Sunday, August 26, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 3

Chapter 3
The playboy


Allison's POV...

"Kunin mo bag ko sa classroom..."

"Ang..ang layo no!"

"Gusto mo kulamin kita?! ha?!"

"Anong kulamin? eh sinabi mo saakin kanina na hindi ka mangkukulam."

"Kahit naaaaaaa! just get it! SLAVE!" inemphasize niya ang word na "slave" kaya lahat ng mga tao sa paligid ay napatingin sa aming dalawa.


"O..o..oo n..na!"

"Good doggy! doggy!" sabay pat sa ulo ko, hindi naman ako aso ah! I'm a human being not  a lowly animal creature. Siyempre, dahil slave niya ako ay bumalik ako sa classroom. Huhuhu T_______T nakakapagod, galing pa naman kami sa grocery para mamili ng makakain sa bahay ni Sadako at ang grocery pa ay ilang blocks away mula sa school. Nakakapagod!

Narrator's POV...

At last! nakahanap na ng maiinom si Allison dito sa Sahara Desert.

Not!

Nakarating na si Allison sa school, para siyang first-timer sa heaven na ewan dahil lumuhod siya at sumigaw ng "At last! I'm finally here!" siyempre, nakakagulat ang ginawa niya kaya napatingin sakanya ang mga tao sa paligid at automatically na nagbulungan.

Bzzzzz.....bzzzzzz.....bzzzzzz

sound 'yan ng kabayo este mga bubuyog. Bakit may nakasingit na sound ng bubuyog? kasi 'yung mga nagbulungan na mga 'yon ay parang mga bubuyog kung bumulong.

okay, back to Allison.

Siyempre, napahiya siya kaya agad siya tumayo at tumakbo sa classroom.

back to you Allison.

Allison's POV...

Story 'to hindi news broadcasting! *sabay taas ang salamin*

Eeeeeeek! nakakahiya! bakit ko 'yun ginawa?! abnormal ko talaga! kung may gamit sana ako na nakakaamnesia, ginamit ko na sakanila.

Baka pinagtatawanan mo ako ngayon kasi nakakahiya 'yun at nakakatawa ang ginawa ko kanina. Pero, I have words to say to you...

SANA MANGYARI 'RIN SAYO ANG GINAWA KO KANINA ESTE GAWIN MO RIN ANG GINAWA KO KANINA!

classroom...

*door opens*

"Huh?" si...sino'ng mga 'to? hindi ko sila classmate ah.

"Wha! nakipagbreak ka sa highschool queen?!"

"Mashock ka kung siya ang nakipagbreak saakin!"

"No wonder, you're a playboy dude! sigurado ako, umiiyak siya sa locker room dahil sa tinext mo sakanya!"

"Nakipagbreak......sa text message pa! ang cheap pre!"

"Anong gusto mo? papabonggahin ko!? dapat talaga na text message ako nakipagbreak kasi cheap 'yun at plus, ang cheap niya!"

"Weeeeh?"

"Eh anong klaseng babae ang hindi cheap?"

"Well, wala pang nageexist."

"Pe...pwe..pwede bang ku...kunin..ang ba..bag ..k..ko dito?"

"Oi pre, nauutal dahil sa kagwapuhan mo!"

"Of course 'tol! nababakla na ata siya dahil sa kagwapuhan ko!"

"E..eh?" a...anong bakla? hindi ako bakla no!

Kahit ang baduy ko tingnan ay hindi ako bakla! I'm a m...m..man you know! porket nauutal-utal ako, bakla na ako agad? sadyang utal-utal ang pagsalita ko n..no! kung gusto niyo ng suntukan? fine! payag ako! I'll show you my karate skills!

"Bwahahahahaha!"

"Nyahahahahha!"

Hayyyyy, Allison, Allison...pagbigyan mo na sila. Sadyang mga BOBO sila!

"Meron bang bag dito?"

"Oh, wala, wala akong nakita..."

"Ehhhhh, ayun oh! *sabay turo sa bag ni Sadako*" Anak ng.....hindi naman nila makikita kasi hindi sila tumingin-tingin sa paligid. Nakakabawas ba sa energy ang lumingon sa kanan, kaliwa, likod, taas, at baba? Hayyyyyy nakuuuu.....

Tatapak na sana ako papasok sa classroom pero  napatigil ako dahil sa mga idiot trio.

"Hoy! wag ka nga pumasok dito!"

"magiging triangle ba ang mundo kung papasok ako dito? ha?" 'yan sana ang isasagot ko pero ayoko isagot, dahil duwag ako? hindi! kasi hindi ko talaga attidude ang magpakapilosopo...

"Ba...bakit?"

"Kapag nandito kami, walang sinuman ang papasok dito! ang mga slaves lang namin ang pwedeng pumasok!"

Hindi ko sinunod ang sinabi nila. Pumasok nalang ako sa room para kunin ang bag 'tas umalis na ako pero hindi ako nakaalis sa room dahil kinonfront ako ng idiot trio.

"Kapag sinabi namin na hindi ka papasok ay HINDI KA PAPASOK!"

"Ang bobo mo! wag ka nga jan magpakanerd kasi bobo ka naman!"

"Hi...hindi no!"

"Aba! sumasagot si bobo!"

"Kung hindi ka bobo, anong hindi mo naiitindihan sa sentence na hindi ka papasok?!"

"Ka..kasi..."

"Don't answer us!" eh? tinanong niyo ako eh, kaya sinasagot ko kayo. Baliktad na ba ang mundo?

