Tuesday, October 16, 2012

Unbreakable Spell: Special Chapter

Special Chapter: Ianthe Oonjel
Ianthe P.O.V




Natatakot na ako dito. Magiging isang slave? hindi pwede yun!

Pero bago pa yun ay ipapakilala ko ang sarili ko ng maayos. ako nga pala si Ianthe Oonjel kaibigan ni Wistar. Siya lang ata ang pinaka-close ko dito sa Pegasus Academy at siya din ang pinakakaiba sa lahat. dahil hindi naman sa mahina sya kundi siya lang ata ang babae na nagsusuot ng panlalaking damit. Akala ko nga lalaki at siya lang ang boyish na babae na mahilig sa PINK.

Nanlaki ang mga mata ng makita ko sa baba ang magic circle. For a guy, who can make a magic circle so easily using by his power. He must be a powerful person. Ang mga kagaya niya ay isang pitik lang ay mabilis na niya magagawa yung mga magical circle lalo na sa pinagbabawal na majika. OO, ang klase ng magic niya  ay pinagbawal. pano ko alam yun? dahil lang naman itim yung kulay ng liwanag.

"You can't do that to me!" I said.

"Yes, i can. It's your fault for entering my territory. if you hadn't, then this will not going to happen to you." He step inside the circle. Meron siyang binibigkas na hindi ko maintindihan. ah yun din ang isa pang palatandaan din. Habang Bumibigkas siya ay sa left side na malapit sa kilay niya ay parang may umiilaw. hindi ko alam kung ano iyon dahil nga nakamaskara siya.


"Ivs kael nimyo."

Pagkatapos niyang bigkasin ang spell ay bigla na lang lumabas ang asul na apoy sa magic circle. pero yung apoy na yun imbes na mainit at nakakapaso ay malamig na dumadampi sa katawan ko.Napaluhod at tila ba parang sasabog yung nasa loob ng dibdib ko kaya naman di ko mapigilan na humiyaw. at yung kamay niya ay parang pumasok sa loob ng dibdib ko. at kumirot yung puso ko para kasing hinawakan niya yun at pinisil ah basta ewan di ko na alam kung anong ginagawa niya! basta masakit na masakit yun pagkatapos niyon ay nilayo niya yung kamay niya.


at may huling sinabi niya ay parang kakaiba talaga at ang mga titig niya sa akin parang sinasabi niya na ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina ay you'll be my slave!!!

>O< Yada!!! I don't want to gahh!

Somebody help! i don't deserve to become a slave with the demon! anong sasabihin ng magulang ko? tapos nakakatakot pa siya! nakakatakot yung mukha niya! ito din ang pinaka-first time ko na makakita ng lalaki na nakalag ng ubod ng kapal ng make-up.

"Please naman oh pwede naman natin ito pag-usapan kapag nalaman ito ng pamilya ko ay malaking gulo ito." wala na din akong lakas at nanghihina na ako.

Hindi ko muna sasabihin sa inyo kung bakit okay?

"I think it's too late to say that. Now i shall in this..." Tinanggal niya yung maskara niya. Hala, anong gagawin niya? makapal talaga ang pagkalagay niyang make-up tapos para siyang rockista na parati ko nakikita sa mga poster.

He smirk then nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. gah! anong gagawin niya?!?! Nilayo ko yung mukha ko mukha niya. Akala ko ay titigil siya sa balak niya pero yung labi niya ay lumanding sa leeg ko kaya naman napatili ako!

"AHHH!!!!!!" parang naramdaman ko na lang pag-iinit ng leeg ko.

"You can go back to your dorm now. I'll just send Onex if i need something from you. Uh, before i forgot do not let anyone see that mark in your neck kung hindi ay ipapakain kita kay Onex." Binalik nya yung maskara sa mukha niya tapos naglakad pumitik pa ito sa ere at ilang segundo pa lang ay nasa labas na ako ng gate.

Tulala pa din ako sa nangyayari. Dahil napakabilis ng nangyari. First, ginawa niya akong slave niya. Second, hinalikan niya ang leed ko na nagkaroon ng marka daw. Naramdaman ko pa din ang mainit na labi niya doon at ngayon anong gagawin ko? anong masasabi ng magulang ko?oh siya sa sasabihin ko na sa inyo. Isa akong prinsesa pero sekreto lang yun dahil mahirap na at baka malagay sa alanganin yung buhay ko.Pero yung power ko wag niyo ng itanong dahil -_- parating palpak talaga. Hopeless na ako pero sana makakanap ako ng dispel magic nito.

