CHAPTER 3- PROMISE ME
“kuya, ano ba pinag usapan niyo ni madam principal?”
naglalakad na kami pauwi. Simula kasi nung pinatawag siya ni principal, araw
araw na siyang nandun. Di kaya....
My gosh!! Di kaya nirerape siya ni principal?? Hala O______O
hindi naman siguro ganun si principal.
“h-ha?! Wala yun.wag mo nang pansinin yun.” Nakangiti si
kuya sa akin. Bigla akong pumasan sa likod niya.
“KYAAAAHHH!! Kuya, punta tayo ng tabing dagat.” Inayos ako
ni kuya sa likod niya at tumakbo na...
Ambilis talaga tumakbo ni kuya. Tapos anlapad pa ng likod
niya. Siguro pagbinata na si kuya madami tong magiging girlfriend. PERO, AYOKO
ayoko siyang magkagirlfriend!! Waaaahhh!!!
“ayan dito na tayo.” Binaba ako ni kuya sa buhanginan. Ang
ganda talaga ng dagat. Kulay blue. Ganito lang ang palagi naming ginagawa ni
kuya. Ang pagmasdan ang dagat.
“Autumn, hubarin mo na ang sapatos mo. Hindi na mainit ang
buhangin.” Hinubad ko ang sapatos ko pati ang medyas.. huwaw!! Hanglambot
talaga ng buhangin.
“AUTUMN!!” bigla akong tinawag ni kuya at bigla akong binasa
ng tubig. Lagot ako kay nanay!!
“KUYAAAAAAAAAA!!!!!!!!!” im sure namumula na naman ako sa
galit!!!
“hahahaha... habol autumn!!” inasar pa niya ako at
nagtakbuhan kami sa beach. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi basta
namalayan nalang namin na gabi na pala. At dahil hindi naiwasan, nagtampisaw
kami sa dagat. Umuwi kaming basang basa.
“juskooo!! Ano na naman bang ginawa ninyong magkapatid? Bat
basang basa kayo?? Hala!! Sige pasok sa kwarto at magbihis kayo.” Nagpaunahan
kami ni kuya sa kwarto at syempre......
Si kuya ang nauna. (_____ _____) pag takbuhan, wag niyo na
akong asahang manalo. Alam niyo naman si kuya, me lahing kabayo yan.. shhhh!!!
Nga pala, speaking of takbuhan, alam niyo bang si kuya na
ang president ng track and field ng school?? Andami niya na ring natanggap na
award. Nung isang araw nga lumaban siya sa kabisera (kabisera means parang
city.) at siya ang nagfirst. Ang galing ng kuya ko eh. Kaya mahal ko yan eh.
Natapos si kuya at ako naman ang nagbihis. Pero, dahil
katabi lang ng kwarto namin ang salas, naririnig ko sila nanay na nag uusap.
Hindi ko nga lang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.
“mag iingat ka doon ha.” Sino ang aalis?
“hindi ko po alam kung paano ko sasabihin kay autumn.”
Sasabihin? Ang alin?
“maaintindihan ka ng kapatid mo.”
Hindi ko na natiis kaya lumabas na ako ng kwarto. Kitang
kita ko na namumutla si kuya.
“nay, tay kuya ano pinag uusapan niyo?” tanong ko sa kanila.
“anak ang kuya.....”
“tara kain na tayo. Nagutom ako eh.” Alam niyo yung
pakiramdam na parang may nililihim sayo ang isang tao? Yun kasi ang
nararamdaman ko ngayon eh.
Simula nung pangyayaring yun, palagi nalang pinapatawag si
kuya ni madam principal. Lalo tuloy ako naghihinala. Tapos kapag recess naman
at magkasama kami ni kuya, lumalayo pa siya sa akin kapag kausap niya ang mga
members ng track and field team. Ano bang meron talaga.
Isang hapon, hinihintay ko si kuya sa tapat ng gate.
Pinatawag kasi siya ng coach nila. Sakto namang palabas na si heaven at summer.
“best, di ka pa uuwi?” tanong ni summer sa akin. Umiling
ako. “hmmm... aantayin ko lang si kuya.”
