Monday, October 22, 2012

A Kiss [FTV] : Chapter 3

CHAPTER 3
“The Truth”
( Lee’s POV )

Malayo pa lang ay tanaw na niya si Dara. Yes! Naabutan ko din siya. Hindi niya mapigilang mapangiti. Dito niya hinatid si Dara matapos ang concert. Sa kalsadang ito nagpababa si Dara. Hindi ito nagpahatid sa mismong bahay nito. Hindi na niya ito pinilit. 

Two days ago ng huli silang magkita. Hindi sa concert kundi sa bar na pinagtatrabahuhan nito bilang bartender. Dahil nasundan pa ang pagkikita nila after the concert.

He’s acting weird. Iyon ang sabi ng mga kaibigan niya. Lalo na si Woon. Tinamaan na daw siya kay Dara. Syempre todo tanggi siya. Hindi pa sinisilang ang babaeng makakapagpatino sa kaniya.

Eh, si Dara? Ano siya sa’yo? Katulad lang din ng mga babaeng pinaiyak mo? singit ng konsensya niya.

“Of course not! Iba siya!” malakas na sambit niya.

Bumusina siya ng makalapit kay Dara. Napahinto at napalingon ito sa kaniya. Hininto niya ang kotse. 

Kumunot ang noo niya ng mapansing tila seryoso ang mukha nito pero agad niyang inalis ang kunot ang noo niya ng marealize na ganito naman talaga ito noon pa.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com
“Hello, Dara! Sa wakas naabutan din kita. Hop in, may pupuntahan tayo.” nakangiting aya niya dito.








( Dara’s POV )


Nakayuko siya hang naglalakad. Hindi niya alam kung sa’n ang punta niya ngayong araw na ‘to. Malalim ang iniisip niya ng mga sandaling ‘yon kaya napaigtad siya ng may bumusina sa bandang likuran niya. Bwisit! Nasa tabi na nga ako, kaylangan talagang bumusina?

Nilingon niya ang nag-mamay-ari ng bwisit na kotseng ‘yon. Si Lee. With matching smile pa ito habang nakatingin sa kaniya.


“Hello Dara! Sa wakas naabutan din kita. Hop in, may pupuntahan tayo.” nakangiting aya nito.

Ang kapal talaga ng mukha nito. Matapos ang nalaman niya kahapon. Bumalik na naman ang dating tingin niya dito. Isang happy go lucky guy na walang magawa sa buhay. Naiinis na siya ngayon dito. Naaasar siya. Nagagalit. Bakit?




-F L A S H B A C K-

Kalalabas lang niya ng bar ng makita niya ang kaibigan ni Lee. Kilala niya ito. Si Woon. Naipakilala na sa kaniya ni Lee ito. At saka bago pa ito ipakilala ni Lee sa kaniya ay nakaharap na niya ito. Isa pa ‘tong mayabang, nasungitan na din niya ito. Pero okay na sila, kaya lang may pagkamahangin din ito, parang si Lee. Pero nasanay na din siya sa kayabangan ni Lee. Nakakaasar na nakakatuwa na… ah basta!
Lalagpasan na sana niya ito at ang kausap nito ng madinig niya ang pangalan ni Lee na binanggit nito.

“Ubos ang allowance ko kay Lee, ah.” sambit ni Woon.

“Why?” tanong ng babaeng kausap nito.

“Natalo ako sa pustahan namin.”

Kumunot ang noo niya. Na-curious tuloy siya sa pinag-uusapan ng mga ito.

“Pustahang?”

“Wala ka nga pala sa party na ‘yon. I dare him to kiss the girl name Dara on that party. Ang babae ang lalapit, si Lee ang hahalik. Mantakin mo nga naman, nagawa ni Lee. Kaya ayun, butas ang bulsa ko. Twenty thousand for just a kiss.”

Pinagpustahan nila ako ng araw na ‘yon? Nakuyom niya ang kamao niya sa inis.

“Si Lee pa talaga ang hinamon mo, eh, matinik sa chicks ‘yon. Kaya nga pati ako, naakit no’n.” maarteng wika ng babae.

