Friday, May 11, 2012

I Told You 'ILoveYou' on A Piece of Paper [Finished]



I Told You 'ILoveYou' On a Piece of Paper
Written by: zheliLURVScookies
( Guizelle Bucalan )

Love has too many kinds.





For GOD.




For PARENTS.




For SIBLINGS.




For FRIENDS.




For the NATURE.




For a LOVER.








For my ONE AND ONLY.





For you, Jamilla Khym.




I am Liam Blue , a ALL AROUND LONER.




My mother and father died because of their ages.




I never asked God why. I know He has reasons. I know He planned all of these.




He made me a LONER. He gave me challenges. He wrote me a bitter, yet great ending.




Wanna know how this end ended great?




This is because……




Kinalimutan ko ang mga sakit na naiwan sa’kin ng pagkawala nila Mama at Papa.





Hindi ko sinisisi ang Diyos dahil sa nangyari. Alam ko na may plano sya para sa’kin kaya Niya hinayaan na maging mag-isa ako.




Matapos ng cremation nila Mama at Papa, nagpunta ako ng Paris at inilibot ko ang mga labi nila.




Naalala ko pa nang mga buhay pa sila, lagi kami nagpa-plano na pumunta ng Paris magkakasama.





Mahal na mahal ko talaga ang Mama at Papa. Ginawa ko lahat ng paraan para lang ma-prolong ko ang buhay nila.





Nagtagumpay ako.





Pero…






…sabi nga nila, hindi lahat ng bagay ay permanente.




Katulad ng PANANDALIAN na pag-galing ni Mama.




Gumaling nga si Mama sa sakit nyang cancer pero hindi ‘rin nagtagal ang buhay nya.




Sabi ng mga doktor, hindi naman ‘daw ayon ang dahilan ng pagpanaw nila.




Siguro sa sobrang mahal nila Mama at Papa ang isa’t isa, fated na sabay sila iwan ako’t ang mundo na ginagalawan na’tin??







Mama? Papa? Mahal na mahal ko po kayo! Ngayon na 3 years na ang nakakalipas at 24 na ako, nakapagpatayo na po ako ng pinapangarap na’tin na bakery. Nag-hire po ako ng isang magaling na chief-baker at ipina-perfect ko po sakanya ang favorite na’tin na icecream cake.





Sobrang sarap po ng gawa nya, Mama, Papa. Sana lang po talaga narito kayo at natitikman nyo ‘rin ang mga gawa nya. Hindi lang po ice cream cake ‘kundi pati na’rin po ang mamon na paborito ni Mama na kainin pangpalipas ng gutom.




Naalala ko po ang nai-kwento nyo saakin na LOVESTORY nyo. Sobrang miss ko na po kayo. Lalo na po ‘kung si Papa ang magku-kwento sa’kin ng mga nangyari?




Natatawa nalang po ako kapag na-aalala ko ang facial expressions na ini-impersonate ni Papa na itsura ni Mama. Sana narito po kayo.



(Z/N: Please read po ang 1:43 PM. Story ng Mama at Papa ni Blue 'yon. :))



= - = - = - = - = - = - = - = - = - =



Nasa bakery ako nang may pumasok na costumer. Nagtatrabaho pa’rin kasi ako sa bakery namin kahit na ako ang may-ari nito.





Hindi ako tinuruan ng Mama at Papa na maging tamad.




‘kung wala naman ako sa bakery, nasa isa akong meeting, nasa isang business trip, o ano naman kaya ay personal na na dahilan.




May pumasok na isang lalaki at bumili ng isang icecream cake.




Naalala ko nanaman tuloy ang mga yumao kong mga magulang.




Ano nga kaya ang plano ng Panginoon sa’kin at naging mag-isa ako sa buhay? May itinadhana ba sya’ng isang taong mag-kukumpleto ng nag-kulang na buhay ko, mula ng mawala sila Mama at Papa sa’kin?







Natapos ang araw at nasa bahay na ako. Nasa veranda ako ng kwarto ko nang may isang malakas na hangin ang dumampi sa buong katawan ko.





“Miss ko na ‘rin po kayo, Mama, Papa.” Nasabi ko sa hangin.




