Sunday, October 14, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 9


Chapter IX: Pedo Bear


“Talaga?”


“Opo. Hmm... pareho kayo ng damit ngayon... teka...panlalaki po iyan suot ninyo ibig po bang sabihin niyon ay lalaki ka po?”

Umiling ako sakanya. Tapos naglakad kami at doon kami sa puno nagtatago uli. Daig pa namin ang stalker o spy nito. Sumilip uli kami. Teka bakit ba namin ginagawa ito? wala lang siguro trip lang baka kasi susupladuhin na naman ako niyan. Takot ata sa akin dahil akala niya boy ako. kahit na siguro malaman niya na girl ako hindi pa rin siguro niya ako papansinin dahil hindi naman ako kagaya sa school namin na girly at may arte sa katawan. Oo na oo na...sige na! ako na walang kaarte sakatawan. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga make-up. Ang kagaya ko na naging malandi dahil sakanya. Opo dahil sakanya naging malandi ako sa isipan nga lang.

“Ate...” kinalabit niya ako.

“Hmm??”

“May lihim na pagtingin ka kay kuya no?”

Parang bumilog ata ang mata ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi.

“P-pan--?”

Ngumiti ito ng pilya. “hehehe titig ka kasi ni kuya eh.”

Napakamot ako sa uli wala talaga akong maiitatago sa batang ito. napaka-cute talaga nito kung wala lang mga bruises at sugat. Tinapat ko sa bibig yung hintuturo.

“Shh... secret lang natin ito ha? Baka kapag malaman niya iyan ay tumakbo iyan.”

“Bakit naman po? Hindi ka naman pangit.”

“Hindi nga pero itong mukha na ito ay hindi papansinin ng kagaya niya na isang superstar sa school namin.” Charr! Super star talaga? 

Napakamot ito sa ulo. “anong super star?”

“Super star... yung sikat sa paaralan.”

“Ahh..”

“At kayo naman diyan kelan kayo magtatago?” boses ng lalaki iyon sa likod ko. para akong naparalisa dahil ang boses na yun ay kay Hackette. Anak ng?? bakit ba kahit na nagtatago ako ay alam niya nandito kami?? >.< asar na ito ha? 

Slow motion akong lumingon sakanya. “H-hi?”

“Aish... you again? Tsk!”

“Kuya Hackette pano mo nalaman na nandito kami?” lumapit si Selene kay Hackette. And to my shockness ay ngumiti siya kay selene. Am I dreaming??? Kung panaginip lang ito wag niyo na akong gisingin.

“May narinig kasi akong yabag at ingay na nanggagaling dito kaya tiningnan ko dito kung ano yun. ano nga pala ang ginagawa mo dito?”

“wala kasi si tiyong eh kaya heto ako ngayon pagala-gala.”

“Sinasaktan ka pa din ba ng tiyuhin mo???” chineck niya ang sugat. Tumango naman si Selene. Waahh tiyuhin? As in??? grabe naman tratuhin ng tiyuhin sya eh kamag-anak kaya niya iyan. Hindi porque na half siya ay pwede na niyang gawin yun. grr... 

Hinawakan ni hackette yung noo niya tapos nagsimulang lumiwanag yun tapos yung mga pasa at sugat ay dahan dahan na naglaho. 

“Waahh salamat po!” hinug niya si Hackette. *u* gusto ko din yakapin siya. pagkatapos nilang mag-hug ay tumingin sa akin ng seryoso si Hackette. Na naman?

“Ay kuya ito nga po pala si Wistar. Alam mo po nilibre niya ako ng pagkain hindi din siya nandidiri sa akin na kagaya ninyo po.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Halika na Selene pumunta tayo doon.”

“Sige po.” 

Pumunta nga sila sa burol at ako naman ay parang OP (Out of place!!) kaya naman sumunod ako sakanila... -_- shet! Bakit ba ganun yung lalaki na yun? parang may allergy siya sa akin kung wala naman ay galit dahil ba yun sa mahina ako???

