Monday, October 22, 2012

You Got Me : Chapter Six

Chapter Six

Meeting with Mr. President and Madam President



            “Sigurado ka ba talaga, kailangan ko pang magpalit ng damit na ganitong ka-formal?” kasi naman, dumaan pa kami sa isang boutique para lang sa gown na to. “Hindi ako mahilig mag-suot ng ganito eh, ano ba kasi talaga ang meron?”


            “Yeah you really have to, it’s my Mom’s birthday today and she wants me to introduce someone to her as my SERIOUS girlfriend. And that is YOU, Demi.”



            What? I am his girlfriend? Hell no, as in big N-O!!! Alam kong NBSB member ako, pero hindi pa naman ako member ng DGC o Desperate Girls Club. Hindi pa naman ako desperada para patulan ang playboy na lalake na to, wala pa akong kakayahan na umiyak ng bato o kaya pako.


            “A-ako, g-girlfriend mo? Gago ka ba?!” hindi talaga ako makapaniwala eh. “Baka nakakalimutan mo kung pano kita napahiya sa harap ni Mr. President.” Isip ka pa ng magandang dahilan Demi, bilis. And hindi rin naman yata magandang tingnan na ikaw na future Mr. President ay may karelasyon kunwari na isang student ng university na pinamamahalaan nya.”


            “Then pay for all the troubles and damages you brought in my life, RIGHT NOW!”


            Kailangan talaga agad-agad, hindi pedeng pag-ipunan? “You know I can’t pay you as in right now!” sagot ko naman sa kanya.


            “Then do what I want you to do, BE MY GIRLFRIEND!”


            Be his girlfriend, ayoko talaga. Masasaktan ko ang damdamin ng bestfriend ko na si Milo, ayoko! “Ayoko ngang maging girlfriend mo, hindi nga kita type eh, ang yabang mo kaya. Saka kaya naman kitang bayaran, pero hindi agad-agad na akala mo kapag nagsalita ako may lalabas na one thousand peso bill sa bibig ko.” naku, kahit pa mayaman sya, pogi sya, at may nakakatulo-laway na abs, hindi ko pa rin sya papatulan. “Ganito na lang---“


            “And still you have the guts to give conditions, huh!”


            “Eh kasi naman, nakapa-unfair naman nung naisip mo, hindi makatarungan!” tama ba naman yung basta na lang nya akong hihilahin dito tapos magiging girlfriend nya? “Ganito na lang kasi, we are friends after what happened few days ago sa University. Tapos you are planning pa lang na ligawan ako, and kunwari hindi ako aware sa bagay na yon. Ok na ba yon? Iniisip ko lang din naman yung kapakanan mo, kasi alam mo yun, ano na lang iisipin sayo ng ibang tao, na nakikipag-relasyon ka sa isang estujante ng school na hinahawakan mo, isama mo na rin yung iisipin ng iba sa akin.” Mahabang paliwanag ko sa kanya, at sana lang tanggapin nya ang proposal ko.


            Alam kong natigilan sya sa mga sinabi ko, sana talaga tanggapin nya ang proposal ko. “Ok, muka nga na mas ok yang naisip mo. Besides I know na hindi maniniwala si Mommy na girlfriend na kita.” Hay salamat naman at pumayag na rin sya, salamat din at ginamit nya ang utak nya.


            “Pero kailangan ko pa ba talagang mag-ganito, as in fitted-long gown?” alam kong sexy ako, pero hindi ko naman na kailangan pang ipakita pa yon at ipagkalat sa buong Batangas. “Hindi ba pwedeng ganong gown na lang?”


            At itinuro ko sa kanya yung gown na kanina ko pa tinitingnan. Ang ganda kasi talaga eh, kulay black sya tapos madaming naka-dikit na maliliit na swarovski crystals, tapos above-the-knee length lang sya, tapos naka-balloon, basta ang ganda nya.


            “Try that, if that gown looks good on you, then iyan na lang ang bibilhin ko.”


            At ako naman ay excited na kinuha yung gown at sinukat sa fitting room. Kapag nagkataon at ibinigay nya sa akin to, may gown na naman na madadagdag sa black-dress collection ko. Pero bago pa ako pumasok ng fitting room, kinuha ko na rin yung sandals na nakita ko, ayos din pala minsan ang ganito eh.






            Pwede naman kasi na ako na lang ang mag-ayos sa sarili ko, bakit kailangang may make-up artist pa, ganito ba talaga kapag mayaman? Nag-check in pa kasi kami sa hotel kung saan gagawin yung party ng nanay ni Wacky, tapos dito na din daw ako aayusan at magbibihis, laking pasasalamat ko na lang kasi hindi kami magkasama sa iisang kwarto.


