“Grabe Pare Ko’y ang
wankata....legs palang ulam na” pagbabalita ni Laxus with matching kagat labi
pa “Saka sa tuwing dadaan yun, lahat napapatingin”
“As usual..babae na
naman” nakairap na sabi ko. Wala na akong ibang narinig na lumabas sa bibig
niyan ni Laxus kundi babae.
Napatingin sa akin ang
lahat dahil bigla nalang akong sumingit sa usapan.
“Oh may dala akong
meryenda” sabi ko habang nakasunod sa akin ang katulong na may dalang tray na
may lamang juice.
“yan ang gusto ko sayo
Jho eh..hulog ka ng langit sa aking napakasexyng tyan” sabi ni Paul habang
hinimas pa ang tyan nitong well....ahmm may pandesal at nagpauna na sa pagkuha
ng pagkain.
Subalit bago pa man
ito makadampot ng tinapay sa mesa ay pinalo na ni Regine ang kamay nito.
“Huwag ka ngang
masyadong swapang...Im sure kapag ikaw ang naunang kumain wala ng matitira”
irap nito at kumuha ng dalawang tinapay at juice. “Jei, kain ka muna..i’m sure
napagod ka kanina” malambing na sabi nito sabay abot ng pagkain kay Jeirick.
“Thanks” nakangiting
sagot ni kuya Jei.
Kiming ngumiti naman
si Regine na animo mahinhing dalaga na bumalik sa kinauupuan...hay naku kung
alam niyo lang kung gaano kaberde ang utak niyan...sa GREENLAND yata kasi
nakatira yan.... GREENminded LAND.
Napailing nalang tuloy
si Paul at hinaplos ang nasaktang kamay.
“sakin kaya? Kelan ka magiging
sweet?” tanong ni Paul kay Regine.
“In your dreams!” asik
ni Regine sa binata.
Nakakatuwa itong
dalawang ito. Para kaming nanonood lagi ng action movie kapag nagsimula ng
mag-asaran o mag-away ang dalawa.
Nang-aasar na
tinabihan ni Paul si Regine.
“Alam mo ba
napanaginipan kita kagabi...magkaholding hands daw tayo habang naglalakad sa
beach.. ikaw ba napanaginipan mo ako?”
Itinulak naman ito
palayo ni Regine.
“echuuuussseeee meee ahhh!!!!
At bakit naman kita mapapanaginipan ha???aber aber??? And if that’s the
case..that’s not a dream kundi nightmare!!!!” asik ni Hershie dito at binato
ito ng kapirasong tinapay.
Agad naman iyong
naiwasan ni Insan.
“Hoy! Masamang magtapon
ng pagkain” sita ni Richelle.
“Si Paul kasi eh...”
sumbong naman ni Regine. Parang bata lang..
“Tama na nga yan Paul..lagi
mo nalang inaasar si Regine.” Saway ni kuya kay Insan...ayun..playing knight in
shining shimmering armor na naman si kuya. Kaya di nakakapagtakang head over
high heels ang pagkahumaling ni Redge dyan eh.
Dinedma lang naman ni
Paul ang sinabi ni kuya. Pero nanahimik narin naman ito.
“Ehem” Marahang
tumikhim si Laxus kaya nabalik sa kanya ang pansin naming lahat. “Thank
you...as what I’m saying a while ago..you should meet her..she’s so damn pretty
and so hot and sexy”
“Eh saan mo ba nakita
yun? Sa bar?” tanong ni Marky.
Binato naman ito ni
Laxus ng plastik. “Sa school ko siya nakita....transferee lang siya. 2nd year
student.. Tourism management ang course... Demi Nismal ang name niya..vital
statistics 34-24-34...wit..wit....”
“Grabe ka talaga tol
basta babae walang kawala sa iyo” napapailing na sabi ni kuya.
“pangalan palang
maganda na...Demi...sounds like Lovely or Pretty...hanep” natatawang sabi naman
ni Marky.
“hay naku lagyan mo ng
palda ang poste at papatusin niyang si Laxus” singit ko sa usapan nila...singit
ako ng singit noh?
