Sunday, September 2, 2012

Friends Zone : Chapter 3

[Regine’s POV]




Panay buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko mabilang kung pang-ilan na iyon sa ginawa ko. Kasalukuyan akong nasa library ng mga oras na iyon. Doon kasi ang usapan namin ng kaibigan kong si Jho na magkikita para sabay na kaming makapagreview sa Exam mamaya. Nagtext ako sa kanya na mauuna na ako roon. Nabobored kasi ako sa bahay. Pero di ko naman akalain na mas boring palang tumambay sa library. Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit iyon ang paboritong tambayan ni Jho. Eh sa nakakaboring! Bawal mag-ingay! Bawal mag-usap ng malakas. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nilalaro ko ang hawak na ballpen. Kung mababayaran siguro ang lahat ng hanging lumabas sa bibig ko mayaman na ako. Mabuti na nga lamang at walang masyadong tao sa lugar na kinauupuan ko kaya wala akong naiistorbo sa BUNTONG-HININGA SESSION ko.


Napatingin ako sa notebook na nasa table. Imbes na magreview ay iba ang pumasok sa isip ko. Gamit ang ballpen na kanina ko pa pinag-lalaruan ay isinulat ko ang pangalan ko at pangalan ni Jeirick. Ang crush ko na kapatid ng isa kong bestfriend na si Jho. Susubukan kong i-FLAMES ang mga pangalan namin. Sa mga hindi nakakaalam ng FLAMES eh mamundok na kayo...hehe..joke lang...ito yung game kung saan mamarkahan mo ang letra na kapareho ng pangalan mo at ng crush mo. Pagkatapos ay iaadd mo ang lahat ng may pareho kayo. Kung ano ang lumabas iyon ang kapalaran niyo. F-para sa FRIENDS... L for LOVE... A for Angry ... M for Marriage... E for Engage at S for Sweethearts. Minarkahan ko ang may mga kapareho naming letter.


Muli akong napabuntong-hininga sa lumabas na resulta. Hindi ko matanggap na isang tumataginting na FRIENDS lang kami ni JEIRICK MY LOVE!!! Sinungaling itong game na ito. Wag niyo ng subukan gawin. Nakakadepress!!!


Iniyukyok ko ang ulo ko sa mesa. Jeirick has been my savior since I was a kid. Ito ang laging nagtatanggol kapag may umaaway sa amin. He even played with us too. Medyo dumalang na nga lang nung magbinata ito. Mas madalas na kasama na nito ang mga barkada nitong lalaki. Pero kahit ganun nanatili itong mabait sa amin. Sa murang edad ko all i can see was how great and responsible Jeirick is.. Lagi siyang nakangiti...laging mabait ang aura ng mukha niya...he’s so perfect...


Ahhh basta! Siya ang dream guy ko...hindi totoo ang FLAMES na ito” nakasimangot at parang tanggang kausap ko sa sarili ko at inekisan ang ginawa.


Biglang nagvibrate ang cellphone kong nasa bulsa ng palda ng uniporme ko. Nilagay ko kasi siya sa Silent mode para hindi ako makaistorbo sa mga tao dito sa library. Si Jho pala ang nagtext. Papunta na daw ito at tinatanong kung nasaang parte ako ng mundo. Oo tama..iyon ang tanong niya. Alien talaga! Agad ko naman siyang nireplayan. Maya-maya lang ay nakita ko na siyang palapit sa kinaroroon ko. Bilib naman ako sa babaeng ito. Tago na nga ang pinili ko nakita niya pa agad ako. Hindi naman obvious na kabisado niya ang sulok-sulok ng library na ito diba?


Halos malaglag ang panga ko ng makita kung ano ang dala ni Jho. Tatlong makakapal na libro ang dala nito!!! Inilapag nito sa mesa ang hawak na libro at naupo sa tabi ko.


“Hoy! Mahipan ka ng hangin!” sita nito sakin.


Eh jusmio marimar sergio naman kasi!!!! Kakaloka ang dala niya!


