Monday, August 27, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 11

CHAPTER ELEVEN

     NAPAKUNOT ang nuo ni Darryl ng makita nyang mag-isa lang si Dian ng pumasok ito sa classroom. Nasanay kasi itong makit si Emily na kasama ni Dian. Agad na nilapitan ni Darryl si Dian ng makaupo ito.

     "Dian."tawag nya dito. Gusto rin nyang humingi ng sorry sa nakaraang insedente na pinaaasa nya si Dian.

     Nakangiti syang nilingon ni Dian. "Darryl."wika nya. Naupo sa tabi nya si Darryl, ngumiti pa ito bago nag-salita.

     "Sorry nga pala nung nakaraan hu? May nang-yari lang kasi e."paliwanag nito na agad namang naintindihan ni Dian.

     "Ayos lang yun. Nan dun naman si Darren e."nang marinig nyang sinabi ni Dian ang pangalang Darryl ay pasimple syang sumimangot at bumulong.

     "Kainis! Dapat ako sana yun e! Hay!"bulong nya na bahagyang narinig ni Dian pero hindi nito naintindihan.

     "Ano yun?"tanong ni Dian sa narinig nyang bulong ni Darryl.

     "Hu? Ah-Si Emily nga pala nasaan?"pag-iiba nito sa usapan.

     "Umuwi muna sya sa kanila. Namatay kasi yung Lola nya. Kailangan nyang umuwi dahil walang kasama ang mama nya dun. Pero isang linggo lang naman sya. Babalik din sya. Hahabol na lang sya sa klase."paliwanag ni Dian.

     "Ganun ba? Kawawa naman pala sya."napaiisip saglit si Darryl bago muling nag-salita. "Halika! Samin ka na lang ni Darren tumabi habang wala pa si Emily."hindi na nakapalag pa si Dian dahil hinatak na sya noi Darryl. Ilang saglit pa ay dumating na si Darren na may nakasimangot na mukha habang naka-yakap sa mga bisig nya si Angel. Napatingin na lang sina Dian at Darryl sa kanila. 




     Naupo ito sa tabi ni Dian at nilingon ito. Sa mga oras lang din na yun napansin ni Darren na si Dian pala iyon. Pero dahil nga sa init ng ulo nya ay hindi na nya nagawang bigyan pa ito ng ngiti kahit na ilang syang nginitian ni Dian. Pasimple namang itinago ni Dian ang lungkot nya ng irapan sya ni Darren.


     "Dian? Why are you seating here?"gulat na tanong ni Angel na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Darren at nakayakap parin sa mga braso nito.

     "You? What are you doing here?"balik tanong naman ni Darryl. Hindi naman kasi doon ang klase ni Angel pero naroon ito ngayon.

     Tinaasan ng kilay ni Angel si Darryl bago umirap at sumagot. "Well, from now on kasama na rin sa subject o ang Chemistry dahil nan dito ang future husband ko."bago pa man maka-react si Darryl ay nauna na si Darren.

     "Hay! Pwede ba! Itigil mo na nga yang kakasabi mo ng future husband! Nakakainis na!"galit na tumayo si Darren saka nag-walkout. Sinundan lang sya ng tingin ni Dian.

     "Darren! Darren!"tawag ni Angel. Dabog lang sa pinto ang isinagot ni Darren. Nakangisi lang na umiling si Darryl ng lingunin sya ni Angel. Lalo tuloy itong nainis kaya naman humalukipkip na lang ito at nanahimik sa kinuupuan nito.


***************

     HINDI PUMASOK si Darren sa Chemistry Lecture nila dahil na rin siguro sa inis nito. Nag-mamadali namang umalis si Darryl dahil ngayon ang unang araw na mag-lalaro sya ng Tennis simula ng dumating sya dito sa Philippines. Mag-isa tuloy si Dian na nag-lalakad ngayon sa campus.

     Napahinto sa pag-lalakad si Dian nang makita nyang nakaupo sa Japanese Garden si Darren na hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin. Hindi sana sya papansinin ni Dian pero bigla nitong naalala nang samahan ito ni Darren noong nag-hihintay ito ng matagal kay Darryl. Naisip nyang bumawi at ito na nga ang oras na iyon.

     Nilakasan nya na lang ang loob nya, pinilit nyang ngumit saka nilapitan nya si Darren na may masayang aura. Naupo sya sa tabi nito ngunit gaya ng kanina, inismid lang sya nito. "Anong ginagawa mo dito?"masungit na tanong ni Darren.

