Monday, September 10, 2012

Friends Zone : Chapter 8

[Richelle’s POV]


Sa wakas nakarating nadin kami sa EK. Kaso hindi naman kami makapasok dahil WALA PA KAMING TIKET!!!! Bruha kang Regine ka nasaan ka na ba? Natutusta na ang beauty ko dito sa labas ng EK. Dito na kasi kami nag-aantay sa malapit sa entrance para madali namin silang makita. Looks like ang grupo pa namin ang naunang dumating dito.



“Hey guys!! What’s up!” bati ni Trace at nakipag high five sa mga boys.


Magkasabay silang dalawa ni Gray na pumunta dito. Eh yung iba kaya nasaan na?


“Ohayo Richelle-nee-san” ako naman ang binalingan ni Trace. Habang yung ibang boys eh nagkukwentuhan.


“Anong tinawag mo sakin?” tanong ko. Alien word eh kaya di ko naintindihan.


“Richelle-nee-san”


“Ano ibig sabihin nun?”


“Ate Richelle” nakangiting sabi nito.


Hinampas ko tuloy siya ng shoulder bag na dala ko.


“Maka-Ate Richelle ka wagas na wagas ah! Ilang taon ka naba ha?!”


“Aray ko naman…bayolente ka…18 palang ako….ikaw ba? Diba 29 ka na?” pang-aasar nito.


“Sira-ulo ka ah…anong 29 ka dyan! 19 lang ako” mukha ba akong matanda???


“Ahh 19 ka lang ba? Sabi kasi ni Laxus 29 ka na daw eh”


“Gago yun ah…naniwala ka naman?”


“malay ko ba?”


“Ewan ko sayo sira-ulo! Lumayo ka nga sakin sinisira mo ang araw ko eh” pagtataboy ko sa kanya at muling hinampas ng shoulder bag. Kawawa naman yung bag ko. LV pa naman ito.


“wag ka ng magalit nee-san”


“peste ka ayan ka na naman sa nee-san-nee-san na yan ah! Wag mo nga akong tawaging ate! Isang taon lang tanda ko sayo noh! At hindi kita kapatid”


“Okoranaide kudasai Hime”


“Oh? Ano na naman yun? Pwede ba ayus-ayusin mo nga ang mga sinasabi mo! siguro minumura mo na ako noh!” asar na sabi ko sa kanya.


“Gomenasai Hime”


“Ah letse! Shudap!” sabi ko at tinalikuran na siya. Nakakainis naman kasi eh. Nasa Pilipinas siya pero puro Alien words ang sinasabi. Alien siguro yun..


Napalingon ako kay Trace na ngayon at tahimik lang sa isang tabi. Animo batang pinagalitan ng nanay eh.


“eh sa nakakainis naman kasi siya eh. Hindi ko maintindihan mga sinasabi niya..pero parang ang ganda naman pakinggan eh. Ay ewan ang gulo” sabi ko sa sarili ko.


“Okoranaide kudasai means Don’t get mad…nagulat ako ng magsalita si Jhonah sa tabi ko. Teka kelan pa siya dumating? “Gomenasai means I’m sorry” dire-diretso lang siya sa pagsasalita..teka itinatranslate niya ba yung mga sinabi ni Trace kanina? “…and Hime means Princess” nakataas ang kilay na sabi sakin ni Jhonah. “ But I don’t think that endearment suits you….” Pagkasabi nun ay tinalikuran na din niya ako at nilapitan si Trace.


Don’t get mad…


I’m Sorry…


Princess…


Hala ka!!!! Nagtampo yata sakin si Trace…at mukhang nagalit sakin si Jhonah.


Hindi ko naman kasalanan yun eh..malay ko ba naman kasi sa mga pinagsasabi niya diba? Sila-sila lang nakakaintindi nun. Hindi naman ako alien.


“Guys tara na” sabi ni Jeirick at inabutan na kami ng ticket.


Nilingon ko pa sina Trace bago naglakad papasok. Mukhang pinagagalitan ni Jhonah si Trace.


* * *


Naglibot-libot muna kami sa loob ng EK.. ayaw pa daw sumakay ng iba sa mga rides eh…pahinga mode daw muna. Okay lang naman sakin. Nang makakuha ng tyempo ay nilapitan ko si Jhonah at hinila palayo. Pinauna ko ng maglakad yung iba. Pero syempre papayag ba naman si Regine na maiwan siya dun? Kaya ayun sumama samin kahit hindi ko naman siya kailangan.


“Ano ba yun?! Sisipain kita dyan eh hila ka ng hila” angal ni Jhonah.


Binatukan ko naman siya. Oo..ganyan kami kabrutal sa isa’t-isa pero lambingan lang namin yun.


“wag kang maarte dyan. May itatanong ako sayo”


“Join naman ako sa topic niyo” singit ni Regine.