Inayos ko ang sarili at hinawakan ang mga librong dala niya.


“Grabe ka friendship!! Paano mo napagtyatyagaang basahin ang ganyan kakapal na libro???” kunot-noong tanong ko dito. I cant imagine myself reading those kinds of books. Tamad akong magbasa. Magbabasa lang ako kung kailangan talaga but my bestfriend?? Gosh! Reading is her hobby.


Akala ko ba magrereview tayo?” tanong ni Jho as she put on her reading glasses.


Hindi ko maiwasang pagmasdan si Jonalyn. We’ve been friends since childhood. Hindi ko nadin matandaan kung kelan kami naging magkaibigang dalawa. But we are the best of friends. Mas nauna ko siyang maging friend kesa kay Richelle kasi mas matanda sa amin ng isang taon si Richelle.


Maganda si Jho yun nga lang mukhang hindi siya aware na maganda siya or wala lang talaga siyang pakialam dahil boyish siya. Sa pananamit at sa pagkilos. Mabuti na nga lang ar required silang maguniform dahil kung hindi i cant imagine kung ano ang mga damit na pinagsusuot nitong babaeng ito.


Malabo ba talaga ang mata mo?” bihira ko lang kasing makitang magsuot ng salamin si Jho. Madalas ay nakacontact lens kasi ito kaya hindi ako sanay.


Mula sa binabasa ay tumingin siya sakin.


“magharap ka sakin ng taong matalino pero hindi malabo ang mata” taliwas naman sa tanong ko ang sagot niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Abnormal talaga.


“Nasaan yung contact lens mo?”di ko parin siya tinitigilan.


Inis na ibinaba nito ang hawak na libro at binalingan ako.


“Nandito ba tayo para magreview o para interviewhin at pakialaman ang mga mata ko???”


Lumabi akong parang bata.


“Sungit!” ayoko kasig magbasa kaya tinatanong ko nalang siya..hehe


“Nahulog sa lababo yung contact lens ko. Ayan masaya ka na? Pwede na ba tayong magreview?”


“Hmfpt! Nagtatanong lang eh..ayan na po mam..magrereview na po ako” at napilitan akong kunin ang mga notes ko sa bag! Hah! Asa siyang babasahin ko ang mga librong dala niya..hehe.


***


[Jho’s POV]


Oh paano maiwan na kita..dadaan pa kasi ako sa office eh” matapos magreview ay lumabas na kami ng library ni Regine. Naglalakad na kami sa corridor ng school. Ang office na tinutukoy ko eh ang opisina ng kinabibilangan kong taekwando club.


Iiwan mo ako rito???” nagmamaktol na sagot ni Regine sakin.


Aba??? Nag-iinarte ang lola mo??? Tinaasan ko siya ng kilay. Marunong yata ako nun..hahaha!!!


“Gusto mong sumama??? Akala ko ba ayaw mong makakita ng nagsasakitan?” pang-aasar ko sa kanya.


Noong minsan kasing sumama siya sakin para manood ng practice match ay ganun nalang ang panghihina nito. Akala mo siya yung binubugbog eh kung makapagreact. Magmula noon hindi na ito sumama sa akin. Hindi rin ito nanonood kapag may laban ako. Okay lang naman sakin yun kasi ayoko namang atakihin sa puso ang bestfriend ko.


Alam mo namang peace on earth ang motto ko sa buhay diba? Kaya i cant take it na may makita akong nagsasakitan” nakalabing sabi nito.


Lihim na natawa nalang ako. Never talaga niyang aaminin na takot siya sa gulo.


“it was just a game ok? At dahil peace on earth ang drama mo eh maiwan ka dito”


Ang daya naman eh!!! Wag ka nalang pumunta dun!” parang batang sabi nito at hinila hila pa ang uniform ko. Jusmio!! Magugusot ang damit ko!


Hindi pwede! May practice ako! At bitawan mo ang damit ko magugusot!” palusot ko sa kanya kahit na wala naman talaga akong practice.


