Friday, August 31, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 12

CHAPTER TWELVE

     NAG-KASALUBONG si Darren at Darryl sa pag-labas sa kani-kanilang kwarto kinaumagahan. Sa unang pag-kakataon ay nakaramdam sila ng pag-kailang sa isa't isa. Marahil siguro sa nang-yari na rin kagabi. Tumango lang si Darren saka nag-patiunang lumakad pababa. Ilang sigundo bago naman sumundo si Darryl.


     Nang makarating sila sa school ay sakto naman nasalubong nilang dalawa si Dian. Sabay na napahinto sina Dian at Darren ng mag-katinginan silang dalawa. Hindi alam ni Darren kung babatiin niya si Dian kung alam nyang nasa likod nya lang si Darryl.


     "Dian!"tawag ni Darryl mula sa likuran. Hindi na umimik pa si Darren sa halip ay nag-patiuna na lang itong umalis. Sinundan lang sya ng tingin ni Darryl at Dian.



     Nakaramdam naman ng ilang si Dian ng lapitan sya ni Darryl. Naalala nya kasi ang sinabi nito kagabi. Hindi sya makatingin ng diretso dito. Naging uncomfortable ang pakiramdam nya simula ng umamin si Darryl.



     "Ayos ka lang ba?"tanong ni Darryl ng mapansin nyang kanina pa hindi nag-sasalita si Dian. Ngayon ay papunta na silang room.



     "Hu? O-Oo naman!"utal nyang sagot. Natawa naman si Darryl.



     "Iniisip mo ba yung mga sinabi ko sayo kagabi?"hula nito na agad namang itinanggi ni Dian.



     "Hi-hindi! Iniisip ko lang kasi si Emily. Kung kamusta na sya dun sa kanila."dahilan nya na lang pero ang totoo ay ang sinabi talaga ni Darryl ang iniisip nya ngayon. Ngumiti lang si Darryl sa kaniya.



     Pag-dating nila sa room ay si Angel lang ang nadatnan nila sa upuan. Napakunot ang nuo ni Dian. Nilinga nya ang paligid pero wala si Darren. Nag-taka naman si Darren, pero sa isip nya alam na nya kung bakit wala si Darren ngayon.



     "Where is Darren?"tanong ni Angel.



     "Diba fiance mo sya. Dapat alam mo kung nasaan sya."pilosopong tanong ni Darryl saka naupo sa upuan nito. Inis lang syang inirapan ni Angel tapos ay kinuha nito ang cellphone para tawagan si Darren. Naupo na rin si Dian sa upuan nya.



     Inis na pinatay ni Angel ang tawag nya. "Kainis! Bakit naka-off ang cellphone nya?"pareho namang nakikiramdam sina Dian at Darryl.



     Nakaramdam ng pag-aalala si Dian para kay Darren. Naiisip nya kasi baka may problema ito kaya ganun nanaman ang mood nito ngayon at kung bakit hindi nanaman ito pumasok. Pasimple nyang nilingon si Angel na ngayon ay irita na. Naiisip nya rin na baka nag-away nanaman silang dalawa ni Darren kaya hindi ito pumasok ngayon. Napabuntong hininga na lang tuloy si Dian bagay na napansin naman ni Darryl.



     "Okay ka lang?"tanong ni Darryl sa kaniya. Tumango lang siya.





***************

     PANAY ang tingin ni Demi sa mukha niya sa salamin na hawak nya at panay din ang suklay nya sa buhok nya. Nang mapansin nyang kulang pa ang lipstick nya ay dinagdagan pa niya ito ulit. Dadaan kasi ulit si Darryl sa kaniya kaya naman todo ang pag-papaganda nya. Tiningnan nya ang wall clock pasado alas tres na ng hapon. Nilingon nya ang pintuan baka sakaling bumukas iyon at si Darryl na ang pumasok pero wala parin. Bumuntong hininga sya at muli nanamang sinuklay ang buhok.

