Monday, December 17, 2012

You Are Just A Memory: Chapter 3

You Are Just A Memory
Chapter 3: Here Comes The Rival





Sa bahay.

"Hello cousin dear!!!" bati sakin ni Mae, she's my cousin from other town, and hell yeah di ko masyadong masikmura ang ugali nya dahil super ever liberated sya. Galing din syang city at hate na hate ko ang mga ganung ugali.

(AN: Si Mae po ang nasa picture.)

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dito muna sya sa atin titira anak. Dito na rin nya tatapusin ang high school nya." Si mama ang sumagot.

"Bakit Mae? Did you make some trouble na naman ba sa inyo?" tanong ko. PROBLEM 'TO!

"Right Jane. Na-suspended kasi ako sa school namin and I'm so sad kasi naiwan si John dear ko dun. Si mama kasi~" Yumuko sya. Pero maya-maya bigla syang sumigla at sinabing "anyway, siguro naman marami ring cute boys sa school nyo di ba?" And she giggled.

"Ah...eh~" Speechless ako. Oo, nandun si Hero eh...

"Naku Mae, wag mong itanong yan kay Jane. Walang alam yan sa mga ganyang bagay. Tingnan mo," sabat ni mama.

"Oh well cousin. Halata naman. But don't worry, you're not worse." Saka tumawa sya.
Sumimangot ako. Palibhasa wala akong sense of fashion kaya feel na feel nilang laitin ako. Pati si mama...Hmp!

Sa school.

Pagkatapos nagpa-enrol ni Mae, pumasok na sya agad sa classroom nila. She was a second year student and she's one year younger than me. Ako naman, nasa classroom na talking with Anne, as usual. Si Hero? Ewan ko. Palagi kasi syang late nun.
Wala pa yung teacher namin sa Chem kaya I decided to go out at sinabay na rin si Anne. Tumambay kami sa terrace ng classroom namin. And there I saw Hero walking across the basketball court which was right in front our building. And there also, I saw Mae...

Sheets! Ayan na nga bang sinasabi ko eh!

Friends na agad sila?

"My golly! Bestfriend pinsan mo ba talaga yang si Mae? Pwede ko ba syang bugbugin? Tingnan mo yung flirtness nya oh! Grr! Sawayin mo nga yan best!" inis na inis na sabi ni Anne habang pinipigil ang sarili sa sobrang inis.

"Oo best...sad to say, she's my cousin." Tumalikod ako. Nainis ako na ewan. Nakakahiya yung asal na pinsan ko. Akalain mo naman, ke bago-bago pa nya, ayun lumlandi na. She was sitting with Hero at the bench beside the mango tree and there, masayang-masaya silang nagke-kwentuhan about topics I did not know.

Hindi ko alam kung ano na naman ang binabalak nya. Mahilig sa gwapo si Mae at alam kong hinding-hindi nya palalagpasin ang lahat ng pagkakataon para maka-avail ng promo which was to get every cute guy whenever she wanted them.

"Ok ka lang ba dyan best?" tanong sakin ni Anne.

"Ah..Oo naman. Hayaan mo best, kakausapin ko mamaya si Mae pagdating namin sa bahay." Pagkatapos kong sinabi yun pumasok na kami sa loob ng classroom habang si Anne naman eh gigil na gigil na sa kalandian ng pinsan ko. Ewan ko nga ba, hindi ko naman napansin na pumapalag si Hero kanina. Malamang, nagkasundo siguro sila dahil pareho naman sila eh. Nakakainis!

"Hi girls!" bati ni Hero sa amin ni Anne tapos umupo na sa upuan nya na katabi ko naman.
"Hoy Hero!!! Akala mo siguro di ka namin nakita ni Jane kanina na nakikipagharutan sa pinsan nya dun sa labas! Ke aga-aga pa binabadtrip mo na kami!" sumbat ni Anne habang nakaharap sa amin.

o.O -> mukha ni Hero.

"Best ano ba! Ikaw lang kaya badtrip dyan!" sabi ko saka tumalikod kay Hero.

"Hey..wait. You mean pinsan ni Jane si Mae??" sabi ni Hero, halatang nagulat sya.

"OO." sagot ni Anne.

Biglang tumawa si ng malakas si Hero. "Hindi nga?" Tapos tumawa na naman sya.
Biglang kumulo ang dugo ko. Langya ka Hero!

"Oo nga eh. Bakit? Di ka makapaniwala ano? Eh sa harot pa naman nung Mae na yun, malayong-malayo sya sa kabaitan nitong bestfriend ko. At in fairness, mas matalino si Jane noh! Kaya nga lang~" satsat ni Anne.

Tiningnan ko sya saka tinaasan ng kilay.

"Syempre mas sexy si Jane sa kanya noh!" dagdag pa nya saka palihim na tumawa.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan best! Tumahimik ka nga!" sabi ko saka tumayo at lumabas ng classroom. Ano bang big deal dun? Eh kung makipagharutan si Hero kay Mae, ano bang masama dun? I won't be affected anyway.

Afterwards, dumating na ang Chem teacher namin kaya pumasok na naman ako sa loob ng room.

"Jane...galit ka ba sakin?" tanong ni Hero.

"Huh? Bakit naman ako magagalit sayo?" sagot ko naman, pero hindi ko sya tiningnan.

