Saturday, May 12, 2012

I'm Inlove With My Brother - Chapter 4


Chapter 4- MY KUYA IS BACK

After two years...


Dalawang taon na pala simula nang umalis si kuya. At sa loob ng dalawang taon nayun, marami ang nagbago.simulan natin sa dalawa kong bestfriend na sina heaven at summer. Si summer, nalaman niya na hindi pala siya ang tunay na anank ng mga magulang niya. In short ampon siya. Ang tunay niyang mga magulang ay ang former governor ng probinsya namin. Si heaven naman, nalaman niyang hindi pala magsasaka ang mga magulang niya. Hindi siya ampon kundi, may ‘hidden wealth’ ang pamilya niya. Mayaman pala talaga sila. Tapos si nanay at tatay naman, yung dating sari sari store nila, naging grocery na. Mabilis lumago ang negosyo namin at nadagdagan pa ang branches namin, pero doon parin kami nakatira sa bahay namin.

Ako? Ano nga bang nangyari sa akin sa nakalipas na dalawang taon? Hmmmm.... simula nung umalis si kuya, palagi nalang akong naririnig nila nanay at tatay na umiiyak sa kwarto ko. sanay kasi akong pinapatulog ni kuya, pero nung umalis siya, wala nang nagpatulog sa akin. Palagi narin akong nag iisa. Tuwing walang pasok, pumupunta ako mag isa sa tabing dagat, pinagmamasdan ang langit hanggang sa lumubog ang araw. Sobrang nagbago ang buhay ko nung nawala si kuya. Buti nalang sumulat siya sa akin isang linggo pagkatapos niyang umalis. Sabi niya sa akin, wag na daw akong malulungkot kasi tutuparin daw niya ang pangako niya. Palagi narin namin siyang tinatawagan sa cellphone. Nakakatuwa kasi hindi nawala ang communication namin, pero miss ko parin si kuya winter ko. i just wondered, kasi hindi na siya tumatawag ng madalas di katulad dati.


“first honor, ramirez, autumn madison T.” Ay tinawag na ako. Graduation day nga pala namin ngayon. Tumayo ako sa upuan ko at dahan dahang naglakad at umakyat sa stage. Nandun na si nanay at tatay sila ang magsasabit ng medal ko. alam niyo ba? Birthday ko ngayon kaya mas masaya. Pero pinakamasaya sana kung nandito si kuya at taga kuha ng picture namin. Haaayyysss.....


Natapos kaagad ang graduation namin. Ang daming umiyak na mga magulang at pati rin kami—kami nila heaven at summer. Syempre, high school na kami. Mayaman sila at malamang sa alamang eh bigatin ang mga school na papasukan nila. Sayang hindi ko sila makakasama. Ako kasi, nakapasang scholar sa school ni kuya. TAMA!! Kasama ko si kuya sa school niya. YES!!!


“waaahhh!!! Best, mamimiss kita.” Magkayakap kami ni summer at parehong umiiyak, ang balita ko kasi, maiiwan siya dito at mag-aaral sa isa sa mga private school dito sa probinsya namin. “a-ako din best. Wag ka mag-alala, dadalawin kita.” Tinignan ako ni summer sa mga mata. “kapag dumalaw ka, isama mo si winter mylabs ha.” Sabi ko nga eh. Mas namimiss niya si kuya kesa sa akin. Tumango nalang ako at nagtatatalon na umalis. Lumapit naman sa akin si heaven.


“a-autumn.” Hindi pa man siya nagsasalita ay niyakap ko na siya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya. “mamimiss kita heaven.” Agad niya akong niyakap pagkarinig niya nito. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mga mata. “autumn,happy birthday. Anyatin mo ako ha. Liligawan kita kapag pwede ka nang ligawan. Mahal na mahal kita.” He kissed my cheek at umalis na.


Nagkaroon ng kaunting salu salo sa bahay namin, pero ako may inaantay na tawag mula sa cellphone ni tatay. Hindi pa niya kahit kailan nakalimutan ang birthday ko. lahat sila, nagkakasiyahan pero ako,nasa loob lang ng kwarto ko at tinititigan ang cellphone.