"HOY!!!"

"AY!!!" Bigla ko sinapo yung dibdib ko. Akala ko mararamdaman ko uli yung kirot dahil nga parang binutas yun kanina pero mali ako.

"Ianthe, saan ka ba nagpupunta ha?"

Kung sasabihin ko ang totoo anong gagawin niya sa akin? Hindi ko nga din alam ang pangalan ng lalaki pero sana hindi ko na siya makita o magpakita sa akin.

"Sorry, natakot talaga ako eh kaya tumakbo ako dito." pagsisinugaling ko. Ayokong ipagtapat ang nangyari. Ayokong madamay pa siya dahil sa akin kaya mas nakakabuting esekreto ko ito. Huminga ng malalim at pilit na ngumiti pero agad din naman nawala yun dahil naalala ko si Ore.

"N-nakita mo ba si O-Ore?"

Tumango siya tapos lumabas si Ore sa bulsa niya.lumipad ito sa akin at niyakap.

"Waaaa!" Kahit paano ay nabawasan yung takot ko. Mabuti na lang at nahanap siya. I am so glad!


"H-halika na nga! natatakot na ako dito." Totoo yung sinabi ko.

Hinila ko siya paalis doon at uli binigyan ko ng huling tingin yung bahay. Nandon yung lalaki sa bentana na nakatingin sa direction namin. Balahibo ko ay nagsitayuan. kaya naman nagbawi ako ng tingin at mabilis na naglakad. never akong babalik dito!

Nang makarating na kami sa Dorm at nagpaalam na ako sakanya at nagmadaling pumasok sa kwarto. 

= = =
You'll become my slave...

Nandon pa din ako sa silid na yun at madilim...  At naramdaman ko uli yung kirot sa dibdib ko at doon ay para akong kinakapos ng hininga na hindi naman ganun dati at talukap ng mata ko ay parang gusto na pumikit. Humihina na yung tibok ng puso ko... mamatay na ba ako? parang na-vivision ko na kinuha niya yung puso ko tapos pinakain niya sa alaga niyang halimaw... no... kauri niya! at siya naman ay lumitaw sa madilim na lugar at ang dami nila!

AYOKO PANG MAMATAY!!!!

Bumuka yung bibig niya at parang may sinasabi pero ang tanging naririnig ko lang ay tunog ng alarm clock. ha? 

RING!!!

Napabalikwas ako sa higaan. Panaginip lang ba yun? Pinagpapawisan na ako kahit na may aircon at nang tumingin ako sa katabi ay si Ore yun at tila nag-alala sa akin.

Kahit hindi ko siya naintindihan ay alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin. nag-alala siya sa akin.

Ngumiti ako. "Don't worry about me Ore. I'm okay." Binuksan ko yung drawer na malapit lang sa kama ko. at kinuha yung candy. Yeah, paborito kasi namin ni Ore ang candy kaya siguro nong una ko pa siyang nakita ay gustong-gusto ko na siya.

Pero nang binigyan ko sya ng candy ay hindi niya tinanggap yun.

"Ore, I am just had a nightmare that's all kaya huwag ka ng mag-alala sa akin ha?"

Tiningnan ko yung alarm clock mga 8 na pala kaya kailangan ko ng magbihis. Walang pasok ngayon pero may usapan kami ni Wistar na pupunta sa Zephian para bumili ng mga requirements.

Natigilan ako ng maalala na naman yung nangyari nong gabing yun tapos pinilig. I should forget it!

= = =
Nandito kami ngayon sa Zephian at nag-uusap ni Wistar. Meron pa kasi akong pupuntahan na store at siya naman ay pupunta sa Glexan Magic Store ewan ko lang kung naalala pa niya ang pangalan ng Store.Sikat kasi yung store na yun dahil maganda at malakas yung binebenta nila.

Dito kami uli magkikita sa Fountain magkikita.

tumalikod na siya at pero pinigilan ko siya. Wala kasi itong pera dito eh kaya bibigyan ko na lang siya.

kinuha ko yung perin sa bulsa ko at binigay sakanya.

"Ano ito?"

"Perin. Iyan ang gamitin mo para makabili ka ng mga kailangan mo. Malaking halaga din iyan kaya wag mong kalimutan na humingi ng sukli."

