Hindi kami magkandaugaga ni Richelle sa pagsilip
sa bintana ng kwarto ni Jhonah. Tumuntong pa kami sa upuan upang mas lalong mabistahang
maige ang pinapanood. Kulang nalang ay magtulakan kaming dalawa.
“Oh My God! Look at them Iche. Ang gwapo talaga
nila!!! And those body?? Oh MY God!!!!” patiling sabi ko at hinila-hila pa sa
braso si Richelle.
Marahang tinapik naman nito ang kamay ko.
“Umayos ka nga! Mahuhulog ako sa ginagawa mo eh.
Saka anong Oh My God ka jan?..baka Oh Our God...ikaw lang ba ang may Diyos
ha??”
Pacute namang ngumiti ako sa kanya...with
matching tantalizing eyes pa...
“Sorry cute lang..nagkakamali...pero tama naman
ako diba? Gwapo talaga sila.”
“You bet!” sang-ayon ni Richelle at muling
tumingin sa labas ng bintana. Ganun din ang ginawa ko.
Hindi namin namalayan na pumasok ng kwarto si
Jhonah sa sobrang pagka-absorb namin ni Richelle sa paninilip..hehe...
Napakunot naman ang noo nito nang mapansin ang dalawang kaibigan na hindi parin
tumitinag sa pagsilip sa labas ng bintana. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa
labi nito...pero syempre hindi namin alam yun ni Richelle..kinuwento lang nung
otor nito... Dahan-dahang lumapit si Jhonah sa likod at walang anu-ano’y
ginulat kaming dalawa..
“Ay butiki!”
“Ay kabayong bundat!”
Sabay kaming nagulat ni Richelle kasabay ng
pagkahulog namin sa tinutuntungang upuan. Bumagsak tuloy kaming dalawa sa
sahig.
“Aray ko! Yung pwet ko ang sakit” reklamo nito.
Tawa naman ng tawa si Jho sa ginawang kalokohan.
“Salbahe ka Jho! Bakit mo naman ginawa yun?”
tanong ko sa kanya habang himas-himas ang pwet na nasaktan.
“wala lang. Busy kasi kayo eh.ano ba kasing
ginagawa niyo at anong tinitignan niyo?” tanong nito kasabay ang pagsilip sa
labas ng bintana kung saan sumisilip kaming dalawa.
Napasimangot naman ito sa nakita.
[Jhonah’s POV]
Busyng-busy yung dalawang panget nung pumasok
ako sa kwarto. Kaya tuloy hindi nila namanlayan ang pagdating ko..may naisip
tuloy akong kalokohan...sabay ko silang ginulat dahilan para mahulog sila sa tinutuntungan
nilang bangko...ang lakas tuloy ng tawa ko ng bumagsak sila...oy! baka naman
sabihin niyo ang mean ko..hindi naman masyado...medyo lang... naintriga naman
ako sa kung anong sinisilip nila sa labas ng bintana kaya nakiusyoso ako. Pero
ganun nalang ang simangot ko sa nakita ko.
Dahil sa labas ng bintana kung saan sumisilip
ang dalawang kaibigan ay tanaw ang mga kalalakihang kasalukuyang nagpapaaraw at
naglalaro ng basketball sa gitna ng bakuran namin kung saan nakiusap ang kuya niya
sa driver nila na igawa ang mga ito ng basketball ring.
Kasama ng kuya niyang si Jeirick ang mga kaibigan
at kababata nitong sina Marky, Laxus, at ang pinsan niyang si Paul. Sa isang
sulok ay nakita niya naman si Earl na may hawak na libro. Hubad-baro ang mga
ito habang naglalaro kaya naman kitang-kita niya na basa na ng pawis ang mga
ito.
Hinarap niya ang dalawang kaibigan at kababata
na prente ng nakaupo sa ibabaw ng kama niya.
“Iyon??? Iyong mga iyon ang pinag-aaksayahan
niyo ng panahon?Eh mga wala namang kwenta ang mga iyon eh.” Nakasimangot na
turan niya sa mga kaibigan.