“Hay naku...sumingit
na naman si Miss-Im-So-Dam-Good-At-Everything” naiiling na sabi ni Laxus.
“Totoo naman ah...i
minsan sa kahit na anong laban hindi ka pa nanalo sakin kaya wala kang
karapatang magmayabang noh!”
“Sorry...I’m only
interested with GIRLS...I dont want to waste my precious time for TOMBOYS”
“Kahit maubos pa ang
lahat ng lalaki sa mundo hinding hindi kita papatulan noh!” nakakaHB ever
talaga itong si Laxus!
“Hindi rin naman kita
bibigyang pansin kahit na maghubad ka pa sa harap ko” nang-aasar na sabi nito
at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Look at yourself....wala kang
ka-appeal-appeal sa lalaki...” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla
nalang itong bumagsak sa sahig.
Sinapak ito ni
Earl!!!!
Hindi namin namalayan
kung kelan tumayo si Earl sa kinauupuan niya...nagulat nalang kami ng suntukin
nalang nito bigla si Laxus...Sayang naunahan ako!!
Halatang natulala
naman ang lahat...para kaming nakakita ng alien kaya wala agad nakapagsalita sa
amin.
“S**t!!!” si Laxus ang
unang nakabawi at nalasahan ang dugo sa mga labi. “Why did you do that?!” galit
na sigaw nito kay Earl.
Oo nga naman Earl???
Bakit mo ginawa iyon??? Bakit mo ako inunahan??? Kainis ka naman oh.
Hindi man lang
kababakasan ng kahit na anong emosyon ang
mukha ni Earl. Mister Poker face ang drama talaga.
“Sorry...dumulas”
malamig na sabi nito at bitbit ang librong tinalikuran kami at lumabas ng
bahay.
Dumulas??? Ang kamay
niya papunta sa mukha ni Laxus??? Bago yun ah?!
Walang isa man sa amin
ang nakapagsalita. Lahat tulala....kung may makakakita sa amin iisipin na
naglalaro kami ng stop dance...yung bawal kang gumalaw pag hinto ng music...
Seriously
speaking it was the first time na nakita naming gumawa ng marahas na hakbang si
Earl. He’s the most calm and cold person among us... teka??? Calm and cold???
Tama ba yun? Ahhh ewan!
Inalalayan ni kuya Jei
na makatayo si Laxus...gaano kaya kalakas ang suntok ni Earl??? Hmmm mahamon
nga minsan ng suntukan iyon .(>_<)
“Ikaw naman kasi eh..”
sisi ni Richelle.
Isang marahas na mura
nag pinakawalan ni Laxus...Since busy sila hindi nila namalayang lumabas na ako
ng bahay.
***
Sa labas ng bahay ko
naabutan si Earl. Naglalakad ito marahil pauwe na ng bahay.
“Earl sandale!!!!”
sigaw ko.... grabe naman itong taong ito..ang bilis maglakad.
Huminto naman si Earl
at marahang lumingon sa akin. Hay salamat akala ko mahaba haba pa ang
tatakbuhin ko eh. Humihingal tuloy ako ng abutan siya.
“why did you do that?”
tanong ko sa kanya tungkol sa pagkakasuntok niya kay Laxus.
Subalit ang sira-ulong
lalaking kausap ko ay tinignan lang ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Agad naman akong sumunod dito.
“Hey! I’m talking to
you!” sabi ko at marahang tinapik ang braso niya....uyyy!!! ang tigas ah!
“Dumulas lang ang
kamay ko” hindi tumitigil na sabi nito.
“Weehhh???? Lokohin mo
lelang mo”
“wala na akong lelang”
“oh sige Lelong
nalang”
“wala din akong
lelong”
“oh sige kahit yung
aso ng kapitbahay niyo nalang...ooppppsss wag ka ng tumanggi..may aso yung
kapit bahay niyo” singit ko ng akmang magsasalita siya. “ alam mo....kaya ko
namang ipagtanggol ang sarili ko..hindi mo na dapat sinapak si Laxus para sakin
dahil kayang kaya ko siyang pabagsakin...knock out pa”
“I didnt do it for
you. Wag kang assumera” supladong sabi nito.
