2: Anime Jumping
(Yuki
Jezryl POV)
“Spell CRAZY?”
“C-R-A-Z-Y.”
“Hindi. E-N-Z-O. Baliw ka na Enzo.”
Hindi ko talaga ma-gets ang
classmate ko na ito. Hindi naman kami close nitong Shin Enzo Roblez na ‘to. Kaso,
dahil nalaman niya ang sekreto kong addict ako sa anime, siya naman bigla ang
nag-open up tungkol sa “Anime Jumping
‘kuno.”
“Tingin mo ba nagbibiro ako sa sinasabi ko?”
“Tingin ko may sayad ka sa utak.”
“Inamin mo na rin na isa kang addict sa anime. Palalampasin mo
pa ba yung chance mo na makapunta sa pinapangarap mong mundo?”
“Aminin mo munang adik ka rin! Hoy classmate, kung ano man yang
nasinghot mo ngayon, hindi kita papatulan! Wag mong gawing kalokohan ang
pagmamahal ko sa anime ha!”
“Eh hindi nga kita niloloko! Totoo ang anime jumping! Meron
talagang mga anime jumpers! At may mga nanggugulong Black Jokers! Kailangan
kita para sa tungkulin na pigilan sila.”
“Kung sakali man, bakit saakin mo gustong ipasa yang trabaho mo,
aber?”
“Kasi sawa na ako! At ayoko naman talaga sa anime.” Pakuyog
ko kaya ‘to! Ayaw daw sa anime! Psh! “Sa isang taong tulad mo bagay na maging anime jumper
dahil alam kong malaki ang pagpapahalaga mo sa mga anime.”
Anime
Jumping, ang pagteleport papunta sa Anime World. Kapag nagawa mo
yun, para kang gaganap bilang isang character from a certain anime story.
Anime
Jumpers, ang tawag sa mga marunong mag anime jumping.
Black
Jokers, ang kinakalaban ng mga Anime Jumpers.
Enzo,
isang Anime Jumper daw… at baliw rin siya.
“Hay naku! Bahala ka sa buhay mo. Wala akong pakelam kahit
ipagkalat mo ang pagiging otaku ko. Wala namang maniniwala sayo dahil low rank
student ka lang.” Sige! Makaalis na nga!
“Ayaw mong maniwala?” Obvious ba? Kaya nga aalis
na ako diba? “Oh
heto katibayan!” Nagpakita siya bigla ng isang makapal na libro.
Teka muna, saan galing yun? Bigla na lang niyang dinukot sa likuran niya. “Nagpapakita
yan ng Anime Jumping history ko simula nung nagte-train pa lang ako. Oh yan,
tignan mo.”
Maka-utos! Sige na nga,
titignan ko na dahil curious ako sa librong yun.
“Bawal ipagsabi o ipagkalat sa iba ang mga makikita mo jan ha.”
Okay! Ano ba kasing meron sa
librong ‘to? Dahan-dahan ko pang binuklat at nasa unang pahina pa lang ako,
nanlaki na agad ang mga mata ko! Mga pictures ni Enzo yun na…
“Si Honey Chan!?!” Yung cute na member ng Ouran
High School Host Club!
“Oo. Noong 9 years old ako niyan nung unang mag-anime jumping.
Kasama yan sa training ko.”
Nagtungo ako sa next pages, “Uwaaaaaaaahhh!!!
Ikaw rin ito???” Dun sa picture, naka-white na cap siya with blue
Seigaku jacket and a tennis racket. “Naging si Ryoma Echizen ka rin?”
“Yes. Twelve years old naman yata ako niyan. Hindi ko na
maalala.”
Tinignan ko pa yung ibang
pictures. So yung libro, parang photo album. Compilation ng pictures ni Enzo na
gumanap as an anime character. Amaze na amaze naman ako at wala na akong nasabi
habang tinitignan yung mga pictures niya.
Pero for the sake na malaman
niyo ang mga characters na nakita ko dito sa libro niya, ito po ang ilan sa mga
yun:
- Li
Syaoran of Cardcaptor Sakura
- Yugi
of Yu-Gi-Oh
- Ash
Ketchum from Pokemon
- Killua
Zoldyck of Hunter X Hunter
- Shaman
King Yoh Asakura
- Keitaru
Urashima of Love Hina
- Edward
Elric of Full Metal Alchemist
- At
as in marami pang iba! Ang kapal kaya ng libro!
Napunta na ako sa last page
kung saan naging si Kenshin Himura siya ng Samurai X. Ganun karami na ang
ginampanan niya?? Ibinalik ko na sa kanya yung libro at ang tagal ko lang
nakatitig sa kanya.
“Grabe…”
“Ngayon naniniwala ka na?”
“Grabe talaga! Saludo na ako sayo Enzo! Idol na kita!!!”
