CHAPTER 5- BACK OFF!! HE’S MINE
Buong bakasyon wala kaming ginawa ni kuya kundi ang
mabonding. Para bang yung dalawang taon na nawala sa amin ay bawing bawi. Hindi
na nga namin namalayan ang oras at pasukan na naman. High school na ako!!!!!
“kuya.” Nakahiga na kami at TAKE NOTE!! MAGKATABI KAMI!!!
“hmmm?” nakapikit na si kuya at magkaharap kami. Ang cute
talaga ni kuya. Lalo siyang naging cute ngayon. Tama si kuya, dalaga at binata
na nga kami.
“mahirap ba maging high school?” dumilat kuya at kitang kita
ko ang itim na itim niyang mata.
*DUGDUG*
*DUGDUG*
*DUGDUG*
Ano baaa!!!! Biglang kong tinakip ang unan na yakap ko sa
dibdib ko. baka marinig ni kuya ang puso ko eh.
“ mahirap na masaya.” Tumihaya si kuya at tumingin sa
kisame. Kinuha ko ang braso niya at humilig ako sa dibdib niya at nakatingin sa
kanyang mukha.
“bakit?” hinawakan niya ang kamay ko at tinapat sa kanyang
dibdib sa may puso niya. Ramdam ko ang pagpintig nun at para bang sumasabay sa
tibok ng akin.
“mahirap kasi, ang lessons hindi na katulad nung nasa
elementarya pa palang tayo. May mga teacher din na masusungit hindi katulad
nung elementarya na puro mababait at masaya kasi, madami kang makikilalang
bagong tao, bagong experience at higit sa lahat, makakadagdag sa bagong ikaw.”
Bigla siyang tumingin sa akin at nagtama ang aming mata.
Antagal naming nagtitigan nang bigla niyang kurutin ang
pisngi ko. “tulog na bunso. Andami pang tanong.” Niyakap niya ako ng mahigpit
at lalo ko pang narinig ang pagtibok ng puso niya. Naramdaman kong hinaplos
niya ng marahan ang likod ko. unti unti
akong napapikit at nakatulog.
***
“autumn, gising na.” May yumuyugyog sa akin.
“hmmmm.... maya na.” Tumalikod ako at tinakip ang unan sa
mukha ko, pero may biglang natanggal nun. Naramdaman kong may mainit at
mabangong hangin sa tenga ko. “kapag hindi ka bumangon diyan....
kikilitiin kita sa paa.”
Waaahhh!!! AYOKO!!
Bigla akong napabangon at nakita ko si kuya na nakaligo na
at walang pantaas at towel lang ang nakatakip mula sa bewang niya. Napatakip
ako ng mata.
“WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!! KUYAAAAAAAAAA!!!!!!!”
Inalog alog ako ni kuya. “bakit? Ano nangyari sayo?!” tinanggal ko ulit ang kamay ko sa mukha ko. “
“waaaaaah!!! Kuya magdamit ka nga!!!!” i heard him giggle.
“akala ko naman kung ano na. Tanggalin mo na yan.” Hinila
niya ang kamay ko at nakita kong nakasando na siya at towel parin ang nasa
bewang eh. Bigla niya yung kinalas yung towel at.... at... at....
Nakashorts siya.. SAYANG!!!
HA?! JOKE LANG YUN!! O/////O
“hahahah... ikaw bunso ha. Nagiging madumi ang isip mo.
Kumain ka na nga doon.” Napatango nalang ako at tumakbo pababa.
Halos hindi ako makakain sa nakita kong senaryo. Napabuntong
hininga nalang ako at napansin siguro yun ni nanay. “may problema ba anak?” una
niyang tanong sa akin. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
“oo nay, naninilip si autumn sa akin kanina.” Naupo si kuya
sa harap ko at nakangisi sa akin. Pakiramdam ko nag init ang mukha ko, kaya
napayuko nalang ako at sumubo. Naramdaman ko naman na naupo si nanay sa kanang
upuan ko.
“ikaw winter, tigil tigilan mo na nga tong kapatid mo.”
Tinignan ko si nanay at sasakyan ko siya.
“oo nga nay!! Lagi akong inaaway ni kuya.” Wahahahah... at
talo na naman po si panganay kay bunso... wahahaha....
“a-anong inaaway diyan? Spoiled ka nga sa akin eh.” Dumila
si kuya sa akin na may kanin pa sa dila... YUCK!!! SOOOO GROOOOOSSSSSS!!!!