“As if magustuhan ka nga niya. Eh, mukhang may gusto na ‘yong iba ‘no. Pero ewan ko lang din kung seryoso na siya ngayon.”

May gusto na siyang babae? Sino? Sino?!

“Hah? Sino naman ‘yong babaeng ‘yon? Don’t tell me—”

“Excuse me.” singit niya sa mga ito.

Nanlaki ang mga mata ni Woon. “Dara, kanina ka pa ba dyan?”

“Hindi naman masyado. Nadinig ko lang naman ang pustahang sinasabi mo.”

“Oh, siya pala ang pinagpustahan ninyo. Di ba siya din ‘yong bagong laruan ngayon ni Lee?” nakataas ang kilay na wika ng babae.

Naningkit ang mga matang napatingin siya sa babae. Laruan? Ako?

“Ah, Dara. Don’t listen to her.” sambit ni Woon.

Binalingan niya ito. “Can we talk? Us alone.” padinig niya sa babae.

Sinenyasan ni Woon ang babaeng umalis muna.

“Okay.” Tiningnan siya ng masama ng babae. “Akala mo naman magugustuhan ka ni Lee. In your dream, girl. Hindi ka namin ka-level.”

“Eunice!” saway dito ni Woon.

“Hmp! Diyan na nga kayo.” Humakbang na palayo ang bruhildang babae. Sarap sapakin!

“Ah, Dara…”

“Isang tanong, isang sagot, Woon. Pinagpustahan ninyo ba ako ng araw na ‘yon?”

“Ano kasi…”

“Woon!”

“Oo.”

Kinuyom niya lalo ang kamay niya. “At ‘yong pakikipaglapit niya sa’kin, kasama ba ‘yon sa pustahan ninyo?”

“No.”

“So, bakit siya nakikipaglapit sa’kin? Anong dahilan?!” inis na tanong niya.

“I don’t know, Dara.” sagot nito.

“O baka naman kasama pa din ‘yon sa pustahan ninyo.”

“Ano, hindi—”

Itinaas niya ang isa niyang kamay to stop Woon from explaining. Huminga siya ng malalim. “Kailan mo siya babayaran?” tanong niya.

Napakamot ito ng noo. “One week from now. Sa party niya.”

Nasabi na ni Lee sa kaniya ang party na ‘yon. Nang may maisip siya. “Let’s have a deal.” Sinabi niya dito ang naisip niya.

“Magagawa mo ‘yon?” gulat na tanong nito. “Alam kong matapang ka, pero ‘yong party na ‘yon, all of our friends will be there.”

“Kaya ko.”

“Pero Dara, si Lee—”

“Ayaw mo no’n, tutulungan pa nga kita. Kapag nagawa ko ang deal natin, wala ka ng babayaran. Your twenty thousand is all yours. Tutal naman mahilig siya sa pustahan. Makikisali din ako. Kaya wala kang babanggitin na kahit na ano kay Lee. Remember I saw you with another girl aside from your dear girlfriend. Ako ng bahala kay Lee.”

He sighed. “Okay. I will not tell anything about this to Lee. Wala ka ding sasabihin sa girlfriend ko. Deal.”

“Deal.” Iyon lang at tumalikod na siya.

“Akala mo kung sinong magugustuhan ni Lee. Eh, bagong laruan lang naman siya, pinagpustahan pa. Poor girl.” Hindi na niya kailangang lingunin ang nagsalitang ‘yon. Ito ‘yong babae kanina. ‘Yong bruhang babae.

Kuyom ang mga kamay niya ng tuluyang makalayo dito. “Pinagpustahan! Bagong laruan! Hah! Tingnan natin, Lee, kung sino ang magiging laruan sating dalawa. Tingnan natin!” gigil na wika niya.

Napahawak siya sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at tumingala sa langit. Pero bakit ganito, bakit parang nasaktan ako ng malaman kong pustahan lang pala ang lahat? Malay ko bang pustahan lang din ang paglapit niya sakin. Bakit Lee!? Bakit!?

-E N D . O F . F L A S H B A C K-




“Dara.” Napakurap siya. Nasa harapan pala niya ang taong pinagpustahan lang siya.