Alam niyo yung itsura ko? Yung mata ko sobrang nakaluwa at kumikintab pa! “Isa ka pa lang
full-time cosplayer!!! Grabe talaga!!! Ang galing mo!!!”
“Cosplayer?”
“Wag kang mag-alala Enzo, quits na tayo ngayon! Alam mo na ang
tungkol sa pagiging otaku ko. And I’m so glad na ni-share mo saakin ang passion
mo for cosplaying! Don’t worry, your secret is safe with me!”
“Aish!!!” Bigla na lang niya akong tinulak pero
hindi naman ganun kalakas. “Hindi ito cosplay, bogok!!! Anime Jumping!!! Hindi ka ba
nakinig sa paliwanag ko kanina ha? Akala ko ba matalino ka? Once nag-anime jump
ka, para ka na ring naging part sa isang kwento! Hindi yan cosplay, okay?
Naging AKO talaga ang mga characters na yan!”
“Wushu~ wag ka nang mahiya! Cosplay ang tawag jan Enzo,
dini-deny mo pa! At saka pwede ba, wag mo akong sigawan. Ang hot mo masyado
eh.”
“Ang hirap mong paliwanagan! Seryosong bagay ang sinasabi ko
sayo. Hindi biro ang Anime Jumping! At hindi na rin biro ang mga pangugulo ng
mga Black Jokers!”
Haizz! Siya ang mahirap
paliwanagan eh! Hanggang ngayon pinipilit pa rin yung tungkol sa
jumping-jumping na yan at mga Black Jokers! Ayaw na lang aminin na
nagco-cosplay siya! May iba pa bang tawag dun ha?
“Alam mo bang may mga nagawa na ang mga Black Jokers na nakabago
sa mga anime ngayon? Hindi niyo yun alam at kahit ng mga creators mismo ng
kwento.” Hala, ang OA na niya! “Hindi ka ba nagtataka, ang tagal na
ka-loveteam ni Bulma si Yamcha, pero si Vegeta ang napangasawa niya!” Biglang
ganun?
“Umm… well. Kung hindi naman nagkatuluyan sina Bulma at Vegeta,
hindi mabubuo si Trunks, diba?” Pero actually, mas maka
BulCha couple talaga ako kesa BulGeta. Ang sagwa diba?
“Ah! Eh eto, alam mo bang dapat half-human, half-robot si Night
ng Absolute Boyfriend. Dapat nagkatuluyan sila ng partner niyang si Riiko!”
Talaga bang ayaw ni Enzo sa anime? Ang dami niyang alam! “Pero dahil sa mga Black Jokers, ginawa
nilang pure robot si Night kaya sa huli, hindi rin sila nagkatuluyan!”
“Nakamove-on na ako sa kwentong yan. Ipaubaya na natin si Riiko
kay Soushi!” Bakit kailangan pa niyang ipaalala ang
ending nung kwento! Nasasaktan tuloy ulit ako!
“Ang tigas mo ha! Pwes, sasabihin ko sayo ang lahat ng mga
kalokohang ginawa ng Black Jokers para maguluhan ka lalo…” Hala!
Nakakakaba na yang banta niya!
Pero hindi siya nagpapigil.
Kahit gusto kong takpan ang mga tenga ko, hindi ko rin napigilan ang sarili ko
na pakinggan ang mga sasabihin niya tungkol sa mga paborito kong manga at
anime.
“Alam mo bang dapat may love triangle sa pagitan nina Inuyasha,
Kagome at Sesshomaru?” Uwaahh! Talaga??? Bet ko pa naman si
Sesshomaru!
“Hindi dapat namatay ang legendary Sannin na si Jiraiya nung
kinalaban niya si Pain!” Medyo agree ako dito. Favorite
character ko kasi si matandang mahilig eh.
“Kulay violet dapat si Majin Buu!”
“Mas bagay kaya ang pink sa kanya! Favorite color ko pa yun.”
“Hindi na siya nakakatakot dahil sa kulay niya!” At
patuloy lang sa pagsasalita si Enzo ng mga dapat ganito, dapat ganyan sa mga
anime! Minsan nga napapaisip na ako sa iba pang mga pinagsasabi niya tungkol sa
mga yun eh.
Pero ang pinakahuli sa mga
sinabi niya na talaga namang tumatak saakin ay… “At dapat naparusahan man lang ng bongga
si Miss Minchin sa lahat ng pang-aalipin niya kay Princess Sarah!”
I agree with that but, “Ha? Counted
pa ba as anime yun?”
“Ang ibig ko lang sabihin, nabigo na ang ilang jumpers sa
pagpigil sa mga jokers. Nagtagumpay na sila na guluhin ang ibang kwentong alam
niyo. Ngayon, patuloy pa rin sila sa pagkilos at mas lumalala pa! Binabago nila
ang original ideas ng mga tao at wala man lang magagawa ang mga authors at
creators dahil hindi nila malalaman!”