“Hindi ka ba napapagod? May exam pa tayo” paalala nito.


“I know. Hindi ako malelate”


“Sino kasama ko rito?”


Itext mo si Richelle.” Ang isa pa naming kaibigan ang tinutukoy ko.


“Hindi nga nagrereply eh”


tawagan mo”


“wala akong load”


Nakukunsuming tinitigan ko siya.


hay naku Regina! ang dami mong problema!”


“eh wag ka nalang kasing pumunta dun eh!’ pamimilit nto.


Hindi nga pwede. Ang kulit nito!” maya-maya ay may natanaw akong palapit sa amin. “Oh ayan pala si Paul eh”


Anong inagawa ng kulugong yan dito?” asar na sabi ni Regine


“Malamang dito siya nag-aaral” pamimilosopo ko.


Hi Girls” bati ni Paul ng makalapit sa amin.


Hi Insan” bati ko at tinapik siya sa balikat. Inirapan lang naman ito ni Regine.
Mainit yata ang ulo ni Miss Prettyful ah..ang aga-aga eh” pansin ni Paul kay Regine.


Pwede ba?? Wag mo akong kausapin at pakialaman?” asik dito ni Regine.


Woohh!!! Lakas nun ah..kakatakot” pang-aasar ni Paul


“Sinisira mo na naman ang araw ko!”


“wala naman akong ginagawa ah”


Natutuwa nalang akong pagmasdan ang dalawang ito. Hindi na nagbago. At parang nakalimutan nilang kasama nila ako.


Makita ko palang yang pagmumukha mo nasisira na ang araw ko”


Hindi ko na napigilang matawa sa kanila. Sabay naman silang napalingon sa akin.


i’ve got to go..may practice pa ako..see you later bestfriend... Insan ikaw na bahala dyan sa bestfriend ko ah” paalam ko at nagmamadaling umalis na bago pa makapagprotesta si Regine.


JONALYN!!!!” tawag ni Regine.


Pero bago pa tuluyang makalayo ay lumingon ako sa kanilang dalawa partikular na kay Regine.


“what happened to peace on Earth??” nakakalokong tanong ko at lumakad na palayo sa kanila.


***


[Regine’s POV]


Naiwan nalang akong napatulala habang pinagmamasdan ang papalayong si Jho. Kung minsan gusto kong itanong kung kaibigan ko ba talaga iyong abnormal na babaeng yun. Pero kahit ganun yun hinding hindi ko ipagpapalit yun sa iba.


“Pauwe ka na ba Miss Prettyful?” tanong ng impaktong kasama ko ng mga oras na iyon.


“Obvious bang papasok palang ako??? Ang aga-aga pa para umuwe noh!” pagtataray ko.


Parang adik lang eh. Bakit Miss Prettyful?? Eh pwede namang Miss Beautiful diba?


“ahhh..tara ihahatid na kita sa classroom niyo” prisinta nito at hinawakan ako sa siko.


Agad ko namang tinabig ang kamay niya.


“dont...touch...me!!! i can manage even without your help!”


I’m just trying to be nice, sa akin ka binilin ng pinsan ko at magkaibigan naman tayo diba?” ewan ko pero parang may umantig naman sa puso ko ng makita ang pagdaramdam sa mga mata ni Paul. Pero agad ko ding inalis yun dahil im sure umaarte lang ito.


well sorry to dissapoint you but i dont see you as nice but annoying!” sakto namang pagtingin ko sa isang bahagi ng school ay natanaw kong naglalakad si Jeirick. Agad kong inayos ang gamit na dala ko.” Sige dyan ka na. Nakita ko na yung Prince Charming ko!’ sabi ko at iniwanan na siya. “Jeirick!!wait!!!”