            “Are you ready, Demi?” tanong ni Wacky sa labas ng hotel room ko. “Can I come in?”


            Ready na nga ba ako, hindi ba talaga pwedeng mag-backout sa plano ni Wacky? “Sandali na lang, sige pasok ka na lang.” kasi naman eeh, para pa akong matatae nito sa sobrang kaba.


            “Anong hinahanap mo jan?” biglang tanong nya sa akin.


            “Yung ka-partner nitong sapatos ko! Nasaan na ba kasi yun?” peste naman kasi oh, bakit ba kasi kung ano-ano ang ginawa ko. “Tulungan mo naman akong maghanap oh.” Pagharap ko sa kanya, hawak na pala nya ang sapatos ko.


            “Eto ba ang hinahanap mo?” tanong nya sa akin habang hawak nya ang sapatos ko. “Ang burara naman kasi eh.”


            Burara daw, hampas ko sa noo nya yung takong nung sapatos ko na hawak nya eh. “Akin na nga yan!” hahablutin ko sana yung sapatos kaya lang iniwas nya eh, ang ending napasubsob ako sa sexy chest nya.


            “Hey, be careful!” at napayakap naman sya sa akin. “Here, isuot mo na to para maka-baba na tayo.” At bigla syang lumuhod sa harapan ko na akala mo nagpo-propose. “Give me your right foot.” Feeling ko tuloy ako si Cinderella, at sya ang Prince Charming ko.


            Shet, nakaka-windang ang mga nangyayari ha, may CCTV ba dito sa loob ng hotel tapos pinapanood pala kami nung parents nya?! “S-salamat.” Iyon na nga lang ang sinabi ko nautal pa ako, isa ka talagang epic fail Demi.


            “Let’s go! Kanina pa tayo hinihintay ni Mommy at Daddy.” At inalalayan na nya ako palabas ng kwarto. “Anyway, you really look perfect with that dress.”


            Teka yung puso ko nalaglag Wacky, paki-pulot naman. Malandi ka Demi, wag mong sabihin na nagkaka-gusto ka na jan sa lalake na yan dahil lang sa mga ipinapakita nya ngayon sayo?! Hindi pwede, hindi ako maaaring magka-gusto sa isang katulad nya na lumunok ng electric fan, na saksakan ng yaman, na sobrang ganda ng katawan, na sobrang nakaka-himatay yung ngiti nya, at sa kanya na mukang walang palalampasin na babae.


            “Thank you, I just hope that we can convince your parents sa little show natin.” Sabi ko na lang sa kanya, kasi kinakabahan talaga ako. Aba, first time ko yatang kailangang umarte at magsinungaling sa isang kagaya ni Madam President.


            “Wag kang masyadong kabahan, nandito lang ako sa tabi mo and I won’t leave you alone.”


            Taraklis naman oh, weakness ko ang mga ganyang lines eh. Ilang beses na akong muntik mahulog sa mga lalake na katulad nya, pero bilang hindi pa ako ready masaktan, lagi ko na lang silang iniiwasan. Sa oras na maging consistent si Wacky sa loob ng isang linggo na puro kabaitan ang ipinapakita nya sa akin, panahon na para iwasan ko sya.


            “Salamat Wacky. Siguro naman after nitong little show na to bayad na ako sa pagkaka-utang ko sayo?!”


            Tiningnan na muna nya ako bago magsalita “Ang ganda mo talaga Shen!” at nag-iwas na sya ulit ng tingin at lumapit sa parents nya. Let the show begin, Deminyita!


            “Mom, Dad!” tawag nya sa parents nya. “I want you to meet my special friend, Demi Shen. Shen, meet my Mom and my Dad.” pagpapakilala nya sa akin at sa parents nya.


            “Good evening po Mr. President, Madam President. Happy birthday po Mam.” Bati ko naman sa parents ni Wacky.


            “Honey, totoo pala yung sinasabi ninyong dalawa ni Wacky na maganda nga sya. It’s so nice to meet you iha!” at ni-beso pa ako ni Madam, pleasure overload ako dun. “I admire you for having the guts na sigawan ang anak ko sa harap ng madaming tao.” Anu daw?


            “Mom, wag mo na pong ipaalala yun, nakakahiya eh.”


            “Pasensya na po talaga sa nangyari sa university noon, Mam, Sir.” Naka-yuko kong sabi sa kanila. “Pasensya na rin po Mam, wala rin po akong regalo sa inyo, eto po kasing si Wacky hindi agad sinabi na birthday nyo po pala.”