     "Ganyan ka din kasungit ng una tayong mag-kita."paalala ni Dian. Napatingin si Darren sa kay Dian at sa dib dib nito. Agad naman iniiwas ni Dian ang sarili sa tingin niya. Nakasimangot parin syang inismid ni Darren. Dian clear her throat at ibinalik nya muli ang masayang mood nya ng may maisip syang idea para mawala ang init ng ulo ni Darren. "Tara!"hatak nya dito patayo pero hindi nag-padala si Darren.

     "Ano ba."inis nyang saway dito.

     "Halika na! Sumama ka na lang sakin."pilit ni Dian, sa huli ay napapayag din nya si Darren.


***************

     ABOT HANGGANG tenga ang ngiti ni Dian samantalang si Darren naman ay wala parin sa mood hanggang ngayon. Hatak hatak parin ni Dian si Darren papasok ng Ice Skating Booth si Darren para bumili ng ticket.

     "Ano bang ginagawa natin dito?"kunot nuong tanong ni Darren.

     "Ano pa? Eh di mag-papalamig. Ang init kasi ng ulo mo eh!"ngumiti si Dian saka hinawakan nya ang kamay ni Darren at hinatak ito papasok sa changing area.

     Hindi alam ni Darren pero ng mga oras na yun ay parang ayaw na nyang bitawan ang mga amay ni Dian. Dahil doon ay unti unting nawawala ang init ng ulo niya. Sa isip isip nya lang nakikiusap sya kay Dian na kung pwede ay wag na nito bitawan pa ang kamay niya. Mukha yatang napasarap sya ng hawak kay Dian dahil nang bibitaw na si Dian ay hindi agad sya naka-react. Mahigpit parin ang pag-kakahawak nya habang nakatitig sya dito. Habang si Dian naman ay mamimili na sana ng skates na isusuot. Napalingon ito dahil ayaw itong bitawan ni Darren.

     Doon lang natauhan si Darren. Agad syang umiwas ng tingin at napakamot sa batok kahit na wala namang makati. Taka lang syang tiningnan ni Dian tapos ay inabot na nito ang skates na napili ni Dian sa kaniya.

     Nag-re-ready na sila nang mapansin ni Darren na tensyonado si Dian. Napansin din nya na hindi pa nakaayos ang sintas ng skates nito. "Okay ka lang?"kunot nuong tanong ni Darren na ngayon ay nasa mood na.

     "H-hu? O-oo!"utal na sagot nito.

     Duda syang tiningnan ni Darren. "Sigurado ka ba?"anito. Tumango lang si Dian pero halata parin ang tensyon sa mukha nito. Napailing na lang si Darren at napangisi. "First Time mo ba 'to?"

     Pilit na ngumiti si Dian at nahihiyang tumango. Lalong napailing si Darren. "Kaya naman pala e."natigilan si Dia ng bigla na lang naupo sa harapan nya si Darren at inumpisahan nitong ayusin ang sintas ng skates nya. Gulat at tahimik lang na nakatingin si Dian sa kaniya. Nang matapos ay tumayo na si Darren ay umikot sya sa likuran ni Dian bago hinawakan nya ang mag-kabilang amay nito. 

     Para ng nakayapa sa likuran nya si Darren, ilang saglit pa ay inaalalayan na sya ni Darren papunta sa Ice Skating Rink. Ilang na ilang si Dian samantalang si Darren naman ay nag-e-enjoy. Maya-maya pa ay pareho na silang nag-e-enjoy na dalawa. Inaalalayan ni Darren si Dian na wag matumba, pero dahil sa dulas ay payaap na natumba si Dian kay Darren. Pero dahil pareho na silang komportable sa isa't isa ay tawanan na lang ang naging reaction nila.


***************

     MATAPOS mag-laro ni Darryl ng Tennis ay dinaanan nya muna si Demi. Ipinangako nya kasing dadalawin nya ito ngayon. Napahinto sya ng may marinig syang nag-sasalita sa loob ng room ni Demi. Sa lakas ay hindi sinasadyang marinig nya ang usapan.

     "Hindi ko kailangan ng pera nyo. Kayo ni Daddy ang kailangan ko ngayon! Kahit ngayon lang!"boses iyon ni Demi na mukhang galit.

     "I'm sorry Demi. Hindi naman namin pwedeng kalimutan ng Daddy mo ang negosyo sa Ireland. Kailangan naming asikasuhin yun. Para rin naman sayo yun e."paliwanag ng isang babae na mahahalata mong may edad na. Iyon marahil ang ina ni Demi.

     "Yan naman ang lagi nyong dahilan sakin kahit noon pang bata ako e! Pero ang totoo sarili nyo lang ang iniisip nyo! Parati kayong wala sa mga panahon na kailangan o kayo!"garalgal na ang boses ni Demi.

     "Demi anak-"hindi pa man sya tapos mag-salita ay pinutol na ito ni Demi.

