WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER SIX
HANGGANG sa mga oras na 'to ay speechless parin ako sa mga nasaksihan at napatunayan ko. Mahirap nga lang talaga sigurong tanggapin kapag napatunayan mong totoo ang isang bagay na pinanindigan mong hindi totoo.
Nakatitig lang ako sa lupa, hindi ako gumagalaw. Kung hindi pa nga ako kinalabit ni Jeremy hindi pa ko matatauhan eh.
"Okay ka lang ba?"alalang tanong sakin ni Jeremy.
"O--Oo. Ayos lang ako. Nagugulat lang talaga ako sa mga nang-yayari. Ikaw? Bakit parang hindi ka nagugulat?"para kasing baliwala lang kay Jeremy yung mga magic na nang-yayari.
Napaiwas sya ng tingin sakin bago sumagot. "Ano ka ba! Naalala mo bang fanatic ako ng mga Wizards stories? Expected ko na yung mga ganitong pang-yayari. Hindi na kagulat gulat para sakin 'to."
Sa bagay. Nakalimutan ko. Wiztail nga pala si Jeremy. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong klase ng event. . . . pero iba ang nababasa lang sa totoong nang-yayari diba? Bakit parang walang epekto kay Jeremy yun? Nag-taka tuloy ako ng wala sa oras.
"Dakilang Satori, maari bang simulan mo na ang pag-hahanap sa Stone Of Destiny?"nabaling ang atensyon ko ng tawagin ako ni Sidh. Natuwa naman ako bigla nung sabihin nyang dakila ako. Tsaka ang lalim mag-tagalog ng isang 'to. Parang galing pa sa panahon ng Kastila 'tong si Sidh.
"Sige."sagot ko sa kaniya saka sinimulan ko nang mag-hanap. Hindi ko na kailangan ng ilaw kasi maliwanag ang sinag ng buwan.
Iniangat ko ang ulo ko para tingnan ang buwan. Parehong pareho sya ng nakita ko dun sa butas ng tent ni Sidh. Kulay orange sya. Ang pinag-tataka ko, bilog na bilog ang buwan pero walang mga stars. Bakit kaya? Part din ba ng magic yun?
Sa totoo lang marami akong tanong sa isip ko simula nung magising ako sa clinic ni Doctor Park hanggang ngayon na hinahanap namin ang Stone of Destiny. Pero hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Isa pa busy si Doctor Park at Sidh sa pag-hahanap ng mahiwagang bato na yun.
"Wag kayong titigil sa pag-hahanap. Kailangan nating makita ang Stone of Destiny bago pa malaman ni Lycus na nawawala ito."sigaw ni Doctor Park. Nakita kong nag-hahanap na rin pati si Jeremy kaya sinimulan ko na rin ang pag-hahanap.
Nagulat ako nang biglang mag-ring yung phone ko. Ngayon ko lang napansin na may cellphone pala ako sa bulsa. Madali kong kinuha yun para sagutin ang tawag galing kay mama.
"Hello ma?"naan dito rin pala sina mama at papa sa campsite. Baka mag-taka sila pag nakita nila kami na nan dito din. Samanatalang hindi naman nila kami nakitang dumating.
"Hello Jay, pauwi na kami galing sa campsite nyo. Nasaan ka na ba? Nan dyan ka parin ba kay Doctor Park? Dadaanan ka namin dyan ngayon para sunduin."hindi ko alam kung ano idadahilan ko. Pauwi na pala sila at gusto nila ko daanan sa clinic ni Dcotor Park. Pero nan dito nga kami ngayon sa campsite.
"W--wag na po ma."nauutal ako, hindi ko kasi alam idadahilan ko. "Ano kasi---"sabihin ko na lang kaya ang totoo na nan dito ako sa campsite? "Nan--nan--papunta ako sa campsite ngayon para tumulong sa pag-hahanap kay Kei. Kasama ko sina Doctor Park at Jeremy."pag-amin ko na ikinagulat ni mama.
"Ano? Naku! Pauwi na kami! Sana nasabi mo nang maaga para hinintay ka na lang namin! Malapit na kami sa Central Market. Masyado ng malayo kung babalik pa kami."
"Wag na po kayo bumalik. Mag-papahatid na lang ako kay Doctor Park mamaya. Wag kayo mag-alala."
"O, sige. Mag-iingat ka dun hu?"
"Opo ma. Bye."nag-tagal ang usapan namin ng halos dalawang minuto.
Sa pag-off ko ng cellphone ko ay may napansin akong umiilaw sa ilalim ng malapad na dahon. Nilapitan ko yung umiilaw na yun, kulay blue sya. At nung makuha ko natuwa ako dahil yun na pala ang hinahanap naming Stone of Destiny.
"Nahanap ko na!"sigaw ko sa kanila tapos sinuot ko ulit sya sa leeg ko. Sabay sabay silang napatingin sakin. Lumapit sakin si Doctor Park para kumpirmahin kung yun nga talaga ang Stone of Destiny. Napangiti sya sakin.
"Iyan nga ang Stone of Destiny. At ikaw nga talaga ang hinirang na Satori."nasa mukha ni Doctor Park ang pagiging proud nya sakin. Nilingon ko si Jeremy, parang may bumabagabag sa kaniya dahil mahahalat mo sa mukha nya. Parang may takot na hindi ko alam kung para saan ba yung takot na yun.
"Kailangan na nating pakawalan ang apat na Druids Kamahalan, Dakilang Satori."singit naman ni Sidh sa urgent nyang boses.
