Labyu, bespren!
By TheSweetGirl14
Siya yung
taong, parati mong matatakbuhan. Yung taong handa kang tulungan lalo na sa oras
ng kagipitan. Nandyan parati para sandalan mo kapag basag ang puso mo. Nandyan
para sapakin ang taong nagpaluha sa magaganda mong mata. Para patunayang hindi
ka walang kwentang tao.
Ngunit
paano kung isang araw… Magtanong siya…
“Bespren, bakit
ka umiiyak?”
Halimbawang
galing siya sa girl friend niya at nang Makita ka niyang umiiyak, nilapitan ka
niya at tinanong.
Mahal mo
siya… Pero hindi mo kayang sabihin dahil para sa’yo huli na. Huli na para
ipagtapat ang katotohanan. Ang katotohanan na hanggang pangarap na lang.
Umiling
ka at sinagot ang tanong niya. “Wala, bespren. Wala lang ‘to.” at hindi mo
sinasadyang mapahikbi.
Bumakas
sa boses niya ang inis. “Wala? Bespren,
hindi pwedeng wala lang yan. Sabihin mo sakin, sinong nagpaiyak sa’yo?” Matapang
na tanong niya.
Sumagot
ka na siyang ikinagulat mo rin. “Ikaw.” Mahina mong sabi.
“Ako? Bakit
naman kita paiiyakin? Bespren kita kaya hindi ko magagawa sa’yo yun.”
Nagtataka niyang tanong.
Sumagot
ka na muling ikinagulat mo na naman. “Dahil Mahal kita, bespren.”
~~~
Ako si Kylie Vin
Rodriguez.
Ako si Nathan Harris Garcia.
~~~
Nagsisisi na ako.
Nagsisisi ako.
Kung bakit sinabi ko pang mahal ko siya.
Kung bakit hindi
manlang ako umamin na mahal ko rin siya.
Nilayuan niya tuloy ako.
Nilayuan ko na
lang siya kesa masaktan ko pa siya.
Ang tanga-tanga ko talaga!
Ang gago ko
talaga!
Sana mas pinili ko na lang na itikom ‘tong bibig ko.
Sana mas pinili
ko na lang na sabihin ang totoo.
Edi sana ngayon, magkaibigan pa rin kami.
Edi sana ngayon,
higit pa kami sa magkaibigan lang.
Sana mas pinili ko na lang na limutin ng tuluyan ‘tong
pag-ibig ko para sa kanya.
Sana mas pinili
ko na lang na sabihin ng mas maaga ‘tong pagibig ko para sa kanya.
Sana pagdating ng tamang oras, mahal niya na ko.
Sana pagdating
ng tamang oras, mahal niya pa ko.
~~~
Muli
kayong nagkita ng bespren mo dati, nagkabanggaan kayo, sa tingin mo hindi ‘yon
basta banggaan dahil parang sinadya niya. Parehas pa kayong nagkasabay ng
pagsasabi ng ‘Sorry’. Dahil na-miss ka daw niya, pumunta kayo sa isang Ice
Cream Parlor at dun nagbalitaan. Napunta sa usapang ‘Love’. Naalala mo yung
sinabi mo sa kanya nun kaya medyo nailing ka.
“Break na kami.” Bigla niyang banggit.
Napa-tanga
ka sa hangin.
Ano?
Break na sila?
“Kelan pa?” Tanong mo na hindi makapaniwala.
“Matagal na
kaming break. Hindi mo lang nahahalata dahil magkaibigan na kami nun simula pa
nung bata kami. Kinalimutan na namin yung pag-ibig namin sa isa’t isa.” Paliwanag
niya sayo.
Nagtataka
ka pa rin. “Bakit
naman kayo naghiwalay?”
“Dahil mahal
kita, mas mahal kita kaysa sa kanya.” Simpleng sagot niya sayo.
“Ba-bakit ako?” Nagtataka mong tanong sa kanya.
“Dahil mahal
kita dati pa. One month after mong malaman na kami ni Helen, nag-break na kami
nun. Sinabi ko yung totoo sa kanya, ayun natanggap niya naman agad kaya wala
kaming naging problema sa break up namin.” Paliwanag mong muli sa kanya.
Napangiti
ka, at nagulat ka na lang nang may tumulong luha sa mga mata mo. Tumayo ka at
in-extend ang mga braso mo para yakapin siya.
“Labyu, bespren”
“Labyu too, bespren”
ang cute!!! hwahahaha!!! ang cute nung salitan nilang POV! *clap clap*
ReplyDeleteuU ngA,,, aNg cuTe nuNg paRt na uN,,, gaNda nitOng 1shOt na 2,,,
Deletewaah!! hangkyut aman po :)
ReplyDeleteuu nga ang cute ng story! short but wonderful! ahhahahaha!!!! gumganung comment n din aq ha? hahaahhahahahahha!!!
ReplyDelete