“Oo na...kasi mas magaling ka sa kanila...mas
matalino ka sa kanila...kulang nalang sabihin mong mas gwapo ka kesa sa kanila
eh.” Pagtatapos ni Richelle sa sasabihin ko sana. Pinaikot pa nito ang eyeballs
habang nagsasalita. Sarap batukan.
“Eh sa totoo naman eh. Mga lampa yung mga
yun.”tukoy niya sa mga kababata ng kapatid na kung tutuusin ay kababata rin
naman nilang tatlo nila Regine at Richelle dahil bata palang sila ay kilala na
nila ang mga ito. “Aanhin mo naman ang kagwapuhan nila? Nakakain ba yun?”
dugtong pa nito.
“Ah basta! Wala akong pakialam sa kanila. Dahil
para sakin si Jeirick lang ang nararapat para sa aking magagandang mata”parang
nangangarap na sabi ni Regine at pabagsak na nahiga sa kama.
Binato ko naman ito ng unan na nahulog sa sahig
dahil sa paghiga nito.
“Umayos ka nga Regine Estolatan! Ang bata-bata
mo pa kung ano-ano ng pinagsasabi mo jan!”
“Excuse me!! I’m turning 18 three months from
now. Kaya hindi na ako bata...mas matanda pa nga ako sayo eh” nakairap na sagot
nito.
“Akala mo naman ang layo ng agwat niya sakin eh
apat na bwan lang naman tanda niya”
“Atleast mas matanda parin naman kami sayo”
singit naman ni Richelle.
“Bumangka ka na naman Ichecoy”
Tawa siya ng tawa ng sumimangot ng kaibigan.
Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ito sa palayaw nito na iyon.
“Hay naku Jho..kelan mo ba aayusin ang sarili
mo? Kelan ka ba magtitino?”
“Hoy!!! Matino naman ako ah...saka what’s wrong
with me?” depensa niya sa sarili.
Eksaheradang tinignan siya nito mula ulo
hanggang paa. At mula paa hanggang ulo.
“Everything
about you is wrong.” Hinila siya nito sa tapat ng full length mirror sa silid
niya. “Look at yourself..yan ba ang matino?”
Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin.
Nakasumbrero siya na pabaligtad ang pagkakasuot, loose t-shirt at pantalong
maong. Ang sapin niya sa paa ay rubber shoes. Iyon ang madalas na suot niya
dahil dun siya kumportable.
“Okay naman ang damit ko ah..hindi naman ako
nagsusuot ng butas-butas at madumi..ano namang masama dun?”
“My GOD---“
“Our GOD” sabay na sabi namin ni Regine
“Kei fyn! Our GOD Jonalyn...i just want to
remind you that you’re a girl, a woman, a female..in case you’ve forgotten
about it” nakukunsuming sabi ni Richelle.
“I know. Hindi pa naman ako nanliligaw ng babae
kaya I guess babae pa din ako” sarkastikong sabi ko.
“Yun ang wag na wag mong gagawin Jonalyn ..or
else I’m gonna kill you” banta ni Regine.
“You cant do that” tumatawang sabi ko. Ni ipis
nga hindi magawang patayin ni Regine..tao pa kaya?
Napangiti naman si Regine
“I know..but i like the sound of my voice
threatening you. It’s fun..you should try it once in a while.”
“wag na..baka makasuhan pa ako ng illegal words
of action”
“meron bang ganun?” takang tanong ni Richelle
“Wala...imbento ko lang yun...ganun talaga pag
henyo..hehehe” animo kontrabida sa pelikulang tumawa pa ako habang
nakapamewang.
“whatever!” napailing nalang yung dalawa.
“Tara baba na tayo..nagutom ako sa kunsumisyon
dito kay Jhonah.” Yaya ni Richelle kay Regine.
“sabi ko naman kasi sayo wag mo nalang pansinin
yang babeng yan dahil wala ng pag-asang magbago pa yan” sagot naman ni Regine
at nagpauna na sa paglabas ng silid.
“Tignan mo ugali ng mga ito”napailing na sabi ko
sa sarili at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin sabay kibit-balikat na
lumabas na ng silid.
= = = = =
Sa bakuran natanaw ni Jhonah ang dalawang
kaibigan. Kausap na ng mga ito ang mga kabarkada ng kuya niya. Napailing nalang
siya habang nakamasid sa mga ito. Pawang mga 4th year college na ang mga ito.