“Bakit ka ba sumama samin eh hindi naman ikaw ang kailangan ko”


Nagpout naman ng lips si Regine. “Ang bad niyo. Iniiwan niyo ako”


“Sino kaya ang nang-iwan??? Sumakay ka na agad dun sa kotse ni kuya Jeirick pinalayas mo ako dun kaya tuloy napilitan ako sumabay kay Sungit..” nakasimangot na sabi ni Jhonah.


“sana nga hindi nalang ako sumabay” malungkot na sabi ni Regine.


“Bakit? Hindi mo namanyak si Jeirick?” tanong ko naman sa kanya.


Hinila naman ni Regine ang buhok ko.


“Ano namang tingin mo sakin? Manyak”


“Oo” sabay pang sabi namin ni Jhonah. Akmang kukurutin kami ni Regine pero agad naman kaming nakaiwas.


“Teka nga…nawala na ako sa sasabihin ko…ang gulo kasi nitong si Regine eh” angal ko habang hawak sa braso si Jhonah. Baka kasi bigla akong takbuhan eh mahirap na. May kailangan pa ako sa kanya.


“ang sama nito” angal ni Regine.


“Mabait kaya ako…ay naku tumahimik ka nga muna Reginetot”


“hoy Richelle! Bakero ka! Bitawan mo na nga ang braso ko at kanina pa iyan namumula” reklamo ni Jhonah.


Binitawan ko naman siya. Pansin ko ngang namumula na yung braso niyang hinawakan ko. Medyo napahigpit nga yata…ikaw na sensitive ateh!!!


“Ano bang kailangan mo sakin?”


Nilaro-laro ko ang laylayan ng t-shirt na suot ko. Medyo hiya ako ehhhhh.


“gaga ka” binatukan ba naman akong bigla? Ang sakit nun ah. “ wag mo nga akong emote-tan dyan matapos mong away-awayin yung kohai ko!” pagalitan ba daw ako? Saka anong Kohai? Alien talaga. Pero siguro si Trace ang tinutukoy niya kasi si Trace lang naman ang kausap ko kanina eh.


“Eh kasi naman hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya eh…pero naguilty naman ako”


“kahit na. hindi mo padin siya dapat inaway.” Nakahalukipkip na sabi nito.


“kaya nga guilty na diba? Saka bakit inaaway mo ako..friend mo ako diba?”


“Oo nga..friend kita pero kohai ko si Trace at senpai niya ako…at dapat lang na protektahan ng senpai ang kohai niya.”


“kohai…senpai….siopao…siomai…ewan ko sayo alien! Wala akong maintindihan kaya hindi tayo nagkakaintindihan eh.”


“wag na tayong mag-usap” sabi nito at tinallikuran na ako. Syempre hindi ako papayag na talikuran nalang niya ako basta. Hinila ko yung buhok niya.


Natanggal tuloy yung sumbrerong suot niya dahil nadamay sa paghila ko. Gaga talaga itong babaeng ito. Ang ganda at haba ng buhok itinatago. “Siraulo ka…akin na nga yang sombrero ko” sabi nito at pilit inaagaw sakin yung sombrero pero syempre di ko ibinigay. Inihagis ko iyon kay Regine na nagsesenti mode habang naglalakad.


“Regine tapon mo” sigaw ko kay Regine at ibinato sa kanya yung sombrero. Masyado namang masunurin si Regine kaya ayun itinapon nga sa basurahan.


“hala ka!!!! Yung cap ko” reklamo ni Jhonah ng makitang puro dumi na yung cap niya syempre kaderder ng gamitin iyon diba? “Bayaran mo yan!!!!” sigaw nito kay Regine.


“Oh bakit ako? Nautusan lang naman ako ni Richelle eh”


Ako naman ang binalingan ni Jhonah…wawa naman iiyak na iyan!!! Ang bad lang noh?


“bayaran mo yan!!!!” sigaw nito sakin.


“Oo na..babayaran ko na…dalawa pa! basta sagutin mo yung itatanong ko” medyo kumalma naman si Jhonah..akala ko kakailanganin ko pang magpatigil ng bata eh.


“ano ba kasi yun?”


“Hindi ko naman sinasadyang magalit kay Trace eh..gusto ko sana humingi ng sorry..mamaya isipin niya hindi siya welcome sa’tin….ano ba dapat kong sabihin?”


“Simple lang…Sorry”


“Eeehhhh…mukhang adik yun sa ibang lenguwaheng tulad mo eh..gusto ko katulad din ng sinasabi niya.”


“alien ka dyan.. nihongo yun noh! Japanese language.”


“Whatever…sige na ano dapat kong sabihin”


“Asus! Gaya-gaya ka..tinawag ka lang na Hime eh”


“Princess ibig sabihin nun diba?”


