatira at anong pangalan mo. baka kasi pwede ka."
Pwede sa alin? para naman siyang manguhula dahil parang nabasa niya yung iniisip ko.
"Alam mo kasi. gusto ko maging gangster at naghahanap ako ng >.> nakama."
Hindi
ko ata naintindihan yung huling sinabi niya ah. di joke lang NAKAMA
means comrade. Nanonood kaya ako ng anime kaya kahit pano alam ko ang
ibig sabihin niyon.
( ○ . ○) gusto niya akong maging gangster? at sa bata pa niya???!
Tumawa ako bigla! "Bwahahahhaha!!! Ikaw? maging gangster? at ano ka naman leader??? bwahahhaha!!!"
( -_-) "Anong masama doon ha? tss... meron na nga akong na-recruit eh."
O_O serously?? gusto niya akong maging deliquente?!?! AS D-E-L-I-Q-U-E-N-T-E!?!?!
Well, ayaw ko naman ng gulo. Pero sometimes, parang gusto ko din naman maging kagaya sa anime na maging ganun din.
"gusto ko maging sikat at kinakatukutan ng mga studyante."
Tiningnan
ko siya mula paa ulo. Parang nasa first year pa ito eh. tapos...yang
uniform niya ay sa private school din nakalimutan ko lang kung anon
school yun. pula yung pang-itaas tapos may maliit na ribbon.tapos
nakasalamin.
Mukha naman siyang tipong babae na sumusunod sa utos. Siguro nagsasawa na ito sa kakasunod kaya iyan nag-rerebelde na.
"Kahit na 'no. Wala akong pakialam diyan basta ibalik mo na yun."
">.> Sure ka na ayaw mo?"
"wala akong panahon para maglaro na ganyan."
"-_- Hindi naman ito laro 'no. Sige na ibabalik ko na sa'yo.. tss.. "
"Teka pano mo ko makukuha yun sa'yo?"
She
roll her eye. "Sa star dust academy ka nag-aaral sa mukhang mong iyan
ay madali na kitang makita and your name is Mhikaila Delcorte."
Kilala niya ako pero ako ni hindi ko nga siya kilala.
Tumalikod na siya.
"Oi, di ka pa nagpapakilala sa sarili mo."
">_> kailangan pa ba?"
"Oo."
"Freezia Muneica." Ay ang ikli! teka! FREEZIA?! Sa stallion riding club?! XD hahahha!
Iniwan na niya ako na walang paaalam.
Grabe
lang ha?! madaming nangyari ngayon araw. Una ay niyaya ako ni Roland na
mamasiya dito in a friendly way. pangalawa ay inimbita ako na maging
isang deliquent at last ay :( ay yung nakita ko si Clark na
nakipaghalikan sa ibang babae. Hindi naman niya ako girlfirend pero di
ko maiwasan na magselos o masaktan. Sana kakausapin naman niya ako kahit
simpleng HI lang.
At ang babae naman niya ay
>:( gusto ko gulpihin alam niyon parang--parang gusto mo ikaw lang
ang papansinin ng lalaking mahal mo.
Pagkatapos niyon ay hindi ako
umuwi pumunta ako sa time zone. Maglalaro ng mga games. Gusto ko
magpalipas ng oras doon. Buong oras ay nandon ako ng halos maubos na ang
allowance ko ay umuwi na ako.
habang naglalakad ay may humarang sa daan ko.
"Tama nga ang hinala ko. Ikaw nga yung babae sa bar. Tss.. High school ka pa?"
O_O what the hell?! siya na naman?! ang panget na lalaki.
I smirk. "Oo, high school pa ako! eh ano ngayon?"
"Hindi ka ba matatakot na expelled sa school mo?" ngumisi siya. "at gumawa ka pa ng gulo sa bar!"
natigilan ako.
"Alam mo madali naman akong kausap basta may kapalit." lumapit siya sa akin tapos inakbayan niya ako.
>__> Mas gugustuhin ko pa na ma-expel 'no! Lumayo ako sakanya tapos inambaan ng suntok.
"Suntok gusto mo?"
"Wow! palaban ka talaga 'no?" Sige lapit ka pa! matitikman mo ang kamao ko! hindi ako takot sayo 'no.
"Tumabi ka nga, panget!"Muntikan ng mahiga yung panget dahil sipain sya ni CLARK!!!
>>> CHAPTER 14 HERE
Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12
Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | FINAL
WiiiiEee,,, prOmise aNg sKit saKit ng puSo q dUn s pArt n nkiTa ni mhiKaiLa n nAgKiss c cLaRk at uNg ePaL n giRL n uN,,, kAinis tLgA,,, pErO buTi naNdun roLaNd,,, kiNikiLig aq s kNyA,,, aT uNg LaSt pArt LaLo,,, pAsiMpLeNg biNaLduGan uN ni cLaRk,,,, hWaHOHo,,,,
ReplyDeleteDon't be sad Dacey. Hindi para sayo si Clark at darating tamang guy for you. Ang ganda ng last din miss sorceressprincess. More pa!
ReplyDelete