Tumango lang siya. pag-alis niya ay huminga na naman ako ng malalim at naglalakad na din. Habang naglalakad ay parang may sumusunod sa akin ng tumingin ako sa likod ko ay wala naman.

Lakad.

Sunod.

Lakad.

Sunod.

Kinakabahan na mabilis na naglakad at napadpad ako sa lugar na walang gaanong tao na naglalakad.

"Siya ba talaga ang pinili niya?"

"Iyon ang nakalap kong impormasiyon eh at nasa kanya din daw ang isa sa mga peontar."

"Masarap siyang kainin hahaha! kainin natin siya tapos kunin natin sakanya."

Nakakatakot na boses yun. Peontar? Ano yun??? pero yung huling sinabi ng kasama niya ay inaalala ko. kakainin daw nila ako.

Naglakad uli ako.

"Hoy! babae! alam namin na narinig mo kami kaya tumigil ka at ibigay sa amin ang peontar!"

Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Bakit  ba ang malas ko ngayon.

"Kya!" Bigla na lang ako tumigil dahil humarand sa akin ay dalawang Flybat. Bakit mayroon Flybat dito sa mundo ng zephian? ang pagkakaalam ko ay isang ancient monster ito at sa mundo ng madrigal ito matatagpuan at isa lang myth. Nabasa ko kasi ito sa libro.



malaki ang mga ito at ang mga ngipin ay napakatulis at malaki ang nag-iisang mata nila!

"Ibigay mo na sa amin bago kami namin gawin hapunan."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo!"

"Nagmamaangan ka pah! kung ayaw mong sabihin kakainin ka namin!" Bumuka yung bibig niya at nalantad ang kay `raming matutulis na ngipin malaki ang ito kaya lalamunin lang niya ako.



Pero isang iglap lang ay bigla na lang silang tumilapon. Sinamantala ko naman yun para makatakas.

Bakit ba ang malas ko kahit kailan?

Nang makalayo na ako ay tumigil ako at kumukuha ng lakas muna. 

"Dapat kang mag-iingat, babae." parang narinig ko na yung boses ah.

"Si--ikaw?!" nagulat ako dahil si Onex yun. `yun Demon.

"Oo ako nga."

"Anong ginagawa mo dito? h-huwag mong sabihin..."

"Hindi ako nandito dahil initusan ako ni Master Raulin."

Raulin? iyon ba ang pangalan ng lalaki?

"K-kung ganun bakit ka nan-dit-o?"

Demon's Smirk. waah! nakakatakot!!!

"Para tingnan ko kung karapatdapat ka ba na maging Slave ni Master."

Aba! slave na nga ako sa amo mo tapos ganito? hindi ako karapatdapat? aba isa kang hangal! ako ay isang prinsesa! iyon ang gusto ko sabihin pero natatakot talaga ako.

"U-umalis ka na. Wala akong pakialam sa iniisip mo."

"Iyan ba ang trato mo sa nagligtas sa`yo?"

Sumunod siya sa akin.

"Ha?" Siya ang nagligtas sa akin?

"Hindi ko alam kung bakit ka nila pinoponterya pero sa susunod mag-iingat ka, tangang babae. Pagkatapos mong bumili ay umalis ka na dito."
 

Utos niya. 

"Thanks." pasalamat ko.


 Ginawa konga yung sinabi niya habang namimili ay nakabantay ito sa akin. 

"Pwede ka ng umalis madami naman tao dito."

"Tss... huwag kang makakapasiguro babae. dahil naamoy ko pa sila dito nakasunod pa din. Mas mabuti pang babantayan muna kita."

Tapos na akong bumili at bumalik na ako kung saan namin usapan ni Wistar at kagaya nga sinabi ni Onex na hindi ito aalis hangga't hindi ako umaalis dito sa Zephian. wala pa din si Wistar. saan na kaya yun nagpupunta?

Hindi siya nagsasalita. Halatang ayaw talaga niya sa akin. May naisip ako. Kung ayaw niya sa akin din pwede niya akong matulungan na makawala sa kontrata na yun.

"Onex."

He glare at me.

"Ayaw mo naman sa akin di ba?"

"Halata naman di ba?"

"Kung ganun magtulungan tayo. sabihin mo sa akin ang despil magic nito tapos mawawala na ako sa buhay ng amo mo."

"ayoko nga." parang binagsakan ako ng langit. so ayaw niya? akala ko pa naman...

