I Told You 'ILoveYou' On a Piece of Paper
Written by: zheliLURVScookies
( Guizelle Bucalan )
Love has too many kinds.
For GOD.
For PARENTS.
For SIBLINGS.
For FRIENDS.
For the NATURE.
For a LOVER.
For my ONE AND ONLY.
For you, Jamilla Khym.
I am Liam Blue , a ALL AROUND LONER.
My mother and father died because of their ages.
I never asked God why. I know He has reasons. I know He
planned all of these.
He made me a LONER. He gave me challenges. He wrote me a
bitter, yet great ending.
Wanna know how this end ended great?
This is because……
Kinalimutan ko ang mga sakit na naiwan sa’kin ng pagkawala
nila Mama at Papa.
Hindi ko sinisisi ang Diyos dahil sa nangyari. Alam ko na
may plano sya para sa’kin kaya Niya hinayaan na maging mag-isa ako.
Matapos ng cremation nila Mama at Papa, nagpunta ako ng
Paris at inilibot ko ang mga labi nila.
Naalala ko pa nang mga buhay pa sila, lagi kami nagpa-plano
na pumunta ng Paris magkakasama.
Mahal na mahal ko talaga ang Mama at Papa. Ginawa ko lahat
ng paraan para lang ma-prolong ko ang buhay nila.
Nagtagumpay ako.
Pero…
…sabi nga nila, hindi lahat ng bagay ay permanente.
Katulad ng PANANDALIAN na pag-galing ni Mama.
Gumaling nga si Mama sa sakit nyang cancer pero hindi ‘rin
nagtagal ang buhay nya.
Sabi ng mga doktor, hindi naman ‘daw ayon ang dahilan ng
pagpanaw nila.
Siguro sa sobrang mahal nila Mama at Papa ang isa’t isa,
fated na sabay sila iwan ako’t ang mundo na ginagalawan na’tin??
Mama? Papa? Mahal na mahal ko po kayo! Ngayon na 3 years na
ang nakakalipas at 24 na ako, nakapagpatayo na po ako ng pinapangarap na’tin na
bakery. Nag-hire po ako ng isang magaling na chief-baker at ipina-perfect ko po
sakanya ang favorite na’tin na icecream cake.
Sobrang sarap po ng gawa nya, Mama, Papa. Sana lang po
talaga narito kayo at natitikman nyo ‘rin ang mga gawa nya. Hindi lang po ice
cream cake ‘kundi pati na’rin po ang mamon na paborito ni Mama na kainin
pangpalipas ng gutom.
Naalala ko po ang nai-kwento nyo saakin na LOVESTORY nyo.
Sobrang miss ko na po kayo. Lalo na po ‘kung si Papa ang magku-kwento sa’kin ng
mga nangyari?
Natatawa nalang po ako kapag na-aalala ko ang facial
expressions na ini-impersonate ni Papa na itsura ni Mama. Sana narito po kayo.
(Z/N: Please read po ang 1:43 PM. Story ng Mama at Papa ni
Blue 'yon. :))
= - = - = - = - = - = - = - = - = - =
Nasa bakery ako nang may pumasok na costumer. Nagtatrabaho
pa’rin kasi ako sa bakery namin kahit na ako ang may-ari nito.
Hindi ako tinuruan ng Mama at Papa na maging tamad.
‘kung wala naman ako sa bakery, nasa isa akong meeting, nasa
isang business trip, o ano naman kaya ay personal na na dahilan.
May pumasok na isang lalaki at bumili ng isang icecream
cake.
Naalala ko nanaman tuloy ang mga yumao kong mga magulang.
Ano nga kaya ang plano ng Panginoon sa’kin at naging mag-isa
ako sa buhay? May itinadhana ba sya’ng isang taong mag-kukumpleto ng nag-kulang
na buhay ko, mula ng mawala sila Mama at Papa sa’kin?
Natapos ang araw at nasa bahay na ako. Nasa veranda ako ng
kwarto ko nang may isang malakas na hangin ang dumampi sa buong katawan ko.
“Miss ko na ‘rin po kayo, Mama, Papa.” Nasabi ko sa hangin.