“assumera ka
dyan..ikaw ah..ntututo ka na ng mga salita ni Richelle ah...” natatawang sabi
ko sa kanya.
Ewan ko ba abnormal
nga yata ako kasi kahit anong sungit nitong si Earl hindi ko pinapansin.
Dumaan ang katahimikan
sa aming dalawa.
“Ahhmm..Earl...”
Hindi ito sumagot.
Patuloy lang sa paglalakad.
“Earl...thank you
ah...kahit na hindi ko naman sinabi sayong gawin mo yun...thank you
padin..hayaan mo babawe ako sayo”
Hindi umimik si Earl.
Pero nagulat nalang ako nang mabangga ako sa pader. Nakayuko kasi ako at di
tumitingin sa dinadaanan ko.
“what the---“
Pero...hindi pala
pader ang binanggaan ko...LIKOD ni Earl. Bigla nalang kasi itong huminto at
dahil nasa likuran ako at di tumitingin ay nabangga ako sa malapader niyang
likod. Humarap sa akin si Earl.
“masyado ka ng
napapalayo..umuwe ka na”
Ay oo nga..kakasunod
ko kay Earl ang layo na ng narating ko.
“Hehe..oo nga
noh...sige balik na ako....” pero bago pa ako makalakad pabalik ay hawak na ni
Earl ang kamay ko at hinihila ako pabalik sa bahay. Napatingin ako sa kamay
niyang nakahawak sa kamay ko.
OHHHEEEEMMMMGGGGEEEE!!!!!
Ano ito??? HHWW???
Bakit nakikipagholding hands sakin itong si Earl??? Cannot be!!! Cannot be!!! Borrow one from two!!!Syntax
Error!!!!!
Tinangka kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawa niya
pero hindi ko matanggal. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Teka naman!!! Kanina
HHWW lang...ngayon may kasama ng PSSP... Pa-Sway-Sway-Pa!!!
Hindi ko maintindihan
kung anong nangyayare at parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko mula sa
magkaholding hands naming kamay ni Earl. Ilang volts ba ang kuryente sa katawan
nitong lalaking ito??? Pero bakit ang kuryenteng nararamdaman ko eh hindi
masakit....parang.....masarap sa pakiramdam???? Teka ano ba yung nangyayare sa
akin???
“Earl....pwede bang
bitawan mo na ang kamay ko?? Kaya ko namang maglakad mag-isa eh” since ayaw
niyang madaan sa hilahan ng kamay eh baka sakaling mapakiusapan.
Pero hindi man lang
ako nilingon nito at hindi rin binitawan ang hostage niyang mga kamay ko.
“I just want to be
sure na uuwe ka na sa inyo. Baka sundan mo na naman ako..ayoko ng may
bumubuntot sakin!”
Aba??? Ang siraulong
ito...tinuring pa kong stalker??? Mabuti nalang at nakarating na din kami sa
bahay namin bago ko pa siya mabugbog ng wala sa oras. Asar na pumasok na ako ng
gate at iniwan siya ng bitawan niya ang kamay ko.
***
[ Yesha’s POV]
Lakad-takbo ang ginawa
ko sa lobby ng school. Late na ako sa usapan namin ng pinsan kong si Demi.
Magkikita kasi kami sa canteen ng Riverdale Heights ngayon...siguradong mainit
na ang ulo nun at masesermunan na naman ako. Kilala ko ang pinsan kong iyon.
Masyadong mainipin at walang pasensya. Pareho kaming transferee sa Riverdale.
Tourism Management ang kinukuha nito samantalang Education naman ang sa akin.
Kasama ako sa pamilya nila ng lumipat nag mga ito sa isang exclusive village sa
Makati. Bata palang ako ng maulila ako sa magulang. At mula noon ay kinupkop na
ko ng daddy ni Demi na kapatid ng Mommy ko. Kaya naman matagal ko na ding
kasama ang spoiled brat nilang anak na si Demi..na pinsan ko nga. Palibhasa
nag-iisang anak kasi kay naspolied sa magulang. Sunod sa layaw.
