[Richelle’s POV]
Sa wakas nakarating nadin
kami sa EK. Kaso hindi naman kami makapasok dahil WALA PA KAMING TIKET!!!! Bruha kang Regine ka nasaan ka na ba?
Natutusta na ang beauty ko dito sa labas ng EK. Dito na kasi kami nag-aantay sa
malapit sa entrance para madali namin silang makita. Looks like ang grupo pa
namin ang naunang dumating dito.
“Hey guys!! What’s up!” bati
ni Trace at nakipag high five sa mga boys.
Magkasabay silang dalawa ni
Gray na pumunta dito. Eh yung iba kaya nasaan na?
“Ohayo Richelle-nee-san” ako
naman ang binalingan ni Trace. Habang yung ibang boys eh nagkukwentuhan.
“Anong tinawag mo sakin?”
tanong ko. Alien word eh kaya di ko naintindihan.
“Richelle-nee-san”
“Ano ibig sabihin nun?”
“Ate Richelle” nakangiting
sabi nito.
Hinampas ko tuloy siya ng
shoulder bag na dala ko.
“Maka-Ate Richelle ka wagas na
wagas ah! Ilang taon ka naba ha?!”
“Aray ko naman…bayolente ka…18
palang ako….ikaw ba? Diba 29 ka na?” pang-aasar nito.
“Sira-ulo ka ah…anong 29 ka
dyan! 19 lang ako” mukha ba akong matanda???
“Ahh 19 ka lang ba? Sabi
kasi ni Laxus 29 ka na daw eh”
“Gago yun ah…naniwala ka
naman?”
“malay ko ba?”
“Ewan ko sayo sira-ulo!
Lumayo ka nga sakin sinisira mo ang araw ko eh” pagtataboy ko sa kanya at muling
hinampas ng shoulder bag. Kawawa naman yung bag ko. LV pa naman ito.
“wag ka ng magalit nee-san”
“peste ka ayan ka na naman
sa nee-san-nee-san na yan ah! Wag mo nga akong tawaging ate! Isang taon lang
tanda ko sayo noh! At hindi kita kapatid”
“Okoranaide kudasai Hime”
“Oh? Ano na naman yun? Pwede
ba ayus-ayusin mo nga ang mga sinasabi mo! siguro minumura mo na ako noh!” asar
na sabi ko sa kanya.
“Gomenasai Hime”
“Ah letse! Shudap!” sabi ko
at tinalikuran na siya. Nakakainis naman kasi eh. Nasa Pilipinas siya pero puro
Alien words ang sinasabi. Alien siguro yun..
Napalingon ako kay Trace na
ngayon at tahimik lang sa isang tabi. Animo batang pinagalitan ng nanay eh.
“eh sa nakakainis naman kasi
siya eh. Hindi ko maintindihan mga sinasabi niya..pero parang ang ganda naman
pakinggan eh. Ay ewan ang gulo” sabi ko sa sarili ko.
“Okoranaide kudasai means Don’t get mad…” nagulat ako ng magsalita si Jhonah sa tabi ko. Teka kelan pa siya
dumating? “Gomenasai means I’m sorry”
dire-diretso lang siya sa pagsasalita..teka itinatranslate niya ba yung mga
sinabi ni Trace kanina? “…and Hime
means Princess” nakataas ang kilay na sabi sakin ni Jhonah. “ But I don’t think
that endearment suits you….” Pagkasabi nun ay tinalikuran na din niya ako at
nilapitan si Trace.
Don’t get mad…
I’m Sorry…
Princess…
Hala ka!!!! Nagtampo yata
sakin si Trace…at mukhang nagalit sakin si Jhonah.
Hindi ko naman kasalanan yun
eh..malay ko ba naman kasi sa mga pinagsasabi niya diba? Sila-sila lang
nakakaintindi nun. Hindi naman ako alien.
“Guys tara
na” sabi ni Jeirick at inabutan na kami ng ticket.