Ang ganda talaga ng lugar na ito! ang kapaligiran ay maraming glitters na lumutang tapos ito pang puno na ito ay umiilaw.

Mahigit 30 minutes na kami doon at napapanis na ang laway ko dahil nga wala naman akong kausap tapos ito naman si Selene ang kausap lang ang si Hackette tapos malayo pa ang distansiya namin. Urgh. Boriinngg! Nami-miss ko na yung ang paglalaro ng online games, psp. Bawal kasi magdala niyon sa dorm kaya hayun nasa bahay.Hmm... kung bisitahin ko kaya sila bukas? Sunday naman bukas kaya no classes.

Sana sinama ko na lang si Fameh dito para naman kahit papano ay makakausap ako at pwede ko din siya turuan ng bagong salita. 

Nga pala ang pinag-uusapan nila ngayon ay ang tungkol sa magic magic. 

“Waahh! Gusto ko din magkaroon ng magic ko kuya na gaya ninyo.”

“Hayaan mo balang araw magkakaroon ka din ng sarili mong kapangyarihan.”

Parang tumunog ng bell yun. parang nakuha nila ang attention ko.

“>_> Bakit Selene wala ka bang powers? Eh ano yun kanina?”

Napatingin sila sa akin.

“Heheh yun lang ang kaya kong gawin tsaka yun naman talaga ang totoo kung anyo.”

“Ahh...”

“eh kayo po anong powers niyo?”

Huminga ng malalim. “Wala akng gaanong alam sa magic hehhee.”

“walang nakakatawa sa sinabi mo and will you stop ‘hehehe’ thing it doesn’t suit you at all.” Tingnan mo o ang suplado. Ano ba iyan? Wala naman akong ginagawa dito tumingin ako sa relo ko tapos hala! 10 minutes late na ako sa usapan namin ni Ianthe. Tumayo na ako. 

“Naku late na pala ako. ah, Selene aalis na ako meron pa kasi akong gagawin eh.” -_- pati mga dapat kong bibilhin ay nakalimutan ko.

“Ayyy sayang naman.”

“Mas mabuti na nga at umalis na iyan. Wala naman iyan ginagawa dito kundi tumunganga.” :”( ganun ba ang tingin niya sa akin??? Ang sama talaga niya. 

“Alis na ako. Bye!”

Pagkatapos kong mag-paalam ay dumiritso muna ako sa tindahan para bilhin yung mga gamit. Nadaanan ko pa nga ang mga bata nag-esapadahan. Lumilipad na parang si peter pan. Tiningnan ko uli yung map na binigay sa akin ni Ianthe tapos nang tingnan ko yung isang malaking store ata kasi naman may lumabas na mga tao doon at may bitbit na paper bag. Baka yun yung Glexan Magic Store. Pumasok ako doon at wow! Ang daming benibenta doon. Like, sword, bow, talisman, wand staff at >.> flying board o! nandito na ang lahat ng kailangan ko. pero sana ang perang ito ay sakto lang sa lahat. Kinuha ko yung gold na may nakaukit na P. mas malaki yun kesa sa ibang orfinaryong penya. Sabi ni Ianthe Perin daw yun makakabili na daw ako ng kahit ano gamit nito.


Doon muna ako sa weapon section. >:( ano ang gagawin ko dito? wala akong alam sa mga weapon uwa!

“Grr...bwisit na talaga ako.” kung tawagan k—toinkz wala pala akong cellphone.

Mag-mini-minemo kaya ako?

“Wistar!!!” boses iyon ni Ianthe ah. Lumingon ako humahangos ito na lumapit sa akin at namumutla yung pisngi niya.

Wew, buti na lang at nakita niya ako para di na kami magkita doon sa pinag-usapan.

“Bakit ba hindi ka dumating sa usapan natin, teka bakit hindi ka pa rin nakakabili?”