“ah, kausap na naman ni coach? Answerte talaga ng kuya mo.”
Biglang nasabi ni heaven. “huh? Bakit naman?” bakit naman niya nasabing
maswerte si kuya?
***
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa office ng coach
nila kuya. Isa lang ang nasa utak ko. Ang mga sinabi ni heaven sa akin.
“kasi nga diba,
nagkaroon ng scholarship ang kuya mo sa maynila. Sa isang sikat na eskwelahan
na siya sa maynila mag-aaral. Matalino na ang kapatid mo magalng pa sa track
and field kaya binigyan siya ng scholarship. Balita ko mahal dun eh. Teka,
hindi pa ba niya nasasabi sayo?”
“KUYA!!” napalingon si kuya at ang coach sa akin.
“a-autumn. Diba sabi ko—“
*PAK*
Sinampal ko si kuya. Nabigla ako, ang coach niya at siya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Naramdaman ko nalang na tumutulo
na ang luha ko. “ang *sniff* daya mo!! *sniff* bakit kailangan *sniff* si
heaven pa ang *sniff* magsabi sa akin? *sniff* aalis *sniff* ka pala.
Nakakainis ka!!”
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na
siya pinansin. Tumakbo ako ng tumakbo papuntang bahay. Dahil malabo na ang
paningin ko dahil sa mga luha ko, halos magkandarapa ako sa kalsada.
“naku ineng, ayos ka lang?”
Marami ang tumutulong sa akin pero hindi ko na sila magawang
pasalamatan dahil masama ang loob ko kay kuya. Akala ko ba, hindi niya ako
iiwan? Paano na ako kapag may umaway sa akin? Wala nang magtatanggol sa akin?
“anak nandyan ka na pala. Asan ang.... anak umiiyak ka ba?”
hindi ko na pinansin si nanay. Tuloy tuloy lang ako sa kwarto ko at nilock ang
pinto. Ayokong makausap silang lahat. Naiinis ako!! Pakiramdam ko pinagkaisahan
ako ng buong mundo. Lahat sila alam na aalis na si kuya pero ako hindi niya
sinabihan. Nakakainis siya.
“autumn. Buksan mo tong pinto!!” narinig ko ang boses ni
kuya.
“ayoko!! Galit ako sayo umalis ka na!! Diba pupunta ka ng
maynila?? Umalis ka na!!” ayoko ko na siyang makita pa. Naiinis talaga ako.
Hindi pala, GALIT AKO SA KANYA!!
“anak, ako na ang kakausap sa kapatid mo.” Narinig kong sabi
ni nanay.
*TIK* (tunog yan nang nabuksang doorknob. Low quality ang
sound effect ko.)
“autumn.” Mahinahong tawag ni nanay.
“ayoko ko!! Ayoko kayong makausap!! Galit ako kay kuya!!
Iiwanan niya ako!!” nakadapa ako sa kama at pinapadyak padyak ko ang paa ko.
Naramdaman kong lumubog angkanang side ng kama. Umupo si guro si nanay.
“autumn, umayos ka. Malaki ka na. Gusto ka lang makausap ni
nanay.” Mahinahon parin ang boses ni nanay. Pero ako matigas ang ulo ko kaya
nakadapa parin ako. Hindi ba nila maintindihan na ayoko nang makita si kuya??
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. Kasi alam ko aalis na siya.
Tinihaya ako ni nanay at inakbayan. Sinandal niya ang ulo ko
sa dibdib niya. “autumn, makinig ka kay nanay ha?” hindi na ako sumagot dahil
iyak parin ako ng iyak.
“anak, alam mo naman na pangarap talaga ng kuya mo na maging
champion gntrack and field diba? Ngayon, binibigyan siya ng Diyos para sa
pangarap niya na yun. Alam mo namang mahirap lang tayo diba? Hindi kayang
ibigay ni nanay at tatay ang pangarap ni kuya mo. Kapag dito lang siya nag aral
sa probinsya natin, wala siyang mararating. Naiintindihan mo ba ako?” napaisip
ako sa mga sinabi ni nanay sa akin, pero hindi parin ako sumasagot. Tumigil
lang ako sa pag iyak.