“Hop in.” ulit nito.

 
Pagbibigyan niya muna ito. Sa ngayon. Hindi pa oras para malaman nitong alam na niya. Sumakay na siya sa kotse nito.

“Bakit parang wala ka sa sarili mo kanina?” tanong nito ng paandarin na nito ang kotse. Kita niya sa gilid ng mga mata niya ang ngiti nito. Hay…


“Wala naman. Puyat lang siguro ako kagabi.” hindi lumilingong sagot niya.

“Kaya ang payat mo, eh, nagpupuyat ka.”

Tiningnan niya ito ng masama. “Nagsalita ang mataba.”

“Macho kaya ako.”

Itinirik niya ang mata niya.

“At gwapo pa.” dagdag pa nito.

“Tangayin tayo ng hangin sa mga sinasabi mo.”

Natawa ito ng mahina. “Totoo naman ‘di ba? Sabihin mong hindi, pangit ka.”

“Hindi.”

“Okay. Maganda ka.”

Napalingon tuloy siya dito. “Nagpapa-cute ka ba?” Kasi hindi ako tinatamaan. Hindi na ngayon.

“Effective ba?” Saglit siyang nilingon nito at kinindatan.

Kumislot ang puso niya dahil sa ginawa nito. Shut up, heart! Hindi na lang siya umimik pa.

Nilibang na lang niya ang sarili niya sa mga nadadaanan nila. “Saan ba talaga tayo pupunta?” hindi nakatiis na tanong niya.

Bilang sagot ay huminto sila sa isang botique shop. Isang sikat na botique shop. Pinagbuksan siya nito ng pintuan.

“Why are we here?” tanong niya.

Nginitian lang siya nito bago hinawakan ang kamay niya at hinila papasok ng shop. Napatingin na lang siya sa magkahawak nilang kamay. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng saya habang hawak nito ang kamay niya. Nang bumalik na naman sa alaala niya ang nalaman niya. Pustahan. Laruan.

Babawiin na sana niya ang kamay niya ng bitawan na nito ‘yon. She suddenly felt empty na hindi naman niya dapat maramdaman. Lihim niyang kinurot ang sarili niya para magising na siya.

“Give her clothes na kasukat niya. And shoes ofcourse.” utos ni Lee sa mga sales lady na nando’n.

“Yes sir.”

Kumunot ang noo niya. Clothes? Shoes? For me?

Maya-maya ay may ibinigay sa kaniya ang sales lady. Isang black dress.

“Sukatin mo.” nakangiting utos sa kaniya ni Lee.

“Okay.” Pumasok na siya sa fitting room at sinukat ang damit. Hindi ko alam kung ano ang plano mo, Lee, pero sige pagbibigyan lang kita sa kung anong gusto mo.

“Dara, ang tagal mo naman. Bilis at madami ka pang susukatin.” reklamo ni Lee mula sa labas.

“Nandiyan na.” Sipain kita dyan, eh.


Lumabas na siya ng fitting room. Humarap siya sa malaking salamin na nando’n. Napangiti siya. Nakita niya itong napangiti habang pinasasadahan siya ng tingin. Nailang tuloy siya.

“Cute…” mahinang sambit nito.

Lumapit pa si ito sa kaniya. Hinawakan nito ang buhok niya at tila inayos habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.


“Bagay sa’yo.” wika nito.

“Parang hindi naman.”

Binalingan nito ang mga sales lady na nakangiting nakatingin sa kanila. “Bagay nga sa’yo. Right, girls?”

“Yes, sir. Bagay po sa girlfriend ninyo.”

“Hindi ko—”

“Sabi ko naman sa’yo. Bagay sa’yo, eh.” nakangiting putol nito sa pagtatama niya sa mga akala ng sales 
lady.

Kumunot ang noo nito ng may kung anong nakita sa likuran niya. “May dumi ka sa likuran mo, Dara.”

“Ha? Nasa’n?” Napalingon siya sa likuran niya.

“Ako ng magtatanggal.” wika nito.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com
“O-okay.” Lihim siyang napabuntong-hininga. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Hindi ako dapat madala sa mga ginagawa niya. Hindi dapat.