Nilingon ko pa sina Trace
bago naglakad papasok. Mukhang pinagagalitan ni Jhonah si Trace.
* * *
Naglibot-libot muna kami sa
loob ng EK.. ayaw pa daw sumakay ng iba sa mga rides eh…pahinga mode daw muna.
Okay lang naman sakin. Nang makakuha ng tyempo ay nilapitan ko si Jhonah at
hinila palayo. Pinauna ko ng maglakad yung iba. Pero syempre papayag ba naman
si Regine na maiwan siya dun? Kaya ayun sumama samin kahit hindi ko naman siya
kailangan.
“Ano ba yun?! Sisipain kita
dyan eh hila ka ng hila” angal ni Jhonah.
Binatukan ko naman siya.
Oo..ganyan kami kabrutal sa isa’t-isa pero lambingan lang namin yun.
“wag kang maarte dyan. May
itatanong ako sayo”
“Join naman ako sa topic
niyo” singit ni Regine.
“Bakit ka ba sumama samin eh
hindi naman ikaw ang kailangan ko”
Nagpout naman ng lips si
Regine. “Ang bad niyo. Iniiwan niyo ako”
“Sino kaya ang nang-iwan???
Sumakay ka na agad dun sa kotse ni kuya Jeirick pinalayas mo ako dun kaya tuloy
napilitan ako sumabay kay Sungit..” nakasimangot na sabi ni Jhonah.
“sana nga hindi nalang ako sumabay” malungkot
na sabi ni Regine.
“Bakit? Hindi mo namanyak si
Jeirick?” tanong ko naman sa kanya.
Hinila naman ni Regine ang buhok
ko.
“Ano namang tingin mo sakin?
Manyak”
“Oo” sabay pang sabi namin
ni Jhonah. Akmang kukurutin kami ni Regine pero agad naman kaming nakaiwas.
“Teka nga…nawala na ako sa
sasabihin ko…ang gulo kasi nitong si Regine eh” angal ko habang hawak sa braso
si Jhonah. Baka kasi bigla akong takbuhan eh mahirap na. May kailangan pa ako
sa kanya.
“ang sama nito” angal ni
Regine.
“Mabait kaya ako…ay naku
tumahimik ka nga muna Reginetot”
“hoy Richelle! Bakero ka! Bitawan mo na nga ang braso
ko at kanina pa iyan namumula” reklamo ni Jhonah.
Binitawan ko naman siya.
Pansin ko ngang namumula na yung braso niyang hinawakan ko. Medyo napahigpit
nga yata…ikaw na sensitive ateh!!!
“Ano bang kailangan mo
sakin?”
Nilaro-laro ko ang laylayan
ng t-shirt na suot ko. Medyo hiya ako ehhhhh.
“gaga ka” binatukan ba naman
akong bigla? Ang sakit nun ah. “ wag mo nga akong emote-tan dyan matapos mong
away-awayin yung kohai ko!” pagalitan
ba daw ako? Saka anong Kohai? Alien talaga. Pero siguro si Trace ang tinutukoy
niya kasi si Trace lang naman ang kausap ko kanina eh.
“Eh kasi naman hindi ko
maintindihan ang mga pinagsasabi niya eh…pero naguilty naman ako”
“kahit na. hindi mo padin
siya dapat inaway.” Nakahalukipkip na sabi nito.
“kaya nga guilty na diba?
Saka bakit inaaway mo ako..friend mo ako diba?”
“Oo nga..friend kita pero kohai ko si Trace at senpai niya ako…at dapat lang na
protektahan ng senpai ang kohai niya.”
“kohai…senpai….siopao…siomai…ewan
ko sayo alien! Wala akong maintindihan kaya hindi tayo nagkakaintindihan eh.”
“wag na tayong mag-usap”
sabi nito at tinallikuran na ako. Syempre hindi ako papayag na talikuran nalang
niya ako basta. Hinila ko yung buhok niya.