Lagi nila sinasabi saakin noon na lagi nila akong babantayan. Naalala ko pa ang laging sinasabi ng Mama sa tuwing aalis sya at maiiwan ako mag-isa sa kwarto ko na gumagawa ng mga takdang-aralin at ang Papa naman ay nasa trabaho.




“Anak, aalis ulit ang Mama. Lagi mo tatandaan na kahit wala ang Mama sa tabi mo, hangga’t may hangin, apoy, at tubig ka na nakikita at nararamdaman, kasama mo ako. Hindi ‘man sa tabi mo, pero sa puso mo. Hangga’t walang katapusan ang kalsada sa h-way, lagi lang nasa puso mo ang Mama. I love you Blue.”




Naupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy sa veranda ko. Ang lamig ng hangin, inaantok ako.









“Magandang umaga.” Bati ko sa kalikasan na bumungad sa pagdilat ng mga mata ko.





Ngayong araw ay lilipad ako ng Paris para sa bisita ko kayla Mama at Papa. Aniverssary kasi nila bukas, at lagi namin sine-celebrate ang araw na ito na magkakasama.




Naligo ako at ginawa ang mga dapat ko gawin. Inihanda ko na’rin ang maleta ko para sa pag-alis ko. Balak ko kasi na mag-stay muna sa Paris ng isang Linggo.





Pahinga.




Gusto ko ng pahinga at makasama ang Mama at Papa.









Matapos ang ilang oras na byahe papunta ng Paris ay nakarating na ‘rin ako. Gustuhin ko ‘man na dalawin agad ang Mama at Papa sa pinagsabuyan ko ng kanilang mga labi, hindi ko na nagawa dahil sa pagod. Inisip ko nalang na maiintindihan naman ako ng Mama at Papa. Hindi naman ako mawawala bukas para sa anibersaryo nila.




Nakatulog ako ulit at nagising na may kumakatok na room service.





“Ang aga naman.” Nasambit ko sa sarili ko pagkabangon sa higaan.




Binuksan ko ang pinto at  pinapasok ang lalaki para sa room service. Iniwan ko sya ‘dun at nagmadali na maligo.




Hindi ko napansin, tanghali na pala.




^______________^





Akala ko’y maaga pa. Nag-reklamo pa ako na ang aga ng room service, nagkamali ako.





Dali-dali akong lumabas at namasahe papunta sa puntod ng Mama at Papa.




“Good afternoon Mama, Papa.” Bulong ko sa hangin.




Tinitigan ko ang isang malawak na dagat at pinanuod ang mga ibon na nagliliparan.




May dala akong icecream cake at 3ng sprite-in-can. Ito ang gawi namin ng Mama at Papa sa tuwing dadaan ang araw na ito. Kumain ng icecream cake at uminom ng sprite bilang panulak.





Nami-miss ko na kayo Mama, Papa.




Kinausap ko lang sila at nag-kwento ako ng mga nangyari sa’kin sa buong taon. May dala ako laging notebook sa tuwing dadalaw ako kayla Mama at Papa. Dito nakasulat ang bawat mahahalaga at memorable na nangyari sa buong taon ko. Ikinu-kwento ko sa kanila ang lahat kapag dumadating ang araw na ito. Bukod kasi sa pasko at birthdays namin, ito lang ang araw na nagkakasama kaming tatlo. Ang anibersaryo nila.




“Kaylan ba ako magkakaroon ng ka-anibersaryo, Mama? Papa?” natanong ko sa hangin.







Humangin ng malakas.




“Alam ko na naiinip na kayo, Mama, Papa.”




“Alam ko po na gusto nyo na magka-apo.” Natawa ako sa nasabi ko.





“Pwera biro, gusto nyo na nga po ba? ‘kung oo, hahangin muli’t may papatak na tubig sa mukha ko kahit hindi umuulan, at ‘kung hindi naman, ‘edi wala. Kayo na lamang po ang mamahalin ko.” Mukha ‘man akong baliw, ngunit natatawa talaga ako sa mga isipan na pumapasok sa isip ko’t ibinibigkas ng bibig ko.





NR. No response.




Natawa akong muli.





“Selfish talaga ng Mama at Papa.” Pabiro ‘kong bulong sa hangin.





“Sige po, Mama, Papa. Mauuna na po ako. Kakain po ako ng matinong pagkain. Hahaha.” Pagbibiro ‘kong muli.










