Saturday, October 20, 2012

Happily "Never" After : Chapter Three

Chapter Three  :   Happily “Never” After .


Zakia’s POV


“Tutulungan mo ko ?’” nagtatakang tanong ni Zack.



“Yup!! Naniniwala kasi akong gusto ka rin ni Atasha” I know it.Instinct tawag dun kasi diba ? Karibal ko siya sa puso mo. “Kaya naman handa akong tulungan ka!!!” masiglang sabi ko .




“ Sigurado ka ba ?? Saka bakit mo naman gagawin yun ??”  tanong niya ulit



“Sabihin nalang nating ako ang number one fan ng loveteam niyo!!” yuck lang! Mas bagay kaya  tayo. But for the sake of my plan titiisin ko ang mga nakakasukang word nayan.



“Nakakatuwa ka naman ,Zakia.  Pero hindi na ,okay na akong ganito .Salamat “ sincere na sabi niya.



Sayang naman ,pero okay lang din iisip nalang akong bagong plano.



“ Okay ,pero kung kailangan mo ng tulong ko just call me maybe” kanta ko pa .



“ Ikaw talaga Zakia “


***
“So?” nagulat akong may magsalita pagkaalis ni Zack. Pagtingin ko si Laris lang pala.


“Anong so? “ mataray na sagot ko.



“ Inaamin mo na bang talo ka sa larong ito ?” sabi niya ng nakangiti.


 “ Sinong may sabi ? Nagsisimula palang tayo. Wag kang masyadong  excited “ nakangiting sabi ko tapos iniwan ko na siya doon. Akala niya hindi ako basta basta susuko.


Makakaisip at makaka isip ako ng plano.



***
“ Lalaalalallalaaalalala” masiglang kanta ko habang papunta sa likod ng building namin. At tulad nga ng sabi ko iisi[ at iisip ako ng paraan para mapaibig ko ang aking mahal. Kaya nakapagdesisyon na akong ligawan siya! Yup! Lligawanko si Zack Guiller ,whether He Like it or He Like it!! Pinagbake ko pa siya ng cookies!!



 =________________________________= I mean pinagbake siya ni Mom ng cookies .Kunwari lang ako para Masaya…..Hihihihihihhi.


Oh diba ang galing ko!! Andito nga si Zack!!



Psh! Oo na , alam ko  talaga schedule niya at alam ko ng pag wala siyang class  dito siya tumatambay. Hindi ako  Stalker ha!! Ako ang future wife niya……



 (>//////////////////////////////< )Ang sarap isipin ….. hihihihih.


. ~(^0^)~

“Hi Zack!! “ agad kong bait sa kanya. “Mukhang malalim na naman ang iniisip mo?? Hulaan ko ?Akong innisip mo noh!! “ napatingin namn siya sa akin “ Oi Joke lang!! “ agad kong  bawi  sa sinabi ko.


“ Actually ,tama ka,Iniisip nga  kita.  seryosong sabi niya.



OGAWSH!!! AS IN SERYOSO?!! (^///////////////////////^)



“A-----h eh “ waaaaaaaaaaaah… Naispeechless ako!!



“Open pa ba yung offer mo sa akin ?Hindi ko na kaya,I really love her.Im willing to do everything  makuha ko lang siya “ seryoso parin siyang sinsabi yan.



Ang puso ko naman.BASAG!! </////////////////////////////3 to the 1000000000000000000th  power. As in.



“O-o n-aman,handa akong tulungan ka!! nauutal nasabi ko. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako.


“Salamat ,Zakia. Tatanawin kong malaking  utang na loob sayo ang bagay na ito “ yakap yakap niya parin ako. Siguro kung di niya ko yakap nagcollapse na ako. Masyado kasing information overload hindi kinakaya ng utak ko pati ng puso ko ang mga nangyayari.


“Ano ka ba .Wala yun!! Magkaibigan tayo ,right ? Kaya kasiyahan kong tulungan ka. Ow siya may dala akong cookies lika kainin natin .Tapos pag-usapan natin ang plano natin. “ sabi ko tapos inayos ko yung pinaglalagyan ng cookies.


Laris POV  (wahahahaah… Feel ko lang Mag POV siya )


Ang babae talaga kahit kelan ang kukulit. Lalo na yung Zakia na yon .


