Wednesday, October 10, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 5

WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM

CHAPTER FIVE


     NAKA-PAG-DESISYON na kami. Babalik kami sa Campsite para hanapin ang sinasabi ni Doctor Park na Stone of Destiny. Wala na kong magawa, nabanggit din naman kasi nya na makakatulong ang Stone of Destiny para mahanap namin si Kei.





     "Hindi ba pwedeng ipagpa-bukas na lang natin 'to? Kung babalik tayo sa campsite, maaalangan tayo sa daan. Sobrang layo kaya nun."





     May punto nga naman si Jeremy. Pero sabi kasi ni Doctor Park kailangan naming mahanap at makuha yun kahit anong mang-yari. Kahit magunaw pa mundo ngayon. Kasi nga daw pag naunahan kami ng Dark Prince malalagot na daw tayong lahat. Kasama ka. Gagawin ka nyang mangkukulam. Gusto mo ba yun?? Ako hindi!





     "May paraan para mapabilis tayo. Sumunod kayo sakin!"sabi ni Doctor Park. Nauna syang lumabas habang inalalayan naman ako ni Jeremy nung tatayo na ko sa kama.





     "Bakit naman kasi naniniwala ka sya kanya? Mamaya ginogoyo ka lang nyan eh!"bulong pa sakin ni Jeremy. Tinulak ko nga sya.





     "Gaya mo naman sya sayo!"sabi ko sabay sunod kay Doctor Park.





     "Hoy Jay!"tawag pa sakin ni Jeremy pero hindi ko na sya nilingon.












     Madilim na sa labas. Mga ilaw na lang sa poste yung nag-sisilbing liwanag sa kabuuhan ng Central Market. Yung ibang mga tindahan sarado na. Aga nga nag-sara ni Aling Tin eh. Bakit kaya? Marami siguro syang customer kanina.





     Hindi ko alam kung san kami dadalhin ni Doctor Park. Basta nag-lalakad kami ngayon na para bang may humahabol saming killer. Siguro nakaramdam na rin ng hingal si Jeremy kaya nag-reklamo na sya kay Doctor Park.





     "Doctor Park! Balak mo ba kaming pag-lakarin hanggang sa campsite? Ito ba yung naisip mo para mapadali tayo?"pilosopong tanong ni Jeremy.





     "Pupunta tayo kay Sidh, isa syang Fairy Rath. Madadala nya tayo sa Campsite na hindi na natin kinakailangang bumyahe."paliwanag ni Doctor Park.





     Fairy Rath? Sabi ni Doctor Park makakarating daw kami sa Campsite na hindi nakailangan pang bumyahe. Pano yun? Magte-teleport kami? Parang ayaw ko talaga maniwalang nang-yayari sakin 'to ngayon!





     Napakunot ang nuo ko kasi yung way namin papunta sa Underground Market. Kung saan ko nakita yung babaeng nang-hula sakin noon. Bigla ko tuloy naalala yung mga sinabi nya sakin. At lahat yun isa isang nang-yayari ngayon.





     Tuloy tuloy lang kami sa pag-lalakad habang nasa isip ko yung mga sinabi ng babae sakin. Bigla akong kinilabutan. At isa pa, nag-katotoo din yung panagip ko tungkol dun sa nang-yari nga sa campsite. 





     Bakit ganito? Bakit hindi ko pinaniwalaan noon pa lang yung mga sinabi ng babae at yung napanaginipan ko? Hindi na sana nang-yayari ang ganito ngayon. Bakit hinayaan ko pang maging kuplikado ang lahat?





     Pero hindi ko naman kasalanan diba? Ano bang malay ko na totoo nga yung mga sinabi nung babae at napanaginipan ko? At tsaka bakit naman kasi palaisipan pa yung mga sinabi nya? Pwede nya naman akong diretsohin na lang. Hay! Para na kong nababaliw sa mga nang-yayari!





     "Nan dito na tayo."bumalik ang ulirat ko ng mag-salita si Doctor Park. Napalingon ako sa paligid, ganun parin wala paring pinag-bago ang lugar. Puro tent parin ang makikita mo at napakaliwanag ng paligid. Pero this time wala ng snow effect sa kisame.





     Pumasok si Doctor Park sa tent na hinintuan namin. Sumunod naman si Jeremy sa kaniya bago ako. Pag pasok sa loob bumulaga samin yung ibat ibang klase ng mga bote na may laman na kung ano ano na nakapatong sa shelf. 





     May mga accessories din na parang pang mga tribo yung design tulad nung dream catcher. Yung maliit na pangil na kwintas, may mga balahibo ng kung ano ano na ginawang kwintas at key chain. Sa kanang bahagi may book shelf na mula kisame hanggang lapag ang haba. Syempre puro libro laman, mga lumang luma ng libro.