Naglakad ako patungong kalsada. Habang naglalakad, may madaraanan akong isang parang mini park. May nahagip ang mga mata ko na nag-iisang babae na nakayuko at sa tingin ko ay umiiyak.





Hindi ko napigilan ang pagiging Pilipino ko at nilapitan sya. Tumabi ako sa kinau-upuan nya at nagsalita.




“Need this?” sabi ko sa kanya at itinapat ko sa uluhan nya ang panyo ko. Alam ko na kapag angat nya ng mukha nya ay makikita nya ang panyo ko.




Tama nga ang hinala ko. Nag-angat sya ng ulo nya. Nakita nya ang panyo ko at tumingin sa’kin.





Humangin ng malakas na tila pati ang panyo na inaalok ko sa babae ay liliparin na ngunit, dahil hawak ko ito, napigilan ko ang pagkawala nito sa kamay ko.




May isang patak ng tubig akong naramdaman na dumampi sa mukha ko.




Napaisip ako.




‘Ito na ba ang sagot nyo, Mama, Papa?’




Pinalis ko ang nasaki’ng isip at ibinalik ang alalahanin sa babaeng nasa tabi ko.




“Who are you?” tanong niya sa akin.




“I am… uhhh—just call me Blue.” Sagot ko sa kanya.





Tumingin sya sa panyo ko at narinig ko syang bumulong.





“Pinagti-tripan ata ako ng taong ‘to eh.” Nangiti ako. Siguro akala nya ay binibiro ko sya dahil kulay asul ang panyo ko na inaabot sakanya.




“Hindi kita pinagti-trip-an. Inaalok lang naman kita ng panyo, ‘kung ayaw mo naman ay ok lang.”





Mukha naman syang nagulat sa narinig nyang sabi ko. Hindi nya siguro akalain na Pilipino ako.




“P-pilipino ka?” gaya nga ng sabi ko, hindi nya nga inakala.





Nginitian ko lang sya. Mukha naman na nakuha nya ang gusto ko iparating.




Ibabalik ko na sana ang ppanyo sa loob ng tuxedo ko nang ikinagulat kong bawiin niya ang braso ko. Kinuha nya ang panyo ko at tumingin ng diretsyo sa mata ko.





*DUG DUG. DUG DUG*





Ang ganda ng mga mata nya.



“Salamat dito uhh? Mukha ba akong baliw na umiiyak dito?” tanong niya sa’kin at tumalikod.





Nag-punas sya ng luha at suminga.





=_________________=





Kahit na tumalikod sya sa’kin, nabastusan pa’rin ako.




Bakit?





Ibalik ba naman sa’kin ang panyo?




“Haha… sayo na ‘yan.” Sabi ko sakanya at tumayo na. “Ibalik mo nalang ‘kung sakaling magkita pa tayo.” Dagdag ko.





Tumalikod na ako sa kanya at naglakad ng muli patungo ng kalsada.





Habang naglalakad, umulit ang mga nangyari kanina.





Humangin ng malakas at may naramdaman akong dumampi sa mukha ko. TUBIG.




‘Mama… Papa… ano ba ibig sabihin nito?’





Namasahe ako papunta ng isang restaurant at kumain ng hapunan. Nabusog naman ako at napag-isipan ng umuwi.




Isang anibersaryo nanaman ang lumipas na hindi ko kasama ang Mama at Papa. Kaylan kaya ako babalik sa lugar ‘yon ng may mga kasama na?





Nangingiti nanaman ako sa mga naiisip ko. Siguro ay pagod lang ito.





Ipinikit ko muli ang aking mata pero napamulat akong muli.




Nakita ko ang mga mata nya na nakatitig sa mata ko.





Napabangon ako sa mga imahe na nakita ko.





“Errrr- ano ‘yun?!” natanong ko sa sarili ko.











Natulog ako matapos ng ilang beses na pag-ikot sa kama ng hotel at nakahanap ng antok.






Pagkagising ko ay bumaba ako patungo sa lobby. May magpapa-book sana ako ng ‘mas matagal pa sa hotel ‘to.




SANA.




Naisip ko kasi na hanapin ‘yung babae na nakita ko kahapon. Tutal, may basbas na naman ng Mama at Papa, sya na nga siguro ang babae na kukumplneto ng naiwang kulang-kulang na buhay ko mula ng mawala ang Mama at Papa.