“mahal mo ang kuya mo diba?” tinignan ko si nanay.
“opo
*huk* naman.” Ngumiti lang si nanay.
“yun naman pala eh. Kung mahal mo ang kua
mo, dapat matuto karing mahalin ang mga bagay na importante sa kanya. Anak,
kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng mahalaga at importante sa kanya dapat
pahahalagahan mo rin. Hindi ka dapat maging makasarili. Pag nagmahal ka, wag
mong iisipin kung saan ka sasaya.isipin mo palagi kung saan sasaya ang taong
mahal mo. Maliwanag ba?” tama si nanay. Kung mahal ko si kuya, dapat mahal ko
rin ang pangarap niya. Tumango ako.
“ayan. Ambait talaga ni bunso ko. Oh, halika na andami mong
gasgas. Gamutin natin.” Tumayo na siya sa kama at lumabas ng pinto. Sumilip
naman si kuya. Hindi ko siya pinansin sa halip ay humarap nalang ako sa
dingding. Aalis nalang naman siya diba, dapat hindi ko nalang siya pansinin
kasi masakit kapag umalis siya.
“a-autumn.” Naramdaman ko na kinakalabit niya ako.
“a-autumn... ano s-sorry na *sniff*” tiisin mo autumn. Galit
ka kay kuya winter.
“autumn, sorry kung hindi ko sinabi sayo na aalis ako ha.
Kasi... kasi ayokong malungkot ka eh. Wag ka nang magalit sa akin autumn.
Please? *sniff*” humarap ako kay kuya at nakita ko na umiiyak siya. Pinunasan
nga lang niya kaagad nung humarap ako. Niyakap ko siya.
“sorry din kuya kasi naging selfish ako. Hindi ko inisip
kung ano ang magpapasaya sayo. Sorry.” Naramdaman kong yumakap din siya sa
akin. “bati na tayo ha?” narinig kong bulong niya.
Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan, gagraduate
na pala si kuya. At alam niyo ba? Siya ang salutatorian ng batch nila!!
Yipiiee!! Tapos ako naman third honor ng grade three. Wiiieee tuwang tuwa nga
si nanay at tatay sa amin eh.
Natapos na ang graduation at may konting salu salo sa bahay.
Pero kamini kuya, pumuslit papuntang tabing dagat.
“kuya,” nakaupo kami sa buhanginan at nakatanaw lang sa
dagat.
“hmmm??” nagtama ang mga mata namin. At masasabi ko na yun
ang pinakamagandang view na nakita ko.
“promise me na hinding hindi ka makakalimot na sumulat sa
akin ha.” Nilabas naman niya ang hinliliit niya. Ibig sabihin pinky promise.
“promise.” Kinabit ko naman ang hinliliit ko sa kanya.
“ako, si winter luke tolentino ramirez, nangangako kay
autumn madison tolentino ramirez na hindi ako makakalimot na tumawag at sumulat
sa kanya. Pinapangako ko rin na oras na magkita kami, walang magbabago sa aming
dalawa. Siya lang ang nag iisa kong kapatid na mahal na mahal ko. Tandaan mo to
autumn, mahal na mahal kita.” Ngumiti
ako sa kanya.
“ako, si autumn madison tolentino ramirez, nangangako kay
winter luke tolentino ramirez na hihintayin ko siya kahit na kailan pa man niya
naisipang bumalik. Pinapangako ko rin na sasagutin ko ang mga sulatniya sa
akin. Siya lang ang nag iisa kong kuya na mahal na mahal ko. mahal kita kuya winter.” Shinake namin
ang magkasabit naming hinliit at sumigaw.
“ang pnagakong binitawan gagawing palaka ang sinumang
kinalimutan. Hahahhaha...”
Kinabukasan, umalis na si kuya.
And he PROMISE ME and i believe in him.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
aww! ang sweet ng pngako nla s isa't isa... sna hindi npako ung promise. nxt n agad! pls. excitd n aq s kasunod!
ReplyDeletewinter and autumn. two of my fave seasons,,, ang gnda po n2. nxt ud n po.
ReplyDelete