Business management si Jeirick. Accounting si Earl, Engineering si Laxus,
Political Science si Paul at medicine naman si Marky. Mas ahead si Richelle sa
kanila ng isang taon kaya 4th year na din ito. Samantalang silang dalawa ni
Regine ay mga 3rd year student sa kursong Mass Communication.
Si Jeirick ang tumatayong lider sa grupo.
Masasabi niyang ito ang pinakamatino at pinakamabait sa lahat. Hindi dahil
kapatid niya ito kundi dahil iyon ang nakikita niya. Ito ang takbuhan nila
kapag may problema at higit sa lahat napakabait nitong kuya sa kanya kaya nga
mahal na mahal niya ito. Alam din niya na patay na patay dito ang kaibigang si
Regine. Dahil si Jeirick ang madalas na nagtatanggol sa kanila kapag may mga
batang umaaway sa kanila noon. Kaya naman hindi niya masisi ang kaibigan kung
magkagusto ito sa kuya niya.
Si Laxus ang pinakaiinisan niya sa barkada ng
kapatid. Numero uno kasing playboy ito, halos lahat ng babae ay pinapatos.
Infairness, gwapo naman kasi ito. Halos lahat naman ng kaibigan ng kuya niya ay
mga gwapo at may sinasabi s buhay. Kaya naman mga babae na ang naghahabol sa
mga ito. Kung minsan nga ay may mga babae pang lumalapit sa kanila at
nakikipagkaibigan sa kagustuhang mapalapit sa mga barkada ng kapatid niya.
Mula naman sa angkan ng mga doktor si Marky.
Isang magaling na heart surgeon ang ama nito at pediatrician naman ang ina.
Subalit ang ipinagtataka nila ay kung bakit OB-Gyne ang gustong kuning
specialty ni Marky. Ang biruan nga sa kanila ay para libre itong makapamboso ng
mga babaeng manganganak.
Ang pinsan niyang si Paul ang numero-unong
kaaway ni Regine. Kung gaano nito kagusto ang kuya niya kabaligtaran naman nito
si Paul. Ito kasi ang madalas na mang-asar sa kanila nung mga bata pa sila.
Napakakulit nito at ito rin ang madalas mapasabak sa kaguluhan. Kaya tuloy
madalas itong mapagalitan ng tita niya.
Si Earl ang masasabi niyang bestfriend ng kuya
niya. Ito ang pinakatahimik at pinakaseryoso mula pa noong mga bata sila.
Bihira niya itong makitang ngumiti at ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang
tumawa ng malakas tulad ng iba kaya naman ay madalas itong mapagkamalang
suplado dahil aloof din ito sa mga babae. Kahit ang mga kaibigang sina Regine
at Richelle ay naiilang kausapin ito. Siya lang yata ang makulit na kumakausap
dito. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya dito kasi siya sobrang bilib dahil
bukod sa matalino ay hindi rin ito babaero. Kung hindi nga lang siguro niya
kilala ito at kung hindi lang ito sobrang gwapo ay iisipin niyang myembro ito ng
isang federasyon.
Babaeng butas ang utak ang tawag niya kay
Richelle o Iche. Bihira kasi nitong matandaan ang mga bagay-bagay. Mahina ito
sa memorization pero kung ano-anong extr curicular activities ang sinasalihan.
Mega-kalimot din ito. Kaya tuloy minsan ay napagkakamalang isnabera ng mga tao
pero sa totoo lang hindi niya lang maalala ang taong iyon. Kaya Mass Com ang
kinuha nitong course ay dahil pangarap nitong maging isang mahusay na
photojournalist. Gustong-gusto nitong maglibot sa kung saan-saang panig ng
mundo at alamin ang mga kaganapan sa buong bansa. Kahit na ito ang
pinakamakakalimutin sa kanila, ito naman ang may pinakasense of adventure.
Lahat ng lugar gustong puntahan. Ang kinakatakot nila ay baka maligaw ito dahil
sa pagiging makakalimutin.
