Thursday, December 20, 2012

The Forgotten Enemy: Chapter 2


Sa mga nag-antay ng Update namin dito (Meron nga ba?) Heto na po yung Update. Pasensya na sa napaka-tagal na Update namin. :D


Chapter Two: Silly Violet

(Violet's P.O.V)





Sa bawat umagang dumadating sa buhay ko, masasabi ko pa din na napakaswerte ko. Nandiyan mga magulang ko, kumpleto kami. May mga kaklase ako na wala ang isang magulang nila kaya minsan sana pwede ko lang i-wave yung wand ko tapos makukumpleto na din ang pamilya nila tulad ko.




Ayaw ko talaga na mag-aral sa lugar ng mga mortal pero sabi sa akin ng magulang ko na may mga dapat akong malaman tungkol sa mundo na hindi ko malalaman sa kaharian namin. Ang mahirap lang sa kondisyon ko, nag-aaral ako sa lugar ng mga mortal tapos nag-aaral din ako sa kaharian namin para naman malaman ko din daw ang mga pangyayari sa buong kaharian namin.




"Violet, baby girl, kain ka na." sabi ni mama. Hindi ko pa din kasi ginagalaw yung pagkain ko. Para kasing wala nanaman akong gana.



"Sa school na ako kakain ma." sagot ko tapos tumayo na at pumasok sa kwarto ko para kunin yung bag ko.



"Mag-iingat ka ha. Your wand?" tanong ni mama. Tinaas ko yung wand ko tapos siniksik ko sa boots ko.



"Ingat ka din mama." sabi ko na may ngiti sa labi ko tapos nag-bow as a sign of respect. Nanay ko siya pero siya pa din ang reyna sa kaharian namin kaya naman kailangan ko pa din gawin ang mga simpleng paggalang.




* * *





Pagdating ko sa school, lahat abala sa pag-uusap nila. Na-upo na lang ako sa upuan ko tapos tumingin-tingin lang sa paligid. Lahat talaga sila abala.




Pumasok na yung Teacher namin pero parang walang nakakapansin na nakapasok na siya.




*Tok Tok Tok!*





Mabilis at medyo mahinang pagtapik ni Sir. Ralphe ng kanyang maliit na stick sa Podium namin sa unahan. Tumingin agad ang mga kaklase ko sa harapan saka bumalik sa kani-kaniyang upuan. Nanahimik sandali saka nagsalita si Sir.





"Goodmorning." Bati ni Sir.




Mahahalata mo sa boses niya na strikto siya pero mabait talaga siya. Ayaw niya lang talaga sa mga estudyanteng hindi maalam sumunod sa kung ano ang inuutos ng nakatatanda.





Tumayo kaming lahat at binati siya. "Goodmorning to you, Sir Ralphe."





Itinaas ni Sir ang kanyang kanang kamay saka dahan-dahang ibinaba ang kamay sa Podium. Sign na pwede na kaming umupo.





Umupo na kaming lahat. Nakatingin si Sir Ralphe sa likod kaya sabay-sabay kaming napasunod ng tingin sa tinitignan niya.





Si Gio. Ang pinaka-mahangin na Estudyante dito. Iniisip niya parati siya ang pinaka-matalino. Isa rin sa ipinagmamayabang niya ay ang kanyang angking yaman--ang kanyang kagwapuhan.






Teka? Tama ba yung sinabi ko? Ka-Gwapuhan? Naku naku naku!!





Pero hindi ako madadala sa physical feature niya. Ano naman kung gwapo siya. Saksakan naman ng yabang. Ayoko sa taong mahangin.





Inayos ko ang pagkaka-upo tsaka kinuha ang notebook,ballpen at libro sa bag. Except sa wand. Bawal ilabas yon. Baka makita nila at mapagsabihan nila akong baliw. Nasa mortal world kaya ako. Lahat ng tao dito normal. Puro ka-etchusan ang ginagawa. Katulad ng nasa likod ko. Andiyan na nga si Sir,makuha pang magtsimis. Hay naku,alam ko na ang topic. About kay Gio na saksakan ng hangin.





Umismid ako.





Maya-maya,tumikhim si Sir Ralphe. Hudyat para simulan ang discussion about sa World History. Isang nakakaantok na klase na naman. Binuklat niya ang makapal niyang libro at tumayo sa harapan namin. Nagsisimula na siya sa pagse-share ng blessings.




Blah..blah..blah..blah..blah..





Marami na akong naisaksak sa coconut shell ko. Puro about sa Greek and Roman history. And end of discussion.





"Class dismissed."sabi niya na nililigpit ang gamit kasabay ang pagtunog ng buzzer.




Tumayo ako habang nililigpit ang gamit. Kay sarap mag unat-unat. Na-distract ako sa pag-chuckle ng mga itchusserang palaka sa likod ko. Nakikilig kay Gio,saksakan naman ng hangin. Lumingon ako sa kanila. Umasim pa tuloy ang mukha ko dahil nalaman kong papalapit si Gio sa akin.