"Tama ka. Umpisahan mo na."sabi naman ni Doctor Park kay Sidh. Tumango si Sidh at lumingon sakin.
"Lumapit ka sa ilog at tapakan mo ang repleksyon ng buwan sa tubig."utos sakin ni Sidh. sinunod ko naman pero bago ako lumakad ay pinigilan ako ni Jeremy.
"Jay."tawag nya sakin sa mahinang boses. Kwestyonable ko syang nilingon. Mas lalong nakita sa kaniya ang takot at pag-aalala.
"Dakilang Satori. Gawin mo na."pilit ni Sidh kaya tinapik ko yung kamay ni Jeremy, nginitian ko sya para malaman nyang okay lang ako saka ako lumakad dun sa ilog. Hinanap ko yung repleksyon ng buwan dun sa tubig.
Napakunot ang nuo ko dahil wala akong makitang orange na buwan kundi silver na buwan ang nakikita ko. Tiningnan ko yung buwan sa taas ng langit. Orange naman sya pero bakit sa reflection nya sa tubig natural na kulay lang ng buwan ang nakikita ko. Part din ba 'to ng magic?
Sinunod ko yung sabi ni Sidh. Tinapakan ko yung reflection ng buwan. Kahit na hindi ko alam kung para saan pa yun. Pero dahil sa gusto kong malinawan. Tinanong ko si Sidh.
"Para saan ba 'to? Tsaka bakit mag-kaiba yung kulay ng buwan sa langit kesa sa reflection nya sa tubig?"kunot nuo kong tanong.
"Ang orange na buwan ang nag-sumisibolo sa kasamaan at ang tunay na anyo at kulay ng buwan naman ang sumisimbolo ng bagong pag-asa. Ikaw ang susi na makapag-bubukas sa pag-asang matagal ng inaasam sa Kaharian ng Tir Na Nog."pag-tapos na sabihin ni Sidh yun nag-umpisa nanaman syang mag-salita ng mga kakaibang lengwahe.
"Dominus Luna, adiuva hac puella impetro libera quattuor custodes primus dimensionem."hindi ko maintindihan.
Pero pag-katapos ng chant na yun ay bigla na lang humangin ng malakas. Sobrang lakas! Feeling ko nga liliparin na ko sa sobrang lakas eh. Nakita ko yung reflection ng buwan sa tubig bigla syang nag-glow.
Yung glow na unti unting lumiliwanag. Yung liwanag na parang palapit ng palapit sayo. Ganun yung nang-yayari sa buwan. Hanggang sa yung ilaw umangat sa kinatatayuan ko. Ngayon pinalilibutan na ko nung silver na ilaw. Tapos biglang umangat yung tubig sa paligid ko.
Para akong napapalibutan ng whirlpool. Biglang kumapal yung whirlpool na yun. Hindi ko na makita sina Jeremy, Sidh at Doctor Park. Nakita ko yung Stone of Destiny umangat sya sa harapan ko tapos bigla syang kumislap na halos masilaw ako. Napapikit ako sa silaw.
May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko. Una mainit, tapos lumalamig, tapos umiinit ulit. Mainit, sobrang init. Para akong napapaso sa init. Hindi na ko makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip kasi yung puso ko. Kinakapos na ko ng pag-hinga.
"Ahh!!"sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to ngayon.
Napatingala ako. Sa ibabaw ay kita ko ang kalangitan. Bakit biglang nag-karoon ng stars? Kanina wala yan eh. Pero ngayon marami na sila. Habang hirap na hirap ako sa pag-hinga nakita kong may falling star na dumaan. Pero kulay green sya. Ilang minuto pa may sumunod na dalawa pang falling stars. Kulay Dark Blue at Pink naman. After ng ilang minuto may sumunod pang isa at kulay sky blue naman sya.
Hindi ko alam kung falling stars ba talaga yun o kung ano lang. Kung ano man yun hindi na mahalaga ngayong pakiramdam ko kasi para na kong mamamatay. Humihina na yung heart beat ko. Any minute lalagutan na talaga ako ng hininga-----
Lumalabo na yung paningin ko. Nang-hihina na ang katawan ko. Nakita ko kasabay ng pag-bagsak ko ay ang pag-bagsak din ng tubig na nakapalibot sa paligid ko. Akala ko babagsak ako sa ilog pero naramdaman kong may sumalo sakin. Hindi ko na halos makita kasi malabo na paningin ko. Pero parang pamilyar sya---
"Kei?"
aNg gaLing,,, tiNgin q nkRatinG na siLa sa kAhaRiaN ng tiR na nOg,,, aNg gLiNg ng saToRi,,, hiNdi ba pwEdeNg aKo n LNg aNg maGing sAtoRi s kweNtong itO,,, hwaHeHe jOke LnG,,,
ReplyDeleteaTey,,, kELan pO aNg nExt upDate niO,,, eXciTed po aq nKgawa na riN aq ng acCount dtO swaKas,,,
ReplyDeletewow .. naks naman .. gumawa na xa ng accnt .. hehe .. buti nmn yan .. update ko muna yung story mo pati yung tale of the body thief xaka finale ng billion dollar quest bago ko post yung next ud nito .. hehe .. saranghae nicole-ssi ..
DeleteA-M-A-Z-I-N-G... nganga lng aq bwat eksena, ang gnda ksi ng magical scenes ee.... gling!!!
ReplyDeleteit's refreshing. mga bago ang eksena kaya nakakenjoy basahin.
ReplyDelete