            Inakbayan naman ako ni Madam, at sinabing “Walang problema doon anak, ang mahalaga pumunta ka. Ok na ring regalo sa akin yung mapatino mo ang anak kong ito.” At si Wacky naman ang nilapitan nya. “Ikaw Wacky, magpaka-tino ka na. Wag mo ng pakakawalan itong si Demi, I can say that she’s a nice girl. She’s the only girl I know that do such things to you, she’s one of a kind so don’t let her go, ok?”


            Anu ba yun, bakit may mga ganong sinasabi si Madam? Ano bang mga sinasabi nitong si Wacky sa parents nya tungkol sa akin at ganito ang sinasabi ng Mommy nya?


            “Iha, can I ask you something?” at sumagot naman ako kay Mr. President na pwede naman. “Are you and my son Wacky has a, you know, a relationship? Sinagot mo na ba ang anak ko?”


            This family is so imposibble, nakakaloka silang kausap. Para bang ang alam nila ay matagal na akong nililigawan nitong mokong na Mahangin Man na to. “Naku Mr. President, mag-kaibigan lang po kami ni Wacky, hindi po nya ako nililigawan.” Sagot ko naman sa kanila, kasi iyon din naman talaga ang napag-usapan namin ni Wacky kanina. Pero ang loko naman, bigla na lang namula ang buong muka.


            “Dad naman eh, inunahan nyo na naman ako. Hindi ko pa nga po nasasabi sa kanya na may balak akong ligawan sya eh.” infairness, may future sya sa pag-arte ha, kung hindi ko lang alam na ganito ang sitwasyon maniniwala ako sa kanya. “So Demi, I will court you whether you like it or not, you should like it.”


            At ako namang si gaga, namula pa rin kahit alam kong kunwari lang ang lahat. Kitang-kita tuloy dun sa mag-asawa na kinilig sila sa mga nangyayare. Mabuti na lang at may lumapit sa kanila na mga bisita at hinayaan na kami.

            “Hey Wacky, ang galing mong artista ah!” sabi ko sa kanya nung maka-layo na kami sa parents nya. “Nag-practise ka ba kanina sa CR ng hotel room mo?”


            “Nope, it just come naturally!” mayabang talaga.


            “Hey yho, wazzup Wacky boy? Oohhh, who’s this pretty lady beside you?” rapper ba ang isang to, sino ba sya? “Hi Miss, I’m Gino and Wacky is my best cousin, please to meet you. Boyfriend mo ba ang isang to?”


            “Hi—“


            Bastos din tong si Wacky eh, sasagutin ko lang naman yung mga tanong ng pinsan nya eh. “She’s Shen and she is mine, Gino.” Possessive much naman ang isang to, as if namang aagawin ako ng pinsan nya.


            “Hey Wacky, may sakit ka ba, parang ngayon ko lang nalaman na may pagka-possessive ka pala sa mga babae? Don’t worry dude, I don’t have any plan na agawin sya sayo, kung meron ka mang dapat pagdamutan kay Ms. Beautiful, si Jerwin yon.”


            Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, sino ba yung Jerwin na yon?! “Please excuse me, I’ll just get some drink.” at tinanggal ko yung pagkaka-hawak ni Wacky sa bewang ko at naglakad papunta kung saan nakalagay yung mga drinks.


            Pagkakuha ko nung drinks ko, hindi na muna ako bumalik kung saan ko iniwan si Wacky. Tamang libot muna ako dito sa hotel, manghang-mangha naman ako sa nakikita ko kasi sobrang class talaga nitong hotel na for sure mahal ang bayad. Sa kakalakad ko, napahinto ako bigla ng makita ko yung bar counter na parang tinatawag ako para mag-mix ng sarili kong drinks.


            Hindi ko naman mahindian ang tawag nung bar counter kasi ang ganda nya saka kumpleto sya sa lahat ng gamit at mixes. “One Bloody Marry for me, and one Mojito for Mahangin Man. Ma-experience ko lang mag-mix ng drinks sa isang class na hotel. At hindi nagtagal ay natapos ko na ang Bloody Marry ko at Mojito ni Wacky.


            “Tastes good! Ang galing mo talaga Demi-licious babe!” ang nasabi ko after kong tikman yung drinks na nagawa ko. “Wacky!” tawag ko sa kanya na may iba ng kausap.


            Napalingon naman agad sya, at nilapitan ako. “Where have you been, hinahanap ka kanina ni Mommy ah.” Pasensya naman, nag-enjoy kasi ako sa napuntahan ko eh.


            “Here, for you!” at iniabot ko sa kanya yung mojito na ginawa ko for him. “Bakit nga pala ako hinahanap ni Madam?”