“autumn.” Sumilip si nanay sa kwarto ko. lumingon ako sa kanya. “kain na tayo.” Binalik ko ang tingin ko sa cellphone. Wala akong ganang kumain. Napansin ko na nasa harap ko na pala si nanay. She held my chin and lift my face. “anak, hindi ka nakalimutan ng kuya mo. Wag ka nang mag-alala. Halika na, magagalit yun sayo kapag nalaman niyang hindi ka kumakain.” Umiling parin ako. “nay,aantayin ko po ang tawag niya. Kapag tumawag na po siya, saka lang po ako kakain.” Napabuntong hininga si nanay. Alam niyang kapag ganito na ang sagot ko, wala na siyang magagawa pa. Lumabas na siya ng kwarto at binalik ko ang tingin ko sa cellphone.




Muling sumilip si nanay, pero hindi lang siya nag-iisa nakita ko rin kasi si







Tatay. Parehong malungkot ang itsura nila. Pareho silang pumasok sa loob at tinabihan ako. “anak, wag ka na malungkot. Baka busy lang ang kuya mo. Matulog ka na.” Magmamatigas pa sana ako pero, kinuha na ni atay ang cellphone niya. Napilitan akong magpalit ng damit at nahiga sa kama. Tinabihan ako ni nanay at niyakap ko siya. “nay, hindi pa naman po tapos ang birthday ko diba?” tinignan ko si nanay sa mata at tumango siya.


Kinabukasan, maaga akong nagising. Agad kong pinuntahan si tatay sa kwarto niya para tanungin kung tumawag ba si kuya, pero...


“anak, hindi eh. Pasensya na.” Malungkot na sabi ni tatay. Tuluyan na akong umiyak. “n-nay *sniff* bakit ganun si *sniff* *sniff* si kuya.... na-nakali *sniff* nakalimutan na niya ako *sniff*” naramdaman kong niyakap ako ni nanay.


“anak, hindi ka kinalimutan na kuya mo. Tahan na. Intindihin mo nalang ang kuya mo, baka busy lang siya sa maynila. Alam mo namang ang hirap mag-aral lalo na’t scholar pa siya. Tahan na ha?” alam kong sinabi lang yun ni nanay para gumaan ang loob ko.


Bakit kahit nangako na si kuya sa akin noon, pakiramdam ko hindi niya yun kayang tuparin? Totoo kaya ang kasabihang PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN?


Lumipas pa ang mga araw at hindi talaga ako nagawang batiin ni kuya. Tumawag naman siya at pinaalala ko sa kanya ang birthday ko pero ang tanging sagot lang niya ay.


“happy birthday”
Hindi talaga siya ang kuya ko. hindi kaya may sumaping alien sa kuya ko nung nasa maynila siya? O_____O


***


“anak, mag impake ka na.” Tinatanong niyo siguro kung saan ako pupunta noh? Pupunta kaming maynila!!!!! Doon na kasi diba ako mag-aaral? Doon na kami titira para sama sama na ulit kaming pamilya. Yung negosyo nila nanay at tatay dito, may katiwala sila kaya no sweat!! Hahaha... excited na akong makita si kuya koooo!!!


Nakabili narin ng sasakyan sila nanay at tatay mula sa naipon nila sa negosyo nila. Wala naman na kasi silang problema sa pag-aaral ni kuya kasi diba scholar nga siya. Sabi ni nanay, magtithird year na daw si kuya ngayong pasukan. Hindi ko narin masyadong nakakausap si kuya kasi parang iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung bakit.


Nakasakay na kami sa sasakyan namin na vios ang tatak?? Ewan ko basta nakita ko sa likod may vios na nakalagay sa likod eh. Basta, yun na yun. Nakatulog na ako sa biyahe kasi hindi ako natulog kagabi sa sobrang excited sa pagpunta sa maynila. Namalayan ko nalang na nasisinagan ako ng araw.


Minulat ko ang mata ko at napansin ko na nasa isa akong kwarto. Ang laki ng kwarto, siguro mas malaki ito kesa sa kwarto namin ni kuya sa probinsya dati. Kasi doon, sa probinsya, isang kama lang ang nandun tapos yung electricfan namin. Dito sa maynila kulay white yung kulay nung dinding tapos may malaking cabinet na may salamin. Kitang kita ko nga ang sarili ko na gulat na gulat eh. Tapos, may kurtina na green na tumatakip sa bintana.