     May kadiliman sa loob. Yung gitnang bahagi lang ng tent ang maliwanag. Yung liwanag nya nang-gagaling sa gitnang bahagi ng tent. May malaking aparador sa harapan. Sa lapag naman na tinatamaan ng sinag ay may bilog na chart. Alam mo yung chart sa horoscope? Parang ganun yung itsura nya. Hindi ko masyadong maintindihan, basta may mga numbers sya tapos parang may mga constellations na naka-drawing dun sa lapag.





     Sinilip ko yung pinang-gagalingan nung liwanag, may butas yung tent at magugulat ka kasi dun sa butas na yun makikita mo yung langit! Walang mga stars pero bilog na bilog at kulay orange yung buwan. Pero imposible, kasi underground nga ang lugar na yun. Wala kang masisilip na langit dun, ni hangin nga wala kang madadama eh.





     Pero di ko parin maiwasang magdalawang isip kung totoo nga ba talaga yung nakikita ko o props lang. Nilingon ko si Jeremy para sana ipakita sa kaniya yung nakita ko pero busy sya sa kababasa ng isang makapal at lumang lumang libro. Hinayaan ko na lang sya at binalik ko ang panignin ko dun sa kakaibang props.





     Napaatras ako nung biglang bumukas yung aparador at may lumabas na isang lalaki. Pareho pa kaming nagulat nung mag-katitigan kaming dalawa. Nag-taka na lang ako ng bigla syang nag-vow sabay sabing...





     "Ano pong maipag-lilingkod ko Mahal na Hari?"sabi nung lalaking nakasuot ng kapa at may hawak na sandok. At anong ginagawa ng isang lalaking may hawak ng sandok sa loob ng aparador???





     Hindi sya sakin nakatingin kundi dun sa likuran ko. Pag-tingin ko si Doctor Park yun. Tinawag nyang Mahal na Hari si Doctor Park? Bakit?





     Oo nga pala. Sabi ni Doctor Park galing sya sa Second Dimension. Sa Kingdom of Ablach. Kung ganun, si Doctor Park ang hari sa Kingdom na yun at totoo ngang may kaharian ng mga elemento dito sa mundo ng mga tao? Dapat na ba akong maniwala sa mga nakikita ko at mga bagay na naririnig ko?





     "Sidh, nahanap na ang Stone of Destiny."balita ni Doctor Park kay Sidh. Nag-vow ulit si Sidh.





     "Natutuwa po akong malaman yan Mahal na Hari."sa bawat salitang Mahal na Haring binibitawan ni Sidh feeling ko mababaliw ako.





     Alam mo yung feeling na normal yung buhay mo tapos biglang papasukan ng mga magic magic na tulad nito ngayon. Parang nakaka-frustrate diba?





     "Pero Sidh, nawawala sya ng atakihin ng Lamia ang Satori."tiningnan ako ni Doctor Park nung sabihin nya yung Satori kasi ako nga daw yun.





     "Kung ganun sya po ang itinakda? Kailangan po nating mahanap ang Stone of Destiny sa lalong madaling panahon kung nawawala man po ito. Lalo pa na nag-babadya ang kasamaan. Nararamdaman kong sobrang lakas ni Lycus ngayon dahil ngayon ang unang araw ng Luteus Mond."





     Mukhang silang dalawa lang ang nag-kakaintindihan sa mga pinag-sasabi nila. Lumapit na rin si Jeremy samin ng makita nya si Sidh.




     "Tama ka. Orange nga ang buwan ngayon. Araw ni Lycus, kayang kaya nyang gamitin ang Black Magic nya para makagawa ng masama. Kaya nga hihingi ako ng tulong sayon na dalhin kami sa lugar kung saan naiwala ng Satori ang Stone of Destiny."orange ang buwan? Ibig sabihin totoo ang nakikita ko dun sa butas? Pero pano nang-yari yun?





     "Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko Kamahalan."tapos nag-mamadaling bumalik si Sidh sa loob ng malaking aparador. Ano kayang meron sa loob nun? Curious lang ako...





     "Jay, heto na ang magic na mag-papatunay na totoo lahat ng sinasabi ko sayo."nang sabihin yun ni Doctor Park ay nakaramdam ako ng excitement. 




     Maya maya pa ay bumukas ulit ang aparador at may dala nang maliit na banga si Sidh. May nakalagay dun na kulay silver na buhangin na parang may maliliit na glitters dahil kumikintab sya.





     Nakasuot na rin ng Witch Hat Sidh. Ewan ko kung para saan pa yun. Tinawag nya kami at inutusang lumapit dun sa gitna ng bilog na chart na may mga numbers at constellations. Sabi nya tumapak daw kami sa pinaka-gitnang bilog. Ginawa naman namin. Tumapak din sya dun. Ngayon lahat kami naka-palibot na sa bilog.





