Friday, August 31, 2012

Friends Zone : Chapter 2


[Jhonah’s POV]


“Grabe Pare Ko’y ang wankata....legs palang ulam na” pagbabalita ni Laxus with matching kagat labi pa “Saka sa tuwing dadaan yun, lahat napapatingin”



“As usual..babae na naman” nakairap na sabi ko. Wala na akong ibang narinig na lumabas sa bibig niyan ni Laxus kundi babae.


Napatingin sa akin ang lahat dahil bigla nalang akong sumingit sa usapan.


“Oh may dala akong meryenda” sabi ko habang nakasunod sa akin ang katulong na may dalang tray na may lamang juice.


“yan ang gusto ko sayo Jho eh..hulog ka ng langit sa aking napakasexyng tyan” sabi ni Paul habang hinimas pa ang tyan nitong well....ahmm may pandesal at nagpauna na sa pagkuha ng pagkain.


Subalit bago pa man ito makadampot ng tinapay sa mesa ay pinalo na ni Regine ang kamay nito.


“Huwag ka ngang masyadong swapang...Im sure kapag ikaw ang naunang kumain wala ng matitira” irap nito at kumuha ng dalawang tinapay at juice. “Jei, kain ka muna..i’m sure napagod ka kanina” malambing na sabi nito sabay abot ng pagkain kay Jeirick.


“Thanks” nakangiting sagot ni kuya Jei.


Kiming ngumiti naman si Regine na animo mahinhing dalaga na bumalik sa kinauupuan...hay naku kung alam niyo lang kung gaano kaberde ang utak niyan...sa GREENLAND yata kasi nakatira yan.... GREENminded LAND.


Napailing nalang tuloy si Paul at hinaplos ang nasaktang kamay.


“sakin kaya? Kelan ka magiging sweet?” tanong ni Paul kay Regine.


“In your dreams!” asik ni Regine sa binata.


Nakakatuwa itong dalawang ito. Para kaming nanonood lagi ng action movie kapag nagsimula ng mag-asaran o mag-away ang dalawa.


Nang-aasar na tinabihan ni Paul si Regine.


“Alam mo ba napanaginipan kita kagabi...magkaholding hands daw tayo habang naglalakad sa beach.. ikaw ba napanaginipan mo ako?”


Itinulak naman ito palayo ni Regine.


“echuuuussseeee meee ahhh!!!! At bakit naman kita mapapanaginipan ha???aber aber??? And if that’s the case..that’s not a dream kundi nightmare!!!!” asik ni Hershie dito at binato ito ng kapirasong tinapay.


Agad naman iyong naiwasan ni Insan.


“Hoy! Masamang magtapon ng pagkain” sita ni Richelle.


“Si Paul kasi eh...” sumbong naman ni Regine. Parang bata lang..


“Tama na nga yan Paul..lagi mo nalang inaasar si Regine.” Saway ni kuya kay Insan...ayun..playing knight in shining shimmering armor na naman si kuya. Kaya di nakakapagtakang head over high heels ang pagkahumaling ni Redge dyan eh.


Dinedma lang naman ni Paul ang sinabi ni kuya. Pero nanahimik narin naman ito.


“Ehem” Marahang tumikhim si Laxus kaya nabalik sa kanya ang pansin naming lahat. “Thank you...as what I’m saying a while ago..you should meet her..she’s so damn pretty and so hot and sexy”


“Eh saan mo ba nakita yun? Sa bar?” tanong ni Marky.


Binato naman ito ni Laxus ng plastik. “Sa school ko siya nakita....transferee lang siya. 2nd year student.. Tourism management ang course... Demi Nismal ang name niya..vital statistics 34-24-34...wit..wit....”


“Grabe ka talaga tol basta babae walang kawala sa iyo” napapailing na sabi ni kuya.


“pangalan palang maganda na...Demi...sounds like Lovely or Pretty...hanep” natatawang sabi naman ni Marky.


