Monday, August 27, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 6

Chapter six:
Pekeng pag-ibig


Allison's POV...

"Uhhhhhhhh.....awkward naman to."

Nandito kami ngayon sa mall, siyempre, namamasyal at pinapakita kay Cherry (cousin ni Shie) na nagmamahalan talaga kami ni Shie, kaso, KASO!! hindi namin sakanya naipapakita ang affection namin sa isa't isa dahil....WALA KAMING ALAM SA PAG-IBIG. Wala kaming kaalam-alam kung paano maglambingan.


Siyempre, dahil ignorante ako sa affection thingy na yan ay nagresearch ako sa internet kung paano maglambingan ang couples. Ang sagot naman ay....dapat raw kami, maghalikan, magcuddle, at ewan, hindi ko na pinatuloy kasi alam ko naman na hindi ko yun makakayanan.

"Shieeeeee, anong gagawin natin?"



 "Ewan ko! wala akong kaalam-alam sa labing labing!" Nagbubulungan kami ni Shie sa isa't isa. Siyempre, kapag narinig ni Cherry ang pinag-uusapan namin ay patay! naging boyfriend na ako ni Cherry automatically, repeat...AUTOMATICALLY.

"Guys, anong pinag-uusapan niyo?"

"Uhhhh....uh.....ba..basta! pake mo!"

"Hmf! bad mo Shie!"

":P" napadaan kami sa isang flower shop. Tumigil kaming lumakad ni Shie at tinignan ang mga bouquet. Mukhang may pinag-iisipan si Shie sa mga bouquet.

"Ito nalang, bumili ka ng mga bulaklak  at ibigay mo saakin." bulong niya saakin.

"Are you sure? effective ba yan? baka makornehan pinsan mo."

"Hindi siya makokornehan, plus, ito ang ginagawa ng lalake sa babae sa T.V."

"O..okay!" buti may dala-dala akong pera pambili ng bouquet.

flower shop...

"Miss, may mura po kayong bulaklak?"

"Meron po, ito pong rose, 500 pesos."

"5....500 pesos?"

"Opo." Ang mahal! ano bang nasa rose na yan at naging mahal yan?! pero kahit na! gagawin ko ang lahat para hindi ko maging syota si Cherry.

"E...etoo.."

"Thank you po sir!" aalis na sana ako sa flower shop pero may bumagabag sa isipan ko.

Anong sasabihin ko kay Shie para kiligin pinsan niya? Kung ibibigay ko kay Shie ang rose without even saying a word ay makokornehan siya, at mission failed! FAILED! FAILED! hayyy....

"Miss, anong magandang sabihin sa babae bago ko ibigay ang rose sakanya?"

"Ibibigay niyo po sa girlfriend nyo?"

"Y....yes."

"Kung ako ang babae na yon ay siyempre gusto ko marinig na ako lang ang babaeng nag-iisa sa mundo. 'yon lang po. Pwede nyo na rin po yun dagdagan."

"Ahhhh, thx! y..you helped me a lot!"Yes! mayroon na akong maisasabi kay Shie.At umalis na ako sa flower shop.

"S...Shie, para sayo." Nanlaki ang mata ni Shie at namula siya? allergic ba siya sa rose?

"Uwaaaaaaaaaaa! nakakakilig namaaaaann!"

"Shie, ikaw lang...ikaw lang, ang babae sa..sa..mundo ko." at mas namula siya. Bakit siya namumula?

"Ayieeeeee! Shie! nagbubulush! kinikinilig! hhihihihi!" at namula na rin ako. Ewan ko anong feeling to, pero, ang puso ko....tumitibok na malakas parang nakikipagracing sa mga kabayo at ang mukha ko, ramdam na ramdam ko talaga na ang pula pula ko, kulang nalang ay maging tomato mukha ko, at saka ang tiyan ko, parang gusto kong tumae, at ang init-init sa loob ng katawan ko, dahil sa init na yun ay kulang nalang ay sumabog na ako.

"Bakit isa lang binigay mo saakin?" tinignan ko si Shie na nakatingin sa baba.

"Aba! ewan ko! sabi mo kasi saakin na bibigyan kita ng rose kaya eto, rose!" joke lang! hindi ko 'to sinagot sakanya baka mabuking kami ni Cherry.

...........................................

aaaaaaaaaaawwwwwwwkwaaaaaaaaaaard.....
wala akong maisagot....

"Uhm, isa lang ang rose, dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa mundo ko.Ikaw lang ang nag-iisa na rose sa buhay ko."

"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kainis kayong dalawa! gusto ko talagang sumigaw at tumalon sa kilig!" siyempre, namula kaming dalawa ni Shie.

Because of that, medyo ako hindi naging duwag. Ginawa ko lahat kay Shie ang ginagawa ng syota ng babae sakanya, tulad ng pagbili sakanya ng necklace na couple's necklace, couple's T-shirt, chocolate. Inakbayan ko siya kasi may nakita kami na magsyota na yung lalake ay nakaakbay sa babae kaya ginawa ko rin yun kay Shie.