SANA.




Hindi ko na itinuloy ang pagpapa-book dahil bigla nalang may sumagi sa isip ko na makikita ko sya ulit. Hindi ko alam, pero naramdaman ko.





Naramdaman ko na tutulungan ako ng Mama at Papa. Naniniwala ako.




Bakit pa nga ba nila ipinaramdam sa’kin na siya na nga, ‘kung pahihirapan ‘rin naman pala nila ako?




Kaya lumabas ako at nag-gala sa mga sikat na lugar dito sa Paris.




Saan na ako pupunta? Hindi ko na alam…




Mama? Papa? Tulong. Kaylangan ko ng guide nyo.







Nakita ko nalang ang sarili ko na pumapasok sa isang coffee shop.




‘Ano naman nangyari sa paa ko at napadpad ako ‘rito?’





Naka-upo na ako sa isang pang-couple na seat nang masagot ang mga tanong sa isipan ko.





Nakita ko ‘yung babae kahapon na nagse-serve ng kape sa ‘d naman kalayuan na table sa’kin.




Napangiti ako.




Ngiting tagumpay.




Nagkunwari ako na hindi ko sya nakikilala nang pagdalhan nya ‘rin ako ng order ko dito sa table ko. Nakakapag-takang hindi nya ‘rin ata ako nakikilala.




Disappointed.




Na-disappoint ako sa isipang hindi ako magtatagumpay sa plano kong makilala sya.




Una sa lahat, hindi nya ako nakilala.Pangal—




“Hindi ba ikaw si Blue?” tanong niya sa’kin. Napangiti ako.




Dumaan kasi uli sya sa may table ko. Nag-serve sya table malapit sa’kin.




Ngumiti lang ako sakanya.




“Ayan ang dahilan ‘kung bakit kita naalala at namukhaan.” Lalo ako nangiti sa sinabi nya.



“Pwede ka ba mailabas? Ha-ha… hindi naman sa mabilis ako. Gusto lang kita makilala ng lubos. ‘wag ka mag-alala. Friendly date.”




Matapos ko sya makitang tumango at ngumiti, ini-consider ko na ‘yon na isang oo kaya naman hinintay ko sya.




Matapos ng isa at kalahating oras, natapos ang trabaho nya.





‘Mama, Papa… ayan uhh?? Nag-effort ako na hintayin sya. 1 point na ba ako?’




Nangiti ako sa pag-iisip na namuo sa isip ko. Nakangiti tuloy ako nang magtama ang mga mata namin. Baka isipin nya, baliw ako.




Minus 5 points agad ‘yun.





>_____<






“Sorry ‘kung naghintay ka ng matagal. Hindi ko akalain na ililipat sa’kin ‘yung O—“ hindi ko na sya pinatapos pa.





“H-hinde. Ayos lang. Masarap naman ang mga sweets nyo ‘rito eh.”





Ngumiti sya sa’kin. Ibig sabihin, hindi nya na kaylangan pa mag-explain.




“May plano ka ba sa araw na ‘to? Hindi ko naman siguro nai-istorbo at naa-agawan ang mga importanteng lakad mo?” tanong ko sakanya.





“Uhhh—actually, hahanapin nga dapat kita eh.”




Napa-angat ang ulo ko’t napatingin sakanya mula sa pagkakatitig sa kalsadang nilalakaran ko.




“H-hahanapin mo dapat ako?” hindi ko makapaniwalang tanong.




“O-oo eeh. Eto kasi.” Sabi nya at may dinukot sa bulsa nya.




‘yung panyo ko.





“A-ahhh… oo!! ‘yung panyo ko. Hahaha~~”





“Salamat nga pala dyan.” Sabi nya.




“Eto?” itinaas ko ‘yung panyo ko. “Walang anuman. Wala ‘yun.” Baling ko muli sa kalsada.




“Saan nga pala tayo pupunta ngayon?” tanong nya.





“Sa totoo lang, wala akong balak. Nakita lang ‘rin kasi kita kanina, kaya naisipan kita yayain.” Paliwanag ko sa kanya.




“Alam ko na.” nagulat ako nang hatakin nya ang mga braso ko.




“Akyatin na’tin ‘yan!” sabi nya sa’kin habang nakatingala.




