Thursday, August 30, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 8 (Part 1)

Chapter Eight(part 1):
HellOoo Halloween!

"Nandito tayo sa bahay ko para magplano sa prank natin ngayong halloween."

"E..ehhh! 'ya..yan pala gagawin natin ngayon?! da..dapat na..nag-aral nalang ako s..sa pa..park!" Kainis 'tong lalakeng 'to! ginawa niyang drugs ang pag-aaral. Drug Abuse!

look at his eyes! eyebag! eugh!

mukha niya? ang dry!


lips? dry! hindi na siya umiinom at kumakain dahil sa pag-aaral.

katawan? ang payat! mas mataba pa ang skeleton!

Hmmmm.....pwede siya, pwedeng pwede siya! pwedeng pwede siyang maging multo! magkakaroon pala ng silbe ang itsura niya!

"S..Shie?"

"Ehehehe...hehe...hehehe...hehehehehe...."

*gulp*

"Pwedeng pwede kang maging multo! this is the best Halloween prank evaaaaaah!" with matching twinkling eyes pa ako!

"Eh?"

"Bakit ka jan namumula? may lagnat ka?"

"Wa..wala no!"

"Hmmmm! okay, this is our plan..."

qwgdwhvoiwhvwebviwviubvievbvb3uivb4uvi

The next day...
Narrator's POV...

"Uwaaaaaaaaa! Halloween ngayooon! this is sadako's most favorite daaay!"

"Dapat nagdala ka ng bawang para hindi kanya makulam!"

"Tss! Paranoid mo naman! suntok ko lang na patay na siya!"  Habang naglalakad ang tatlong magkakaibigan papunta sa building ay bigla nalang bumulaga sakanila si Sadako na nakaputi with matching evil smile at dugo sa damit niya plus nakalugay buhok niya.

"Si...si..si...si..."

"Sa..sa...sa...sa..."

"SADAKOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!" at agad umalis ang magkakaibigan sa school. Take note, sa school. Hindi sila mag-aaral. Mag-aabsent sila.

***

Sadako's POV...

"Aahahahahahahahahahaha! hahaahahah! ahahaahhaa!" hindi talaga ako makatigil tumawa sa mga reaction ng mga nabibiktima namin. Nakakatawa talaga ang mga natatakot nilang mukha at ang mga facial expression nila kapag nagulat sila.

"Nakunan mo 'yung kanina?" tumango nalang si slave. Nagtago ako ulit sa mga bushes at naghintay kung may parating na studyante. May narinig ako na footsteps at boses.

"Sinong katextmate mo?"

"Girlfriend ko."

"May bago ka nang girlfriend? paano 'yong girlfriend mo kanina?"

"Tss! okay lang 'yun sakanya! kahit pagsabasabayin ko sila, okay lang yun! gusto lang ng mga babae ay ang halik ko at ang katawan ko."

"Haaaay, kelan mo mahahanap ang nakalaan sa'yo?"

"Nakalaan saakin? haha! iniwan na niya ako. Matagal nang patay ang nakalaan saakin, kaya wala...wala akong soulmate."

Mukhang magiging exciting to ah. Mas papabonggahin ko ang prank ko para sa next victim. Try kong kagatin buhok ko at kumanta ng moving closer. Yeah, that's a good plan. Ang talino mo Shie.

1

"Hanggang ngayon mahal mo pa rin siya, Kahit patay na siya?"

2

"Oo, mahal ko pa rin si Shereen." Napatigil akong tumayo nang narinig ko ang pangalan niya. Hindi ako makagalaw.

Ma..mahal niya pala siya? akala ko pinaglaruan lang siya. A..ano? hindi ko maitindihan. Minahal niya siya habang sila pa o nang hindi na sila? it's ridiculous! Minahal niya nang patay na siya! nang binitiwan niya siya saka lang niya minahal. Ang manhid niya! ang manhid manhid niya! kung matagal niya lang nalaman ay hanggang ngayon buhay pa siya at kasama ko siya ngayon!

Grrrrr! he really deserve a bonggang bonggang prank! I'll make this his nightmare! at magkakaroon siya ng takot saakin at sa Halloween! mwahaahaha! *loud thunder*

I prepared myself again.

1

2

3

GO!

