Monday, September 10, 2012

You Are Just A Memory: Chapter 2

You Are Just A Memory
Chapter 2: Seatmates



"Teka..." Early in the morning, curiousness agad ang nafe-feel ko pagkapasok ko sa loob ng classroom namin. Sino ba ang cleaners ngayon? Or kelan lang ba nag-arranged ng seats si Mrs. Min?

May mga names na yung arm chairs namin. And WTF happened here?! Ang katabi ng arm chair ko ay may pangalang "Hero" ?! Sa right side ko pa! SINONG MAY GAWA NITO???
"Excuse me." Eto sumulpot na ang epal na si Hero at umupo agad sa chair nya. Hindi sya nakatingin sakin. Mukha syang walang pakialam sa mundo habang ako dito ay naninigas na sa inis.
Hindi muna ako umupo at nagmadaling lumabas saka hinanap si Anne. "Langya best. May monster sa tabi ng upuan ko. Help!" Bulong ko sa sarili.
"Hi best!" Hay thanks God at dumating rin sya.
"Oh gosh...anong nangyari dyan sa mukha mo best? May umaway ba sayo? Bakit ang red mo?" Sunud-sunod na tanong ni Anne.
Hindi ako umimik. Pinisil-pisil ko ang mga kamay ko para mapigilan ang sarili sa inis na nararamdaman.
"Akyat na nga tayo. Naku uupakan ko talaga yang umaway sayo eh!" Sabi ni Anne tapos umakyat na kami at pumasok agad sa classroom namin.
"Kasi best...merong~"
"Hi Hero...." ^_- Ay letsugas ka best! Di mo ako pinatapos dahil nakita mo lang si Hero eh todo pa-cute ka na agad! Mas lalo pa akong nakadama ng sobrang inis ngayon.
Tumingin lang sa kanya si Hero at nag-smile saglit tapos tumingin agad sa ibang direksyon.
"Asan na ang umaway sayo best?" Lumingon-lingon si Anne sa paligid.
"Walang umaway sakin bast okay?!" Nairita kong sabi.
Hindi parin ako umupo sa arm chair ko. Nakakailang eh. Saka nakakainis na ewan ba! Okay lang kaya kung magpalit kami nalang kami ni Anne ng seat?

"Good morning class!"
Naku andito na si Mrs. Min! Wala akong choice kundi umupo nalang sa chair ko. Feeling ko ngayon sarap manuntok ng katabi. Ang sama ng aura ng paligid.
"Good morning Mrs. Min!" Sabay-sabay na sabi naming lahat.
"I have arranged your seats just this morning at dinikit ko na rin ang mga name tags nyo. That would be your permanent seats until the end of this school year." Sabi nya.
"Ano?!" Sabi ko in a loud voice.
"Is there a problem Ms. Aziz?" Tanong ni Mrs. Min sakin.
"Ahmm wala po ma'am." Saka yumuko nalang ako. Ibig sabihin ba nito whole school year kong katabi ang epal na Herong ito? Grr!!!
"Mr. Noland, is that your proper seat?" Tanong ni Mrs. Min na parang nagtataka.
"Yes ma'am. Nandito po pangalan ko oh." Sagot ni Hero sabay turo sa name tag nya na nakadikit sa likod ng upuan nya.
Kumunot ang noo ni Mrs. Min. Kinutuban ako ng masama. Teka, baka may kinalaman si Hero dito sa pagkakatabi namin ng chair? No, no, no! Imposible namang ako ang gusto nyang makatabi di ba???


"Ok class dismiss."
"Good bye and thank you Mrs. Min."
Lumabas na si Mrs. Min at nagsimula na namang magkagulo ang buong classroom namin. Maingay na naman. Merong nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa Star Circle Quest at Lovers in Paris. Meron namang nagbabatuhan ng scratch paper dun sa kabilang section at kung anu-ano pa.
"Best best, sino bet mo na manalo sa SCQ?" Lumingon si Anne at tinanong ako. Isa pa 'to noh. Nananahimik na nga ako dito eh. Pero in fairness avid fan din ako ng SCQ! Favorite ko kasi si Sandara Park! Kahit para syang tanga eh gusto ko parin ang personality nya. BUT, hate ko na ngayon si Hero Angeles dahil nag-exist na si Hero Noland! Grr! Sinira nya ang interest ko sa Hero-Sandy loveteam!
"Si Sandara.." Matamlay kong sagot.
"Eh how about si Hero?"
"Bakit?" Sabat ni Hero Noland.
"Hindi ikaw! Si Hero Angeles!" I exclaimed.
"Uy best ang harsh mo naman." Sabi ni Anne. Hindi ba sya nangangawit sa posisyon nyang nakaharap parin sakin?
"Hmm." Umirap si Hero.
"Alam mo kasi Hero, talagang mainit lang ang dugo nitong si Jane sayo. Or shall i say, sa mga boys na gaya mo. Palibhasa wala pang boyfirend eh. Haha." Panunukso ni Anne. Buseet talaga!
Tumawa si Hero.
"Kaya pala..." Tumawa na naman sya.
"Bwesit!" Tumayo ako at lumabas. Na-high blood ako dun. Ewan ko ba bakit ayaw na ayaw ko kay Hero. Ang hangin kasi ng effect nya eh! Kaya pala ano? Kaya pala para akong manang sa sobrang pagka-conservative ng looks ko? Nakakainis! Hmp!!!