***


[Paul’s POV]


Pinagmasdan ko nalang si Regine na naglalakad palayo sa akin at papunta kay Jeirick. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dala ko. Parang sa bawat hakbang niya palayo sakin may kamay na pumipiga sa puso ko. Oo alam ko ang corny ng dating ko. Pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. Hindi ko maiwasang masaktan habang nakikita kong masayang nag-uusap sina Jeirick at Regine. Bata palang kami ay lihim na may gusto na ako kay Regine pero dahil sa inatake ako ng katorpehan at katangahan puro kapalpakan ang nagagawa ko. Imbes na magtapat sa kaya ay nauuwi iyon lagi sa pang-aasar. Ang ganda ganada naman kasi niya. Hindi ko maiwasang mapatulala kapag nakikita ko siya. Pero hindi niya ako pinapansin. Alam kong si Jeirick ang gusto niya. Kahit batid kong wala namang gusto si Jeirick kay Regine hindi ko parin maiwasang magselos. Sana nagagawa din niya akong ngitian ng ganun..sana nagagawa niya akong kausapin na di pasigaw o pagalit..sana...sana... ang daming sana.... dahil alam kong di niya ako mapapansin ay inasar ko nalang siya ng inasar...sa ganung paraan kasi napapansin niya ako, mali nga lang ang dating. Pero okay lang yun..masaya na ako na tatapunan niya ako ng tingin..hindi puro nalang si Jeirick...nandito naman ako.


Napabuntong hininga nalang ako ng habang di inaalis ang paningin ko ang dalawa.


Hanggang kelan ka magiging torpe?”


Nagulat ako ng may marinig akong boses na nagsalita. Paglingon ko si Earl ang nasa likod ko.


“Uy tol kanina ka pa dyan?”


“Nakita ko lahat ng kabaliwan mo.”


grabe ka naman tol...wala ka nga bang klase?” hindi kasi kami magkakaklase kaya hindi kami parepareho ng schedule.


isang subject nalang” tumingin si Earl sa direksyon nila Jeirick at Regine. “Hanggang kelan ka magmamahal ng patago?”


Napailing nanapangiti nalang ako. Nagsalita ang henyo...eh isa din naman siyang nagmamahal ng patago. But i know well not to say those words to him. Ayoko pang maospital ng wala sa oras. Gusto ko pang maikasal kami ni Regine.


Tsk! Kasal agad eh hindi mo nga maligawan!


Kontrabida talaga minsan ang isip. Para nangangarap lang eh.


“Hanggat kaya ko. At hanggat nakikita ko siyang masaya”


“Tsk! Pathetic”


“Ikaw din naman eh” di ko mapigilang sabihin. Inihanda ko na ang sarili kong mabugbog ng wala sa oras. Pero tinignan lang niya ako at naglakad na palayo.


Bukas na yung try-out sa basketball. Wag kang malelate” sabi nito at iniwanan na ako.
Nagtataka man ay napangiti nalang ako. Pag-ibig nga naman oh. Mukhang malakas ang hataw ni Kupido sa pinakasupladong kaibigan ko.


Bago tuluyang umalis ay lumingon pa ako sa direksyon nila Regine. Pero wala na sila dun. Napailing na naglakad nalang ako paalis sa lugar na iyon.


12 comments:

  1. aysgsjseoddlc ckcndlodeujic m ldldoekejuislsi!!!

    sana ganyan din si paul ko sa totoong buhay, hindi joke lang! nakamove-on na ako sa paul na yun!!!

    itong paul na 'to ang bagong nagpapatibok ng puso ko. ahahaha, although hindi ko mapigilan ang paglandi kay jeirick! hwahahaha, wag kang mag-alala paul, mamahalin din kita. basta ba wag ka nang maging torpe at manligaw ka na!!!

    pasabi-sabi ka pa ng kasal jan eh hindi ka nga makapagtapat saakin! hwahahahahahaha!!!

    powtek, lalo akong sumaya dail moment ko na naman pala ito. yay~

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahahaha!!!! paiiyakin ko ang character mo dito....gagawin kitang ipis at tatapakan kita ng pinong-pino..bwahahahaha!!! joke lang...di pa kasi ako makamoveon sa pang-aagaw mo kay "lance" ko eh..hahaha...kaya ngayon akin lang si Earl..ang second version ni Lance..haha...sayo na ang torpe akin ang suplado...