“Ah eh. Hindi kasi ako makapili kung ano ang bibilhin eh. Er... bakit ba namumutla ka na parang nakakita ng multo.”

“Wala ito. siguro dahil lang ito sa kakatakbo ko papunta dito. “

Parang hindi siya nagsasabi ng totoo. Ewan ko ba simula ng pumunta kami sa Haunted house na `yun ay kakaiba na ang kinikilos nito. Napailing na binaling ko uli ang attention sa mga sandata. Dahil wala talaga akong mapili ay niyaya ko siyang pumunta sa ibang section. Doon kami sa Potion. Eh nandito kaya sa papel ko na nakasulat na kailangan ko bumili ng Healing Potion. Ewan ko talaga sa gurong iyon. Tinanong na namin kung bakit nya kami pinabili doon pero sabi niya secret daw malalaman lang daw namin iyon pero ayun din naman sa narinig ko sa mga upper class ay baka test namin. Eh ang tanong anong klaseng test?  Tsk.

“Nandito ang healing potion wistar.”

“Ah sige.” Sumunod naman ako. Pero tumigil ako at sumilip sa bentana may isang puting malaking bagay na nandon sa ilalim ng puno. Bigla na lang tinubuan yun ng pakpak at ng umikot ito. Isang polar bear!!! Na may papak na kulay brown! Tapos bigla na lang umusok na bahaghari... nakatitig tapos yung polar bear naman ay napansin ata niya na may nakakatitig sakanya ay tumingin siya sa direction ko.



Napaka-cute tingnan ng polar bear!!! Gusto ko siyang e-hug ito yung pinaka-first time ko na makakita niyon kahit na may pakpak siya at >.> kwentas??? Meron sigurong nagmamay-ari sakanya. Aw... pero yung kwentas naman niya ay parang kulang... kasi yung parang may nawawalang jewel doon sa pinaka-gitna ng kwentas niya.

It’s pedo bear not a polar bear, brat!

Ha?

Wait! You can hear me?! Ayuss!!!

Biglang tumakbo yung bear sa akin tapos bigla na lang binasag yung bintana at nakapasok siya.  Patay! Anong gagawin ko dito? baka ako ang sisihin nila. Kaya naman habang maaga pa ay aalis na ako. Habang inaalis nito ang mga bubog sa kanyang katawan ay dahan dahan akong umalis doon at pumunta kung saan si Ianthe.

“Oh my, a pedo bear!!! Waaa!!! Ang tindahan ko!!!” tumili yung may-ari ata ng tindahan. Ang totoo niyan ay nasa malapit lang kami.

“Ano yun?” Si Ianthe yun.

“Ah w-wala. Huwag mo ng pansinin.”

“Okay.” Tapos tumingin-tingin na siya sa mga red bottle. 

Ah! Ang panget ng babae!!! Teka sa’n na yun??—ah!!!! 

“OI BUMALIK KA DITO!! LETSE KA! SINIRA MO YUN BENTANA!!”

May narinig akong pagsabog doon. Hala. Anong nangyari doon? Nang bumalik ako ay wala na doon ang pedo bear nang tumingin ako sa labas doon sa sirang bentana ay nakita ko na hinahabol siya ng tindera at inaatake!!! Sumabog yung puno ng matamaan ito ng red light.

BOOM!!!

“Ianthe, babalik lang ako ha? Pwede mo ba ako ibili ng mga kakailanganin ko??” binigay ko sakanya yung perin.

“Sure. Pero bumalik ka agad ha?”

Tumango ako tapos tumakbo palabas doon na ako dumaan sa bentana at tumakbo. Dahil nga mabilis akong tumakbo ay malapit na ako sa kanila. Nandon sila sa gitna ng daan at ang mga tao doon ay tumingin sa direction doon.

Uy! Matandang hukluban tigilan mo na iyan di ka na nakakatuwa! Waa!!!!
 
“Sinong master mo ha?! Walanghiya ka! Sinira mo yung bentana ng tindahan ko!!!”