Natanggal tuloy yung
sumbrerong suot niya dahil nadamay sa paghila ko. Gaga talaga itong babaeng
ito. Ang ganda at haba ng buhok itinatago. “Siraulo ka…akin na nga yang
sombrero ko” sabi nito at pilit inaagaw sakin yung sombrero pero syempre di ko
ibinigay. Inihagis ko iyon kay Regine na nagsesenti mode habang naglalakad.
“Regine tapon mo” sigaw ko
kay Regine at ibinato sa kanya yung sombrero. Masyado namang masunurin si
Regine kaya ayun itinapon nga sa basurahan.
“hala ka!!!! Yung cap ko”
reklamo ni Jhonah ng makitang puro dumi na yung cap niya syempre kaderder ng
gamitin iyon diba? “Bayaran mo yan!!!!” sigaw nito kay Regine.
“Oh bakit ako? Nautusan lang
naman ako ni Richelle eh”
Ako naman ang binalingan ni
Jhonah…wawa naman iiyak na iyan!!! Ang bad lang noh?
“bayaran mo yan!!!!” sigaw
nito sakin.
“Oo na..babayaran ko na…dalawa
pa! basta sagutin mo yung itatanong ko” medyo kumalma naman si Jhonah..akala ko
kakailanganin ko pang magpatigil ng bata eh.
“ano ba kasi yun?”
“Hindi ko naman sinasadyang
magalit kay Trace eh..gusto ko sana
humingi ng sorry..mamaya isipin niya hindi siya welcome sa’tin….ano ba dapat
kong sabihin?”
“Simple lang…Sorry”
“Eeehhhh…mukhang adik yun sa
ibang lenguwaheng tulad mo eh..gusto ko katulad din ng sinasabi niya.”
“alien ka dyan.. nihongo yun
noh! Japanese language.”
“Whatever…sige na ano dapat
kong sabihin”
“Asus! Gaya-gaya ka..tinawag
ka lang na Hime eh”
“Princess ibig sabihin nun
diba?”
“Oo”
“Princess?? Ako kaya yun”
biglang singit ni Regine.
“Sinong nagsabi?” nakataas
ang kilay na tanong naming dalawa ni Jhonah sa kanya.
“Ako”
“Not acceptable” binalingan
ko si Jhonah. “ So ano na?”
“Gusto mong humingi ng sorry? Sige sabihin
mo Ai shiteru Trace-kun”
“Yun ba talaga yun? Bakit parang iba yung
sinabi mo kanina?” napaisip na tanong ko.
“Yun iyon…wag kang epal. Marunong ka pa
sakin…tapos para sincere sabihin mo iyon ng pasigaw”
“saan ka na naman nakakita ng nagsosorry na
sumisigaw?”
“Meron. Ikaw..basta gawin mo yun okay? Tara na…magride na tayo..sayang ang libre ni Regine”
sumunod nalang kami ni Regine sa kanya. Iniwan na kami eh.
* * *
[Jhonah’s POV]
Salamat naman at natapos na
din ang kaartehan nun ni Richelle..magsosorry lang dami pang arte…pero syempre
naisahan ko na naman siya…bwahahaha!!! Hindi naman iyon ang ibig sabihin ng
sorry eh…lagot siya ngayon aasarin ko siya kapag isinigaw niya iyon..hehe…wag
kayong maingay ah…
Sa Anchor’s Away kami unang
sumakay. Dun talaga sa pinakadulong
pwesto yung pinili namin. Sa kabilang dulo nandun sina Paul, Laxus, Marky, Trace
at Richelle… oo dun siya kasi tinulak ko siya papunta dun eh..bwahahaha!!!! sa
kabilang side naman eh sina Gray, Yesha, Regine, ako at si Prince Earl Sungit..
si Demi hindi sumama kaya sinamahan nalang siya ni kuya para hindi siya
mag-isa. Hay naku KJ..sama sama pa sya dito…
“Natatakot ako” sabi ni
Yesha
“hawak ka kay Gray..okay
lang yan Yesha masaya ito” sabi ko. Excited na ako. Enjoy talaga akong sumakay
sa mga rides ditto. Yung tipong maiiwan yung kaluluwa mo sa itaas…tapos hindi
na babalik..haha joke lang.