“Tara.” Hinila siya ni Lee at pinaupo sa malapit na sofa. Napatingin siya sa mga sandals na nasa sahig.
Kumuha ito ng isang black sandal at ito mismo ang nagsuot sa paa niya.

“Ako na.”

Nginitian siya nito. “Ako na, Dara.”

Hindi pa ito nakuntento. Kumuha pa ito ng isa pa at isinuot sa kaniya.



Napatingin na lang siya dito. Sa mga ngiti nito. Sa ginagawa nito. Para siyang prinsesa kung tratuhin nito. 

Hindi niya mapigilang mapangiti. Prinsesa. Pero agad niyang iwinaksi ang mga ngiti niya. Mali, Dara! You should be angry with him. Dahil sa ginawa niya. He’s a playboy, right? Baka nakakalimutan mo.


“Alam mo bang ngayon ko lang ginawa ‘to?” hindi tumitinging wika nito.

Sinungaling! Gusto sana niyang isigaw ‘yon, pero sinarili na lang niya. Kung totoo ka lang sana Lee. Kung totoo na lang sana ang mga pinapakita mo. Kung totoo na lang sana ang lahat ng ‘to.

Kaya lang, it was all fake. Lahat ng ‘to. Alam kong isang laro lang sa’yo. Kaya pagbibigyan kita sa larong gusto mo.

“Dara, ba’t ang tahimik mo?” untag ni Lee sa kaniya. Nasa kotse na sila at pauwi na.

“Wala naman. Napagod lang ako.” hindi tumitinging sagot niya. Gusto na nga niyang bumaba sa kotse. Buti na lang at malapit na sila. Hininto nito ang kotse sa tabi.

“We’re here.” anunsyo nito. “Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung saan ang bahay mo?”

“Salubungin ka pa ng armalite ng tatay ko.”

“Okay lang, basta ikaw ang ihahatid ko.”

“May pupuntahan pa nga pala ko.” sa halip ay sagot niya. “Thank you.” Pababa na sana siya ng pigilan siya nito.

“Dara, wait.”

“Bakit?”

“Here.” May inabot ito sa kaniya.



Kinuha niya ‘yon. Isa ‘yong invitation. Ito yung party. Kung sa’n makukuha ni Lee ang premyo nito.

“Punta ka ha.” nakangiting wika nito.

Ofcourse! “Sure. See you at the party, Lee.” At makikita mo ang hinahanap mo. Hindi nito napansin ang tingin niya dahil napatingin ito sa unahan ng kotse nito. 


Bumaba na siya bitbit ang mga shopping bags na pinamili nito para sa kaniya.

“Bye, Dara. Ingat ka okay.” Kumaway pa ito sa kaniya ng paandarin nito ang kotse nito.

Gumanti siya ng kaway dito habang nakangiti.


Saktong pagliko nito sa may kanto, nabura ang ngiti niya.

Nakita niya ang isang basurahan sa tabi. Napatingin siya sa mga dala niyang shopping bags. Lumapit siya sa basurahan at itinapon ang mga shopping bags. “Hindi ko kailangan ng mga yan!”


Tiningnan niya ng masama ang daang dinaanan ng kotse ni Lee na tila nakikita niya ito. “Hmp!” Tumalikod na siya at humakbang paalis. “See you at your party, Lee. It will be a great show.”


To be continue...


Images in this chapter were screenshots and edited by Aiesha Lee. Please do not take without permission!
Some of it were not, credit under that photo/s were placed.

Dreaming : Chapter 3 POSTED!



Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

3 comments:

  1. naks.. kahit bad trip nah,nagbibiro pa rin ah.. iba din mag-isip si dara ah..

    grabe!! he's so gwapo!! sakin ka na lang lee!! haha..

    cant wait 4 d next UD..

    ReplyDelete
  2. aNjaN n uNg eViL pLaN ni daRa,,, hwaAaaah naeXcitE n diN aq sa nExt cHAPter,,,

    ReplyDelete
  3. payback time n ni dara! excited n aq s susunod n chapter!!! mei gwin kyang twist c author pra maiba ung ending? waaaaaaaaaah! anu kya???

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^