Lagi nila sinasabi saakin noon na lagi nila akong
babantayan. Naalala ko pa ang laging sinasabi ng Mama sa tuwing aalis sya at
maiiwan ako mag-isa sa kwarto ko na gumagawa ng mga takdang-aralin at ang Papa
naman ay nasa trabaho.
“Anak, aalis ulit ang Mama. Lagi mo tatandaan na kahit wala
ang Mama sa tabi mo, hangga’t may hangin, apoy, at tubig ka na nakikita at
nararamdaman, kasama mo ako. Hindi ‘man sa tabi mo, pero sa puso mo. Hangga’t
walang katapusan ang kalsada sa h-way, lagi lang nasa puso mo ang Mama. I love
you Blue.”
Naupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy sa veranda ko. Ang
lamig ng hangin, inaantok ako.
“Magandang umaga.” Bati ko sa kalikasan na bumungad sa
pagdilat ng mga mata ko.
Ngayong araw ay lilipad ako ng Paris para sa bisita ko kayla
Mama at Papa. Aniverssary kasi nila bukas, at lagi namin sine-celebrate ang
araw na ito na magkakasama.
Naligo ako at ginawa ang mga dapat ko gawin. Inihanda ko
na’rin ang maleta ko para sa pag-alis ko. Balak ko kasi na mag-stay muna sa
Paris ng isang Linggo.
Pahinga.
Gusto ko ng pahinga at makasama ang Mama at Papa.
Matapos ang ilang oras na byahe papunta ng Paris ay
nakarating na ‘rin ako. Gustuhin ko ‘man na dalawin agad ang Mama at Papa sa
pinagsabuyan ko ng kanilang mga labi, hindi ko na nagawa dahil sa pagod. Inisip
ko nalang na maiintindihan naman ako ng Mama at Papa. Hindi naman ako mawawala
bukas para sa anibersaryo nila.
Nakatulog ako ulit at nagising na may kumakatok na room
service.
“Ang aga naman.” Nasambit ko sa sarili ko pagkabangon sa
higaan.
Binuksan ko ang pinto at
pinapasok ang lalaki para sa room service. Iniwan ko sya ‘dun at
nagmadali na maligo.
Hindi ko napansin, tanghali na pala.
^______________^
Akala ko’y maaga pa. Nag-reklamo pa ako na ang aga ng room
service, nagkamali ako.
Dali-dali akong lumabas at namasahe papunta sa puntod ng
Mama at Papa.
“Good afternoon Mama, Papa.” Bulong ko sa hangin.
Tinitigan ko ang isang malawak na dagat at pinanuod ang mga
ibon na nagliliparan.
May dala akong icecream cake at 3ng sprite-in-can. Ito ang
gawi namin ng Mama at Papa sa tuwing dadaan ang araw na ito. Kumain ng icecream
cake at uminom ng sprite bilang panulak.
Nami-miss ko na kayo Mama, Papa.
Kinausap ko lang sila at nag-kwento ako ng mga nangyari
sa’kin sa buong taon. May dala ako laging notebook sa tuwing dadalaw ako kayla
Mama at Papa. Dito nakasulat ang bawat mahahalaga at memorable na nangyari sa
buong taon ko. Ikinu-kwento ko sa kanila ang lahat kapag dumadating ang araw na
ito. Bukod kasi sa pasko at birthdays namin, ito lang ang araw na nagkakasama
kaming tatlo. Ang anibersaryo nila.
“Kaylan ba ako magkakaroon ng ka-anibersaryo, Mama? Papa?”
natanong ko sa hangin.
Humangin ng malakas.
“Alam ko na naiinip na kayo, Mama, Papa.”
“Alam ko po na gusto nyo na magka-apo.” Natawa ako sa nasabi
ko.
“Pwera biro, gusto nyo na nga po ba? ‘kung oo, hahangin
muli’t may papatak na tubig sa mukha ko kahit hindi umuulan, at ‘kung hindi
naman, ‘edi wala. Kayo na lamang po ang mamahalin ko.” Mukha ‘man akong baliw,
ngunit natatawa talaga ako sa mga isipan na pumapasok sa isip ko’t ibinibigkas
ng bibig ko.
NR. No response.
Natawa akong muli.