“hay naku lagyan mo ng palda ang poste at papatusin niyang si Laxus” singit ko sa usapan nila...singit ako ng singit noh?


“Hay naku...sumingit na naman si Miss-Im-So-Dam-Good-At-Everything” naiiling na sabi ni Laxus.


“Totoo naman ah...i minsan sa kahit na anong laban hindi ka pa nanalo sakin kaya wala kang karapatang magmayabang noh!”


“Sorry...I’m only interested with GIRLS...I dont want to waste my precious time for TOMBOYS”


“Kahit maubos pa ang lahat ng lalaki sa mundo hinding hindi kita papatulan noh!” nakakaHB ever talaga itong si Laxus!


“Hindi rin naman kita bibigyang pansin kahit na maghubad ka pa sa harap ko” nang-aasar na sabi nito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Look at yourself....wala kang ka-appeal-appeal sa lalaki...” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla nalang itong bumagsak sa sahig.


Sinapak ito ni Earl!!!!


Hindi namin namalayan kung kelan tumayo si Earl sa kinauupuan niya...nagulat nalang kami ng suntukin nalang nito bigla si Laxus...Sayang naunahan ako!!


Halatang natulala naman ang lahat...para kaming nakakita ng alien kaya wala agad nakapagsalita sa amin.


“S**t!!!” si Laxus ang unang nakabawi at nalasahan ang dugo sa mga labi. “Why did you do that?!” galit na sigaw nito kay Earl.


Oo nga naman Earl??? Bakit mo ginawa iyon??? Bakit mo ako inunahan??? Kainis ka naman oh.


Hindi man lang kababakasan ng kahit na anong emosyon ang  mukha ni Earl. Mister Poker face ang drama talaga.


“Sorry...dumulas” malamig na sabi nito at bitbit ang librong tinalikuran kami at lumabas ng bahay.


Dumulas??? Ang kamay niya papunta sa mukha ni Laxus??? Bago yun ah?!
Walang isa man sa amin ang nakapagsalita. Lahat tulala....kung may makakakita sa amin iisipin na naglalaro kami ng stop dance...yung bawal kang gumalaw pag hinto ng music... 


Seriously speaking it was the first time na nakita naming gumawa ng marahas na hakbang si Earl. He’s the most calm and cold person among us... teka??? Calm and cold??? Tama ba yun? Ahhh ewan!


Inalalayan ni kuya Jei na makatayo si Laxus...gaano kaya kalakas ang suntok ni Earl??? Hmmm mahamon nga minsan ng suntukan iyon .(>_<)


“Ikaw naman kasi eh..” sisi ni Richelle.


Isang marahas na mura nag pinakawalan ni Laxus...Since busy sila hindi nila namalayang lumabas na ako ng bahay.


***


Sa labas ng bahay ko naabutan si Earl. Naglalakad ito marahil pauwe na ng bahay.


“Earl sandale!!!!” sigaw ko.... grabe naman itong taong ito..ang bilis maglakad.


Huminto naman si Earl at marahang lumingon sa akin. Hay salamat akala ko mahaba haba pa ang tatakbuhin ko eh. Humihingal tuloy ako ng abutan siya.


“why did you do that?” tanong ko sa kanya tungkol sa pagkakasuntok niya kay Laxus.


Subalit ang sira-ulong lalaking kausap ko ay tinignan lang ako at muling nagpatuloy sa paglalakad. Agad naman akong sumunod dito.


“Hey! I’m talking to you!” sabi ko at marahang tinapik ang braso niya....uyyy!!! ang tigas ah!


“Dumulas lang ang kamay ko” hindi tumitigil na sabi nito.


“Weehhh???? Lokohin mo lelang mo”


“wala na akong lelang”


“oh sige Lelong nalang”


“wala din akong lelong”


“oh sige kahit yung aso ng kapitbahay niyo nalang...ooppppsss wag ka ng tumanggi..may aso yung kapit bahay niyo” singit ko ng akmang magsasalita siya. “ alam mo....kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko..hindi mo na dapat sinapak si Laxus para sakin dahil kayang kaya ko siyang pabagsakin...knock out pa”


“I didnt do it for you. Wag kang assumera” supladong sabi nito.