Nagbukas ang pinto at nakita ko si nanay. “gising ka na pala anak. Halika na kain na tayo ng tanghalian.” Excited akong lumabas dahil, im sure nandyan si kuya. Pero, nadisappoint lang ako kasi si tatay lang ang nakaupo sa lamesa. Para bang nabasa nila nanay at tatay ang nasa isip ko.


“anak, mamaya pa uuwi ang kuya mo.” Ngumiti lang ako sa kanila at umupo sa lamesa. “nay,tay, kaninong bahay to?” tanong ko sa kanila.


“sa atin.” Halos mailuwa ko na ang kinakain ko. paano kami nagkaroon ng bahay dito sa maynila?


“p-paano nangyari yun tay?” tumingin lang si tatay sa akin.
“kasi anak, bahay talaga ito ng kapatid ko pero, nung namatay siya sa akin niya pinamana ito. Wala kasi siyang pamilya maliban sa akin.” Aahhh!!! Kaya pala.


Dalawang palapag ang bahay namin dito. Di hamak na mas malaki kesa sa bahay namin sa probinsya. Pagpasok mo nang pintuan, bubungad kaagad sayo ang sala namin  na may sala set na gawa lahat sa kawayan. Meron ding tv na katamtaman lang ang laki. Sunod mong mapapansin pagpasok ng pintuan ang hagdan na apat na baitang lang ang taas. Tapos may tatlong pinto sa maliit na hallway. Katapat naman ng pinto ay ang divider na ang nasa likod ay ang kusina namin. May dalawang pinto dito na ang isa ay ang bayo at ang isa naman ay papuntang garahe. Yung kainan namin ay katapat ng pintuan ng banyo.


Nagulat ako nang may lumabas na tao mula sa garahe namin. Akala ko nga multo kasi ang tanda na niya. “n-nay, may multo ba dito?” napatingin si nanay doon sa bagong dating na matandang babae at ngumiti.


“hindi yan multo anak, siya si aling Ising. Katiwala siya dito.” Aaaahhhh!!!


Tapos na kaming kumain at tumulong kami ni nanay sa pagliligpit ng hapagkainan. Nalaman ko na si aling ising pala ang kasama ni kuya sa loob ng dalawang taon. Mabait naman siya yun nga lang may pagkabingi minsan dala ng katandaan. Wala na rin daw siyang pamilya. Patay na ang asawa niya at hindi sila nagkaroon ng anak.


Niligpit ko na ang mga gamit ko at nakipag kwentuhan pa kay aling ising. Nasa garden kami nun at tinutulungan ko siya magdilig ng halaman. Naputol ang pagkukwentuhan namin nang magbukas ang gate at pumasok sa bahay si........









“kuya!!!!” tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


“a-autumn?!” dala siguro ng pagkabigla kaya niya nasabi yun. Dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, lahat ng tampo ko sa kanya ay nawala. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. “kuya, tara bilis nasa loob na si nanay at tatay.”


Ang laki na ng pinagbago ni kuya. Tumangkad siya lalo. Mas nagform ang mga muscles sa balikat niya at mas gumwapo. Chinito parin siya, matangos ang ilong, maputi at medyo humaba ang buhok niya at mas nagmatured ang itsura niya. Hindi na siya katulad dati nung nasa probinsya kami na mukhang totoy talaga siya.. wahahaha.. ang gwapo ni kuya.


“nay, tay nandito na si kuya!!” lumabas si tatay sa kwarto sa taas at sumilip naman si nanay mula sa kusina. Sinalubong nila kami.


“anak, ang laki laki mo na!” mahigpit na niyakap ni nanay si kuya at niyakap niya rin ito. Ganun din ang ginawa ni tatay. Grabeh, naiiyak ako sa eksena. Miss na miss ko na talaga si kuya ko.


“nay, kelan pa kayo dumating? Sana nagpasabi kayo para hindi nalang ako pumasok.” Nasa sala kami at tuloy parin ang dramahan namin. Umiling lang si nanay sa sinabi ni kuya. “ayos lang kami anak. Ang gwapo mo na winter. Siguro ang dami mo nang naging girlfriend ano?” napayuko lang si kuya sa sinabi ni nanay. Tumawa naman ako ng mahina.


“hahaha... binata na ang anak ko. ipakilala mo sa amin ang girlfriend mo ha.” Inakbayan ni tatay si kuya at nagtawanan kami.