      Delete
  2. Ano ba naman yan...parang gusto ko ng magtampo...hahaha...

    Hanggang ngayon hindi pa rin nagku-krus ang landas namin ni Trace, tapos wala din akong moment...bwahahaha...joke lang...

    Ang hilig mo talaga Pressyla sa mga patagong pag-ibig..nyahahaha...


    Next chapter na agad...


    -Queen

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit naka-anon ka espren??? ikaw naman, antayin mo lang yang moment niyo ni trace mo. hindi ka bibiguin niyang si pressy! ahahahaha... panigurado, malaking pasabog yang lovelife mo. hwahahahahahaha!!! sa ngayon pabayaan mo muna na moment ko yan dahil kailangan ko ng kilig moments... ang tagal mo kasing mag-update sa wmnpmsp...

      Delete
    2. hoy Gwing wag kang eggxited ah...hintayin mo munang magbloom ang palpak na lovelife nitong si Regine...hahaha....hintayin mo ang momment mo...gagawin ko ding komplikado ang lovelife mo...bwahahahaha!!!! ayoko ng simpleng lovelife eh,,gusto kong laging complicated para may thrill...hahaha.

      Delete
  3. i know flames!! kaya hindi ko kailangang mamundok.. hahaha.. sensya na ate aegyo,sa akin mapupunta si jeirick.. walang landian,hahaha!! dont worry,mei paul ka naman eh.. at mei HD pa ata sayo.. hehe,peace tau ate..

    peace on earth lage ang motto!! gusto ko yan!.. hahah.. miss prettyful daw oh!! naks nman!!!.. bakit ang torpe mo paul! umamin ka nah! ang bagal-bagal.. manligaw nah kasi! at nang hindi na si jeirick ang kinababaliwan ni ate regine.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh... ewan ko ba kasi itong author nito eh, ginagawang complicated ang lovelife ko! hwahaha, pahiram na lang ako minsan kay jeirick... minsan lang naman. ang bagal kasi nitong si paul eh! mabilis pa ako kesa sakanya... ahahahaha!!!

      Delete
    2. wag Demi..ipagdamot mo si Jeirick...wag mo ibigay yan kay Regine kasi mamanyakin nya yun..bwahhahaha!!!! lagot ka Regine sa Chapter 6 kay Demi....kaya antayin mo yan...ilalayo na niya si Jeirick sayo...bwahahahahaha!!!!

      ako na ang bad author :)

      Delete
    3. bad author ka talaga! ikaw naman kasi nagsulat na may gusto ako kay jeirick eh. ahahahahaha!!! sige magsama na sila, sawa na ako sa mga kuya ng kaibigan ko. lels~

      ay alam mo ba napag-usapan pala namin ni richelle, baka daw iniimbestigahan mo kami. ang galing naman talaga kasi!!! ang daw mong naisusulat a relate talaga sa totoong buhay!!! shete~ pwera lang talaga yung saamin ni paul dito! mas gusto ko story namin dito kesa in real life...

      hay naku~ sumi-senti mode ako dito. update mo na nga 'to! ang dami ko nang mala-nobelang comment dito eh... PS ulit... inggit si espren sa exposure ko! euhahahahahahaha!!!

      Delete
    4. hindi ako ang nag-iimbestiga sa inyo kundi ang Conan My loves ko..bwahahaha!!!!

      mga luka-luka kayong dalawa..hehe..aspiring manghuhula kaya ako haha..

      sige2x ako ay mag-uupdate na..kaso hanggang chapter 7 palang ang naitatype ko eh...dinadagdagan ko kasi dahil nanghihingi ng exposure si Iche...kaya ayun kinukulta ko na naman utak ko..haha..

      Delete
  4. naalala ko tuloy ung character mo po ate sa "after all".. diba ikaw din po ang ang mabalis kei lance dun?.. haha.. hilig ka talaga gawing mabilis sa lahat ni ate shinaya.. ikaw nah talaga!..haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^