“Sigurado ka?” tanong ko sa kanya.




“Oo. Gusto ko kasi akyatin ‘yan, matagal na… wala lang talaga ako kasama.” Paliwanag nya.




Mukha naman na diterminado talaga sya na akyatin ang puno na ‘to. Hindi ko maintindihan ‘kung bakit, pero natutuwa ako sa kanya.




Malaki ‘yung puno, oo.





Mukha syang malalagyan ng tree house sa loob. Sa tingin ko, ‘kung mauna ‘man sya na umakyat sa puno na ‘to at mahuli ako, hindi kami magkakakitaan sa loob. OA ba? Pero totoo.





“Mauna ka na para maalalayan kita.” Suhestyon ko.





Tumango nlang sya at pumorma na para umakyat ng puno.




Hindi na naman nya kaylangan ng tulong ko. Ang galing nya nga umakyat eh. Saan kaya ang probinsya nito? Siguro, laking probinsya ‘to at batang kalye. Ang galing kasi nya umakyat ng puno.



Naka-akyat na ‘rin ako ng puno at umupo sa isang sanga. Nasa loob na kami ng puno kaya mataas na ‘rin kami. Ang ganda ng tanawin at ang sarap ng hangin. Ang sarap matulog. Nakakatanggal ng pagod.




“Ang ganda rito ‘no?” basag nya sa katahimikan.




Tatango na lang sana ako kaso naalala ko na magkatalikuran nga pala kami—kaya sumagot nalang ako.




“Oo. Nakakatanggal ng stress at pagod. Paano mo nalaman ng puno na ‘to?” tanong ko sakanya.



“Bata palang ako, nakikita ko na ang puno na ‘to—I mean, 15 years old uhh?? Baka kasi magtaka ka ‘kung bakit bihasa pa’rin ako sa tagalog.” Nangiti naman ako. Wala syang ilang-ilang ‘kung makasagot sa’kin.





“Ganun ba? Bakit kayo nag-migrate sa Paris?”




“Nag-asawa kasi ng iba ang Mommy ko. Pero namatay sya, kaya naman naisipan lisanin ni Daddy ang Pilipinas. Masyado sya nasaktan sa pag-alis ni Mommy. Ewan ko nga ‘kung bakit dito nya naisipan?”




“Una, wala naman kami kamag-anak sa lugar na ‘to. Pangalawa, hindi ko alam ‘kung saan sya nakakuha ng ganun kalaking pera para mai-migrate kaming dalawang magkapatid.”




“Hahahahaha…”




Na-disturbed ako sa tawa nya. Bakit bigla nalang tumatawa ‘to?




“Na-alala ko lang. Hindi mo pa nga pala alam ang pangalan ko. Ang daldal ko talaga.”





“Hahahahahaha~~” natawa ako sa pag-iisip na tama nga sya. “Oo nga ano? Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong ko sakanya.




“Hahahaha… ako nga pala si Jam! Jamilla Khym.” Naramdaman ko na kumilos sya. Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na pala sya. “Jamilla K-H-Y-M!” iniabot nya ang kamay nya sa’kin. “Nice knowing you?—“ bitin niya.




Ini-abot ko ang kamay nya at nag-shake hands kami habang sinasabi ko ang pangalan ko. “Liam Blue.”





Napa-squint sya sa narinig nya. “Bakit? Panget ba ang BLUE bilang pangalan?” tanong ko sakanya habang tumatawa.




“Akala ko ‘nung una, binibiro mo lang talaga ako na Blue ang pangalan mo.” Sabi nya




“Hahaha~~ h-hinde. Blue talaga ang pangalan ko.”





Nagkibit-balikat sya. “Well… nice meeting you, Liam.”





“Liam… hahaha~~” natatawa lang ako.




Isa lang kasi ang tumatawag—o tumawag, sa’kin ng Liam. At ngayon, hindi ko pa’rin sya nakikita hanggang ngayon. Nasaan na kaya ang batang ‘yon? Baka hindi ko na sya makita. Baka kapag nagkita kami, kasal na ‘ko.




“Saan ka nga pala sa Pilipinas?” pag-iiba nya ng topic.




“Sa ***** ako.” Napalingon sya sa sinabi ko.




“T-talaga? Kamusta na ang *****??”