"bakit?"
"Isa lang akong Familiar Spirit niya kaya kung gusto ka maging slave niya wala akong magagawa doon."

May sasabihin pa sana ako kaso nga lang ay narinig akongnagbubulungan.

"ayan na naman! nandito na naman ang feeling prinsesa."

Tumingin ako sa direction.

"Mga panget! tumabi nga kayo! hindi niyo ba alam kung sino ako ha?!" si Oriyah yun. Ang step-sister ko. Hindi ko ba nasabi sa inyo na namatay ang ina ko dahil sa panganganak sa akin? at ang ama ko naman ay nagpakasal 3 years ago sa ina ni Oriyah. Hindi kami close- in fact inis siya sa akin na hindi ko alam kung bakit. Lahat ng meron ako ay gusto niyang mayroon din siya. Hindi mahal ng ama ko ang ina niya pinakasalan lang naman ang ina niya dahil tradition na namin yun kapag hindi pa rin makahanap ng ipapalit sa reyna ay ang mga elders na ang pumili.

Hindi ko alam na pumupunta pala dito siya. Ang totoo niyan pangalawang beses na ako nakapunta dito yung first ay yung fieldtrip namin. Hindi kasi ako pinapayagan ni ama na pumunta dito eh.

Ngayon alam niyo na kailangan di niya ako makita. 

"Onex. Umuwi ka na... pupuntahan ko na lang ang kaibigan ko." 

Nandon ata siya sa Glexan Magic Store at hindi pa nakakabili.

"Siguruduhin mo lang. Heto o." inihagis niya yung kwentas.

"Ano ito?"

"Iyan ang magsisilbi na mag-protekta sayo. siguraduhin mo lang na hindi iyan mawala sayo o makuha ng iba." pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumipad na ito paalis.


 may Asul na bato sa gitna. Kumikinang pa. 


Ang ganda naman ng kwentas na ito. Sinuot ko yun tapos aalis na sana para pumunta sa Glexan Magic Store.

"Oh my, If it isn't my step sister! long time no see!"

"Oriyah." 

"Mag-isa ka ata. Wala ka bang kaibigan sa school na pinapasukan mo?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Naglakad ako palayo sakanya. Kung pwede lang sana umalis na ako dito eh.

"kuh. sa ganyan ugali mo? sinong magtatangkang kakaibiganin ka?" tumawa pa ito. Pabayaan niyo na siya, wala iyan magawa sa buhay kundi asarin ako pero as if naman magpapaapekto ako sakanya. Mas mabuti pang huwag na lang pansinin. "Hey! i'm not finish talking yet!!!"

Iniwan ko na siya. 

DASH!

malapit na ako sa GMS (Glexan Magic Store)...

Tumigil muna ako at bigla na lang humangin ng malakas. Tapos nagsimula na naman magsilitawan yung mga glitters... tapos nahagip ng panangin ko ang isang lalaki na nakatayo at nakasandig sa dinging ng bahay. Nakatingin ito sa kalangitan. parang nakita ko na siya ewan ko kung saan.

Hindi makakaila ang kagwapuhan niya. Kung maraming tao dito ay baka mapapatingin siguro sakanya. Itim yung wavy hair niya at slightly long at bagay na bagay sakanya ang kanyang damit. Itim na polo na nakabukas yung tatlong batunes at jeans. Meron syang earings sa kaliwang tenga niya.

Nang sumulyap siya dito. 

O///O

Tumakbo ako paalis doon. Grabe naman! sino ba yun? parang uminit ata yung pisngi ko.






(Author's NOTE: Gusto niyo po ba ng Ianthe's Special Chapter? XD http://www.facebook.com/photo.php?fbid=327306107368491&set=a.285163328249436.57050.190121081086995&type=1&permPage=1 Like this picture)



4 comments:

  1. waAAaAhh chikiNini ba uNg iniWaNg maRk ni deMon kaY iaNthe,,, hwaHeHe,,, aNg cuTe ng sCenE,,, pati uNg ekSena na niLigtas xah ni oNex,,, aKo n LnG maGing sLaVe kUn ayaW mu iaNthe,,,


    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA LOL natatawa ako sa comment mo teh XD "chikinini" hahaha

      Delete
  2. actually,kinilig po ako sa kanila!!.. hahaha.. gusto ko talaga toh!!

    prinsesa pala sya..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^