     Makalipas ang trenta minutos ay wala parin si Darryl. Kaya naman naisipan na munang humiga ni Demi. Unti unti na rin lasi syang nakakaramdam ng pagod. Napabalikwas sya ng may bigla na lang pumasok. Nadismaya sya ng makita nyang nurse pala ang pumasok hindi si Darryl. Oras na pala ng pag-inom ng gamot nya. Natapos na ang nurse pero wala parin si Darryl hanggang sa hindi na namalayan ni Demi na nakatulog na pala sya.

     Madaling bumangon si Demi ng makita nyang madilim na sa labas. Pag tingin nya sa orasan alas syete na pala ng gabi. "May dumating bang bisita kanina?"yun agad ang tanong ni Demi ng pumasok ang nurse.

     "Wala po eh."sagot ng nurse. Nag-taka si Demi. Napatanong sya sa isip kung bakit kaya hindi dumaan si Darryl ngayon? Nakalimutan ba nito o busy lang ito. Hindi tuloy nya maiwasang mag-alala.


***************

     NATIGILAN si Darren ng maabutan nya si Darryl sa ibaba ng apartment. Dapat kasi ay nasa trabaho ito ngayon. Pero naisip nya na lang na hindi rin siguro ito pumasok gaya nya pero muli syang natigilan ng makita nyang may bitbit itong malaking bag.

     "Anong ginagawa mo dito? Bakit may bitbit kang bag? Saan ka pupunta?"sunod sunod na tanong ni Darren dito. Inis na tumayo si Darryl sa kinauupuan nya.

     "Saan tayo pupunta?! Pinalayas na kaya tayo sa apartment natin! Wala tayong matutulugan ngayon!"galit na saad ni Darryl.

     Saka lang pumasok sa isipan ni Darren na hindi pa pala sila nakakabayad sa renta nila sa apartment. Kasama pala sa gastusin nila ang renta nito. Doon lang pumasok sa isipan nya ang lolo niya. "Hay! Kainis naman si Lolo! Plano nya 'to lahat e!"

     Tama nga ang hinala ni Darren. Plano lahat ito nang lolo nya. Na kapag hindi sila nakabayad ng upa ay palalayasin sila. Alam kasi ng lolo nila kung gaano sila kagastador. Inis na dinampot ni Darren ang isang bag na alam nya ay sa kaniya saka nag-patiunang lumakad.

     "Hoy! Saan ka pupunta?!"tawag ni Darryl sa kaniya.

     "Sa school!"sagot nito.

     "School?"ulit ni Darryl sabay sunod dito.


***************

     NAISIPANG kumain ni Dian ng Korean Food, mabuti na lang at may malapit na Korean Restaurant sa lugar nila kaya naman makaka-kain sya kelan man nya gustuhin. Nasa kabilang kanto pa ang restaurant kaya kailangan nyang dumaan sa school nila para makarating dun.


     Napahinto sya ng may mapansin syang dalawang lalaki na nakaupo sa tapat ng school nila. Minumukhaan nya kung sina Darren at Darryl nga ba ang ang mga iyon. Nakumpirma nya lang ng mapalingon si Darren sa kaniya. Napatayo naman ng diretso si Darren mula sa pag-kakaupo nito. Maging si Darryl ay napatayo na rin. Lumapit si Dian sa kanilang dalawa.



     "Anong-anong ginagawa nyo dito?"takang tanong ni Dian. Lalo syang nag-taka ng makita nyang may mga bitbit na bag ang mga ito.



     "Dian."nahihiyang wika ni Darryl. "Ano kasi-pinalayas kami sa tinitirahan namin. Hindi kasi kami nakabayad sa upa eh. Hindi naman kasi namin alam na every month pala ang bayad dun. Hindi naman kami makakabayad agad kasi wala na kaming pera. Fifthteen days pa bago ulit kami sasahod."paliwanag ni Darryl. Tahimik lang sa likuran si Darren ng lingunin sya ni Dian. Ni hindi man lang ito nag-sayang ng minutong para tinginan si Dian. Nakaramdam ng kirot si Dian pero binaliwala nya na lang.