“wag mo sabihin sa’kin na taga ***** ka ‘rin?” tanong ‘rin ang isinagot ko sa kanya.




“Hindi ko sasabihin dahil halata na naman.” Kibit-balikat nya’ng sagot sa akin.




“Hahahaha~~! Ano ba ‘yan? Sino ka bang talaga? Bakit kaya tayo pinagtagpo?” nasabi ko bigla.




Napa-kibit-balikat ulit sya at muling nagtanong. “Kamusta na ang *****?”





“Ayos naman. Malinis pa’rin. Nagkaka-isa pa’rin ang mga tao. Tahimik.”




Tango lang sya ng tango sa mga sinasabi ko sa kanya.




Nag-usap lang kami tungkol sa Pilipinas at ng nakakaramdam na sya ng pagtawag ng bahay nila, naghiwalay na kami matapos magpalitan ng mga numero.










Hindi na kami nagkita sa mga sumunod na araw.






Natuloy ko na ‘rin ang pagpapa-book ng isang buwan dito sa Paris.





Ngayon, hindi na sa kadahilanang baka hindi ko sya makita agad, ‘kundi…






…dahil nakita ko na sya.





Nagkalapit ang loob namin sa mga sumunod na Linggo at dahil na ‘rin sa sobrang lapit na ‘yon, gumawa ako ng move.




“Oo. Oo, Liam. Pumapayag ako na maging girlfriend mo.”




Napatayo ako sa pagkaka-luhod ko ng marinig ko ang sagot nya. Nayakap ko sya sa sobrang tuwa.




“Maraming salamat, Jam. Hinding hindi kita bibiguin. Babalik lang ako sa Pilipinas para ayusin ang papeles ko at dito na ‘rin ako titira—para makasama na kita.”




Ngumiti sya sa’kin at nagsabing, “Take your time, Liam. Marami pa tayong panahon.”




Natawa naman ako sa sinabi nya. Nagbiro na lang ako.





“Ang tanda na kaya na’tin. 24?”




“Hahahaha~~! Ikaw talaga.” Hinampas nya ako sa balikat.




Nagkatitigan kami sa mata at nag-yakap.




Dumating ang araw na kaylangan ko na bumalik ng Pilipinas. Hindi na kami nagkita pa bago umalis ng Paris. May mga huling salita lang syang ipinabaon at sinabi sa’kin na nagpa-panatag ng loob ko.




“Iisipin ko nalang na narito ka pa sa Paris. Kunwari’y hindi ka lang nakakadalawa sa’kin kasi busy ka. Basta ‘wag mo kakalimutan na mahal kita, Liam.”




Kaya ito ako ngayon, nakangiting naka-uwi sa Pilipinas.





Wala akong sinayang na panahon at nilakad ko agad ang pagma-migrate ko sa Paris. Tungkol naman sa baker na maiiwan ko ‘rito, iiwan ko sya ng panandalian at ililipat sa Paris. Ililipat ko ang Main Branch sa Paris. Magiging another branch na lamang ang tunay na main branch sa Pilipinas.




Matapos ng mga buwan na paglalakad ng pagma-migrate ko sa Paris, bumalik ako at nagkita kami ni Jam.




Walang araw at panahon akong sinayang para ipakita sa kanya ang pagmamahal ko. Gaya nga ng sabi ng Mama sa’kin, “Kahit hindi mo na sabihin, Anak. Alam ko na mahal na mahal mo ang Mama.”



Ganuon ‘rin ang nangyari sa amin ni Jam.




‘kung tatanungin nyo mismo sya ‘kung ilang beses ko na sya sinabihan ng ‘mahal ko sya’ o ‘I love you’, mabibigo lamang kayo sa pag-aakalang maraming beses na. Dahil sa loob ng dalawang taon na pagiging magnobyo’t nobya namin, hindi ‘ni kailanman ko sya sinabihan na mahal ko sya.






Ang tanging sinabi ko lang ay…






“I DO.”





Ikinasal kami last year.




Masaya ako kasi wala na akong mahihiling pa dahil gaya ng inakala ko, mabubuo nya nga ang naging kulang-kulang na buhay ko mula ng mamatay ay Mama at Papa.





Masaya ako kasi sa tuwing anibersayo ng Mama at Papa, may kasama na ako kumausap sakanila, kasabay kumain ng icecream cake at uminom ng sprite sa tabi ng dagat.