Maya-maya nga ay umandar na
yung barko… sa umpisa mabagal lang at mababa palang ang andar niya. Pero
maya-maya lang pataas na siya ng pataas.
“Wooohhhhh!!!!” sigaw namin
kapag kami ang nasa itaas.
“woooooohhhh!!!” sigaw din
naman nila Richelle.
“Jhonah!!!” sigaw nila Paul
at Laxus samin. At bigla ba namang nagposing ala Johny Bravo nung sila na yung
nasa itaas. Ang lakas ng tawa namin maging ng iba pa naming kasabay. Syempre
hindi naman ako magpapatalo. Nung turn naman namin sa itaas eh magpopose din sana kami nila Gray kaso
bago pa ako makagalaw eh naramdaman kong may humawak sa braso ko.
Paglingon ko sa tabi ko ay
ang higpit ng hawak ni Earl sa mga kamay ko. Nakapikit pa yung mga mata niya.
Don’t tell me….
“natatakot ka?” tanong ko sa
kanya.
* * *
[Earl’s POV]
Sa totoo lang ayoko talaga
sanang sumakay sa mga rides dito sa Enchanted
Kingdom kasi aminin ko
mahihiluhin kasi ako. Saka takot ako sa matataas na lugar…hanggat maari sana eh ayokong sumama sa
kanila pero nahiya naman akong tumanggi. Saka walang nakakaalam ng weakness ko
na iyon. Tatanggi sana
ako nung magkayayaan silang sumakay sa Anchor’s Away. Pero wala na akong nagawa
nung hilahin na ako nila Paul. Nakakainis kasi dun pa talaga sa dulo ang pinili
nilang pwesto.
Maya-maya ay nagsimula ng
gumalaw yung barko. Mabagal…hanggang sa bumilis at tumaas na…gusto ko sanang
sumigaw pero pinipigilan ko yung sarili ko. Ramdam kong pinagpapawisan na ako.
Kaya napapikit nalang ako at napahawak sa katabi ko na nagkataong walang iba
kundi si Jhonah.
“natatakot ka?” tanong niya
sakin. Obvious ba?! Sipain ko kaya siya dyan. Pero pakiramdam ko walang boses
na gustong lumabas sa bibig ko. Hinanda ko na yung sarili ko na asarin at
pagtawanan niya. Pero ganun nalang ang gulat ko ng…
…hinawakan niya yung kamay
kong nakahawak sa braso niya.
Hindi ko alam pero sa
simpleng gesture na iyon eh parang gumaan yung pakiramdam ko. Parang medyo
nabawasan yung takot ko.
“isigaw mo lang” sabi niya
pa sakin “para mailabas yung pressure sa katawan mo”
I know it may sound absurd
but I trust her. I did what she told me…and she was right..medyo magaan nga sa
pakiramdam na sumigaw ka. Maya-maya lang ay natapos din ang pag-galaw nito at
tuluyan ng huminto. Pero feeling ko gumagalaw padin ang paligid ko.
“Wooohh!! Ang saya nun….talo
ka samin Jho hindi ka nagpose” masayang sabi ni Paul.
“Hehe…oo nga eh..next time”
sagot naman ni Jhonah. I know I’m the reason kung bakit hindi siya
nakakapagpose. Hawak niya kasi ang kamay ko.
“Space shuttle naman
tayo!!!” yaya nila Laxus at nagtakbuhan na papunta dun.
“Sige sunod ako” sabi ko kay
Jeirick.
Hindi muna ako sumunod sa
kanila. Naghanap muna ako ng mauupuan ko. Nanghihina pa kasi ang pakiramdam ko.
Feeling ko din masusuka ako. Magpapahinga nalang muna ako dito.
