Sunday, August 26, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 10

CHAPTER TEN


A/N: Waaaaahhhh! Tagal ko hindi nakapag-UD .. Sorry naman dun sa mga nag-babasa .. Dami ko kasi ginawa nitong nakaraang araw .. Isa na nga dun yung araw araw na practice namin sa sayaw dahil kasali ako sa kutilyon .. At yung isang bagay pa na pinag-kakaabalahan ko na halos mapiga na utak ko .. Kung ano man yun malalaman nyo sa kalagitnaan ng chapter na to .. hahaha .!!! Salamat natapos na yung Debut at yung ginagawa ko kaya makaka-UD na ako ng madalas .. Na-miss kayong lahat ni Darren at Darryl kaya ito gift nila sa inyo ..





CHAPTER TEN

     NAPABALIKWAS sa kama si Darren dahil sa lakas ng katok sa pinto nya. Napakamot sya sa ulo dahil sa inis at padabog na tumayo patungong pinto. Lalo syang nainis ng si Darryl ang nasilayan nya.

     "Hay! Ano bang problema mo?! Ang aga aga eh!"galit na wika nito.

     "Anong maaga? Alas onse na!"maging si Darryl ay galit din sa kaniya. Okay lang na magising sila ng late dahil lunggo naman ngayon, wala silang pasok. Hindi sya pinansin ni Darren sa halip ay tinalikuran lang sya nito at muling bumalik sa kama nito. Nakasunod naman si Darryl sa kaniya.

     "Ano ba kasing ginagawa mo dito?! San ka ba pupunta? Bakit bihis na bihis ka?"kunot nuong tanong nito sa pinsan. Ngayon ay nakahiga na sya sa kama.

     "Samahan mo ko sa SM South Mall."saad nito.

     "Hu?"lalong kumunot ang nuo ni Darren.

     "May nakita akong sale na racquet! Bibilhin ko! Matagal na rin akong hindi nakakapag-laro ng Tennis eh!"wika nito na nag-sha-shadow swing pa. "Baka hindi na rin magaling 'tong right hand ko sa pag-lalaro."binukas sara pa nya ang kamao sa right nya. Left handed talaga si Darryl pero dahil sa nahihirapan sya noon sa Backhand swing kaya sinanay nya ang rigth hand nya.

     Matagal bago nakapag-salita si Darren. Naiisip nya na matagal na rin pala syang hindi nakakahawak ng gitara. Sa totoo langg nami-miss na rin nya ang mga ka-banda nya sa Korea. Lalo na ang gitara nya. Gusto nya ulit makahawak ng gitara. Kaya naman ng maisip nya na baka may sale din na gitara bibili din sya.

     "Sige, baka may sale din sila ng gitara."anito. Natuwa naman si Darryl.

     "Ayos! Sige, bilisan mo na!"excited na utos nito.


***************

     PAREHONG nalulungkot ang mag-kaibigan na sina Emily at Dian habang nag-e-empake si Emily ng mga gamit nya.

     "Isang linggo lang naman akong mawawala eh. Ikaw muna dito hu? Hahabol na lang ako sa mga lessons. Bakit kasi ngayon pa namatay si Lola. Kailangan ko umuwi dahil wala naman ibang tao dun kundi si mama lang."naiiyak nitong wika.

     "Okay lang ako dito. Ang isipin mo ang lola mo. Condolence na lang sayo best friend."saad nito.

     "Salamat best friend."saka niyakap ni Emily si Dian. Nang matapos mag-empake ni Emily ay hinatid na siya ni Dian sa Airport. "Ingat ka sa dorm hu? Ikaw lang mag-isa dun."naiiyak paring sabi ni Emily.

     "Ikaw din, mag-ingat ka dun. Condolence ulit hu?"maging si Dian ay naiiyak na rin. Ilang saglit pa ay tinawag na ang flight number ni Emily. Kaya naman ay nag-handa na ito sa pag-pasok sa loob.

     "Bye na."nag-beso na si Emily kay Dian.

     "Ingat."wika ni Dian. Tumango lang si Emily saka lumakad na papaso.


***************

     PARANG tambol sa bilis ng tibok ang puso ni Darren ng makita nya ang mga gitara. Hindi maitago ang saya sa mukha nito habang isa isa nyang hinahawakan ang strings. Kinuha nya ang isang black na acoustic guitar at nag-simulang tumugtog. Nagustuhan naman ni Darren ang tunog. Bukod doon ay mura pa ito. Dahil nag-sweldo na naman sila at three thousand five hundred lang ang Gibson Round Shoulder ay binili na nya agad ito. Bihira lang din naman kasi mag-karoon ng presyong ganoon sa Gibson pag dating sa mga gitara.

     Nag-kasalubong sina Darren at Darryl bitbit ang mga binili nila. Hawak ni Darryl ang raketang binili nya at gitara namakay Darren.

     "Bumili ka rin pala ng gitara?"masayang wika ni Darryl.

     "Oo."masaya ding saad ni Darren. Pareho silang nasa mood ngayon kaya naman nakakausap nila ng matino ang isa't  isa. "Kain muna tayo, may natira pa akong one thousand  dito. Gusto ko kumain ng Hawaiian pizza."nilingon lingon pa ni Darren ang paningin sa paligid. Tila nag-hahanap na ito ng restaurant na may menu na pizza.

     "Sige, dag-dagan ko na lang yan. Sa unahan may Italian restaurant dun. Sigurado may pizza dun."nag-patinunang lumakad si Darryl, sumunod naman si Darren.