Omo! Hindi ba ako nagmamalik-mata? Anong kailangan ni Mr. Mahangin sa akin?
Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa beywang ko sabay angat ng ulo. Mistulang tomboy ako sa posture ko ngayon ha. Sapat na siguro iyon para matakot siya kahit papaano.






"Hi!" bati niya sa kaswal na boses.




"What do you want?" err! taray ko ha.




Napakalmot niya ang batok. B-bakit tila natotorpe siya sa akin. Ako lang ito,hello? Hindi ako popular. Bakit ako pa ang napag-tripan mo? Maangas siguro sex appeal ko. wee?





"Kasi..kasi-" nauutal siya. Hindi ba ako nabibingi.





"Kasi ano?" irap ko.





"G-gusto sana kitang yayain maglunch?"





Lunch? Tama ba ang narinig ko? Anong nangyayari sa kanya? Bakit 'di siya mahangin 
ngayon. Natotorpe? Hindi ko naman siya pinainum ng love potion para mainlove siya sa akin. Ang haba naman ng hair ko.





"You? Yayain ako maglunch? Okay ka lang? Wala kang lagnat?"sabi ko sa maarteng boses.





"Masama ba?" Patingin-tingin siya sa baba. Ano naman kaya problema nitong kumag na 'to?





"Alam mo, if you want me to do some project or whatever, just say it. No need to treat me, mmkay?" Ang taray ko ba? Ayaw ko lang naman kasi ng kung anu-ano pang pinagsasasabi. Straight to the point!





"No. I don't want you to do any project. Just a lunch...together." Ayos din talaga. Mukhang nilalagnat 'tong kumag na 'to. O baka naman nauntog. Dalhin ko na lang kaya sa clinic.





"Sigurado kang wala kang sakit? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ko.




Sa likod ko naman, daldal ng daldal ang mga malalanding palaka. Inggit lang ata kayo dahil niyaya ako ni Gio na mag-lunch.





Sa totoo lang, kanina ko pa gustong gamitan ng wizardry yung mga palakang 'yun. Pasalamat sila, masunurin akong anak. Sabi sa akin ng magulang ko, 'wag ko daw gagamit ng magic kapag nasa mortal world ako.





Rule 1: Never expose magic to mortals.





'Yan ang unang unang sinabi sa akin ng Professor ko sa Wizard World. See, nakikinig ako sa lessons ko.





"Sigurado ka talaga?" that will be the last time na tatanungin ko siya, kapag sigurado siya, why not? Hindi naman masama diba? Pero kapag itong mahangin na kumag na ito, ay pina-iral niya pagkamahangin niya, out na ako.





"Oo." matipid naman niyang sagot.





"Okay." matipid ko din namang sagot.




***




Habang kumakain kami ni Gio, paminsan-minsan siyang tumitingin sa akin tapos ngingiti ng patago. Hindi ko alam kung ano laman ng utak nitong lalaki na 'to. Ang weird lang kasi sa lahat ng babae na pwede naman niyang tanungin para kumain ng lunch kasama niya, bakit ako? Ayaw pa kasi nilang aminin na mala-anghel ang mukha ko. Mali. Kalaban pala namin ang mga anghel. Mukha akong kalaban? Hindi pala. Erase that.





"Don't take this the wrong way pero bakit sa lahat ng babaeng pwede mong tanungin o yayain na mag-lunch kasama ka, bakit ako?" tanong ko sakanya.





Napatingin lang siya sa akin na para bang nagyayabang. Kung trip lang niya ito, aalis na ako.





"Sino ba naman ang hindi magtatangkang yayain ka mag-lunch?" tanong niya.





"Hindi mo naman sinagot tanong ko eh."




"Nagtatanong nga ako eh."




"Eh ako nauna magtanong kaya sagutin mo tanong ko."





"Wala. Nevermind."





Tinapos namin yung pagkain nila ng tahimik. Pagkatapos namin kumain, bumili ako ng cold coffee na nakasunod pa din sa akin si Gio.





"Sige na. Mauna ka na. May pupuntahan ako. Girl stuff." sabi ko kay Gio. May pupuntahan ako (totoo). Girl stuff (kasinungalingan).





Pupunta lang naman ako sa may garden ng school for something fun.



~




Inantay ko munang umalis yung mga tao sa garden na 'to bago ako gumawa ng something fun.





"Hmm... Magsu-summon ba ko ng ahas o ng palaka? Haha! Loka na ko eh." Saka ako tumahimik at nagisip pa. "Hmm."





'Swish. Swish. Swish. Ano bang pwedeng gawin? Sunugin ko kaya yung mga damo ng Garden na 'to?' Sabi ko sa isip-isip ko.




Tumayo na ko. Nakapag-desisyon na ko kung anong gagawin ko.




Nag-summon ako ng mga butterflies saka ko sila tinitigan habang lumilipad sila paikot-ikot.





Naalala ko pa nung bata ako, kapag naboboring ako o kaya malungkot nagsu-summon si Mama ng butterflies para sakin. Sabi niya titigan ko lang ang mga ito at mawawala na ang lungkot o pagkaboring ko.