“ang aga aga niyo naman mag away.” Umupo na si tatay doon sa
pinakagitnang upuan. “bilisan niyo na at pumasok na kayo.” Utos ni tatay.
Nagkatinginan lang kami ni kuya, dumila sa isa’t isa at kumain na.
Pagkatapos naminkumain ay nagprepare na kami para pumasok.
Malapit lang naman ang school namin kaya naglakad lang kami. Marami kaming
kasabay na kascholmate namin kasi pareho ng uniform namin. May mga nakasabay
din kaming ibang babae. Nakasmile sila kay kuya at iniirapan naman ako.
“hi prince luke.” Luke?? Wahahaha... parang hindi ako sanay
na luke ang tawag kay kuya. Doon kasi dati sa amin, winter ang tawag sa kanya.
Ganun na ba talaga? So ako madison na ang itatawag sa akin? Ampangit naman,
pwede bang madi nalang... wahahaha choosy much!!’
“h-hi l-luke.” May babaeng huminto naman sa tapat namin at
nag abot nang isang box kay kuya. Tinignan lang ni kuya ang babae at sinabi.
“ano na naman yan? Chocolate? Sawa na ako diyan?” itutulak niya sana ang babae
pero bigla kong kinuha ang box. “thank you miss ha. Hindi talaga marunong mag
appreciate tong lalaking to.” Tinignan ko nang masama si kuya.
“autumn, ano ba?” natigilan lahat ng tao na kasabay namin.
“autumn?”
“girlfriend niya?”
“sabi na sayo eh.”
“sayang naman.”
Halaaaa!!!! Anong girlfriend kayo diyan? Pero, hindi ko sila
pinansin kundi hinarap ko si kuya.
“autumn, autumn ka diyan. Wag ka nga magsungit!! Ampangit
mo!!” tumakbo ako at hindi naman ganun kalayo ang school kaya hindi naman na
mahirap.
“autumn, antayin mo nga ako!!” ramdam kong humahabol si kuya
pero hindi ko parin siya nililingon. Pumunta ako doon sa bulleting board. Doon
ata makikita ang mga sections mo. Nagkakagulo na rin kasi ang mga estudyante
doon.
“hi prince luke.”
“hello luke.”
Waaaahhh!!! Luke luke!!! Winter ang pangalan niyan!!
“excuse po. Excuse me.” Nakisiksik ako sa mga tao at hinanap
ko ang pangalan ko.
*hanap*
*hanap*
*hanap*
AYUN!!! RAMIREZ, AUTMN MADISON T. Rm 143.
“hi.” Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking
matangkad at medyo singkit ang mata at may itim na buhok. Medyo maputi din siya
at ang ganda ng built ng katawan niya.
“hello.” Nagsmile ako sa kanya at umalis na sa mga
nagsisiksikang tao. Kailangan ko nang hanapin ang room ko. hinanap ko si kuya
pero hindi ko siya makita. Bala siya diyan.
“are you looking for someone?” ito na naman si puti, ang
kulit!!
“naku wala.sige po.” Nagwave ako sa kanya at aalis na sana,
pero hinawakan niya ang wrist ko. “wait, what’s your name?” nagsmile siya sa
akin at nakita ko ang kanyang dimple.
“h-ha? A-ano m-madi. S-sige po.” Kinalas ko ang kamay niya
at tumakbo na papunta sa building.
WINTER’s POV
Nakakainis naman itong mga babaeng to!! Andaming humaharang
sa akin!! Asan na ba yung kapatid ko na yun?? Mamaya mawala pa siya. Mabuti pa
hanapin ko na siya.
Pumunta ako doon sa bulletin board dahil baka
nakikipagsiksikan siya doon.
“dude!!” may biglang umakbay sa akin. Siya si SPRING FLINT. Siya ang bestfriend ko
simula nung naghighschool kami.
“dude ikaw pala.” Yun lang ang bati ko sa kanya at nagkanda
haba haba ang leeg ko para sa kapatid ko. SHIT!!! WHERE THE HELL ARE YOU
AUTMN?! Hindi ko kayang mawala ka pa
ulit. Two years without you is a fvcking hell
Nakisiksik ako doon sa mga tao at dahil sikat ako dito,
hindi ako nahirapan. Hinanap ko ang pangalan niya doon sa mga first year at
nakita ko na siya, rm. 143. Tinignan ko na rin ang room ko at magkaklase parin
kami ni spring, rm. 431, takte fourth floor!!