     Ilang saglit pa may mga binubulong nang salita si Sidh na hindi ko maintindihan. Maiksi lang sya eh. Di ko talaga maintindihan. Parang alien words. Pag tapos ng chant na yun sinaboy nya yung hawak nyang silver at kumikintab na buhangin sa tinatapakan namin.





     Bumilis yung tibok ng puso ko nung unti unti kaming lumulubog dun sa kinatatayuan namin. Napakapit ako kay Jeremy, ganun din sya sakin. Halatang nine-nerbyos na kaming dalawa. Parang kumunoy na unit unit kaming nilalamon nung lupa.




     Bigla ko na lang naramdaman na parang binabatak yung katawan ko. Para akong biglang naging goma na hinahatak para humaba. Sumisikip na yung dibdib ko. Halos hindi na ko makahinga. Sumasakit na yung ulo ko dahil dun sa pressure na humahatak sa mag-kabilang dulo ng katawan ko.





     Parang pilit akong pinag-kakasya sa napakaliit na butas. Makalipas ang ilang segundo lumuwang yung pakiramdam ko at parang biglang nalaglag yung pulso ko nung mahulog kami mula sa pinanggalingan namin.





     Basang surface ang binagsakan namin. Nilingon ko ang paligid, pamilyar sakin ang lugar. Tama! Dito yung lugar kung saan ako nawala at sinugod ng Lamia.





     Lumapit sakin si Jeremy para tulungan akong tumayo. "Okay ka lang?"tanong nya sakin. Tango lang ang sinagot ko.





     "Naan dito na tayo."sabi ni Sidh.





     Oo nga, nan dito na kami sa campsite. Hindi ako makapaniwala. Speechless ako. Nakarating kami dito na hindi man lang kami gumamit ng sasakyan o dumaan man lang sa high way. Nakarating kami dito dahil sa Magic na ginawa ni Sidh.





     Magic, nasaksihan mismo ng dalawang mata ko ang mga nang-yari. Akala ko sa mga kwento lang nang-yayari ang mga ganun. Akala ko mga kathang isip lang sya ng tao. Pero, hindi ko inasahan na ako mismo, makakaranas ng ganito.














     I now do believe in Magic...














. . . to be continued





6 comments:

  1. aNg gLinG,,, naiMagiNe q Ung mGa naNgyYari skaniLa,,,

    PeRo dUn sa LaMia, naiiMagiNe q tLga dUn uNg deMon,,, naPanood q ksi duN sa moVie n drAg me to hELL,,, LAmia dUn eh,,,, hwAheHe, naishaRe q LNg,,,

    ReplyDelete
  2. yup .. dun ko nakuha na drag me to hell yung lamia .. that time umiisip ako ng iba pang creature na humihigop ng kaluluwa ng tao .. nung time na yun sakto nanonood si kuya ng drag me to hell .. kaya yun .. hehe .. medyo dinagdagan ko nga lang yung characteristic ng lamia ko para masabi lang na may kwenta sya sa story .. haha !!!

    ReplyDelete
  3. nakakaamaze! ang galing ng story na ito! ibang-iba ang pagkafantasy niya sa wizard's tale. this is also unique in it's own way! keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naiiyak naman po ako sa comment mo .. ito na po yung best comment na nabasa ko .. the best nmn po lahat ng nag-co-comment sakin pero iba po kasi tlga kapag nasabihan ka na unique ung work mo .. that means wlang katulad ung ginawa mo .. salamat po talaga ..

      Delete
    2. i agree with little miss piggy there. it's because of wizard's tale kaya ako naintroduce sa tagalog fantasy. and i think its because of her kaya ang dami na ring nagsulputan na fantasy ngayon. madalas kasi na nababasa ko, puro gangster-romance. hindi mo aakalain na maganda rin pala ang tagalog fantasy. but then after nga ng wizards tale, napansin kong ang daming gumaya sa style niya and so i thought ganito rin ang mangyayari sa story na ito.

      but you proved me wrong. its really different, may ibang twist kaya hindi mo masasabing rip-off ito sa wizards tale. and gagayahin ko na lang rin si piggy ulit. it's unique. period! thumbs up for you eun seungri.


      and by the way, i forgot to thanks you kasi nabasa ko pala na special mention mo ako sa isang update mo noon. but then i had no time na magcomment noon. THANK YOU. but sasabihin ko lang na LALAKI po ako. haha, i know it's weird may lalaking mahilig magbasa ng ganito. pero hindi lang talaga nila alam na maganda magbasa ng mga ganito. don't worry, i'm not mad anyway.

      Delete
    3. T.T salamat salamat salamat .. ito nmn po yung pinaka-mahabang comment na natanggap ko .. salamat po talaga ..


      OPPA-nim .. sorry po kala ko kasi tlga na babae kau .. pasensya na po .. salamat po ulit .. NOMU JINCHA SARANGHAEYO OPPA-NIM .!!!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^