     "Ganun ba? Saan kayo matutulog ngayon? San kayo titira habang hindi pa kayo nakakabayad?"alalang tanong ni Dian. Hindi nakasagot si Darryl. Saan nga naman sila titira? Wala naman silang kakilala sa Pilipinas na pwede nilang matuluyan. Paano na sila ngayon. Saglit na napaisip si Dian. Wala namang restriction sa apartment na tinutuluyan nya. At isa pa wala naman si Emily bakit hindi nya na lang muna patirahin ang mga ito dun? Naaawa din sya sa mga ito at isa pa tiwala naman sya sa dalawang ito alam nyang hindi naman ito ang mga tipo ng taong gagawa ng masama. "Mabuti pa dun muna kayo sakin tumira. Tutal wala naman si Emily. At may isa pang extrang kwarto dun. Pwede nyong gamitin yun."wika ni Dian na ikinatuwa naman ni Darryl at mukhang hindi pabor kay Darren.



     "Yes! Salamat!"masayang wika ni Darryl.



     "Nasisiraan ka na ba?"galit na singit ni Darren kay Dian.



     "Hoy! Hoy! Ano nanaman ba yan!?"pigil ni Darryl pero hindi nag-paawat si Darren.



     "Mga lalaki kami tapos gusto mong dun kami tumira sa apartment mo? Anong klaseng babae ka?"inis na saad nito. Nasaktan dun si Dian pero hindi lang nya pinahalata. Natakot syang bigla kay Darren. Iyon kasi ang unang beses na nakita nyang galit na galit ito.



     "Darre! Pwede ba! Hindi ito ang oras para pahalagahan mo yang pride mo! Wala tayong matitirahan! Pasalamat ka nga may nag-patuloy pa sa atin e! Kung gusto mo matulog ka sa daan basta ako dun ako sa apartment ni Dian! Hay! Jinjja![Talaga naman!]."tapos ay nilingon nya si Dian saka nginitian at inakbayan pa ito. "Tara na nga Dian."inakay nya si Dian palakad. Sinulyapan ni Dian si Darren, makikita ang lungkot sa mata nito na pilit itinatago.



     Hindi naman makapaniwala si Darren sa pinsan nya. "Yah! Jung Darryl-ah! Yah! Neo! Jinjjaro keogi jageo shipsiyeo?![Hoy! Darryl Jung! Hoy! Gusto mo ba talagang matulog dun?]."sa tawag nyang iyon ay hindi man lang sya nililingon ni Darryl. Inis na napakamot na lang sya sa ulo. "Haist! Michigoseosseo![Bwisit! Mababaliw na ko!]"


***************

     WALA NANG nagawa pa si Darren kundi ang pumayag na lang kahit labag sa kalooban nya. Wala din naman syang ibang mapupuntahan. Baka kung nao pang mangyari sa kaniya kung paiiralin nya ang pride nya ngayon.

     Naliligo na si Darryl habang si Darren naman ay naroon nakatayo sa tapat ng bintana. Malalim ang iniisip nito ng mga oras na yun. Sa ganung sitwasyon sya nakita ni Dian ng lumabas ito mula sa kwarto nila ni Emily dala dala ang mga kumot at dalawang unan. Nang makita sya ni Darren ay agad itong lumapit para kuhain ang bitbit nya.

     "Salamat."yun lang ang sinabi ni Darren saka tumalikod na ito sa kaniya. Hindi alam ni Dian kung anong nang-yayari kay Darren. Naging okay naman ang nang-yari sa kanila nitong nakaraan bakit ngayon ang sungit na nya dito? Gusto nyang malaman kung anong dahilan bakit ganun si Darren sa kaniya. Kaya naman bago pa ito makapasok sa kwarto nila ay tinawag nya ito.


     "Darren!"aniya. Napahinto si Darren, matagal bago nya lingunin si Dian.



     "Bakit?"walang gana nitong saad ng lumingon ito.



     "Ano kasi-gusto ko lang itanong kung-kung galit ka ba sakin."nauutal nyang wika. Hindi kasi nya alam kung anong sasabihin nya.



     Hindi agad sumagot si Darren. Nakatingin lang ito kay Dian. Tingin na wala man lang karea-reaksyon. Ilang saglit pa ay nag-salita si Darren. "Bakit nasa labas ka pa kanina? Anong oras na yun ah."mahinahon pero halata ang galit sa boses nito.