"Si..sinabi n..niyo..na..na...." hinawakan ng isa sa mga idiot trio ang kwelyo ko at linapit niya mukha niya niya saakin. Pinlantsa ng mama ko ng maigi ang kwelyo ko! Walang 'yang to ah!

At saka......naaamoy ko hininga niya at


ANG BAHO! HINDI SIYA NAGBRUSH! BWAAA! BWAAA!

I really need to let go from him. Ayoko mamatay dahil sa suffocation, dapat mamamatay ako dahil sa paghanap ko sa brain ni Frankenstein.

siyempre, tinulak ko ang lalakeng yun para ako mabuhay. Hindi ko siya hinalikan, hindi 'to yaoi, Shoujo 'to.

"Wha?!"

"Tss! nagusot tuloy ang kwelyo ko, hindi niyo ba alam kung ilang times 'to pinaplantsa ni mama?!"

"Aba! lumalaban na si bakla!"

"Humahamon ka ah! *sabay tulak kay Allison at si Allison naman ay napaalis sa room*"

"Aray!"

"Gusto mo ng laban? gusto mo? HA?!"

susuntukin na sana ako ng leader ng idiot trio pero.........

"Hoy! wag niyo galawin ang slave ko!" si..si SADAKO!

Pumunta siya sa pagitan namin na nakapameywang. Siyempre, umatras ang lalake dahil natakot siya kay Sadako.

"Kapag hindi ko sa inyo sinabi na bugbugin ang slave ko ay hindi niyo siya bubugbugin!"

"Anong tingin mo sa sarili mo? boss kita? ha?"

"Oo! kasi.....boss ako ng buong town na'to! alam mo kung bakit? dahil kinatatakutan ako ng buong town!"

"Kung hindi ka lang babae!" at umalis na ang idiot trio. Binigyan naman ako ni Sadako ng isang masamang tingin. "Bagal mo! nxt tym, bilisin mo ha? kung hindi, kukulamin kita!"

"Eh hindi ka naman..."

"Basta! kukulamin kita! alis na nga tayo dito!" at nauna nang lumakad si Sadako, sumunod nalang ako sakanya.

***

sidewalk...

"Sino pala ang tatlong 'yun?"

"Sila ang kriminal sa school!"

"Eh?" tumigil lumakad si Sadako at binigyan ako ng masamang tingin, napagulp nalang ako dahil sa takot na nararamdaman ko mula sakanya. Naglakad nalang siya, no reactions.

"Ang totoo, sila ang tatlong pinakagwapo, pinakamatalino at pinakamayaman sa school, kaya maraming babaeng patay na patay sakanila except ako dahil nabubwisit ako sakanila. Ayoko na sabihin sa'yo ang mga pangalan nila dahil kapag binabanggit ko iyon o naririnig ko pangalan nila, gusto ko magwala. Kapag nalaman mo pangalan nila at binanggit mo pangalan nila sa harap ko. Makikita mo si kamatayan."

*gulp*

"Ba...ba...bakit ka naiinis sakanila?"

"Dahil sa ate ko."

"Huh?"

"Ex ng leader nila na playboy at baboy ang ate ko."

"At........."

"Nagpakamatay siya dahil nakipagbreak sakanya ang baboy nayon." napatigil ako maglakad dahil sa narinig ko.

I..I can't believe it. Parang ang baba ng dahilan. Yun lang? There must be some other reasons.

Naiitindihan ko siya. Siyempre, kung namatayan ako ng kapamilya dahil sa lalakeng 'yun, tiyak na maiinis talaga ako sakanya. Hindi lang 'yun, gustong gusto ko talaga na patayin ang lalakeng 'yun.

"So...sorry."

 at isang mahabang katahimikan ang nakabalot sa aming dalawa. Wala kasi akong masabi eh! wala akong maibasag sa katahimikang yun.

Oo nga pala, ano pala pangalan ni Sadako? Sadako lang kasi alam ko sakanya. Makatanong nga!

"Sadako, anong pangalan mo?"

"Alam mo na?"

"Sa...sadako name mo?"

"Oo."

"Parang hindi 'yun eh!" Oo nga, siyempre, sinong matinong magulang ang magpapangalan sa anak nila ng sadako?

"Eh, anong mapapala mo kapag nalaman mo pangalan ko?" napatigil ako maglakad at nag-isip, Oo nga, anong mapapala ko? wala. Hmmmmm..........bahala na nga sa doofenshmirtz.

"Awkward kasi tawagin kang Sadako, at plus, parang feeling ko, nasasaktan ka kapag tinatawagan kang Sadako."

Napatigil siyang maglakad ng ilang segundo, tumigil rin akong lumakad at tiningnan nalang siya sa likod. Another silence took over us. Nabasag ang katahimikan dahil sa paglakad niya ulit.

"Slave, saang street ka nakatira?"

"7th street"

"Ahhhh, nakarating na tayo sa street ko, umuwi ka na sa bahay niyo."

"O...o..okay." at iniwan ko na siya sa street nila, at naglakad ako papunta sa bahay namin.

"SLAVE!" lumingon ako sakanya as a sign for what.

"Pangalan ko ay Sheena Suliman, Shie ang itawag mo saakin!"

"A..Ahh.."

"Bye!" at tumakbo siya papunta sa bahay nila. Ako naman ay nagsimulang maglakad uli.

Hmmmmm....

Sheena, cute ng name mo.



1 comment:

  1. ang cute cute talaga! no dull moments!
    i like it! ~<3

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^