"Wala lang. Di ka ba nagseselos?"

"WHAT???" O.O!!!

"What's the problem Ms. Aziz?" tanong bigla ni Mrs. Min.

Sheets!

"Parang may ibang topic kayo dyan ah?" she added.

"Ahmm wala po ma'am. Sorry," sagot ko.

Nakakahiya naman. Devil ka talaga Hero! Bakit naman kaya nya natanong kung nagseselos ako? Kanino? Sa pinsan ko? Yuck naman! Alam nya ba ang sinasabi nya? Ang kapal naman! Akala mo kung sinong gwapo.

"Ms. Aziz, can you please write this on the board?" sabi ni Mrs. Min.

Ayan, nagpa-function na naman ang pagiging secretary ko. I stood up saka kinuha yung book ni Mrs. Min at nagsimulang magsulat sa board.

"Get your notebooks and copy what's on the board," tugon ni Mrs. Min sa buong klase.
Kahit medyo nangangawit na and kamay ko eh nakadama parin ako nun ng pagka-concious. Ayus lang kaya ako tingnan kahit nakatalikod ako? Aish ano ba 'tong mga iniisip ko!

"Why are you not writing Mr. Nolan and why are you not focused?" tanong ni Mrs. Min. Napahinto ako sa pagsusulat at napalingon. I caught him looking at me kaya nagsulat na lang ako ulit para maiwasan yung tingin nya.

"Is it because of the girl writing on the board?" Nag-grin si Mrs. Min sakin.

My world suddenly stopped. Ano raw? Hindi na ako lumingon sa naghihiyawan kong mga kaklase dahil nagsimula akong makadama ng init. Marahil pulang-pula na ako nun.
Napuno ng tuksuhan ang buong klase nung sumagot si Hero ng "Yes ma'am. Pasensya na po."

Ay taena!

Binilisan ko ang pagsusulat at nang natapos na ako, pinatong ko ang book sa mesa ni Mrs. Min at nakita ko ang ngiti nya na parang nagsasabing 'Kayo ha....uyy!'

Yumuko ako at agad na bumalik sa upuan ko. Sinapak ko ang balikat ni Hero. "Hoy Mr. Hero Nolan! May topak ka ba?"

"Ano ba! Totoo naman sinabi ko kanina ah," sabi nya. "Sayo naman talaga ako nakatingin at di ako makapag-concentate," dagdag nya. "Ang sexy pala ng curves ng katawan mo kahit loose yang uniform mo," bulong nya sakin sabay grin.

My eyes grew fierce! "Maniac!" bulong ko naman sa kanya. Baka kasi mapagalitan na naman kami ni Mrs. Min.



"Okay class, that would be all for today. Study your lessons because we will have our quiz tomorrow." Tumayo na si Mrs. Min.

"Goodbye and thank you ma'am," sabi naming lahat.

Yes! Sa wakas natapos na rin ang klase!Kinalabit ko si Anne at sininyasan na lumabas muna saglit habang wala pa ang teacher namin for the next period. Pero umepal na naman si Hero.

"Jane...Ahm." Humarap sya sakin.

"Ano na naman?" nairita kong sagot. Kumukulo na talaga ang dugo ko kay Hero.

"Hoy kayong dalawa dyan ha? I smell something na talaga," sabi ni Anne na parang may jealousy sa mga mata.

"Ang malisyosa mo best ha!" Inirapan ko sya.

"Kasi...may sasabihin sana ako sayo eh." Pinatong ni Hero ang mga siko nya sa armchair ko at tumitig sakin ng parang nakakatunaw ng kalamnan.

"Cousin!!!"

Ay tokwa!

"Oh my Gosh! Classmates pala kayo ni Hero?" Dumating bigla si Mae at nagulat kaming lahat sa pagpasok nya sa classroom namin.

"Hoy ba't ka nandito?" tanong ni Anne.

"Oo nga, bakit ka naman napadpad dito sa section namin?" nagtakang tanong ni Hero.
Ako naman...o.O???

"Gosh oh gosh! Parang mapapadalas yata ako dito ah!" Mae smiled. "Ahmm kasi gusto ko lang gumala dito sa room nyo para naman madami pa akong makikilalang tao noh," dagdag nya.

"And speaking of gala...now I know Hero's here, I want him to tour me around the school later. Is that okay with you Hero?" Mae gave us a seductive look.

"No," sabat ni Anne. "Di mo ba alam na transferee din yan si Hero? Mas nauna nga lang syang pumasok kesa sayo kaya hindi pwede. Saka," Tumingin sya kay Hero. "di ba may sasabihin ka pa kay Jane?"

"Hey girl, you are not Hero, okay?" Mae said, still standing sa harap naming tatlo na nakaupo parin sa mga upuan namin.

"Ano ba! Nakaka-irita na kayo! If Mae wants Hero to tour her around the campus then let it be best. Tutal, pareho naman silang di busy eh." Inirapan ko sila pareho.

"Oo nga naman. Mas exciting nga yun eh, di ba Hero?" Mae smiled toward Hero.

"I guess so," sagot naman nya without even looking at her.

"Ayan..I guess that's a 'yes' na. Thank you cousin ha? And I can't wait for it Hero. See you this afternoon ha? Bye." Saka tuluyan na ngang lumabas si Mae sa classroom namin na wala man lang hiya na naramdaman.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^