Monday, September 10, 2012

Alyessa and The Wizard : Chapter Three


(Danzell Leighton's POV)



Napaka-ewan talaga ng babaeng 'to! Napahamak tuloy ako ng dahil sa kanya! Tuloy nandito ako sa Office ni Professor Reifer. 


"What are the two of you doing there? Huh, Mr. Leighton? And near to the Ogre?" Striktong tanong ni Professor Reifer.


"Pasensya na po talaga, Professor." Paumanhin ko.


"Hindi ko 'to pwedeng palampasin. Sasabihin ko 'to kay Mr. Danjel sa ayaw at sa gusto mo, Danzell." Saka niya kinuha yung Telepono niyang luma.


"Hello, Mr. Danjel. Your son, he's still awake in the middle of twilight. And... Debating with the new witch... Uhm... Alyessa Howell is her name... Am I Right?" Sabi ni Professor Reifer habang kausap niya si Dad.


Patay na naman ako nito. Nang dahil sa Alyessa na 'to! Aish!!


Ibinaba na ni Professor Reifer yung telepono.


"Go to your respective rooms." Strikto na naman niyang sabi.


Lumabas na lang kami saka kami naglakad-lakad. Ihahatid ko pa 'to sa kwarto niya. Tss. Baka kasi maligaw eh.


"Nakakainis. Para siyang Snake sa sobrang... Aaah ewan. Basta Professor Snake siya para sakin. Hmp!" Bulong nitong katabi ko.


"Hoy!" Tawag ko sa kanya.


"Baket?" Tanong niya saka lumingon sakin.


"Anong Professor Snake? Sino? Ganun talaga ka-strikto yun si Professor Reifer kaya wala ka nang magagawa pa." Sabi ko saka ko ibinulsa ang mga kamay ko sa pantalon ko saka tumingin sa dinadaanan namin.


"Psh.. Sige na nga. Ahhm, teka pala. Pu-pwede mo ba akong turuan gumamit nito?" Tanong niya saka inilabas ang... 


Ebony Wand .


Marunong ako gumamit ng kahit na anong Wand. Ako pa? Fourth Year na ako 'no? At ako ang pinaka-magaling na Fire Wizard.


"Sige. Basta matulog ka pagkapasok mo sa kwarto mo. Tuturuan kita bukas ng umaga. Pero mag-aagahan muna. Mag-ayos ka muna ng sarili mo bago ka dumiretso sa Dining Area para kumain. " Sagot ko.

"Hmm. Okay. Uhm.. Bye!" Paalam niya nung nasa tapat na kami ng kwarto niya.


Dumiretso na ako agad sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama.

Bakit nga ba ako pumayag na turuan siya? Ano ibig sabihin non?

~KIINABUKASAN

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap ng pinto ng kwarto ni Alyessa. Ewan ko! Pero naiinis talaga ako! Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kagabi!

*Tok! Tok! Tok!*

*Tok! Tok! Tok!*

Aish! Bat ba ayaw niyang buksan yung pinto?!!

Hinawakan ko yung pinto at... HINDI NAKALOCK?!!

Pano kung may magtangka na lang sa kanya dito?!!


Teka... Danzell naman! Masyado kang nag-aalala sa Alyessa na yan!

AISH! Basta!

Binuksan ko yung pinto saka ako pumasok at isinara ulit ito.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog ng mahimbing.

Lumapit ako at umupo sa kama niya.

Tinitigan ko siya.

Maganda ang hubog ng labi niya.

Ang mata niya... kahit nakapikit ito pakiramdam ko mahuhulog ako sa kanya.

Ang half-blonde niyang buhok... Nakaka-inlove tignan.

Angputs! Ano ba naman 'to! Oras na ng pagkain pero tulog na tulog pa rin siya!

Tinapik-tapik ko yung pisngi niya kaya dinilat niya ng bahagya yung mata niya.

"Hmm? Goodmorning Yael..." Saka ulit siya pumikit.

Sinong yael? Hmm... Yael... Yung karibal ko? I mean... Yung pinaka-magaling pagdating sa Water?

Tinapik-tapik ko ulit yung pisngi niya.

"Hoy! Anong Yael? Sinong Yael?! Hoy gumising ka na dyan! Hoy Alyessa!" Naiinis na ako ha!

Tinapik-tapik ko ulit yung pisngi niya.

Umupo siya sa kama niya saka tumingin sakin ng masama.

"Umalis ka sa kwarto ko! Anong ginagawa mo dito?! Alis! Alis!" Pagtataboy niya sakin.

"Hoy ano ba! Wag mo nga akong itulak! Anakng!! Hoy ano ba!" Reklamo ko. Pinapapalo niya kasi yung braso ko habang tinutulak-tulak pa ako.


"Alis! Hindi ko naman sinabi sayo na pumasok ka dito ah?! Umalis ka sabi!" Sabi niya pa habang tinutulak ako.

"Ayaw mong mag-agahan?! Sige! Edi hindi na rin kita tuturuan gumamit niyang Ebony Wand mo! Aalis na lang ako!" Naiinis kong sagot saka ako tumayo at lumakad papunta sa pinto.



Nung malapit na ako sa pinto tinawag niya ako.


"Hoy! Sige na nga! Antayin mo lang ako dito!" Tapos tumayo na siya at dumiretso sa Wardrobe na nagiging Walk-in-closet na may kasamang banyo.