***


Nagsalu salo kaming mag anak sa hapag kainan. Andami naming napagkwentuhan pero napansin ko lang na parang simula kanina, hindi pa ako pinapansin ni kuya. Galit kaya siya sa akin?


Niligpit na namin ang pinagkainan namin at naghanda na para matulog. Tutal, sabado naman bukas kaya mamamasyal daw kami. Lumabas na ako ng banyo dahil tapos na akong maligo. Nagulat ako nung nakita ko si kuya na nakatayo sa tapat ng pinto.


“kuya, tabi tayong matulog ha?” nakayuko lang siya at inangat ang ulo niya. “h-hindi pwede autumn eh.”


“b-bakit?” ayaw na ba akong katabi ni kuya?


“autumn dalaga ka na. Binata na ako. Hindi na tayo mga bata na kailangan pang magtabi sa kama.” Nakahawak pa siya sa balikat ko. and so kung dalaga’t binata na  kami? Napalitan na ba nun ang katotohanang magkapatid kami?


“ano ngayon?” inosente ng tanong ko. napabuntong hininga siya. “autumn, may mga bagay na hindi na natin pwedeng gawin. Malaki na tayo. Ano nalang ang iisipin ng ibang tao?”


Tama ang hinala ko. hindi na siya ang kuya ko.


Humikbi ako ng mahina. “b-bakit ka ba ganyan kuya? *sniff* kinalimutan mo *sniff* ang birthday ko. *sniff* ta-tapos ganyan ang *sniff* ganyan ang iaasta mo sa akin? *sniff* a-akala ko ba *sniff* akala ko ba, walang magbabago?”


Nag iba ang itsura ng mukha ni kuya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.








Tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig higit pa dun, masakit ang sunod niyang sinabi. “pwede ba autumn. Tigilan mo nga ako. Ayoko ng isip bata. Pagod ako.” Pumasok siya sa banyo at ako naman, nakaupo parin sa sahig at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya, pero imbes na naintindihan ang lahat, napaiyak nalang ako doon.


“anak.” Nasa tabi ko na si nanay. Niyakap ko si nanay at parang batang nagsusumbong. Pinakalma niya ang loob ko at pinatulog na sa kwarto ko at agad naman akong nakatulog dahil sa kakaiyak.


Kinabukasan, maaga akong nagising at nakita kong magang maga ang mata ko sa salamin. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko sila nanay, tatay at kuya sa may sala. Yumuko nalang ako nang nagtama ang paningin namin ni kuya.
“good morning nay, tay... k-kuya” yumuko ako dahil ayokong tignan si kuya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya sa akin kagabi.


“maupo ka.” Tinuro ni nanay ang upuan katabi ni kuya. Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay sumunod lang ako kay nanay.


“mag-usap kayong dalawa diyan. Maliwanag ba?” pagkasabi ni nanay tumayo na sila ni tatay at umalis. Nagkatinginan lang kami ni kuya at yumuko.


Makakapagusap kaya kami ng matino?


Hindi ko aalam kung ilang oras na kaming nakaupo ni kuya, pero nagugutom na ako ee >.<
Nilingon ko si kuya at nagulat ako at nakatingin din siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napayuko nalang. Nagugutom na talaga ako. Hindi ko na natiis ang gutom ko kaya tumayo na ako at pupunta sana sa kusina nang biglang may humawak sa kamay ko.


“a-autumn, s-sandali.” Nilingon ko si kuya at nakayuko lang siya.


“k-kuya, kung may sasabihin ka please ano pakidalian nalang nagugutom na ako eh.” Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla siyang tumayo at hinila ako papunta sa dining area. Pinaupo ako sa upuan at pumunta sa kusina. Nakita ko siyang kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Bumalik siya sa dining area at inayos ang lamesa para sa akin. Nilagyan niya ng kanin at ulam namin.


“kain.” Napatingin ako sa kanya at nakayuko na naman siya. May dumi ba sa mukha ko? baka naman may muta pa ako. Kinapa kapa ko ang mukha ko, pero narinig ko siyang tumawa.


“hahahaha... anong... hahahaha... anong ginagawa mo? Hahahaha.... pina...wahahahaha... pinapakain kita autumn.” Napasimangot ako sa ginawa niya. Sumubo nalang ako ng kanin.