            “This is your own mix of Mojito, right?” alam nya agad na ako ang gumawa nun? “Ang sarap mo talagang gumawa ng mojito.” Kinurot nya ang ilong ko at inakbayan na nya ako at lumakad pabalik dun sa mga kausap nya kanina bago ko sya tawagin.


            Ipinakilala nya ako sa mga kaibigan nya, at sobrang nahihiya ako kasi ang yayaman nila at ang gaganda nilang tao. Walang panama yung ganda ko sa mga female friends nitong si Wacky, tapos yung ibang babae ang sama ng tingin nila sa akin kasi naka-akbay sa akin si Wacky.


            Bigla namang nagpatugtog ng sweet music, at alam na ang susunod na naganap. “Hey Wacky, isayaw mo naman kami.” Sabi nung Lindsay kay Wacky, sabay tingin sa akin.


            “Can I dance with you beautiful lady?” tanong naman sa akin nung isang lalake na hindi ko alam kung saan nanggaling. “Can I?”


            At biglang bumaba yung kamay ni Wacky sa bewang ko at saka sinagot ang tanong nung lalake. “No you can’t Jerwin, she is mine.” So, sya pala yung Jerwin na pinag-uusapan nung pinsan nya na si Gino.


            Napansin ko lang ha, kanina pa sya ‘she’s mine’ ng ‘she’s mine’ eh kailan pa ba nya ako naging pag-aari? Nakakaloka talaga ang pamilya nya, tapos hinahanap pa daw ako ni Madam President.


            “Is she your girlfriend Wacky?” tanong nung Jerwin.


            Sa tatlong magpi-pinsan, wala kang sisipain palayo eh, ang gagandang tao. Kung nandito lang ang Bading-Girls Zee, for sure tutulo laway nilang apat sa dalawang mag-pinsan na to.


            Hindi naman agad nakasagot si Wacky sa tanong ng pinsan nya, kasi for sure hindi nya alam kung ano bang dapat nyang isagot. Kung oo ang isasagot nya, para na rin syang nagsinungaling sa parents nya, pero kung hindi naman ang isasagot nya, takot sya na baka pormahan nga ako nitong pinsan nya. But come to think of it, ano naman ang ikinakatakot nya kung liligawan man ako nitong pinsan nya eh hindi naman din nya ako gusto? Ah, alam ko na, kasi masisira yung mga plano nya. Eh bakit ayaw pa nyang sumagot ng “OO” sa pinsan nya?


            Sasagot na sana ako ng oo, kaya lang naunahan na ako ni Wacky eh. “Oo, she’s my girlfriend, so stay away from her.” At inakay na nya ako papunta sa gitna ng dance floor.





8 comments:

  1. ahh so birthday lang pala ni madam.. akala ko iba na eh.. assumera ko nman.. hahah

    what??? GIRLFRIEND na kagad?? agad2??? kyaaaahhh!!!!! i so love it!!! super KILIG!!

    feeling ko talaga ako si cinderella!! so SWEET!! naalala ko tuloy ung scene sa princess hours.. naks! Naka chansing pa ko sa sexy chest nya.. hanggang tenga na talaga ung ngiti ko .. hahaha

    abah! Possesive ung loko.. F na F nya talaga ha.. ilang beses ko talagang binasa to,as in.. hahaha

    pinalilibutan ako ng mga oh so handsome na lahi ni adan,ang swerte ko nman!! and mind u pipol,mei new name "Bading girls Zee".. winner!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nTawa diN aq dUn sObra,,, uBer sa nkKiLig,,, yaY,,,

      Delete
    2. girlfriend agd ni wacky eh! ahhahha!!! back off!

      Delete
  2. hanggang ngayon,curious pa rin ako kung sino tong joacqin miguel sa buhay ko.. haha.. sana nman malayo pa ang lalakbayin nitong story.. haha

    ReplyDelete
  3. Pasensya na po kayo at hindi ako madalas makapag-reply sa mga xomment nyo. Actually hindi na talaga ako nakakapag-reply, pero super thankful ako na patuloy nyo pa ring sinusuportahan ang mga kabaliwan ko.

    Hindi ko po magawang makapag-reply dahil bihira lang akong makapag-OL ngayon, at sumisilip lang ako. Pero I assure you na super naa-appreciate ko yung mga comments ninyo at patuloy na pagsuporta ninyo sa akin kahit pa super tagal ng mga UD's ko... Pasensya na po talaga dahil abala lang po ang lola nyo dahil sa napakaramig bagay... Sana wag kayong magsawa na basahin ang mga gawa ko..


    Aymishu all na...

    ReplyDelete
    Replies
    1. i miSs u tOo atEy,,, abaNg abaNg LnG aq sa updAte mU,,,

      Delete
  4. super love na talaga si Demi :) hahaha kilig much ang peg :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^