Hindi ko ineexpect na aabot sa ganito ang mga kalokohan ng babaeng yun.


Huwag na wag siyang lalapit sa akin sa huli at iiyak nako .Babatukan ko talaga siya.


Alam niya namang walang patutunguhan ang ginagawa  niya.


Dahil sa huli ,wala rin naman talaga siyang magagawa.


Lalo na sa mga nangyayari sa panahon na ito.


“Hoy! Laris!!!! “ 


Eto pang isang makulit.


“ Waaaaaah!! Anong gagawin natin!! Si Zack at Zakia na!!WAAAAAAAAAAAAAA!! “


“ Pwede ba ,manahimik ka nga , nag-iisip ako.” Saway ko sakanya.


“Kasalanan mo ito eh!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!! “ iyak niya pa


“PWEDE BA HOT PINK MANAHIMIK KA DIYAN!! PAG NAGSALITA KA PA TALAGANG SILA NA ANG MAGKAKATULUYAN ‘” asar na sigaw ko sa kanya ,buti at nanahimik siya.


Pamilyar na ak osa ganitong mga set-up siguradong ginagawa nila ito para pagselosin si Atasha. Tsk.Gusto nila ng ganitong laro.Pagbibigyan ko sila.

Zakia’s POV

Hindi ko alam kung ano bng dapat kong maramdaman sa mga panahon na ito.



Masaya naman ako.Oo.Bakit hindi ?? Hindi pa nga ako nanliligawboyfriend ko na siya. Pero masakit din pala ung ganitong setting . Na sabawat gagawin namin naalala niya si Atasha.


 “Si Atasha ganito, Si Atasha ganya, Gusto ko ganito kami ….ganyan ….PURO NALANG ATASHA!! KAKASAWA! KAINIS!! PERO HINDI AKO SUSUKO! SAAKIN KARIN BABAGSAK.



“Hey!Nakikinig ka pa ba sa akin,Zakia ?”



“A-eh sorry ,may naalala lang ako.May sinasabi ka ba ?”



“Yung kaibigan ko kasi binigyan ako ng ticket sa isang amusement park.Okay lang ba kung pumunta tayo roon ngayon “tanong niya




“NO!! “pasigaw na sabi ko. “OOpps.Sorry !” napayuko nalang ako sa hiya



“May problema ba ? Let me guess ? Fear of heights? Don’t worry nandito naman ako hindi kita pabayaaan. “ nakangiting sabi niya sa akin.Napatango naman ako.  Bahala na! Minsan lang ang ganitong pagkakataon.


***
Pagdating namin dun grabe yng kaba sa dibdib ko.Haist! For the sake of my  love! Keri ko ito.



 After few hours!


WAAAAAAAAAAH! Keri ko nga! Every  katapos naming sumakay pumupunta akong C.R.At syempre napapagod din naman kami noh!! Kumain muna kami.Ang sabi ni Zack huli daw naming sasakyan yung Ferris Wheel.


Kumuha din kami ng iilang picture ,tapos  pinost namin sa Couple account namin. Syempre kami rin may couple account noh!!


~~ Sa FERRIS WHEEL.

“Salamat talga Zakia,sa pagtulong sa akin,”panimula ni Zack


“Alam mo ,Zack isa pang thank you mo. Babatukan na kita!” biro ko sa kanya.


“ Eh hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kung wala ka,pero matanong kita ,Naranasan mo na bang magmahal Zakia ?”


“Oo naman! Mahal ko ang Mom na Dad ko! Mahal ko yung mga anime na pinapanuod ko! Mahal ko yung mga hayop sa paligid!!  pagbibiro ko.



“ Naku ,Ikaw Zakia napapadalas ang pagbibiro mo ha!may balak ka ang magclown?! Hindi nga seryoso ?”



“ Oo naman. “ seryosong sagot ko.



“Talaga ?Sino ang maswerteng lalaki ?”



IKAW. Yan yung gusto kong sabihin pero  ewan ko hindi ko masabi. Oo malakas ang loob ko. Pero humihina ako pagdatin sa kanya. Kasi natatakot ako ? Or maybe dahil alam kong may mahal na siyang iba.



“Hoy! Zakia Cairhene Eleighn Jane Guitterez natulala ka na diyan!! “


“ Makasigaw?Secret yun!! “ sabi ko nalang.