“Oo”


“Princess?? Ako kaya yun” biglang singit ni Regine.


“Sinong nagsabi?” nakataas ang kilay na tanong naming dalawa ni Jhonah sa kanya.


“Ako”


“Not acceptable” binalingan ko si Jhonah. “ So ano na?”

“Gusto mong humingi ng sorry? Sige sabihin mo Ai shiteru Trace-kun”

“Yun ba talaga yun? Bakit parang iba yung sinabi mo kanina?” napaisip na tanong ko.

“Yun iyon…wag kang epal. Marunong ka pa sakin…tapos para sincere sabihin mo iyon ng pasigaw”

“saan ka na naman nakakita ng nagsosorry na sumisigaw?”

“Meron. Ikaw..basta gawin mo yun okay? Tara na…magride na tayo..sayang ang libre ni Regine” sumunod nalang kami ni Regine sa kanya. Iniwan na kami eh.

* * *

[Jhonah’s POV]

Salamat naman at natapos na din ang kaartehan nun ni Richelle..magsosorry lang dami pang arte…pero syempre naisahan ko na naman siya…bwahahaha!!! Hindi naman iyon ang ibig sabihin ng sorry eh…lagot siya ngayon aasarin ko siya kapag isinigaw niya iyon..hehe…wag kayong maingay ah…


Sa Anchor’s Away kami unang sumakay.  Dun talaga sa pinakadulong pwesto yung pinili namin. Sa kabilang dulo nandun sina Paul, Laxus, Marky, Trace at Richelle… oo dun siya kasi tinulak ko siya papunta dun eh..bwahahaha!!!! sa kabilang side naman eh sina Gray, Yesha, Regine, ako at si Prince Earl Sungit.. si Demi hindi sumama kaya sinamahan nalang siya ni kuya para hindi siya mag-isa. Hay naku KJ..sama sama pa sya dito…


“Natatakot ako” sabi ni Yesha


“hawak ka kay Gray..okay lang yan Yesha masaya ito” sabi ko. Excited na ako. Enjoy talaga akong sumakay sa mga rides ditto. Yung tipong maiiwan yung kaluluwa mo sa itaas…tapos hindi na babalik..haha joke lang.


Maya-maya nga ay umandar na yung barko… sa umpisa mabagal lang at mababa palang ang andar niya. Pero maya-maya lang pataas na siya ng pataas.


“Wooohhhhh!!!!” sigaw namin kapag kami ang nasa itaas.


“woooooohhhh!!!” sigaw din naman nila Richelle.


“Jhonah!!!” sigaw nila Paul at Laxus samin. At bigla ba namang nagposing ala Johny Bravo nung sila na yung nasa itaas. Ang lakas ng tawa namin maging ng iba pa naming kasabay. Syempre hindi naman ako magpapatalo. Nung turn naman namin sa itaas eh magpopose din sana kami nila Gray kaso bago pa ako makagalaw eh naramdaman kong may humawak sa braso ko.


Paglingon ko sa tabi ko ay ang higpit ng hawak ni Earl sa mga kamay ko. Nakapikit pa yung mga mata niya. Don’t tell me….


“natatakot ka?” tanong ko sa kanya.


* * *


[Earl’s POV]


Sa totoo lang ayoko talaga sanang sumakay sa mga rides dito sa Enchanted Kingdom kasi aminin ko mahihiluhin kasi ako. Saka takot ako sa matataas na lugar…hanggat maari sana eh ayokong sumama sa kanila pero nahiya naman akong tumanggi. Saka walang nakakaalam ng weakness ko na iyon. Tatanggi sana ako nung magkayayaan silang sumakay sa Anchor’s Away. Pero wala na akong nagawa nung hilahin na ako nila Paul. Nakakainis kasi dun pa talaga sa dulo ang pinili nilang pwesto.


Maya-maya ay nagsimula ng gumalaw yung barko. Mabagal…hanggang sa bumilis at tumaas na…gusto ko sanang sumigaw pero pinipigilan ko yung sarili ko. Ramdam kong pinagpapawisan na ako. Kaya napapikit nalang ako at napahawak sa katabi ko na nagkataong walang iba kundi si Jhonah.


“natatakot ka?” tanong niya sakin. Obvious ba?! Sipain ko kaya siya dyan. Pero pakiramdam ko walang boses na gustong lumabas sa bibig ko. Hinanda ko na yung sarili ko na asarin at pagtawanan niya. Pero ganun nalang ang gulat ko ng…


…hinawakan niya yung kamay kong nakahawak sa braso niya.


Hindi ko alam pero sa simpleng gesture na iyon eh parang gumaan yung pakiramdam ko. Parang medyo nabawasan yung takot ko.