Haay. Hanggang anong oras kaya siya sa banyo 'no? Tsk.

10.. 20..30...

"Hoy ano ba naman, Alyessa! Bilis-bilisan mo naman ang galaw mo dyan! Baka wala nang matirang pagkain sa Dining Area!" Sigaw ko habang nakaupo ako sa kama niya.

Bigla na lang siyang lumabas na nakadamit na.

Pumunta siya sa Gilid ng kama niya at kinuha sa drawer niya ang Ebony Wand niya.


"Tara!" Masigla niyang yaya.

~DINING AREA

Magkahiwalay kami ng Table dahil lahat ng mga kasama ko sa isang mahabang table na 'to ay puro Fire Wizard. Ako ang nasa unahan dahil ako ang pinaka-magaling at nasa Senior Year na ako.

"Onga pala... Zell, darating ngayong umaga yung Dad mo ha? Anong meron?" Tanong ni Michi.

"Ha? Malay ko kay Dad." Sagot ko na lang.


Tinatamad talaga ako eh.


"Asuuus! Baka papagalitan kaya pupunta!" Singit naman ni Clifford.

Binato ko nga ng table napkin na malapit sakin.

"Sira! Manahimik na nga lang kayo!" Saway ko sa kanila.

Biglang bumukas yung main door para sa dining area.

Pumasok na yung mga Porfessors kasabay ni..

Ni Dad. AISH! Sineryoso niya talaga yung sinabi ni Professor Reifer?

Pagdating nila sa unahan nagannounce lang sila about sa games then let us eat na ulit.

~OPEN FIELD



"Ahem. Ganito ang tamang paggamit ng Wand." Turo ko sa kanya habang hawak ko yung right hand niya at inaalalayan ko siya sa paggamit ng wand niya.

"There. Swish and swish then wishiw!" Gumawa pa ako ng Sound effect para lang maintindihan niya.

"Ah! Okay!" Masaya niyang sabi.

Lumakad ako papunta sa harap niya. "Sige nga. Kung alam mo na talaga kung pano gamitin yan, gawin mo nga yung pinaka-basic!" Challenge ko sa kanya.

"Sige ba!" Sangayon niya agad.

"Swish and swish then wishiw!" Ginaya niya pa ako.

"Oh, asan na? Wala namang nangyari ah?" Tanong ko.

"Pfft! Pfft--HAHA!! BWAHAHAHAHAHA!!! HUWAHAHAHAHAHA!! HAHAHAHAHA!" Walang tigil niyang paghagalpak.


"Hoy! Tinuturuan kita para matuto ka hindi ko sinabing tumawa ka dyan!" Saway ko sa kanya.


"Pffft!" Ngayon naman namumula na siya sa sobrang pigil niya sa tawa niya.

"TAHAHAHAHA!!!" Hagalpak niya na naman.

Nag-cast nga ako ng spell kaya tumahimik siya. Pero nanginginig pa rin siya.

"Ano bang tinatawa-tawa mo dyan ha?" Naiinis kong tanong.

Nanginginig man siya, tinuro niya pa rin ang nasa uluhan ko.

Kinapa ko ang nasa uluhan ko at...

"Anak ka nang!!" Sigaw ko nung mahawakan kong may...


May matulis sa ulo ko!

"AISH!" Angal ko saka ko siya hinila papasok ng Castle.

Nakita kong nakaupo si Clifford at Michi sa may bench katabi ng malaking bintana.

Nagsimula ring humagalpak sila Clifford at Michi nang makita nila ako.


"Hoy! Ano bang tinatawa-tawa niyong dalawa dyan?" Tanong ko.

"Zell... AHAHAHA!! Anong-- AHAHAH!! Anong nangyari--- Pffft! TAHAHAH!! Anong nangyari sa'yo?" Natatawa-tawang tanong ni Michi.

"HAA? Anong 'Anong nangyari' sakin? Meron ba? May matulis kasi akong nakapa sa ulo ko eh." Nagtataka kong tanong.

Inabutan ako ni Michi ng salamin at ngayon ko lang nakita ang nangyari sa buhok ko.

Lahat ng buhok ko nakatayo. Yung nakatayo na para bang nakuryente ako. Yung sabog-sabog na hindi mo maintinidihan. Medyo mahaba pa naman buhok ko kaya ang haba rin ng patusok sa buhok ko.


"Anak ka naman talaga nang... AAAAARGHHH!! Humanda ka talaga sakin Alyessa!" Pikon na pikon kong sabi saka ko sila iniwan.


**********************************************************************************************************
Author's Note: Clifford and Michi 




3 comments:

  1. Wahhhhhhhhhahaha! Tawa to the Max lang ako! Tahahahaha! KAtawa si Danzell.. zell pa talaga ang neckname.. naalala ko tuloy si Draco Malfoy.. pareho silang maangas eh..

    Anong klaseng spell kaya un..kakaiba! Tumayo ba talaga ang buhok! Sis! Go! Go!

    ReplyDelete
  2. love it! pagnasaan daw bah sa sariling silid ni alyessa??.. haha.. tawa much! baka ngmukhang mangkukulam si zell dahil sa hair nya..

    ReplyDelete
  3. ang saya-saya basahin! hahhahhahaha (*////*)~♡❤

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^