Recess time...
"Uy best sorry na...Galit ka pa ba?" Nagmamakaawa ang mukha ni Anne. Nakakatawa syang tingnan pag nag-pout, parang bata kasi eh. Kaya di ko na napigilan ang sarili kong tumawa.
"Gaga ka kasi best eh...Tama ba yung sinabi mo kay Hero na hindi pa ako nagkaka-boyfriend?" Sinundot ko yung ilong nya. Haha! Bati na agad kami. ^_^
"Uy sabi ko lang kaya na wala ka pang boyfriend.." Defense nya.
"Ganun din yun..." Sabi ko naman.

"Ehem!" Sumulpot bigla si Hero.
"Can I join?" Sabi nya sabay pa-cute sa mata.
"SURE!!!" Excited namang sabi ni Anne. Anapesteeh na!
"Pwede malaman ang names nyo?" Nag-smile sya samin.
"Ako nga pala si Anthonnette...but you can call me Anne ^____________^" Tapos nag-shakes hand sila ni Hero.
"How about you?" Tumingin si Hero sakin.
"Jane." Sgot ko na hindi man lang tumingin sa kanya.
"Hello Jane." Inabot nya yung kanang kamay nya but I declined. Wow haba na ng hair ko nito oh! But  di ko talaga sya feel eh. Galing syang city at alam kong chickboy sya! Ayoko sa mga ganun!
"Mataray pala 'tong friend mo Anne." Tapos binaba na nya yung kamay nya.
"Pero friendly yan Hero, promise. Naninibago lang kasi yan eh." Anne explained.
"Talaga?" Tapos tumitig sya sakin.
Bakit ba gusto ko nang tumawa ngayon? Ay Jane. Erase, erase!

"Tatawa na yan oh..." Panunukso ni Hero. Tumingin ako sa ibang direksyon para mapigilan ko ang sarili kong tumawa. Ang cute eh! Haha. Oo totoo, hate ko sya pero he's undeniably cute! Ayan, umamin na rin ako.
"Sabi ko na eh tatawa ka din pala!" Anne chuckled.
Taena kayo oh...Bumigay na talaga ako. Nakakatawa kasi yung mukha ni Anne habang nakatitig kay Hero, nakanganga kulang nalang tutulo na yung laway. Hahaha!
"Hindi ako sayo natatawa noh!" Sarcastic kong sabi kay Hero.
"Sus! Kunwari ka pa..." Hero said in a low voice.
"Ewan ko sayo. Ang hangin mo!" Sumimangot ako.
"Cute mo!" Hero said at nag-blink.
"Aray ko! OP na po ako dito..." Nag-pout si Anne.

So ayun, feeling tropa na namin si Hero. Feeling lang ah. Ayaw ko parin sa kanya. Si Anne lang naman talaga ang may gusto na i-friend ko din sya eh. Hindi ako nakakaramdam ng friendship feeling kay Hero.

[AN: Wait lang po kayo sa UD ha? Promise maganda ang story na 'to...hehehe.]



5 comments:

  1. nAALaLa q pO unG sCq mOmENt n un,, c sAnDaRa din aNg bEt q noOn,, kiLig n kiLig p aq skniLa ni hErO nOon,, hEHe,, sYaNg LnG dLwA n LnG yTa s bAtCh nLa aNg ngtGaL,, c dARa at mELissA riCks,, ndE nMn hLaTaNg kPamiLya aq nOh,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang cute-cute! hwaaah~ 유+웃=❤유+웃=❤유+웃=❤유+웃=❤유+웃=❤유+웃=❤

      Delete
  2. hahaha.. natutuwa talaga ako kei ann.. ready kagad sya lumaban.. haha..

    taray effect pa si jane..kinikilig nman .. haha.. ang cute nila...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^