“dude, who are you looking for?” tanong ni spring sa akin.
“my sister.” Nababadtrip akoooo!!!! Oras na may lumapit na
lalaki kay autumn, makakatikim sila sa akin.
“oh i see. I have to go. See you.” We parted ways at ako
naman dumiretso na sa room ni autumn. Ay mali!!! Wag muna. Sumunod nalang ako
kay spring at dumiretso na sa room. Mamaya ko nalang siya kakausapin, baka
mainit pa ulo nun. Bat ba nagalit yun?
AUTUMN’s POV
Lahat sila nagdadaldalan. Ako lang walang kakilala. Nakaupo
nalang ako sa dulong part ng room. Puro espokening dollar pala dito.
“waaaaahhhh!!!! Bestfrrrrriiiiiiiieeeeeeeennnnnndddd!!”
naramdaman kong may yumakap sa akin ng sobrang higpit at hindi ako makahinga.
Nilingon ko kung sino ang yumakap sa akin at nanlaki ang
mata ko.
“sa-sa-sa-summer?!” tumingin siya sa akin at ngumiti.
“waaaaaahhhhhhh!!!!!!!” nagsigawan kami at napatingin sa
amin ang mga tao sa room. Nagkatinginan kami at humagikgik.
“bat ka nandito? Akala ko ba sa probinsya ka na mag-aaral?”
tanong ko sa kanya. Nagtabi na kami sa likod, tutal wala naman kami masyadong
kakilala.
“kasi, pinakiusapan ko si daddy na dito nalang ako mag-aral
at pumayag naman siya.” Paliwanag ni summer sa akin.
“uy!! Nandito si winter mylabs diba?? Ano section niya?”
tignan mo to, akala ko ako ang namiss, si kuya pala.
“what!! So kapal niyo naman!!” may isang babae sa harap
namin at nakapamewang.
“huh? B-bakit? Anong ginawa namin?” inosenteng tanong namin.
“ang kapal kasi ng mukha ninyong tawaging winter si prince
luke. Hindi kaya siya nagpapatawag na winter.” Sagot naman ng pangit na julalay
siguro niya.
Tumayo na si summer at namewang din. “and why naman daw?”
wahahahahah.... kailangan pati pagsasalita??gosh!! ngayon ko lang nakita si
summer na ganito.
“kasi, ako ang girlfriend ni winter.” Akmang sasabunutan
siya nung babae buti nalang dumating na ang aming teacher.
Mabait naman ang mga teacher namin at tama nga si kuya ang
hirap ng mga lessons. Papaturo nalang ako kay kuya mamaya.
Nagbreak na kami at pumunta kami ni summer sa canteen, pero
hindi pa man kami nakakapasok nang mapansin namin na pinagkakaguluhan ang isang
table na malapit sa pinto.
“best, ano kaya yun?” tanong ni summer sa akin at
nagkibitbalikat lang kami at nagkandahaba haba ang leeg namin sa kakasilip kung
sino ang nasa gitna nang mapansin kong si.... si....si.... si...
“si winter mylabs yun ah!!” buti hindi sinigaw ni summer
kundi lagot na naman kami.
Maglalakad na sana kami sa mga pagkain nang makarinig kami
nang ganitong usapan.
“prince luke, totoo bang may girlfriend ka na?”
nagkatinginan kami ni summer at parang pareho ang tanong sa isip namin.
“yeah, totoo ayun nga siya ee.” Napatingin kami para syempre
makita kung sino ang girl, pero nagulat kami nang makita namin na sa amin or
rather, SA AKIN nakaturo si kuya.
“i told you girl siya yun eh.”
“diba freshmen palang yan?”
“wala na tayong pag-asa.”
Napagasp kaming dalawa ni summer at nagkatinginan. Unti
unting lumapit si kuya sa amin at hinawakan ako sa likod at nilapit sa akin. I
tried to compose myself and said....
“yes, winter is my boyfriend, so girls back off!! BACK OFF GIRLS HE’S MINE.”
Bakit ko sinabi yun? Pakiramdam ko malaking gulo to
ang haba naman nito..... to all mother, happy mothers day...... :)
ReplyDeleteoh my! bakit mo sinabi yun summer! hehe, nagseselos kasi! malaking issue nga yan!
ReplyDeleteate wla png kasunod???????????????
ReplyDelete