Siya? siyempre, nagpapanggap na happy. Tinitiis ko nalang ang takot kapag nakikita ko siyang ngumiti kasi para siyang si Sadako na nakangiti. Sinusubuan niya ako kapag kumakain kami. Tinitiis ko ang sakit ng force ng pagpasok niya ng spoon sa bibig ko. Baka paghihiganti niya yun saakin dahil sa pag-akbay ko sakanya.

***

Cherry's residence...

"So, tinatanggap mo na ba na boyfriend ko si slave?"

Silence took over us. All I can hear is the sound of the wind, and the people talking while walking. Ano ba 'to?! nag-eenglish ako! hayyy.........kinakabahan ako. Kinakabahan ako kasi baka hindi naniniwala si Cherry at aangkinin na niya ako at maipapakasal ako sakanya by force, at magkakaroon kami ng anak by force at grandchildren by force at mamemeet ko ang nakatadhana saakin kapag malapt na akong mamatay.

At...

Ayoko yun! naiitindihan mo ako diba?! ayaw mo rin diba? ayaw mo na maitadhana ka sa hindi mo gusto by FORCE? kung Oo, sige,sumama ka saakin at magrally tayo sa bahay ni Cherry kapag hindi siya maniniwala.

"Hindi."

"What?! so, wala pala kakwenta kwenta ang pagPPDA namin sau?!"

"Oo nga! nasayang tuloy ang 500 ko para sa rose!"

"Anong nainom mo sa Jollibee at hindi ka naniwala na syota ko siya?!" sabay turo ni Sadako saakin.

"NagPDA kayo kasi gusto niyo na maniwala ako na magsyota kayong dalawa. Dahil doon, parang walang halong pag-ibig doon. Totoo nga kinilig ako doon pero nararamdaman ko na walang halong pag-ibig sa ginawa niyong dalawa." at napatahimik kami sa sinabi ni Cherry. Tama siya, walang halong pag-ibig doon.

"Plus, nag-enjoy ba kayong dalawa kanina?"

"Me...medyo..."

"Anong medyo?! kung magsyota talaga kayo dapat isasagot niyo na nag-enjoy talaga kayo ng SOBRA SOBRA!" inemphasize pa niya ang salitang "sobra".

Hayyyyyyyyyyyyyy!

"Whatever! tanggapin mo man o hindi ay magsyota talaga kami! kapag aagawin mo siya saakin ay...ay....ay....ipaglalaban ko siya! tama, ipaglalaban ko siya!"

"Hmf! maniniwala ako kapag....."

"Kapag?"

"When you kiss each other."

"Wha?!"

"Halik, ang karaniwang ginagawa ng couples. At napansin ko sa inyong dalawa na hindi niyo hinalikan ang isa't isa kaya meaning nun ay hindi talaga kayo magsyota!"

"Hayyyyyyyyyyy.....do I really have to do this?" hinawakan ni Shie ang pisngi ko at pinaharap niya mukha ko sa mukha niya at unting unti na kami lumalapit sa isa't isa. 1 inch lang at maglalapat na mga labi namin. Hahalikan niya sana ako pero....

"Ahahahahahahahahaha!" hindi natuloy ang paghalik ni Shie saakin dahil napatingin siya kay Cherry.

"Aahahahahahahahaaha!"

"Hoy, bakit ka tumatawa?!"

"Ka..kasi, gagawin mo talaga ang lahat para hindi ko maging boyfriend slave mo! pfft! ahahahahhahaha! ahahahahahaha!"

"Anong slave?! slave ang endearment ko sakanya."

"Ahahahahahahaha! wag ka nga jan indenial! alam ko na hindi kayo magsyota! halata naman eh! ahaahaha! plus.....



I already have a boyfriend."

"What?!"

"Eh anong kwenta nung peke naming paglalabing labing namin sa isa't isa?!"

"AHAHAHAHAHA! wala! ahahahahaha! plus, I'm just having fun! nakakatuwa kasi kayo eh! ahahahahahahaha!"

"I hate you!"

"Ahahahaha! whatever! o good night na! I'm tired! tired of laughing! ahahahahahahhaa! fools! ahahahahaha!"

***

We're currently walking papunta sa street ni Shie. After ng nalaman namin na prank lang yun ni Cherry ay sumama ako kay Shie papunta sa street niya.

"Bakit ka pa sumama? kaya ko pa naman na maglakad mag-isa kahit hatinggabi."

"Babae ka pa rin." Oo, babae ka parin Shie, kahit mukha kang Sadako ay baka may gumawa sa'yo ng masama. Kahit ang panget mo ay babae ka pa rin.

"Hmf! oh! nandito na tayo sa street ko, umuwi ka na!"

"O..Okkay."  at bumalik na ako papunta sa bahay namin.

"By the way, nag-enjoy ako kanina. Ulitin natin bukas?"

"Grrrrrrrrr! kukulamin kita!!!!!!!!!!"

"Eh hindi ka naman...."

"Basta! kukulamin kitaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Binalewala ko nalang ang sinabi niya at naglakad nalang ako papunta sa bahay namin...

na nakangiti.



1 comment:

  1. ~angel is luv~

    ang sweet! shoxx!! kinikilig din ako kakatawa!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^