“assumera ka dyan..ikaw ah..ntututo ka na ng mga salita ni Richelle ah...” natatawang sabi ko sa kanya.


Ewan ko ba abnormal nga yata ako kasi kahit anong sungit nitong si Earl hindi ko pinapansin.


Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa.


“Ahhmm..Earl...”


Hindi ito sumagot. Patuloy lang sa paglalakad.


“Earl...thank you ah...kahit na hindi ko naman sinabi sayong gawin mo yun...thank you padin..hayaan mo babawe ako sayo”


Hindi umimik si Earl. Pero nagulat nalang ako nang mabangga ako sa pader. Nakayuko kasi ako at di tumitingin sa dinadaanan ko.


“what the---“


Pero...hindi pala pader ang binanggaan ko...LIKOD ni Earl. Bigla nalang kasi itong huminto at dahil nasa likuran ako at di tumitingin ay nabangga ako sa malapader niyang likod. Humarap sa akin si Earl.


“masyado ka ng napapalayo..umuwe ka na”


Ay oo nga..kakasunod ko kay Earl ang layo na ng narating ko.


“Hehe..oo nga noh...sige balik na ako....” pero bago pa ako makalakad pabalik ay hawak na ni Earl ang kamay ko at hinihila ako pabalik sa bahay. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.


OHHHEEEEMMMMGGGGEEEE!!!!!


Ano ito??? HHWW??? Bakit nakikipagholding hands sakin itong si Earl??? Cannot be!!!  Cannot be!!! Borrow one from two!!!Syntax Error!!!!!


Tinangka kong  tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawa niya pero hindi ko matanggal. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.


Teka naman!!! Kanina HHWW lang...ngayon may kasama ng PSSP... Pa-Sway-Sway-Pa!!!
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayare at parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko mula sa magkaholding hands naming kamay ni Earl. Ilang volts ba ang kuryente sa katawan nitong lalaking ito??? Pero bakit ang kuryenteng nararamdaman ko eh hindi masakit....parang.....masarap sa pakiramdam???? Teka ano ba yung nangyayare sa akin???


“Earl....pwede bang bitawan mo na ang kamay ko?? Kaya ko namang maglakad mag-isa eh” since ayaw niyang madaan sa hilahan ng kamay eh baka sakaling mapakiusapan.
Pero hindi man lang ako nilingon nito at hindi rin binitawan ang hostage niyang mga kamay ko.


“I just want to be sure na uuwe ka na sa inyo. Baka sundan mo na naman ako..ayoko ng may bumubuntot sakin!”


Aba??? Ang siraulong ito...tinuring pa kong stalker??? Mabuti nalang at nakarating na din kami sa bahay namin bago ko pa siya mabugbog ng wala sa oras. Asar na pumasok na ako ng gate at iniwan siya ng bitawan niya ang kamay ko.


***


[ Yesha’s POV]


Lakad-takbo ang ginawa ko sa lobby ng school. Late na ako sa usapan namin ng pinsan kong si Demi. Magkikita kasi kami sa canteen ng Riverdale Heights ngayon...siguradong mainit na ang ulo nun at masesermunan na naman ako. Kilala ko ang pinsan kong iyon. Masyadong mainipin at walang pasensya. Pareho kaming transferee sa Riverdale. Tourism Management ang kinukuha nito samantalang Education naman ang sa akin. Kasama ako sa pamilya nila ng lumipat nag mga ito sa isang exclusive village sa Makati. Bata palang ako ng maulila ako sa magulang. At mula noon ay kinupkop na ko ng daddy ni Demi na kapatid ng Mommy ko. Kaya naman matagal ko na ding kasama ang spoiled brat nilang anak na si Demi..na pinsan ko nga. Palibhasa nag-iisang anak kasi kay naspolied sa magulang. Sunod sa layaw.
Bitbit ang mga libro na binilisan ko pa ang paglalakad. Kung pwede nga lang takbuhin ko nalang ay ginawa ko na. Kaso “No Running in the corridor” ang nakalagay doon. At bakit naman kasi napakalayo ng canteen ng Riverdale sa Educ building??? Ang unfair!


Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan ang paglabas ng lalake sa classroom na nadaanan ko.


Booogggssshhhh!!!!


Huli na para makaiwas dahil nagkabanggaaan na kami...wag niyo nalang pansinin yung effects nung pagkakabanggaan namin. Kumalat sa sahig ang lahat ng dala ko.


“Miss sorry hindi ko sinasadya” hinging paumanhin nung lalaki...ang ganda naman ng boses niya. At inilahad ang kamay sa akin.


Napatingin tuloy ako sa kanya. Ito na yata ng pinakagwapong lalaking nakita ko. Grayish ang kulay ng mata nito at brownish naman ang buhok. Ngumiti ang lalaki sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya naman lumitaw ang pantay-pantay na ngipin nito at dimple sa kanang pisngi.


Namumulang nagbaba ako ng tingin. Sheetttlunggss!!! Kakahiya!


Sinimulan ko ng damputin ang mga gamit kong nakakakalat para makaiwas sa kanya. Hindi ko pinansin ang kamay niyang nakalahad para alalayan akong tumayo. Agad namang akong tinulungan nito. Naks! Gentleman si Pogi.


Ibinigay nito sakin ang mga nadampot nitong gamit ko.


“Salamat” kiming sabi ko.


“No Problem...Sorry ulit” nakangiting sabi niya.


Sheettluunnggsss!! Ang gwapo talaga!!! Balak ko pa sanang makipag ngitian sa kanya kaso naalala ko si Demi.


Agad na akong tumakbo paalis. Galit na talaga sakin yun si Demi.


***


[Gray’s POV]


Paglabas ko ng classroom ay hindi ko napansing may padaang babae kaya tuloy nagkabanggaan kaming dalawa. Dahil mas malaki ang katawan ko eh agad siyang natumba. Agad ko naman siyang inalalayan patayo kaso dinedma lang niya ang kamay ko at dinampot niya na ang mga gamit niyang nalaglag. Ganun nalang din ang ginawa ko. Tinulungan ko siya sa mga gamit niya.


“salamat” sabi niya.


Nakakatuwa kasi namumula yung pisngi niya. Bakit kaya siya nagbablush??? Ang cute niya tuloy tignan.


“No Problem...Sorry ulit” nakangiting ko... mas lalo tuloy siyang namula.
Gusto ko sanang tanungin ang pangalan niya kaso nagmamadali na siyang umalis. Sayang.
Paalis na sana ako ng mapansin na may nakaipit sa paa ko. Agad ko namang dinapot ito.
I.D niya pala. Naipit pala sa paa ko kaya hindi namin napansin. Balak ko sana siyang habulin kaso di ko alam kung saan siya nagpunta. Napailing na lang ako.


“Gray”


Napalingon ako sa tumawag sakin. Patakbong lumapit si Trace sa kinatatayuan ko. Agad kong ipinasok sa bulsa ng pantalon ko ang ID ng babaeng nakabangga ko.


“Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap” anito ng makalapit sakin.


“Dito kaya ang classroom ko” sabi ko. “Bakit mo ko hinahanap?”


Inakbayan ako ni Trace. At magkaagapay kaming naglakad.


“Tara try-out tayo sa basketball..nangangailangan kasi ang varsity team ng players kasi gagraduate na yung mga seniors” yaya nito.


Si Trace Bustamante ay kaibigan ko at kababata. Halos sabay na kaming lumaki niyan. Kaya parag bestfriend ko na iyan.