"Ikaaaaaw ang maaaaay kaasalanaaaan kung baakiit akoooo namataaaaaaaaay!"

"P..pre, may naririnig ka?"

"Oo, may naririnig ako." tumigil silang maglakad at tumingin sa harap nila SLOWLY. wow! suspense effect! Nang makita nila ako. Ngumiti ako at ginaya ang boses niya.

"HellOoo Lalabs! I miss...youuuuuu!" at kumaway ako sakanila SLOWLY.

"ARGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!" at agad sila umalis sa school!

"In your face! cowards! hindi na kayo magiging section A, section Loser na kayoooo! bee bee beeeee beeee beeeeeeeee!" :P

At nagsayaw ako na parang timang. Nagsayaw ako habang kumakanta ng "Mga duwag kayo! oh yeah! oh yeah! mga duwag kayo! oh yeah! oh yeah!"

"Nakunan mo ba?"

"Oo! nakunan ko! tingnan mo!" at tiningnan ko ang picture sa camera. Nakita ko na lahat sila maputla at pinawisan except




siya...
ang gag*ng playboy. Seryosong seryoso ang mukha niya.

"Bakit siya hindi natakot?"

"Baka alam niya na ako si Shie. Well, whatever! let's call it a day. Punta na tayo sa room." at hinubad ko ang suot ko na white gown. Hindi ako nakahubad. Nakauniform ako, wag dirty-minded.

Kinuha ko ang bag ko sa may puno at pumasok na kami sa building.

***

Half day ngayon. Nagpeprepare kami para sa Halloween festival eh. Siyempre, patakutan ng horror house. May reward ang isang room kung saan maraming natatakot. Ako? nasa library kasama ang nerdo kong slave. Nag-aaral siya. Ako? well, nagbabasa ng horror books.

"Ehehehhe....hehehe....hehehhe...hehehehehehe..."

"S..S...Shie..Ssssssshhhhhhh....." sabay nagSsssshhh sign siya. Binigyan ko siya ng death glare at agad siya tumahimik at nag-aral ulit.

minutes later...

Tapos na akong magbasa ng horror books. I'm currently staring Nerdo. Ang busy busy niyang mag-aral. I'm really bored. Gusto kong kumain ng ice cream.

Inagaw ko ang libro na binabasa ni slave at linapag sa table.

"Enough studying muna. Punta muna tayo sa park." hinatak ko siya at umalis na kami sa library. Umalis kami sa school at pumunta sa park. Buti, may ice cream vendor kaya bumili ako ng ice cream. Linibre ko si nerdo as an exchange sa pagtake niya ng pictures.

Pumunta kami sa swing at umupo doon habang kumakain ng ice cream.

"Ang sarap ng chocolate! hihihi!" masayang masaya ako na kumakain ng ice cream. Hindi ko namalayan na tinitingnan ako ni slave. weeeeeeiiiiiiird.

"Bakit mo ako tinitingnan?"

"Wa..wala lang." at kinain niya ulit ice cream niya.

.........................

"Cute ka kapag ngumingiti." naibuga ko yung ice cream na kinakain ko. Uwaaaaa! sayang! ὺ.ύ

"Ahahahahahahahaha! ahahahaha! haahahahah! hahaahahahahahahahaha!" hinawakan ko ang tiyan ko dahil hindi ko talaga mapigilan tumawa. Nahulog pa nga ice cream ko eh! Habang tumatawa ako ay si slave naman ay curious na curious.

"A..anong na..nakaka....tawa..s..sa..si..sin..nabi k..ko?"

"Ahahaha! ako? cute kapag ngumiti? eh mukha nga akong multo na nakangiti eh! ang pangit ko no! may sira ka ata sa mata." Napatigil ako tumawa sa sinagot niya saakin.

"Nagmumukha kang multo na nakangiti kapag pinipilit mo sarili mo ngumiti, pero kapag nakangiti ka na hindi mo pinilit, cute ka." Tiningnan ko siya. While he said those words, nakangiti siya. Bigla nalang akong namula kaya tumingin ako sa baba at nagswing.

"Pa..panget..a..ako no!"

"Da..dati nang nakikita kita na nakangiti, naiisip ko na para kang multo, then, nang iniisip ko maigi ang mukha mo na nakangiti, cu..cute ka pa..pala." Wala akong maisagot sa sakanya patuloy parin akong nagsuswing.