     "Umalis na kayo."mariin nitong saad.

     "Demi-"


     "Umalis na sabi kayo!"sigaw ni Demi. Wala nang nagawa pa ang ina ni Demi kundi ang sundin na lang ang utos ng anak kahit na ayaw pa nitong umalis.


      Nag-bigay galang si Darryl ng makita nyang lumabas na ang ina ni Demi. Tiningnan sya saglit ng ina nito saka umalis habang pinupunasan nito ang mga nang-gigilid na luha. Sinundan lang ni Darryl ng tingin ang papalayongg ginang.

      Ilang minuto pa ang pinalipas ni Darryl bago sya pumasok sa kwarto ni Demi. Naabutan niya itong nakaupo sa kama at nakatingin sa labas ng bintana. Nakaramdam sya ng awa nang makita nya ito. Kaya pala wala ito noong araw na maaksidente sya ay dahil busy ito sa negosyo nila sa ibang bansa. Bigla nya tuloy na-miss ang kaniyang ina na hindi na nya nakakausap simula ng dumating sila dito sa Pilipinas. Kamusta na kaya ang mga ito ngayon?

     Nagulat si Demi ng makita nya si Darryl. Kinabahan ito na baka narinig nya ang usapan nila ng kaniyang ina. "Kanina ka pa ba?"alarmang tanong nito.

     Umiling si Darryl. "Kararating ko lang."pag-sisinungaling na lang ni Darryl.

     Demi smiled in relief saka mabilis nitong iniba ang mood nito. "Buti dinalaw mo ulit ako!"umarko ang muha ni Demi na parang may hinahanap. "Wala kang dalang flowers?"kunot nuong tanong nito.

     "Wala eh. Hindi kasi ako nakadaan sa flower shop. Hayaan mo bukas mag-dadala ulit ako."muling pangako ni Darryl. Bigla tuloy naisip ni Darryl na puntahan si Demi araw araw dahil mukhang sya lang ang taong dumadalaw dito.

     "Bukas?"masayang ulit nito. Tumango si Darryl. "Ibig sabihin dadalaw ka ulit dito bukas?"paninigurado ni Demi sa masayang tono ng boses. Para itong bata na na-e-excite. Muling tumango si Darryl. Lalong natuwa si Demi pag-kuway sinenyasan nya si Darryl na lumapit. Kwestyonnable namang lumapit si Darryl sa kaniya. "Lapit ka. May ibubulong ako sayo."anito. Inilapit naman ni Darryl ang mukha nya dito. Laking gulat nya ng bigla na lang syang halikan ni Demi sa pisngi. Kilig na kilig ito sa ginawa, hindi naman agad nakapag-salita si Darryl dahil sa bigla. "Thank You kiss ko yan sayo. Kasi ang bait bait mo sakin."wika pa ni Demi. Ilang na ngiti lang ang isinagot ni Darryl.


***************

     PAUWI NA SI Darryl ng masalubong nya sina Darren at Dian na masayang nag-tatawanan. Napahhinto sya at matagal na tinitigan ang dalawa. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Parang gusto nyang agawin si Dian kay Darren. Nakaramdam sya ng kirot sa dib dib ng makita nya kung gano kasaya si Dian kay Darren.

     Natigilan naman din si Darren ng mapansin nya si Darryl na kanina pa nano-nood sa kanila. Matagal silang nag-katitigan na dalawa bago nag-salita si Darren. "Darryl, kanina ka pa ba dyan?"seryosong tanong nito. Hindi sumagot si Darryl. Kaya naman muling nag-salita si Darren para hindi na mag-taka si Dian. Alam kasi ni Darren na nag-seselos na ang pinsan nya kapag nasa ganung state na nano-nood lang ito at hindi nag-sasalita. "Pauwi na rin si Dian. Mabuti pa ikaw na mag-hatid."Wika ni Darren saka biglang umalis na hindi man lang nag-papaalam kay Dian.

     Sa loob ni Dian ay nnakaramdam sya ng lungkot, ayaw pa nyang umalis si Darren. Gusto pa nya itong makasama ng ilang saglit pa pero ito na mismo ay umalis kaya wala na syang magawa. Doon na pumasok sa isip nya na huwag na umasa dahil ikakasal na si Darren kay Angel. Engage na sila kaya wala na talaga syang pag-asa pa. Hindi nya alam kung bakit naiisip nya ang mga iyon ngayon. Basta ang alam nya lang, gusto nyang laging malapit kay Darren.

     Tahimik parin si Darryl habang nag-lalakad sila ni Dian papuntang apartment nito. Hanggang makarating sila ay hindi man lang nag-sasalita si Darryl. "Salamat sa pag-hatid."wika ni Dian. Pero sa halip na sumagot ay tinitigan lang sya ni Darryl. Kumaway na lang si Dian, nang akma na syang papasok sa loob ay bigla na lang syang hinatak ni Darryl at niyakap ng mahigpit.