Bitbit ang mga libro
na binilisan ko pa ang paglalakad. Kung pwede nga lang takbuhin ko nalang ay
ginawa ko na. Kaso “No Running in the corridor” ang nakalagay doon. At bakit
naman kasi napakalayo ng canteen ng Riverdale sa Educ building??? Ang unfair!
Dahil sa pagmamadali
ko ay hindi ko namalayan ang paglabas ng lalake sa classroom na nadaanan ko.
Booogggssshhhh!!!!
Huli na para makaiwas
dahil nagkabanggaaan na kami...wag niyo nalang pansinin yung effects nung
pagkakabanggaan namin. Kumalat sa sahig ang lahat ng dala ko.
“Miss sorry hindi ko
sinasadya” hinging paumanhin nung lalaki...ang ganda naman ng boses niya. At
inilahad ang kamay sa akin.
Napatingin tuloy ako
sa kanya. Ito na yata ng pinakagwapong lalaking nakita ko. Grayish ang kulay ng
mata nito at brownish naman ang buhok. Ngumiti ang lalaki sa akin nang mapansin
niyang nakatitig ako sa kanya kaya naman lumitaw ang pantay-pantay na ngipin
nito at dimple sa kanang pisngi.
Namumulang nagbaba ako
ng tingin. Sheetttlunggss!!! Kakahiya!
Sinimulan ko ng
damputin ang mga gamit kong nakakakalat para makaiwas sa kanya. Hindi ko
pinansin ang kamay niyang nakalahad para alalayan akong tumayo. Agad namang
akong tinulungan nito. Naks! Gentleman si Pogi.
Ibinigay nito sakin
ang mga nadampot nitong gamit ko.
“Salamat” kiming sabi
ko.
“No Problem...Sorry
ulit” nakangiting sabi niya.
Sheettluunnggsss!! Ang
gwapo talaga!!! Balak ko pa sanang makipag ngitian sa kanya kaso naalala ko si
Demi.
Agad na akong tumakbo
paalis. Galit na talaga sakin yun si Demi.
***
[Gray’s POV]
Paglabas ko ng
classroom ay hindi ko napansing may padaang babae kaya tuloy nagkabanggaan
kaming dalawa. Dahil mas malaki ang katawan ko eh agad siyang natumba. Agad ko
naman siyang inalalayan patayo kaso dinedma lang niya ang kamay ko at dinampot
niya na ang mga gamit niyang nalaglag. Ganun nalang din ang ginawa ko.
Tinulungan ko siya sa mga gamit niya.
“salamat” sabi niya.
Nakakatuwa kasi
namumula yung pisngi niya. Bakit kaya siya nagbablush??? Ang cute niya tuloy
tignan.
“No Problem...Sorry
ulit” nakangiting ko... mas lalo tuloy siyang namula.
Gusto ko sanang
tanungin ang pangalan niya kaso nagmamadali na siyang umalis. Sayang.
Paalis na sana ako ng
mapansin na may nakaipit sa paa ko. Agad ko namang dinapot ito.
I.D niya pala. Naipit
pala sa paa ko kaya hindi namin napansin. Balak ko sana siyang habulin kaso di
ko alam kung saan siya nagpunta. Napailing na lang ako.
“Gray”
Napalingon ako sa
tumawag sakin. Patakbong lumapit si Trace sa kinatatayuan ko. Agad kong
ipinasok sa bulsa ng pantalon ko ang ID ng babaeng nakabangga ko.
“Nandito ka lang pala kanina
pa kita hinahanap” anito ng makalapit sakin.
“Dito kaya ang
classroom ko” sabi ko. “Bakit mo ko hinahanap?”
Inakbayan ako ni
Trace. At magkaagapay kaming naglakad.
“Tara try-out tayo sa
basketball..nangangailangan kasi ang varsity team ng players kasi gagraduate na
yung mga seniors” yaya nito.