Awts!! Iyon lang? eh di aayusin ko! 

Tinaas ng tindera yung kanyang kamay at naglabas ng liwanag uli. Kaya naman humarang ako.

“Huwag! Tigilan niyo po iyan!”

“Umalis ka, bata!”

Umiling ako. “Di dapat ninyo siya sasaktan ng dahil lang doon tsaka sabi nga niya kanina na aayusin daw niya ang mga nasira niya.”

“Ano ba ang pinagsasabi mo ha?”

Bingi ba ang babaeng ito? =_=

“Hindi niyo pwede gawin iyan dahil... dahil may...may ANIMALS RIGHTS sila!”

Pfft.” – pigil tawa ng mga tao.

OO tama siya! may animal—what? Animals right? -_-

Eh kesa naman wala, di ba? hay naku bakit ko pa ba tinutulungan itong puting uso?

“Pwede ba, bata, umalis ka na at huwag ka ng gumagawa ng storya para lang maligtas iyan.”

Hindi pa rin ako umalis sa kinakatayuan ko.

“Ayaw mo talaga?” namumula na sa galit siya at pumitik siya sa ere at bigla na lang ako lumipad sa ere. What the ef??? 

“Oi bitiwan mo ako!!!” shet kang babae ka!!!

Bakit ba ang mga tao dito ay hindi man lang tumulong? Kung galit siya sakanya dapat ay dinaan niya sa magandang paraan di iyang aatikihin.

>O< Itigil mo iyan babae ka! Matandang hukluban ka! Animals right! Isusuplong kita sa batas!!! Waa!!

Oo sige na! animals right na!!! Sige sumbong mo na siya miss.

“Oi. Bakit hindi niyo pigilan siya?!” nag-iwas naman ang mga tao dito. bakit? Iyon ang malaking katanungan sa aking isipan. Bakit ganyan sila?

“Anong kagulahan ito?!” isang boses iyon ng isang babae at yung tindera naman ay tumigil at nanlaki yung mga mata niya ng lumingon tapos nag-bow.

“Mahal na oracula!” 

Sinong oracola??? Teka baka yung matanda sa kweba? Ah hindi siguro ng tumingin ako sababa hindi nga siya yun kasi naman napakabata niya! Oo as in! 

“Ibaba mo siya.” Ginawa naman ng tindera ang iniutos

“Opo.”

Wew! Mabuti na lang at dumating si Oracula! Safe na ako yahoo!

=_= sasapakin ko kaya ito? para kasing baliw dahil tumatalon pa ito at ang maliit na buntot niya ay nag-wiggle. Dafuq?

“Oracula, itong pedo bear na ito ay sinira niya ang bentana ng aking tindahan nararapat lang na parusahan siya.”

Bakit ba maraming rumerespeto sakanya?

Di mo alam? Ngee! isa siya sa mga seven warlock ang pinakamabait na warlock dito!

Ahhh! Isa din siyang Warlock! Cool!

“Parusa? Saktan ang kagaya niya?” tinuro niya si pedo bear.

=_= Pedo bear! Parati na lang ganyan! May pangalan po ako Farley lauriston Veoman!

“Kahit hindi siya tao na kagaya natin ay hindi ibig sabihin na pwede na natin silang saktan. Kahit na siguro sinira niya yung bahagi ng tindahan mo. Pwede mo naman alamin muna ang dahil bago ka umaktion at sabi ng babaeng ito na aayusin naman daw niya yung sinira niya.” Tumingin siya sa akin na kakaiba. 

“pero baka po gawa gawa lang niya yan para makatakas iyan. Tsaka pano naman niya alam ang sinasabi niya? Impossible sa atin na makaintindi ng salitang...”

Anong salita? Lahat ng mga tao doon ay nagbulungan. Tinaas naman ng oracle yung kamay niya para tumahimik o tumigil sa pagbubulungan.