“dalaga ka na autumn.” Narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin. Ang gwapo niya O/////O
*DUGDUG*
*DUGDUG*
*DUGDUG*


Ito na naman ang puso ko. dalawang taon na ngang nanahimik itong puso eh tapos ngayon ganito na naman ang takbo. Asar much!!!


“hehehe...ikaw din naman kuya eh. Binata ka na.” Yun nalang ang naging sagot ko sa kanya. Pero, ramdam ko parin ang pagiging awkward namin sa isa. Natapos na akong kumain na walang nagsasalita sa amin at siya, pinanuod lang ako kumain.
Ganito na ba talaga kapag napunta sa maynila, nagbabago ang ugali?


Umakyat ako sa taas at sinusundan niya ako. Asan ba sila nanay at tatay? Pumasok ako sa kwarto at nakasunod parin siya. Nilingon ko siya at nagulat siya sa akin at yumuko.


“kuya, bat kaba sunod ng sunod?” nakayuko parin siya at nagkamot ng ulo.


“ahh.. ehh... a-ano... a-autumn...” tumingin siya sa akin at parang ang sungit ng mukha niya. “dalian mo maligo at may pupuntahan tayo.” Tumalikod siya sa akin at naglakad papunta doon sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko. nagkibit balikat nalang ako at kumuha ng towel at naligo na.


Paglabas ko ng banyo, nakasalubong ko naman si nanay. “oh, bati na kayo ni kuya mo?” tanong niya sa akin pero umiling ako. “pero, sabi ni kuya may pupuntahan daw kami.” Napa ahhh nalang si nanay at nagpunta sa kusina. Ako naman dumiretso na sa kwarto ko para makapagbihis. Sakto naman paglabas kko nakita ko na si kuya na nakaupo sa sala at inaantay ako. Feeling ko tuloy boyfriend ko siya at inaantay niya ako kasi may date kami... ihhhh!!! Anubey!!! Kinikilig akooo!!! MALANDI KA AUTUMN!!! MALANDI!!! PAGNASAAN DAW BA SARILING KAPATID??


“ang tagal mo!!” ayan na naman si kuya, ang sungit na naman (____ ____) di talaga siya ang kuya ko. kinuha siya at dinala kay mars. Ay sa mars pala.


Sumunod nalang ako sa kanya at nauna siyang maglakad. Nakapamulsa pa siya at ako naman naglalakad lang.


“bilisan mo nga!” napatingin ako sa kanya at nasa tabi ko na pala siya. “ambagal mo talaga maglakad!!” sinimangutan ko siya. Asar!!! “sorry ha!!” bigla kong binilisan ang lakad ko.


Hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Napansin ko nalang na nasa highway na pala ako. Lumingon ako sa likod ko at hindi na pala nakasunod si kuya sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi ko pa naman kabisado ang maynila. Wala akong pakialam kahit na magmukha akong baliw basta...


“KUYAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!” lumingon ang lahat ng tao sa akin. Naiiyak narin ako. Nagsimula akong maglakad pabalik kung saan ako nanggaling pero lalo ata akong nawala.


“waaaahhh!!! KUYAAAAA WINTEEEEEERR!!! *sniff* kuya koooo” napaupo nalang ako at wala akong pakialam kahit na pagtinginan pa ako ng mga tao.


“iyakin ka parin hanggang ngayon?” napatingin ako at nakatayo lang si kuya sa tapat ko. bigla ko siyang niyakap.


“ku-kuya *sniff* saan ka ba *sniff* galing?”


“hala!! Ikaw tong lakad ng lakad kung saan saan eh. Tinaguan lang kita. Wag ka nang sisigaw sigaw nalang basta basta napagkakamalan kang baliw eh.” Naramdaman kong bigla niyang pinat ang ulo ko.


“ang cute naman nila”
“kuya ang tawagan?”
“baka magkapatid sila.”
“eh, hindi naman magkamukha eh.”
“oo nga, baka nga magsyota.”


HALAA!!! Narinig niyo yun? Bagay daw kami ni kuya?? ANO BA AUTUMN MADISON TOLENTINO RAMIREZ!! KUYA MO YAN KU-YA.. KAPATID!! WAG PAGNASAAN.


“tahan na. Punasan mo na yang luha mo. Hindi na kita iiwan.” Feeling ko gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Tumango ako at nilagya niya ang dalawang palad niya sa mukha ko. he gently wipe my tears using his two thumb.