“Ang daya mo naman eh! Ako lam mo kung sinong mahal ko tapos-----------------



“In the right time makikilala mo rin siya . “ sabi ko nalang.



“Sabi mo yan ah! Nga pala ,nakapagdesisyon na ako , Zakia. “



“What do you  mean “  painosenteng tanong ko kahit mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya.


“ I would take the risk. Aamin na ako bukas.Bahala na kung anong mangyayari,.! “ determinadong sabi niya.



“That nice!! Yieeeeeeeeeeeee!! “  ang galing ko talagang umarte! Hindi man lang ako pumiyok doon.



“Pero do me a favor Zakia,pwede ang nandoon ka sa oras na umamin ako ? I need your moral support eh”



“ Hindi ko ba masisira ang moment niyo non kung nandoon ako ? “ saka tingin mo ba makakaya ko yon ??? 


“Hindi naman !Ang balak ko kasi sa harap ng buong TMU student umamin.At magiging Masaya ako kung nandoon ang presence ng best girl friend ko! “


“Ushu!! Nambola pa! Sige .Sige Asahan mo ako doon!“ sabi ko

`~~~
Pwede bang wag ng dumating ang bukas? Hindi pa ako handa. Tama nga siguro si Laris.Wala akong magagawa . Wala na talaga akong pag-asa.


“Hija,may bisita ka.” Katok ni Mom sa kwarto ko.


“ Mom,pasabi po tulog na ako!”sigaw ko.


“Okay sige. Sasabihin ko nalang. Baby basta kung may problema ,nandito lang kami ng Dad mo ,okay ?”


“Thanks Mom!”

*sighs*

Nang maramdaman kong nakaalis na si Mom.Niyakap ko nalang si   ZEE…. Ang bestfriend ko since then. At tulad ng mga babaing nabrobroken heart.Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos ang luhang ilalabas ng mga mata ko. At hanggang makatulog ako. Bahala na bukas!


Bahala na kung paano ko haharapin ang ending ng istoryang ito. 

Kinabukasan:

Tanghali na akong pumasok.Nag-iipon pa akong lakas..Tutal sabi naman ni Zack.Sa oras daw ng lunch break siya magtatapat.


And yes. Tutupad ako sa pangako ko sa kanya na nandoon ako habang nagtatapat siya kay Atasha.Masakit as in sobrang sakit.  Pero kung ito ba naman ang ikasasaya niya wala akong magagawa.


At tulad ng inaasahan ko na may field na nga sila ng school.Nakatayo silang dalawa sa ministage na I think pinaghandaan talaga ni Zack ng mabuti ang araw na ito.


Bakit siya handa na ? Ako at ang puso ko hindi pa.


Napahinga na lang ako ng malalim.Lumapit ako ng konti,nakita ko kasing may hinahanap siya. O syempre ang moral support niya.
Nang Makita nya ako ngumiti siya sa akin at tumango naman ako. Hindi ko kayang ngumiti eh.Pasensya naman .


Nang  magsimula si Zack,tumalikod na ako dahil hindi  ko na kaya pumunta nalang ako doon sa likod ng building namin.


Ang hirap pala ng ganito .Gustuhin ko mang pigilan yung luha ko hindi ko magawa. Nagulat ako ng may kamay na may hawak na panyong tumapat sa mukha ko.Napatingala ako.


“Laris “


“Kailangan mo yan ngayon “ mahinahong sabi niya. Tinabig ko naman ang kamay niya. 




"Happy now ? Panalo kana!! " sigaw ko sa kanya..





"Woaaaaaah! bakit ka sa akin nagagalit ? Di ba una palang naman sinabi ko na sayo---------





"Oo na ! Tama ka na! Ikaw ng magaling ako ng tanga!! Just leave me alone please!!" sigaw ko sa kanaya habang umiiyak. Nagulat ako ng yakapin niya ako. 





"Bakit ganun Laris ,ginawa ko naman ang makakaya ko pero bakit -------- " hindi ko na matuloy ang sinasabi ko dahil napahagulgol na talaga ang ako.   





"Tahan na,alam mo hindimakakabuti sayo ang umiyak n umiyak.Panget ka na papanget ka pa lalo!!" 





Bumitaw ako sa pakakayakap niya .





"Pasaway ka naman eh!! nag-eemote ako dito ,nagagawa mo pang magbiro!!Lumayas ka na nga!! " pagtataboy ko sa kanya.