*sigh…*
“Tama na nga classmate…” Medyo nalulungkot ako sa
pinagsasabi niya eh. “This is too much for me to take. Hindi nga ako
nino-nosebleed sa mga subjects na pinag-aaralan natin pero sa mga pinagsasabi mo,
pinasasakit mo ulo ko.”
“Kapag walang pumigil sa mga jokers na yun, lahat ng kwento
magbabago.” Mas seryoso na siya ngayon. But this time,
medyo kalmado. Ano kayang iniisip niya? “Lets take for example, yung binabasa mo ngayon.”
“Yung Wizard’s Tale?” Ow no! Ano na namang sasabihin niya tungkol
sa kwentong yun! Humanda siya saakin! Pinaka-favorite ko pa naman yung anime na
yun!
“What if hindi na si Brylle ang makatuluyan ni Yana!” Ow
no!!! Maka-BryNa couple pa naman ako! “Pwedeng gawin ng Black Jokers na si Prince Dustin pala
ang partner ni Yana at ang magka-loveteam talaga ay si Brylle at Elysse.”
“HINDI!!! Hindi pwede yun!!!”
“What if gawing sad ending din ng Black Jokers ang kwentong
yun.”
“No!!! Ayoko nang makinig!!!”
“And you know what’s worse? Series yun diba? Paano kung maisipan
ng Black Jokers na gawing one-shot na lang ang Wizard’s Tale.”
Aish! Pigilan niyo ako!
Sasapukin ko ‘tong lalaking ‘to! Kung anu-anong pinagsasabi!
“Wala kang magagawa kapag ginawa yun ng mga Black Jokers. Unless
sumama ka saakin at mag-Anime Jumping tayo para pigilan sila.”
Maniniwala na ba ako?
Wag kalokohan lang yun.
Maniwala ka na.Please?
Hindi totoo ang mga
pinagsasabi niya! Imposible eh!
“Alam ko na, tara sumama ka saakin.”
Bigla niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad palabas.
“Oy! Close na ba tayo? Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga
ako!”
“Hindi ka maniniwala hangga’t hindi mo pa nakikita.” Too
see is to believe nga diba? “Kaya ipapakita ko sayo ang sinasabi ko.”
“Ano??? Baliw ka na talaga!” Pasalamat ‘tong
classmate ko na ito, gwapo siya! Dahil kung hindi, papalag talaga ako!
Nagpunta kami sa rooftop. He
made sure na walang tao sa lugar at kaming dalawa lang. Hindi kaya balak niya
lang akong i-harass?
“Are you ready?”
“Ready na kitang bangasan.”
Inirapan niya lang ako.
Tapos may dinukot siyang something sa bulsa ng coat niya. Singsing pala yun at
isinuot niya yun sa may middle finger niya.
Ang nakakagulat lang sa
singsing niya, biglang may lumabas na kadena! Tapos sa dulo nun, may parang
pendulum.
Alam niyo yung scene na
katulad na ginagawa ni Kurapika sa chain rings niya, parang ganun yung ginagawa
ngayon ni Enzo! Ang kaibahan lang, isang singsing at isang kadena lang ang
nako-control ni Enzo! Ang weird dahil hindi ko alam kung paano niya ginagawa
yun!
Nung madikit yung pendulum
sa sahig, bigla namang nagliwanag kaya napapikit ako. Nung pagdilat ko,
nakatayo na sa gitna ng isang magic circle si Enzo. Imagine the scene na
katulad ng sa Cardcaptor Sakura, ganun yun!
“Tara na…”
Ayoko sanang sumunod sa
kanya, kaso kusa na lang kumilos ang mga paa ko at lumapit sa kanya. Iba rin
kasi ang dating ng seryosong mukha ni classmate, uber gwapo!
Ilang sandali pa, gumalaw na
naman yung pendulum ni Enzo, tapos umikot yung magic circle na inaapakan namin
ngayon. Parang itsurang compass nga yun dahil may itinuturong direksyon.
“Heto na yun Yuki Jezryl. You’re about to know what Anime
Jumping is all about.”
And another flash of light
appeared kaya napapikit ulit ako.
=
= = = =
“Huh? Bakit ang dilim?” Nakahiga ako sa isang kama
at napabangon ako. “Nasaan na ako?” At uulitin ko lang ha… “Bakit ang
dilim naman dito!?!”
Ang naalala ko, nasa rooftop
lang ako kanina kasama si Enzo. Hindi kaya hinimatay ako or something? Ano
kayang nangyari?
Nung tumayo ako, nangapa pa
ako kasi nga nasa madilim akong kwarto. Pinilit kong hanapin yung pintuan
palabas pero pagkapa ko, napahawak na lang ako sa isang… “Bu… bu… bungo…?”