*Tick Tock. Tick Tock*





Dinukot ko mula sa bulsa ko ang pocket watch ko. Dito ko nalalaman kung ano ang mga nangyayari sa kaharian namin at kung anong oras na ba duon. Maaari rin mag-usap ang mga Wizards gamit nitong pocket watch na ito.





Nagliwanag ang pocket watch ko. Tumatawag si Mama.




"Violet, anak. Kung tapos na ang klase mo bumalik ka na rito sa kaharian natin. May digmaang magaganap." Kinabahan ako sa sinabi ni Mama.




Digmaan... Kasali palagi si Papa kapag may Digmaang nagaganap. At kapag may digmaang nagaganap sa pagitan ng mga Angels at ng mga Wizards, delubyo naman ang nagaganap sa mortal na mundo.




"Po? Eh may klase pa po ako mamayang hapon eh."





"Lumiban ka na muna hangga't maaari. Alam mo naman kapag may digmaang nagaganap at hindi nakabalik sa kaharian ang mga wizards. Mahihirapan kang kontrolin ang kapangyarihan mo." Paalala ni Mama.





"Sige po. Mag-ingat po kayo dyan, Mama."




"Mag-ingat ka rin dyan, Violet."





At nawala na ang liwanag. Tinago ko na sa bulsa ko ang pocket watch ko. Tumingin ako sa kalangitan, kumukulog na. Nawala na rin ang mga paru-parong ni-sumon ko kanina.




Magsisimula na ba ang laban? Kailangan ko nang mag-teleport pabalik sa kaharian namin, kung hindi mata-trap ako rito at maaari akong mapahamak.




Tumakbo ako pero nagulat ako nung kumidlat sa harap ko. Nakakasilaw!





Nung maglaho na yung kidlat, tumakbo ako papunta sa isang bakanteng kwarto sa building ng campus namin. Sumandal ako at dahan-dahang umupo. Grabe. Hinapo ako dun.





Tumayo ako at sinubukang magteleport pero hindi na pwede. Nagsara na ang gate ng kaharian.





I'm trapped!!





"Ugh! Bahala na nga!" Inis na sabi ko saka padabog na umupo.





Kabanas!! Bakit ngayon pa?!





Napatingin ako sa pinto. Kailangan kong isarado ang pinto para kung sakaling di ko makontrol ang kapangyarihan ko, walang makakakita nito.





Tumayo ako at lumapit sa pinto. Ni-lock ko ang seradura saka bumalik sa pwesto ko. Ngunit di pa man ako nakaka-upo may parang gumagalaw na sa seradura ng pinto. Hinawakan ko ng mahigpit ang wand ko saka ko itinutok sa pinto para kung sakaling masira yung pinto handa ako.





Nawala ang kaluskos at kalabog kaya huminahon na ako. Tinago ko na yung wand ko saka ako naupo at nagpahinga.



~



"May tao pala dito. Uhm, Miss?"





Tsk. Dumilat ako at inangat ang ulo ko.





Paanong...?





Kinuha ko agad yung wand ko saka ako tumayo.





"Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko.




"Galing sa pinto." Sagot niya.




Nakakainis na ah. Tinutok ko sa kanya yung wand ko. Tsk. Eto na yung di ko mapigilan yung kapangyarihan ko.





"Wag mo nga kong lokohin. Uulitin ko. Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko ulit sa kanya.





Mukhang lumalabas na yung malamig na pawis niya tapos nangangatal pa siya.





"Lu-lumusot sa may pader." Sagot niya.




Kung kanina pakiramdam ko nagsisinungaling siya. Ngayon hindi na.





Pero... Lumusot sa pader? Parang may hinala ako dun ah?





Natakot siya nung may biglang lumabas na ilaw sa wand ko.





I swished my wand. Agad naman na may nagform sa braso niya na shield habang nakasangga siya sa wand ko. Woah. What a Warrior.





Lumabas yung orange na electricty-like sa wand ko at umikot-ikot sa kanya. HAHA! Mukhang di naman ako mabo-bore kung pagtitripan ko siya.





Pero hinding-hindi mawawala sa isip ko yung "Lumusot sa may pader" Paano niya nagawa yun? Kapag nakabalik na ko sa kaharian itatanong ko yon kay Mama.





Pero ngayon, magpapaka-silly muna ko dito at pagtitripan ko 'tong mortal na 'to. May kapangyarihan naman ako para alisin sa isip niya yung mga mangyayari ngayon eh.





2 comments:

  1. NTorPe c giO,,,, oBvioUs n yAn viOLet,,, aNo p bNg dHiLaN ng mGa LLking nTotOrpE,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. please pakituloy!

    ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶……..
    ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´¶¶……
    ´´´´´´¶¶¶¶¶´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶¶……….
    ´´´´´¶´´´´´¶´´´´¶¶´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´¶¶…………..
    ´´´´´¶´´´´´¶´´´¶¶´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´¶´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´´¶´´´¶´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´¶´´´´´´´´´´´´¶´¶¶´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
    ´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
    ´¶¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…
    ´¶´´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´¶¶….
    ´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶…..
    ´´¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´¶¶´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶…….

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^