 "O sige na ,aalis na ako pero wag kang umiyak.Hindi mo bagay!! " sabi tapos iniwan niya na ako.





Naramdaman   ko ulit yung pagluha ng ma mata ko. Shete! Ang sakit lang . 





 " Zakia" nagulat ako ng may magsalita.Agad kong pinunasan yung mga luha ko. 



"Umiyak  ka ba ?" tanong ni Zack sa akin. Tama si Zack nga yung dumating. 



Hindi ako sumagot  .Sa halip tumayo ako at nagsimulang umalis sa lugar nay un.hindi ko pa siyakayang harapin.Masakit pa eh.Baka nga hindi na mawala yung sakit na to.



“ Teka,Zakia.”pigil niya sa akin.” May problema ba?”tanong niya.



“P-roblema ?Wala,walang problema “nanginginig ang boses kong sabi sa kanya.


“Zakia,magkaibigan tayo diba---------




“Yun na nga magkaibgan tayo!Magkaibigan lang tayo,nakakainis ,nakakagalit ayoko ng ganito sabi ko ayoko ng ordinary lovestory , lalo na yung tipong magbestfriend kayo tapos maiinlove kasa bestfriend mo,pero tingnan mo ko ngayon,im in love with a you yung taong tinuturing akong best girlfriend ever.…………… NAKAKAINIS!!” galing ko naiisip ko pa yung mga ganung bagay sa sitwasyon ko. Pero seryoso ayoko  talaga  ng ganun yung Friends turns to Lovers Story o kaya unrequited pero wala ….ganito talga yung para sa akin.



 “Zakia--------------



“Don’t speak.mas nasasaktan lang ako,Bakit ba kasi hindi mo ko makita? Bakit laging siya? Hindi ba talaga pwedeng ako ?



“Sorry,Zakia. “


“Zack, Ngayon na alam mo ng mahal kita.Please wag kang maguilty,Alam mo ba yung pagtulong na ginawa ko sayo?Part lang yun ng plano ko para makuha kita pero wala eh, mahal mo talaga siya. And I think ngayon parte nalang ng pagmamahal ko sayo yung suportahan ka nalang sa mga bagay  na makakpagpasaya sayo. And I know Atasha can give you that happiness. So please wag mo na sanang isipin ang mga sinabi ko .Ill be fine don’t worry. “ pinupunasan ko na ang luha ko ang habang sinasabi ko yan. Ngitian ko siya ulit tapos umalis na ako.


After that I leave.Kasabay ng pag-alis ko yun ay ang pagkawala ng natitirang lakas ko para mabuhay.


I really wish a happily ever after ending but its seems that It will NEVER happen.  




a/n: Di pa po tapos to ha!! 2 chapters pa den Epilogue...  Hmmmmmm...ANo kayang mangyayari ?? hahahaXD ...

5 comments:

  1. Ouch talaga! I feel bad for Zakia. Huhuhu~
    Ang epaloid mo Zack! Bakit si Atasha pa?

    Mission-failed si Zakia. Huhuhu~~~~~~
    MATAUHAN KA SANA ZACK! BABATUKAN KITA EH! Andiyan na nga si Zakia!

    ReplyDelete
  2. aNo nGa kaYa uNg eNdiNg niTo,,, gOsh naTawa aKo kiNa LaRis at aTashA,,, bKit diN kxE aPaka gwaPo ni zAcK,,, dUn kSi sa KB si aTashA aNg cNasakTan nia taPos dtO si zaKia nMn,,, siGh perO kHit maRminG pusO anG nsAsaKtaN nia mBait ksi siA at iBang kLase tLga aNg chArm,,, siGh uLit,,,

    ReplyDelete
  3. don't lose hope zakia, pasasaan pa at makukuha mo rin yang si zack! this is your story, you can always make it a happy ending! may isa lang akong advice sayo, kapag yang si zack hindi pa rin natauhan, subsob mo sa ebak ng kalabaw katulad ng nangyari sa kanya dati! ahahaha!!! nakow for sure, matatauhan na talaga yan! ^___~

    ReplyDelete
  4. maka-LariShaZack ako, but still hinihintay ko kahihinatnan ng lovelife ni zakia.

    ReplyDelete
  5. ano bah yan.. parang maiiyak nman ako rito.. haha.. UD na pls..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^