Lumapit siya sa akin tapos hintuturo niya ay nakaturo sa noo ko. tapos yung mata niya ay pumuti naalala ko tuloy yung matanda.

“Nakikita ko na nandon din siya sa tindahan mo kaya alam niya ang nangyari. At ikaw naman nilalang ayusin mo na ang ginawa mong gulo.”

Napa-ah lang silang lahat.

Opo!

Lumipad si Farley sa ere tapos yung isang diyamante ng kwentas niya ay umilaw at lumabas yun at tumungo sa direction ng Glexan Magic Store. Pagkatapos niyon ay pinaalis na ng oracula yung mga tao at nagpaiwan naman sya.

“Hindi ka dapat pumunta sa Gargon lake at kinuha ang libro. Ngayon magsisimula na...”

Ano ba ang pinagsasabi niya? Gar—teka pano niya alam ang Gargon at teka-

“Pinagsabihan na kita pero tumuloy ka pa din. Magsisimula na...”

“Ano bang magsisimula?”

Umiling siya. “Ikaw na ang umalam doon at dahil ikaw din ang dahilan kung bakit nagkaganiyan iyang pedo bear ikaw na ang mag-alaga sa kanya.”

“HA?!”

“at hindi mo na din kailanganin bumili ng isang Venice board dahil pwede na siya.” 

Whoa! What the! ako???

Sukat ng sabihin niya yun ay nagtatalon naman ang usong ito.

Wohoo! May bago na akong master!!!! Uy! Gawin na natin yung contract!!! Bilis!!

Kami na lang ang nandito kaya naman lumapit ako sakanya tapos dinagukan sa ulo.

“Che! As if naman `no! tsaka meron na akong familiar spirit!”

Eh ano naman? Pwede naman dalawa. Tsaka wala ka ng magagawa `no dahil sinabi na niya na ikaw ang mag-aalaga.

Pwede ba yun? =_= Pero nakalimutan  ko kung pano gawin yun eh.

Oh boy! Meron na akong master wahahhaha! Oi tanong ko lang malakas ka ba?

“Siyempre! Kung hindi ako malakas eh di sana lumpasay na ako shit! Halika ka na nga dito ayan tuloy dagdag aalagaan na naman. Walang kaso kay fameh dahil maliit siya.”

Bumalik kami sa store tapos binili na nga ni Ianthe yung mga kailanganin ko. kaya naman bumalik na kami sa academy. Kinwento ko yung nangyari at kung bakit ko aalagain itong bear na pangalan ay Farley.
= = =

*O* wow! Isang organization sa school? Ang cool ah! Sasali kayo??? Tinitingnan niya yung poster na dinikit ko sa maliit na bulletin board. Nasa Kwarto ko kami ngayon. At yung pakpak niya ay tinago niya kaya hindi masikip.



napaka-ingay talaga niya as in at malaking pinagsisihan ko kung bakit ko siya dinala sa dorm at ngayon ay inaayos na namin yung magic circle at mga gamit na kakailanganin. Sa totoo lang di ko pa nagagawa ito kay Fameh kaya sabi ngani Ianthe na sabayin ko na lang daw yung contract.

“Oo.”

“Sinong kinakausap mo, wistar?” tanong ni Ianthe.

“Ah siya.” turo ko kay Farley. “Hindi mo ba siya narinig kanina?”

Umiling siya. “Ang naririnig ko lang ay... Grrr... graaa wooo... ganun.”

“Weird pero naintindihan ko siya.”

“Weird mo talaga. tsaka impossible naman yun`no. wala pang nilalang na nakakaintindi sakanila pwera na lang sa mga gifted na tao.”

“Totoo yung sinasabi ko. papatunayan ko sayo. Oi Farley kung nagkakaintindihan talaga tayo kunin mo nga yung si Fameh sa mesa.” Utos ko.

-_- Ano ako utusan mo? oh siya sige! 

Ginawa naman niya yun.