“Kung kelan naman tayo nag 2nd year na tayo saka mo pa naisipang sumali sa basketball.”


“syempre nung first year tayo nagaadjust pa tayo nun eh..sige na...alam mo namang hilig ko ang basketball diba? Ikaw din naman diba?”


Sira talaga itong kaibigan ko. Hilig daw ang basketball eh samantalang 2nd degree blackbelter na ito sa taekwando. Tsk! Ako pa lokohin niya. Baka may popormahan lang iyan dun. Pero sino naman ang popormahan niya sa basketball team??? Napailing nalang ako.


“baka na naman mahirap pumasok sa varsity...alam ko magagalig ang players dun eh..ilang beses na silang nagchampion diba?” balita kasi talaga na magagaling ang mga players ng basketball team..lalo na yung mga seniors.


“Wala namang masama kung magtry tayo eh..walang mawawala satin kung di tayo matanggap..sila ang mawawalan ng magagaling na players.”


Napailing nalang ako at sumunod sa kanya sa Gym kung saan ginaganap ang try-out para sa basketball team. Mabuti nalang at may ready ako laging damit.


Lhieyesha MarriettyAguilar....


Napangiti ako ng maalala ang babaeng nakabangga kanina... Iyon ang pangalan niya ayon sa ID na naiwan niya. Wala sa loob na kinapa ko ang ID na nasa bulsa ng pantalon ko at muling napangiti.


7 comments:

  1. anong nagmula ako GREENmindedLand!!! walanjo, masisira reputasyon ko jan! ahahahahahahahaha!!! takte, hindi ako mapakali habang gumaganun si paul... wish ko lang hindi mapadpad ang totoong paul ng buhay ko sa kwentong ito... putek!!! ahahahaha!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...wish ko lang din dahil hindi ko kilala ang Paul ng buhay mo..

      Delete
  2. AFFECTED MUCH KA ESPREN...PANGALAN PA LANG YAN... PANO PA KAPAG NAHULAAN DIN NI JHONA BEBE ANG ILANG EKSENA NYO TOGETHER NI PAPA PAUL??? BWAHAHAHAHA!!!!

    AKALA KO JHO HINDI NA LALABAS SI TRACE KO EH... AT TALAGANG BASKETBALLL NA NAMAN HA!!! AHAHAHAHA!!! WEAKNESS KO PA NAMAN ANG MAHUSAY NA BASKETBALL PLAYER!!! SHUTANESS NAMAN OH!!! EXCITEDNESS NA AKO SA MGA SUSUNOD NA KABANATA...


    IPOST MO NA AGAD!!! HAHAHA...

    ReplyDelete
    Replies
    1. excited much ka teh??/ mamanyakin mo lang si Trace eh..hahaha...

      syempre diba basketball player si ______ mo haha...

      Delete
  3. super pa charming si ate aegyo! kinilig naman ako dun sa HHWW ninyo ni EARL!.. akala ko si ate Aegyo lang ung may completong name.. shocking!.. ako rin pala!!!.. walang ganyanan,hahah!!!.. well,yesha girl kasama ka rin.. cousins pa talaga tayo huh.. wuaaahhh!!! grabe hindi ko kinaya ung sinabi ni Laxus!!! kinurap ko pa tlaga yung mga mata ko jz to make sure na tama ung nabasa ko.. '"so damn pretty and so hot and sexy!..vital statistics 34-24-34"'.. grabe nman!!!AKO bah tlga yan??hahaha!..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...ikaw kasi ang prettiest kaya dapat the best ang description mo jan diba? hahaha...di ko pwedeng sabihin ang buong pangalan ko at baka maeskandal ang buong Pilipinas ipakidnap pa ako hahaha..

      Delete
  4. ooppsss sorry may nakita akong error yung "Hershie" po dito eh si "Regine" po iyon..hehe..chocolate kasi ang naisip ko kaya iyon ang nailagay ko..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^