“isigaw mo lang” sabi niya pa sakin “para mailabas yung pressure sa katawan mo”


I know it may sound absurd but I trust her. I did what she told me…and she was right..medyo magaan nga sa pakiramdam na sumigaw ka. Maya-maya lang ay natapos din ang pag-galaw nito at tuluyan ng huminto. Pero feeling ko gumagalaw padin ang paligid ko.


“Wooohh!! Ang saya nun….talo ka samin Jho hindi ka nagpose” masayang sabi ni Paul.


“Hehe…oo nga eh..next time” sagot naman ni Jhonah. I know I’m the reason kung bakit hindi siya nakakapagpose. Hawak niya kasi ang kamay ko.


“Space shuttle naman tayo!!!” yaya nila Laxus at nagtakbuhan na papunta dun.


“Sige sunod ako” sabi ko kay Jeirick.


Hindi muna ako sumunod sa kanila. Naghanap muna ako ng mauupuan ko. Nanghihina pa kasi ang pakiramdam ko. Feeling ko din masusuka ako. Magpapahinga nalang muna ako dito.


Nagulat ako ng may lumitaw na bote ng mineral water sa harap ko. Pag-angat ko ng mukha ko ay si Jhonah ang nakita ko.


“Anong gagawin ko dyan?” tanong ko sa kanya. Badtrip! Ayokong makita niya yung weakness ko.


“Try mong ibuhos sa mukha mo…syempre malamang inumin mo.” sabi niya at inilagay na sa kamay ko ang tubig. Pero bago ko pa ito mabuksan ay sya na ang nagbukas nito. “Thanks” ininom ko naman yung tubig na ibinigay niya.


Acrophobic ka pala dapat hindi ka na sumakay. Bakit nagmagaling ka pa? mamamatay ka ng maaga niyan.” Sermon niya sakin.


“Paano mo nalamang Acrophobic ako?”


Tumingin si Jhonah sa may Space Shuttle. Nandun na siguro ang mga kasama namin.


“Well… imposible naman kasing naduduwag ka lang eh..kaya naisip ko na may Acrophobia ka”


Pareho kaming nanahimik.


“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” tanong ko.


“Okay lang. sasamahan nalang kita”


“Hindi na kailangan”


“wag ka nga…kung makahawak ka naman sakin kanina dyan wagas na wagas.” May inabot siya saking isang candy. “Oh..makakatulong yan”


Tinanggap ko naman ito. Matapos balatan ay isinubo.


“salamat”


Ngumiti lang siya sakin. Medyo natigilan naman ako ng makita siyang ngumiti. Para siyang bata. Ang aliwalas ng aura niya.


“Nasaan yung cap mo?” biglang tanong ko para madistract ako sa kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.


“Tinapon nila Richelle sa basurahan” nakapout lips pa siya habang sinabi iyon.


Bigla nalang akong natawa. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Para siyang batang inagawan ng laruan eh. Nakakatuwang tignan.


Mukhang nagtaka naman siya sa pagtawa ko. Naoffend yata kasi hinampas ba naman ako nung bote ng mineral water. Pero hinawakan ko lang yung kamay niyang ipanghahamas sakin. At kahit anong hila niya eh hindi ko pinakakawalan ang kamay niya.


Funny…mukhang nasasanay akong hawakan ang mga kamay ni Jhonah.


* * *



7 comments:

  1. bruhilda ka!!!

    aisteru ekek ka pa jan. . . balak mo talaga ako ipahiya kay trace my yummy love!!! bwahahaha!!!

    bawi ako ng long comment mamaya at nihiram ko lng ang tab ni boss ko. . .hehehe. . .


    :::QueenRichelle here. . .

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahaha!!! buti alam mo sis...tinapon mo kasi ang cap ko eh..haha

      Delete
  2. aNg sAya-saYa s EK,, ingGit aq,, aq kXe nde p nKkPuNta duN ee,,,,

    ReplyDelete
  3. ang cute talaga nila ni trace!! kilig!! so matanda pala talaga si ate richelle sa kanya? hindi halata.. hahah..

    i know nihonggo! adik ako run eh.. hehe.. share2.. patay ka ate richelle! 'i love you' ang meaning nun!! haha.. naisahan ka..

    akalain mo yun,ang supladong si earl,takot sa heights??.. anong nangyayari sa mundo.. haha.. awwhh.. ang sweet ni ate jhonah.. ma iinlove na yang si Sungit sa yo.. sa hair mo pa lang eh,mababaliw na yan.. haha.. kaya go lang ng go..

    waahh! hindi ako sumakay.. hindi tuloy ako nasama sa trip nila.. malamang sinolo ko na nman si jeirick ko.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..nagmomment kayong dalawa eh..haha...

      lahat ng tao may tinatawag na weakness...hahaha...

      lagot talaga yang si Richelle hahaha...alien word pa gusto ah..hahaha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^