“Wow ang talino naman ni Farley! Good boy!” pinapat ni Ianthe yung ulo ni Farley na nagustuhan nama niya. Aba ang loko!

“Ianthe naman eh! Totoo naman yung sinasabi ko.”

Ang cute niy—what the ano iyang nasa leeg mo?

Inamoy niya yun.

“O-oi anong ginagawa mo?”

“Sabi niya ano daw iyang nasa batok mo.” 

Bigla naman nya tinabunan iyon. “W-wala ito... hehehe”

Wala daw.. bakit may pula sa likod mo???



Hindi ko na lang sinabi kay Ianthe iyong sinabi ni Farley.

“Malapit ng matapos ito Wistar balikan na lang natin mamaya.”

“Great! Meron pa tayong oras na mag-apply sa Black Phantom, *O*”

Kaya naman pumunta kami doon siyempre kasama sila Fameh at Farley. -_- ako lang ba o parang magkatanog yung pangalan? Pagdating namin doon ay huwaw! Ang daming nakapila! Nandon si Yvonne. Buti na lang din at nahanap na niya ang kanyang familiar.

Ohh.. Whose that chick? 

Manyak na uso ito oh! Pumunta ito kay Yvonne na kinagulat naman niya.

“What the—“

Waahh ang ganda niya, Wistar!!! ♥o♥ I like her!!!

“Anong?! Shet! Alis ka nga shoo! Shoo!”

Suplada!!! ♥_☻ Okay lang...

In-hug niya si Yvonne tapos dinalaan sa pisngi!!!

“Eww.. sinong master nito ha? Sino?! Get off of me!! Kyaaa! It’s licking me!!! Agh!!!!!!!!” Tumakbo ito palayo kay Farley.

Aww... cute niya at ang bango pa! sayang umalis na siya!!!

Lumapit ako sakanya tapos piningot ang tenga.

ARAYYY!!!

“Tumigil ka manyak na uso! Kapag hindi ka pa tumigil sa kamanyakan mo ay ipapatapon kita palabas dito!”

Opo TT__TT

Mabuti na lang at sumunod ito. Nilagay ko si Fameh sa likod niya. 

“oh look scarlet kapatid mo oh!” 

“Wistar, anong ginagawa mo dito?” what the—sasali din si Scarlet??? “Huwag mong sabihin na sasali ka?”

Napakamot na tumango ako. may sasabihin pa sana siya kaso umatching siya at naging bata. Ah nga pala kapag ganun siya ay magiging bata siya sa ayaw at sa gusto niya at ....

“waah!!! Kapatid ko!!! bakit ngayon ko lang nalaman na lalaki ka? Ang daya mo!!” 

At maging isip bata! Hahaha! Ito na siguro ang pagkakataon ko na maghigante sakanya. Di joke lang pero inis ako minsan sakanya eh dahil suplada.

“kaw talagang bata ka. Bumalik ka na nga sa dorm mo at matulog sige ka hindi ka na tatangkad.” Bwahahah nanlaki yung mga mata niya tapos tumakbo pabalik hahhaa! Sumunod naman iyong kaibigan niya ata.


(Author's NOTE: since ganado akong magsulat nito ay mag-po-post ako ng special chapter tungkol sa nangayari kay Ianthe noon. dahil alam ko na nabitin ko kayo doon ahahhaa XD)



5 comments:

  1. aNg kUliT ng pEdO at NmaN aNg soSyaL ng naMe niA ha,,, faRleY hwAHehE,,, kKtuwa aNg cHaptEr n tO aTey,,,

    ReplyDelete
  2. hala nmn ate sorceress, nbitin din aq!!! i cant wait s schapter ni ianthe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. XD hehehe di pa ako tapos don kababalik ko lang galing sa skul :D

      Delete
  3. daming alam ng pedo bear n yun. Hahahahaha!!

    ReplyDelete
  4. grabe! farley is so makulit!! ang cute nman ng sis nya pagngsisneeze.. sana ganyan na lang sya lageh,hahah..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^