     Sa Yellow Cab Pizza sila kumain at gaya nga ng request ni Darren, Hawaiian Pizza ang in-order nila. Two boxes dahil tag-isa silang dalawa. Matapos nilang kumain ay nag-punta sila ng Arcade Center para mag-laro. Iyon ang mga bagay na matagal na nilang hindi nagagawa noong mga panahong nasa Korea sila. Doon kasi ay puro away silang dalawa, at may kaniyta kaniya silang mundo. Umaabot pa sa punto na nakakalimutan na nila ang isa't isa. Hindi katulad dito ngayon na walang ibang mag-kasama kundi silang dalawa. Habang tumatagal nga ay unti unti nilang mas nauunawaan ang isa't isa. Mas nag-kakaroon sila ng bonding moments at mas lalo silang nagiging close.

     Napahinto sa pag-lalaro si Darren ng maramdaman nyang nag-vibrate ang phone nya. "Haist! Nakakainis naman oh! Sino ba 'to."pag tingin nya ay unknown number ang natawag. Sinagot nya ito, natigilan sya ng babae ang sumagot sa kabilang linya.

     "Hello? Can I speak to Darryl Jung please?"wika ng babae. Hindi na sumagot si Darren sa halip ay iniabot na nya agad ang cellphone sa kalaro din nyang si Darryl. Kwestyonable namang napatingin sa kaniya si Darryl. Huminto sya sa pag-lalaro saka sinagot ang tawag.

     "Hello?"

     "Hello Darryl? Si Demi 'to. Demi Madrigal, yung tinulungan mo na nasagasaan."paalala ni Demi.

     "Ikaw pala! Pano mo nalaman ang number ng pinsan ko?"gulat na tanong ni Darryl.

     "Nagamit mo ata 'to nang tawagan mo sya. Nasa call history ko kasi nakita number nya e. Tinawagan kita kasi gusto ko lang mag-pasalamat sayo. Kung may time ka sana makadaan ka dito sa hospital."wika ni Demi.

     "Sige, susubukan kong makadaan dyan mamaya. Sige, bye."yun lang at binaba na ni Darryl ang phone.

     "Sino yun? Girl Friend mo?"tanong ni Darren na kinainis naman ni Darryl. Ibinalik nya ang cellphone kay Darren saka muling nakipag-palitan ng bala sa computer.

     Pauwi na silang dalawa ng mapadaan pa sila sa Cinema upang tingnan kung may mga magaganda bang movies na showing na o ipapalabas pa lang. Parehong napahinto sina Darren at Darryl ng makita nila ang movie trailer ng isa sa pinaka-paborito nilang Director sa Hollywood na si Eun Seungri. Preview iyon ng bagong movie nyang Witchcraft and Wizardry: The Treasures of 4 Kingdom.


[kapal ko rin no .? Hollywood Director .??? Libre lang mangarap .. Hehe .. ito yung sinasabi ko sa inyo na isa sa dahilan kung bakit ang tagal kong hindi naka-pag-UD .. panoorin nyo .. pinagpaguran ko yan .. haha ..!! Click nyo lang yan ..]



     Habang pinanonood iyon nila Darren at Darryl ay iisang tao lang ang gusto nilang makasama manood nun. Walang iba kundi si Dian.


*************** 

     TULAD nga ng naipangako ni Darryl kay Demi, pinuntahan nya ito sa hospital. Ngunit bago siya dumiretso ay naisipan nya munang bumili ng bulaklak para dito. Pag-pasok nya sa kwarto ni Demi ay naabutan nyang may ini-inject na gamot sa braso nito. Napapapikit pa ito sa sakit. Ngunit ng makita nito si Darryl ay biglang nag-liwanag ang mukha nito.

     Pag-labas ng nurse ay saka lang pumasok si Darryl. Kinawayan sya ni Demi na animo isang girl friend na excited ng makita ang boy friend. Takang inilibot ni Darryl ang paningin sa paligid. Hinahanap nito ang mga magulang ni Demi. Dahil simula kasi nang maaksidente ito dalawang araw na ang nakakalipas ay hindi pa nya nakikita ang mga magulang nito.

     "Nasaan ang mga parents mo?"kunot nuo nyang sagot. Ang kaninang masayang mukha ni Demi ay napalitan ng galit, taka lang syang pinanonood ni Darryl. Nang mapansin nya iyon ay muli nyang ibinalik ang masayang mukha nya saka iniba ang usapan. "Para ba sakin yan?"wika nito habang inaabot ang bouquet of flowers. Tumango naman si Darryl at inilahad ang bulaklak. Inamoy amoy pa ni  Demi ang mga ito. Bakas talaga sa mukha nito ang saya ng dumalaw sa kaniya si Darryl. "Teka? Kumain ka na ba?"pag-kuway tanong ni Darryl. Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Demi ng umiling ito. Para itong inusenteng bata. "Ganun ba? Sige, hintayin mo ko. Bibili ako ng pag-kain."ngumiti pa ito bago lumabas ng kwarto.

     Napabuntong hininga naman si Demi sa kilig. Parang ayaw na umalis ng mga ngiti nyang iyon sa labi nya. Napapapikit pa ito dahil nga sa kilig.


     Ito na kaya ang simula ng magandang relasyon ng dalawa? Paano na si Dian kung si Darren ay may Angel na?




. . . to be continue



6 comments:

  1. ang tgal q nde nka-commt pero mgcocommnt p din aq dhil supporter nio aq d2 s blog nio eh.

    ReplyDelete
  2. na miss ko to ate!.. ayos kung mka segue ah.. haha.. yun oh!1st speech ko.. kinilig ako!!ang sweet ni darryl!!.. naku,mukhang mei pinagdadaanan ata ako ah.. haha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^