Regine is the most sweet and charming among them
three. Babaeng-babae ito kumpara sa kanya. Ito ang tamang example ng “damsel in
distress” dahil parang napakavulnerable at fragile nito sa mga aksidente. Ang
kuya niyang si Jeirick ang idineklara nitong “knight in shining shimering armor”
at ang pinsan niyang si Paul ang “dragon sa tore”. Kahit na magkaiba sila ng
personalidad ay magkasundong-magkasundo silang tatlo. She is very thoughtful
and friendly. Ang masasabi niya lang kapintasan nito ay she has the worst sense
of direction. Madalas itong maligaw kaya hindi nila hinahayaang magbyahe itong
mag-isa.
At siya, si Jonalyn o mas kilala bilang Jho or
Jhonah, nakababatang kapatid ni Jeirick ay may pagkaboyish kumilos at pumorma.
Siguro dahil narin sa kakasama niya sa mga kaibigan ng kuya niya. She is
outspoken and very much driven. Kapag may ginusto siya hindi siya titigil
hanggat hindi iyon nakukuha. She is a very sporty person. She knows different
types of martial arts such as tekwando, karate and muay-thai. Hindi siya
nagpapaapi lalo na sa mga lalaki because she believes in the equality of men
and women. Marami na duin siyang nasalihang contest tungkol sapagalingan ng
utak kaya tuloy hindi siya madaling maattract sa mga lalaki.
Napatigil sa
pagbabaliktanaw si Jhonah ng marinig ang malakas na halakhakan sa bakuran.
Ipinagpatuloy nalang niya ang paglapit sa mga kababata.
waaaaaah!!! bff!!! langya ka, bakit kinumpleto mo talaga ang panagalan ko jan!!! ang duga!! bakit ako lang!!!
ReplyDeleteang pinagtataka ko lang, bakit tamang-tama ang description ko sa kwentong ito sa totoong buhay!!! ako talaga yung tipong magkakagusto sa isang kuya ng kaibigan!!!
at ang pinakamalaking revelation jan, swak na swak yung wala akong SENSE of direction!!! putek, totoo yan!!!
wahahaha...ganun talaga...hindi lang ikaw ang kumpleto ang pangalan jan bff kaya wag ma mashock hehehe...sabi ko nga ikaw yang Regine na iyan eh haha
DeleteSWAK DIN SA AKIN YUNG SA MASS COMM.. YAN TALAGA ANG GUSTO KO, KAYA LANG WALA DAW NUN SA NAPASUKAN KONG SKUL...PERO ANG TOTOO MERON NAMAN PALA...
ReplyDeleteSAKTO DIN YON KASI MAHILIG DIN AKONG MAG-PICTURE...GUSTO KO NG ADVENTURE...PANGARAP KO NA MAKARATING SA KAHIT SAANG LUGAR PARA MAG-EXPLORE... ISA KANG ALAMAT JHO!!!
MATANONG KO LANG... SAAN MO NALAMAN ANG NICKNAME KO? BWAHAHAHAHA!!!
paano nga ba?? ay sa FB ko din pala nalaman yung ICHE hehehe..
Deletekapag nahulaan ko ang mga charcter niyo jan pwede na akong mamundok haha..
hahaha.. grabe ung dalawang josa! patago mamboso!..hahah.. kinakabag na ko sa kakatawa!.. iba pa rin pag pinagsama ung kabaliwan ng 3 josang kagandahan!.. nakakawala ng poise kakatawa.. hahah.. ang saya ate! pramis!.. lalo na sa description ng bawat isa.. hhaha
ReplyDeletewow...sana hindi kayo madisapoint sa susunod na chapters..
Delete_░▒███████
ReplyDelete░██▓▒░░▒▓██
██▓▒░__░▒▓██___██████
██▓▒░____░▓███▓__░▒▓██
██▓▒░___░▓██▓_____░▒▓██
██▓▒░_______________░▒▓██
_██▓▒░______________░▒▓██
__██▓▒░____________░▒▓██
___██▓▒░__________░▒▓██
____██▓▒░________░▒▓██
_____██▓▒░_____░▒▓██
______██▓▒░__░▒▓██
_______█▓▒░░▒▓██
_________░▒▓██
_______░▒▓██
_____░▒▓██
ang kyut!!!!!!
Deletebgong story! luv luv luv!!!
ReplyDelete