"Want me to prove it?" Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya, hawak hawak niya ang mga swing chain. Bigla nalang niyang hinatak ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa paradahan ng mga jeep.

Sumakay kami sa jeep at pumunta kami sa mall. Tiningnan ko ang aking kanang kamay, hawak hawak parin ni slave ang kamay ko. I don't know what's happening but, bigla nalang hinawakan ko rin ang kamay niya. Hindi ko ginusto na hawakin pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko. Ang weeeiiird.

mall...

Until now, we hold each other's hands. I wonder kung pareho ang nararamdaman namin ngayong magkaholding hands kami. Kinakaba ba siya habang hawak hawak niya kamay ko? o kaya....

nasa isipan niya na...chinachansingan ko siya.

Ugh! Shie! what are you thinking? anong chansing?! hindi niya 'yon maiisip. Hindi kaya ako manyak. Let me prove it to you. I stopped holding his hand, no reaction. Hawak hawak pa rin niya kamay ko. Hindi ko siya chinachansing.

"Buti, may dala akong credit card. Ililibre kita ngayon." Okay, sinong hindi tatanggi sa libre?

Pumunta kami sa boutique para mamili ng damit.

"Uhm, kayo na pong bahala kung anong bagay sakanya."

"O..okay sir." at naghiwalay na kaming dalawa. Pumunta siya sa mga panlalakeng damit habang ako nama'y pumunta sa mga pambabaeng damit kasama ang isang saleslady.

"Isukat niyo po ma'am." kinuha ko ang damit na ibinigay saakin ng babae. Pumunta ako sa dressing room at sinuot ang damit. Bago pa ako umalis ay may inabot saakin ang babae na isang knit jacket. Siyempre, sinuot ko. Hindi ko kinain 'kay?

Umalis na ako sa room at nakita ko si slave na iba ang suot. Napatulala ako dahil nagtransfrom siya. Para siyang korean actor.

"Hmmm? Earth to Shie?" kumaway siya saakin kaya nakabalik utak ko sa reality. Bumili kami ng accesories at nagbayad kami sa cashier.

Umalis na kami sa boutique at naglakad-lakad kami. Hindi na kami nakaholding hands. Nakaakbay siya saakin. Uwaaaaaa! tumitibok ng malakas ang puso ko at namumula akOooo! Naririnig niya ba? Kung naririnig niya baka kung anu-ano ang iniisip niya, Baka naiirita siya.

"Shie, saan 'yung binili natin na clip?"

"Ah, nasa cellophane." Tumigil kaming maglakad. Kinuha niya ang clip at...at..iniclip niya sa mahaba kong bangs.

"Now, you look cute." baka nararamdaman niya na pinapawis ako sa kaba, tumitibok ng malakas ang puso ko at namumula mukha ko.

Naglakad kami ulit at namasyal sa mall.

***

Nasa street na kami ng bahay namin. Gabi na ngayon eh kaya umuwi na kami.

"Ang weird mo no?"

"Huh?"

"Kanina takot na takot ka saakin, ngayon, ewan ko kung nasaan na si Allison na takutin at nerdo. Sweet mo kasi ngayon eh! ano bang pinanood mo?"

"Heheheehe!" sabay kukot niya sa buhok niya. Weeiiiiird, nakyukyutan ako sakanya. Kailangan ko talagang umuwi at iuntog sarili ko sa pader.

"Haaay, thank you sa kanina. Nag-enjoy ako!" sabay ngiti ko sakanya.

"You're welcome! oh, punta ka na sa bahay niyo baka pagalitan ka ng nanay mo. Bye!" sabay pat niya sa ulo ko. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa bahay nila habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad. Kumaway ako sakanya and mouthed the word "Good night, sweet dreams." at naglakad ako papunta sa bahay.



Sana ganun rin siya saakin bukas.





3 comments:

  1. haLLowEen!! buHay n buHay ngA c sadAko jaN,, hoHo,, aY dpAt pLa hiHiHi,,

    ReplyDelete
  2. ▀██▀─▄███▄─▀██─██▀██▀▀█
    ─██─███─███─██─██─██▄█
    ─██─▀██▄██▀─▀█▄█▀─██▀█
    ▄██▄▄█▀▀▀─────▀──▄██▄▄█

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^