Masaya ako kasi hindi lang sa tuwing anibersaryo lang ng Mama at Papa at birthdays namin ako nadadalaw sakanila 'kundi sa anibersaryo na 'rin namin ni Jam. Tatlo 'yon. Ang amin, kinasal kami at birthday ni Jam.




Nakita ko na 'rin ang ama nya at ok naman kami.





Nailipat ko na 'rin ang Main Branch ng bakery namin dito sa Paris. Ang sa Pilipinas naman ay pinagagalaw ko pa'rin sa pamamagitan ng apo ni Aling Llena na dating paboritong bilan nila Mama at Papa ng icecream cake nang mga buhay pa sila.



All things are settled down.



Isa nalang ang hindi ko pa nasasagot sa lahat ng aking mga katanungan.




"Nasaan na kaya 'yung batang tumatawag sa'kin ng Liam dati?" napatingin sa gawi ko si Jam; misis ko.




"Bakit, Mahal?" tanong nya sa'kin. "Sinong bata?" tanong nya ulit.




"Wala... hahahah~~!" ngumiti ako sakanya at hinalikan sya. Sinunod ko naman ang babay namin na 4 na buwan sa sinapupunan nya.




"Hi Baby. Antagal mo naman lumabas, tuturuan ka ni Papa na tumugtog nga piano eeh. Ikaw ang pinaka-una na estudyante ng Papa." kinakausap ko ang tiyan ni Jam.




"Ikaw talaga, Mahal. Hahahaha~~! Halika nga rito. Pa-kiss." ini-angat ko ang ulo ko at hinalikan ko sya.




"Mama, pupwede ba ako makahiram ng ID mo? Kaylangan ko kasi kukuha kita ng membership sa isang club."




May club kasi na nabuo at nahagip ng mata ko 'rito sa Paris. Club para sa mga first baby. Natutuwa nga ako kasi may mga exercise sila para hindi nai-stress ang mga buntis.




"Sure. Kuhanin mo nalang sa wallet ko."




"Okay."




Inabot ko 'yung wallet nya sa side table ng kama namin at hinanap 'yung ID nya.



"Mama, 'yung ID 'nung nagtatrabaho ka pa sa Cafe ang gusto ko. Ang ganda-ganda mo 'ron eh."




"Sa mga ila-ilalim. Baka nandyan 'yun. Hindi na naman kasi gamitin ang ID na 'yun. Hanapin mo nalang dyaan."




Hinahanap ko 'yung ID nya nang may nalaglag.




Nagulat ako ng makita ko 'yun.





"M-mama, s-sayo ba 'to?" nanalalaki ang mga mata kong tanong sakanya.




"Oooops. Bakit nasayo 'yan? Hahahaha... wala 'yan, big-" hindi ko sya pinatapos.




"Ayan ang pinaka-una na 'ILOVEYOU' ko sa ibang tao. Sinulat ko 'yan sa isang piraso ng papel. Paano napunta sayo 'yan?"




Nagkalakihan kami ng mata at sabay na napaturo sa isa't isa.





"Batang lampa?/Babaeng bully?" - Jam/ako





"Ikaw 'yon?" sabay kami.




"HAHAHAHAHA~~~!" natawa nalang ako sa conclusion na namuo sa utak ko.




"Buti pa ang batang bully na 'yon, sinabihan mo ng 'ILOVEYOU'!"




"Actions speaks louder than words, Mama. Don't worry. Ayaw mo 'non?? I TOLD YOU 'ILOVEYOU' ON A PIECE OF PAPER?"





"At least, natago mo pa at kumpleto na ang mga katanungan ko sa isip."





9 comments:

  1. wow! this is so sweet! the ending is really nice! and over all good story! na-enjoy ko basahin, sobra!

    ReplyDelete
  2. sarap ma-inlove.. destiny and fate, wow!!

    ReplyDelete
  3. npakagandang story po... sobrng kinilig aq s ending.. isa k po s mga inspiring authors d2 n gus2 q tlga ung story. gling!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uwaaaah~ nahiya naman ako. ahiii.
      s-salamat! *shy*

      Delete
  4. Ay, nawala po sa isip ko yung title XD nadala ako ng story HAHAHA. Ganda po! Niceeee.

    ~AnnaBanana

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^