Nagulat ako ng may lumitaw
na bote ng mineral water sa harap ko. Pag-angat ko ng mukha ko ay si Jhonah ang
nakita ko.
“Anong gagawin ko dyan?”
tanong ko sa kanya. Badtrip! Ayokong makita niya yung weakness ko.
“Try mong ibuhos sa mukha
mo…syempre malamang inumin mo.” sabi niya at inilagay na sa kamay ko ang tubig.
Pero bago ko pa ito mabuksan ay sya na ang nagbukas nito. “Thanks” ininom ko
naman yung tubig na ibinigay niya.
“Acrophobic ka pala dapat hindi ka na sumakay. Bakit nagmagaling ka
pa? mamamatay ka ng maaga niyan.” Sermon niya sakin.
“Paano mo nalamang
Acrophobic ako?”
Tumingin si Jhonah sa may
Space Shuttle. Nandun na siguro ang mga kasama namin.
“Well… imposible naman
kasing naduduwag ka lang eh..kaya naisip ko na may Acrophobia ka”
Pareho kaming nanahimik.
“Bakit hindi ka sumama sa
kanila?” tanong ko.
“Okay lang. sasamahan nalang
kita”
“Hindi na kailangan”
“wag ka nga…kung makahawak
ka naman sakin kanina dyan wagas na wagas.” May inabot siya saking isang candy.
“Oh..makakatulong yan”
Tinanggap ko naman ito.
Matapos balatan ay isinubo.
“salamat”
Ngumiti lang siya sakin.
Medyo natigilan naman ako ng makita siyang ngumiti. Para
siyang bata. Ang aliwalas ng aura niya.
“Nasaan yung cap mo?”
biglang tanong ko para madistract ako sa kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.
“Tinapon nila Richelle sa
basurahan” nakapout lips pa siya habang sinabi iyon.
Bigla nalang akong natawa.
Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Para siyang batang inagawan ng laruan eh. Nakakatuwang
tignan.
Mukhang nagtaka naman siya
sa pagtawa ko. Naoffend yata kasi hinampas ba naman ako nung bote ng mineral
water. Pero hinawakan ko lang yung kamay niyang ipanghahamas sakin. At kahit
anong hila niya eh hindi ko pinakakawalan ang kamay niya.
Funny…mukhang nasasanay akong
hawakan ang mga kamay ni Jhonah.
bruhilda ka!!!
ReplyDeleteaisteru ekek ka pa jan. . . balak mo talaga ako ipahiya kay trace my yummy love!!! bwahahaha!!!
bawi ako ng long comment mamaya at nihiram ko lng ang tab ni boss ko. . .hehehe. . .
:::QueenRichelle here. . .
bwahahaha!!! buti alam mo sis...tinapon mo kasi ang cap ko eh..haha
DeleteaNg sAya-saYa s EK,, ingGit aq,, aq kXe nde p nKkPuNta duN ee,,,,
ReplyDeletetalaga?? oh tara halika punta tayo..hehe
Deletesama po ako!!! 유+웃=❤유+웃=❤
Deleteang cute talaga nila ni trace!! kilig!! so matanda pala talaga si ate richelle sa kanya? hindi halata.. hahah..
ReplyDeletei know nihonggo! adik ako run eh.. hehe.. share2.. patay ka ate richelle! 'i love you' ang meaning nun!! haha.. naisahan ka..
akalain mo yun,ang supladong si earl,takot sa heights??.. anong nangyayari sa mundo.. haha.. awwhh.. ang sweet ni ate jhonah.. ma iinlove na yang si Sungit sa yo.. sa hair mo pa lang eh,mababaliw na yan.. haha.. kaya go lang ng go..
waahh! hindi ako sumakay.. hindi tuloy ako nasama sa trip nila.. malamang sinolo ko na nman si jeirick ko.. hahaha
hahaha..nagmomment kayong dalawa eh..haha...
Deletelahat ng tao may tinatawag na weakness...hahaha...
lagot talaga yang si Richelle hahaha...alien word pa gusto ah..hahaha