Oh wag OA! Laruang skull
lang naman! Hindi naman totoong bungo ng tao kaya hindi ako natakot. Anyway, “Nasaan na ba
talaga ako? Hindi kaya ni-drugs lang ako ng kumag na yun na hindi ko alam.” Hindi, nasa matinong state pa naman ako.
Nakakapa na ako ng doorknob
kaya binuksan ko na yung pinto. Sobrang saya ko na sana kaso parang masyadong
maliwanag naman ngayon. Nilingon ko yung kwartong pinanggalingan ko na parang
horror house yung dating, but strangely, mas gusto ko sa kwartong yun. Wag na
lang kaya akong lumabas?
Kaso kailangan ko pang
hanapin yugn tukmol na nagdala saakin sa weird na lugar na ‘to kaya lumabas na
lang din ako.
Actually maganda naman yung
hallway na nilalakaran ko ngayon. Para nga akong nasa mansion eh! Pero swear,
mas gusto ko dun sa kwartong pinanggalingan ko! Hindi naman ako mahilig ako sa
creepy things, pero basta! Hindi ko maintindihan yung nangyayari saakin!
*boooogsh!*
“Aray ko naman!” Para akong bumunggo ng
pader! Pero nung pagtingala ko, tao pala yung nakabunggo saakin.
“Jezryl?” Kilala ko ang boses na yun ha!
“Enzo! Ikaw na ba yan?” Aish! Buti nakita ko na
siya! “Kanina
pa kita hinahanap! Saang lugar ‘to? Bakit mo ako dinala dito? Siguro ni-drugs
mo ako kaya…” Natigilan ako dahil tumayo na ako at hinarap siya kaso, “Uwaaahhh!!!
Ang sakit sa mata!!! Ang liwanag mo!!!”
“Pffft…”
“Tumatawa ka ba ha? May nakatapat bang spot-light sayo? Ang
liwanag mo masyado!!!” Hindi ko siya matitigan!
“Halika…” Bigla niya akong kinaladkad ulit at
pinaharap sa salamin. “Look at yourself Jezryl. Nasa Anime World ka na ngayon…
and now that’s your character.”
Nasa Anime World na ‘to?
Isang character na ako?
Ow.
Em.
Ji.
I looked in the mirror and I
have this familiar-looking long straight black hair and a straight-across
bangs. Nakasuot pa ako ng white shirt and a red sweat pants.
Wala naman sanang problema
sa overall appearance ko. Pero ang abnormal kasi nabasag ko yung salamin dahil
may itim na aura na lumalabas saakin. Paano nangyari ‘to???
“Na… na… nasa…”
“Nasa Yamato Nadeshiko Shichi Henge tayo ngayon. At ikaw si…”
Uwaaaaaaaaaah!!!
Kamukhang-kamukha ko nga si… “Sunako Nakahara!!!”
Owemji ulit! Hindi ako basta
naka-wig lang! At oo, malayo nga ‘to sa itsura ng cosplay dahil akong-ako si
Sunako!!! No wonder na komportable ako sa pinanggalinggan kong creepy dark
place kanina!!!
“Teka, kung ako si Sunako Nakahara. Sino ka naman…?”
Ni-try ko ulit lingunin si
Enzo. Nagka-face-to-face kami at…
“Kyohei Takano, at your service!”
*Nag-nosebleed
ako. Literal!*
laftrip!!!! ang dming nbanggit n anime! lahat alam q.... XD
ReplyDeletenatawa ako dun sa cnabi ni enzo about kina bulma at vegeta! napapa-oo nga ako...... pati ung kina inuyasha! hahaha.... pero grabe ung kina sarah! pati un talagang sinama! hwahahahahahahahaha XD
naexcite na ako! sa wallflower p sila una napunta! one of my fave anime! buti n lang nauna ako dto sa blog mo ate author. ang galing mo tlga! XD
haha......nosebleed^^
ReplyDeleteang bongga! nka-anime jumping n cla! at si enzo c kyohei!!!!!!!!!!!!!!!!!! mueeeeeeeee!!!! sbrang kinikilig at naeexcite n aq tlga ate!!!!!!!
ReplyDeletenttwa pa aq ng sobra s mga palitan nla ng salita d2! ung mga exmples ni enzo about dragonball at inuyasha tas biglng princess sarah! hahhhhahhhaha! ang saya 2 d max! ka-enjoy bshin! aylabyu tlga ate aego! ur d best kya ikw ang fvorite q ehhh.
yamato nadeshiko talaga! sobrang tawa ko naman dito. sana next na agad!
ReplyDeleteyez nmn!!!!!! s ymato nadeshiko p cla una npunta! at si enzo at kyohei! gosh, nosebleed din aq jan!
ReplyDeletetotoo kaya yan.nakapunta sa anime world
ReplyDelete