Si Trace Bustamante ay
kaibigan ko at kababata. Halos sabay na kaming lumaki niyan. Kaya parag
bestfriend ko na iyan.
“Kung kelan naman tayo
nag 2nd year na tayo saka mo pa naisipang sumali sa basketball.”
“syempre nung first
year tayo nagaadjust pa tayo nun eh..sige na...alam mo namang hilig ko ang
basketball diba? Ikaw din naman diba?”
Sira talaga itong
kaibigan ko. Hilig daw ang basketball eh samantalang 2nd degree blackbelter na
ito sa taekwando. Tsk! Ako pa lokohin niya. Baka may popormahan lang iyan dun.
Pero sino naman ang popormahan niya sa basketball team??? Napailing nalang ako.
“baka na naman mahirap
pumasok sa varsity...alam ko magagalig ang players dun eh..ilang beses na
silang nagchampion diba?” balita kasi talaga na magagaling ang mga players ng
basketball team..lalo na yung mga seniors.
“Wala namang masama
kung magtry tayo eh..walang mawawala satin kung di tayo matanggap..sila ang
mawawalan ng magagaling na players.”
Napailing nalang ako
at sumunod sa kanya sa Gym kung saan ginaganap ang try-out para sa basketball
team. Mabuti nalang at may ready ako laging damit.
Lhieyesha MarriettyAguilar....
Napangiti ako ng
maalala ang babaeng nakabangga kanina... Iyon ang pangalan niya ayon sa ID na
naiwan niya. Wala sa loob na kinapa ko ang ID na nasa bulsa ng pantalon ko at
muling napangiti.
anong nagmula ako GREENmindedLand!!! walanjo, masisira reputasyon ko jan! ahahahahahahahaha!!! takte, hindi ako mapakali habang gumaganun si paul... wish ko lang hindi mapadpad ang totoong paul ng buhay ko sa kwentong ito... putek!!! ahahahaha!!!
ReplyDeletehahaha...wish ko lang din dahil hindi ko kilala ang Paul ng buhay mo..
DeleteAFFECTED MUCH KA ESPREN...PANGALAN PA LANG YAN... PANO PA KAPAG NAHULAAN DIN NI JHONA BEBE ANG ILANG EKSENA NYO TOGETHER NI PAPA PAUL??? BWAHAHAHAHA!!!!
ReplyDeleteAKALA KO JHO HINDI NA LALABAS SI TRACE KO EH... AT TALAGANG BASKETBALLL NA NAMAN HA!!! AHAHAHAHA!!! WEAKNESS KO PA NAMAN ANG MAHUSAY NA BASKETBALL PLAYER!!! SHUTANESS NAMAN OH!!! EXCITEDNESS NA AKO SA MGA SUSUNOD NA KABANATA...
IPOST MO NA AGAD!!! HAHAHA...
excited much ka teh??/ mamanyakin mo lang si Trace eh..hahaha...
Deletesyempre diba basketball player si ______ mo haha...
super pa charming si ate aegyo! kinilig naman ako dun sa HHWW ninyo ni EARL!.. akala ko si ate Aegyo lang ung may completong name.. shocking!.. ako rin pala!!!.. walang ganyanan,hahah!!!.. well,yesha girl kasama ka rin.. cousins pa talaga tayo huh.. wuaaahhh!!! grabe hindi ko kinaya ung sinabi ni Laxus!!! kinurap ko pa tlaga yung mga mata ko jz to make sure na tama ung nabasa ko.. '"so damn pretty and so hot and sexy!..vital statistics 34-24-34"'.. grabe nman!!!AKO bah tlga yan??hahaha!..
ReplyDeletehahaha...ikaw kasi ang prettiest kaya dapat the best ang description mo jan diba? hahaha...di ko pwedeng sabihin ang buong pangalan ko at baka maeskandal ang buong Pilipinas ipakidnap pa ako hahaha..
Deleteooppsss sorry may nakita akong error yung "Hershie" po dito eh si "Regine" po iyon..hehe..chocolate kasi ang naisip ko kaya iyon ang nailagay ko..
ReplyDelete