“lika na. Magbobonding tayo.”


Alam niyo ba kung saan niya ako dinala??? Di ko din alam eh. Nung tinanong ko siya, ang sagot niya sa akinay MOWA daw?? Basta maganda yun wahahaha.... dinala niya ako sa seaside nakita ko ang ganda nang dagat pero hindi katulad sa probinsya. Dito kasi sa maynila, puro basura tapos ang view na makikita mo ay ang mga barko na maiingay. Napabuntong hininga nalang ako.


“may problema ba?” nilingon ko siya at may bitbit siyang cotton candy (nagkicrave si author >.<) kinuha ko yun at tumabi siya sa akin.


Sinimulan ko nang lantakan ang cotton candy ko. “autumn, sorry nga pala kagabi.” Napalingon ako sa kanya at nasa malayo lang ang tingin niya. “sorry,kasi hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko sayo dati.”


Tumingin nalang din ako sa malayo.tanaw ko yung mga barko na nagsisigalawan. “autumn, miss mo na ba si kuya winter mo?” parang biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.


“kuya, alam mo bang miss na miss na kita? Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ganyan? Bakit ang sungit sungit mo na? Bakit hindi ka na mabait sa akin? Bakit kinalimutan mo ang huling birthday ko? bakit bihira ka nalang tumawag? Kelan ka ba magiging palaka dahil sa pagbali mo sa pangako mo?” naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko pati narin ang pagyakap niya sa akin.


“sorry autumn. Mahirap kasi ipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito.” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya.


“kuya, handa naman akong makinig at kahit na ano pa man, iintindihin ko yun.” Nagsmile siya sa akin at inakbayan ako. Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya. Nagsimula na siyang magkwento. Sabi niya, simula daw nang lumipat siya dito sa maynila, marami daw nagkacrush sa kanya. Noong una daw ok lang pero natakot na daw siya kasi pati daw sa mga practice sinusundan siya at yung iba nagpapanggap daw na girlfriend niya. Hindi daw tuloy siya makapanligaw sa iba.


“paano mo naman ieexplain yung birthday ko?” nakasimangot parin ako sa kanya.


“ah, yun ba? Ang totoo niyan may training kami nun sa track and field dahil malapit na ang competition. Sobrang focus ang lahat sa competition at.. at ano....” nagkamot na siya ng ulo niya.


“at nakalimutan mo ang birthday ko?” tumango siya.
Tumalikod ako sa kanya at nagcrossed arm. “hmmfft!! Tapos hindi ka pa nagsorry sa akin nun. Tapos inaway mo pa ako. Aba kuya, masyado ka nang spoiled. Dami mo nang kasalanan sa akin.”


Naramdaman kong niyakap niya ako sa likod. “alam ko. at marami pa naman akong time para makuha ang forgiveness mo eh.” Napangiti ako sa sinabi niya, pero mas napangiti ako nung sinabi niyang.


“i’ll be on your side from now on.” Namula siguro ako at iniba ko ang topic.
“So kuya, may girlfriend ka na?” tinignan niya lang ako at pinisil ang ilong ko. “wala akong girlfriend per may gusto akong iba.” Parang biglang kinurot ang puso ko sa sagot niya, pero hindi ko pinahalata. “sino yun kuya? Ano pangalan? Liligawan mo?? Pakilala mo sa akin ha.” Ngumiti lang siya sa akin.


“uwi na tayo.” Hinila niya ako at tumayo na kami. Umuwi na kami sa bahay at nadatnan namin si nanay at tatay na naunuod ng t.v. lumapit kami sa kanila at nagmano.


“o, bati na kayo?” tumango kami at umakyat na para magbihis. Nagulat ako nang paglabas ko ng kwarto ko, dala dala ni kuya ang mga gamit niya.


“o, san mo dadalhin yan?” tinuturo ko pa ang dala niyang unan, kumot at isang malaking teddy bear. Hala!!! Si kuya nagtiteady bear pa?!


“sa kwarto mo....


Tabi na tayong matutulog.” I smile and give him way.


Well, i guess MY KUYA IS BACK.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HUWAAAHHH!! sorry... nikalimutan ko ipost.. hahahahahaha.... so here it is :))

love lots :))

--mars :))

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^