     Gulat na gulat si Dian, hindi nya alam kung bakit ginawa iyon ni Darryl. Naliwanagan lang sya ng mag-salita ito. "Dian, gusto kita."nadagdagan tuloy ang gulat nya. Hindi nya alam kung anong gagawin niya. Hindi nya alam kung ano ang isasagot nya  dito. "Hindi mo kailangang sumagot agad. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita at ayaw kong makitang may kasama kang iba. Kahit si Darren pa yun."seryosong saad nito na hanggang ngayon ay nakayakap parin ng mahigpit kay Dian.

     Pakiramdam ni Dian ay malalagutan sya ng hininga sa mga rebelsyong iyon. Ilang saglit pa ay kumawala na si Darryl. Ngayon ay nakangiti na ito. Pinisil nito ang pisngi ni Dian na sa mga oras na yun ay gulat parin. "Alam ko nagulat ka. Pero totoo yun lahat. Gusto kita."ulit pa nito.

    "Ah-eh-"nauutal ito dahil hindi naman kasi talaga nito alam ang isasagot.

    Ngumiti muli si Darryl. "Umakyat ka na. Kita na lang tayo bukas sa school."paalam ni Darryl. tumango lang si Dian saka tila wala sa sariling umakyat sa itaas.


***************

     INIS NA sinipa ni Darren ang lata ng coke in can ng makita nya ito sa daan. Naiinis sya dahil sya dapat ang mag-hahatid kay Dian. Naiinis sya dahil bigla syang naduwag ng makita nya sa ganun itsura si Darryl. Bakit? Dahil nangibabaw ang pagiging pinsan nya kaysa sa pagiging matigas na ulo nya. Nainis sya sa sarili nya kung bakit kailangan nyang mamili sa mga oras na yun at si Darryl ang pinili nya. At talaga namang naiinis sya dahil mas pinili nyang masaktan kaysa kay Darryl.

     Agad nyang kinuha ang gitara nya saka tinugtog ang paborito nyang kanta sa The Script na Man Who Can't Be Moved. Gusto nyang mag-release ng inis sa pamamagitan ng pag-tugtug nya sa gitara. Nang nasa second stanza na sya ay bigla syang natigilan ng maisip nya kung bakit ba nya nararamdaman ang mga bagay na yun ngayon. Hindi nya alam kung ano nang nang-yayari sa kaniya.


***************

     BAGO tuluyang pumasok si Darryl sa kwarto nito ay nilingon muna nito ang pinto ni Darren. "Darren, pasensya ka na. Pero  simula ngayon hindi ko na hahayaang makalapit ka pa kay Dian."bulong nito sa sarili saka pumasok na sa loob.

     HINDI naman makatulog si Dian dahil sa mga sinabi ni Darryl kanina. gusto nyang isipin na hindi totoo ang lahat pero umiikot ikot sa tenga nya ang mga salitang binitawan ni Darryl. Napabuntong hininga na lang sya at kinuha ang iPod nya para makinig ng music baka sakaling makatulog sya at hindi na isipin ang mga narinig kanina. Man Who Can't Be Moved ang una nyang narinig. Yun kasi ang favorite song nya. Mariin nyang ipinikit ang mga mata nya. Sa pag-pikit nya ay mukha naman ni Darren ang nakikita nya. Napabalikwas na lang sya sa insis. "Hay!"saad nya.




     Magiging ayos pa kaya ang lahat kung pare-pareho silang naguguluhan sa mga nararammdaman nila?




. . . to be continue




4 comments:

  1. ang cute ng bagong picture!.. teka ano to?parang pareho lang ung buhay ko dito sa totoong buhay ah.. hehe coincidence??..

    waaaaaahhh!! ang landi ko lang!!.. nka halik kagad eh.. hahaha.. ang ganda ng chapter ate!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe .. kinikilig nga ko sa inyo ee .. hahah !! ako pa kinilig sa sarili kong sulat ..

      Delete
  2. ~angel is luv~

    maygash!! brain dead ako!! nagkiss na nga ba??
    hwaaaah!! ang tagal mu ate hindi nakapag-ud!! buti naman at may chapter na din.
    btw, nakita ko ang dami mu po new stories!! lalo ako mabibusy kakabasa ta comment sa blog nio po..

    ReplyDelete
  3. i like the new cover!

    ┈┈┈┈┈┈▕▔╲
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕▂▂▂
    ▂▂▂▂▂▂╱┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▔▔▔▔▔▔╲▂▕▂▂▂I

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^