     Gulat naman si Dian sa layo ng sagot ni Darren. "H-hu?"



     "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ka pa lumabas kanina? Alam mo namang maraming loko loko sa labas!"galit na tanong nito na lalong ikina-alarma ni Dian.



     "Ano kasi-gu-gusto ko sana kumain ng Korean Food kaya lumabas ako."utal utal nitong saad.



     "Para dun lang lalabas ka pa sa gabi? Pwede ka namang kumain bukas nun!"galit parin ito.



     Hindi na tuloy nito alam ang sasabihin. "Ba-bakit ka ba nagagalit?"bigla nya tuloy natanong. Natauhan naman bigla si Darren sa tanong na yun. Bakit nga ba sya nagagalit? Sino ba sya para pagalitan si Dian kung gusto man nyang kumain ng Korean Food ng gabi? Si Darryl nga na alam nyang may gusto kay Dian ay baliwala lang ang sitwasyon ni hindi nga ito nag-aksaya ng panahong mag-tanong kung bakit nasa labas si Dian ng mga oras na makita nila siya. Pero sa sobra kung mag-reak. Sa hiya nya ay bigla na lang nyang iniwan si Dian at pumasok sa kwarto.



     Inis na hinagis ni Darren ang hawak na mga unan at kumot. "Hay! Ano bang ginawa ko?"tanong nya sa sarili. "Kainis! Bakit nga ba ako nagagalit? Ano namang pakelam ko kung lumabas sya ng gabi?"napakamot sya sa ulo. "Hay!"sambit pa nya.





***************

     NATIGILAN si Darryl ng makita nyang nakatayo si Dian sa tapat ng kwarto nila pag-labas nya ng banyo. "Oh-Dian? Anong ginagawa mo dyan?"kunot nuong tanong nito habang pinupunasan ang basang buhok nito.

     "H-hu? Ah-wala. Sige. Matulog na kayo. Good night."tapos ay agad itong umalis. Taka lang syang sinundan ni Darryl ng tingin.

     Napaisip tuloy si Darryl ng pumasok sya sa kwarto nila at nakita nyang naroon na si Darren nakahiga. Sa isip isip nya na hindi kaya si Darren ang pakay ni Dian kaya ito nakatayo sa harapan ng kwarto nila. Pero ayaw nya na lang isipin yun. Pumasok sya sa loob at nahiga na comforter na nakalatag sa sahig gaya ng hinihigaan ngayon ni Darren.

     SAMANTALA, hindi naman makatulog si Dian kaiisip ng mga sinabi ni Darren sa kaniya kanina. Hindi nya alam pero nakakaramdam sya ng kilig. Ibig sabihin ba nun ay concern si Darren sa kaniya at ayaw nitong mapahamak sya kaya nagalit ito ng makita syang nasa labas pa kahit gabi na? Napapangiti tuloy sya doon. Kaya lang sa kabilang parte ng isip nya may nag-sasabi na wag na syang umasa dahil may Fiance na si Darren.

     Pumasok tuloy sa isip nya ang sing sing na suot ni Angel. Marahan syang tumayo at tinungo ang drawer nya saka kinuha ang isang maliit na box. Binuksan nya ito pero wala naman itong laman. Bumuntong hininga sya saka nilingon ang picture na nakapatong sa ibabaw ng drawer nya. Picture iyon ng papa nya kasama ang isa pang Koreano na kaibgan nito. Saglit nya iyong hinawakan saka muling bumalik sa higaan nya. Maya maya pa ay nakatulog na sya.




     Posible kayang nahuhulog na ang loob ni Dian kay Darren? Eh si Darren? Ganun na rin ba ang nararamdaman nya kay Dian?




.... to be continue

3 comments:

  1. isSunod kPag nTaPos q nPo uNg sToRy niO,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe .. di cu na-gets .. nu po name niu .?

      Delete
  2. ~angel is luv~

    ano ba naman! kinikilig akong parang ewan dito. haha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^