“Selfish talaga ng Mama at Papa.” Pabiro ‘kong bulong sa
hangin.
“Sige po, Mama, Papa. Mauuna na po ako. Kakain po ako ng
matinong pagkain. Hahaha.” Pagbibiro ‘kong muli.
Naglakad ako patungong kalsada. Habang naglalakad, may
madaraanan akong isang parang mini park. May nahagip ang mga mata ko na
nag-iisang babae na nakayuko at sa tingin ko ay umiiyak.
Hindi ko napigilan ang pagiging Pilipino ko at nilapitan
sya. Tumabi ako sa kinau-upuan nya at nagsalita.
“Need this?” sabi ko sa kanya at itinapat ko sa uluhan nya
ang panyo ko. Alam ko na kapag angat nya ng mukha nya ay makikita nya ang panyo
ko.
Tama nga ang hinala ko. Nag-angat sya ng ulo nya. Nakita nya
ang panyo ko at tumingin sa’kin.
Humangin ng malakas na tila pati ang panyo na inaalok ko sa
babae ay liliparin na ngunit, dahil hawak ko ito, napigilan ko ang pagkawala
nito sa kamay ko.
May isang patak ng tubig akong naramdaman na dumampi sa
mukha ko.
Napaisip ako.
‘Ito na ba ang sagot nyo, Mama, Papa?’
Pinalis ko ang nasaki’ng isip at ibinalik ang alalahanin sa
babaeng nasa tabi ko.
“Who are you?” tanong niya sa akin.
“I am… uhhh—just call me Blue.” Sagot ko sa kanya.
Tumingin sya sa panyo ko at narinig ko syang bumulong.
“Pinagti-tripan ata ako ng taong ‘to eh.” Nangiti ako.
Siguro akala nya ay binibiro ko sya dahil kulay asul ang panyo ko na inaabot
sakanya.
“Hindi kita pinagti-trip-an. Inaalok lang naman kita ng
panyo, ‘kung ayaw mo naman ay ok lang.”
Mukha naman syang nagulat sa narinig nyang sabi ko. Hindi
nya siguro akalain na Pilipino ako.
“P-pilipino ka?” gaya nga ng sabi ko, hindi nya nga inakala.
Nginitian ko lang sya. Mukha naman na nakuha nya ang gusto
ko iparating.
Ibabalik ko na sana ang ppanyo sa loob ng tuxedo ko nang
ikinagulat kong bawiin niya ang braso ko. Kinuha nya ang panyo ko at tumingin
ng diretsyo sa mata ko.
*DUG DUG. DUG DUG*
Ang ganda ng mga mata nya.
“Salamat dito uhh? Mukha ba akong baliw na umiiyak dito?”
tanong niya sa’kin at tumalikod.
Nag-punas sya ng luha at suminga.
=_________________=
Kahit na tumalikod sya sa’kin, nabastusan pa’rin ako.
Bakit?
Ibalik ba naman sa’kin ang panyo?
“Haha… sayo na ‘yan.” Sabi ko sakanya at tumayo na. “Ibalik
mo nalang ‘kung sakaling magkita pa tayo.” Dagdag ko.
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad ng muli patungo ng
kalsada.
Habang naglalakad, umulit ang mga nangyari kanina.
Humangin ng malakas at may naramdaman akong dumampi sa mukha
ko. TUBIG.
‘Mama… Papa… ano ba ibig sabihin nito?’
Namasahe ako papunta ng isang restaurant at kumain ng
hapunan. Nabusog naman ako at napag-isipan ng umuwi.
Isang anibersaryo nanaman ang lumipas na hindi ko kasama ang
Mama at Papa. Kaylan kaya ako babalik sa lugar ‘yon ng may mga kasama na?
Nangingiti nanaman ako sa mga naiisip ko. Siguro ay pagod
lang ito.
Ipinikit ko muli ang aking mata pero napamulat akong muli.
Nakita ko ang mga mata nya na nakatitig sa mata ko.
Napabangon ako sa mga imahe na nakita ko.
“Errrr- ano ‘yun?!” natanong ko sa sarili ko.
Natulog ako matapos ng ilang beses na pag-ikot sa kama ng
hotel at nakahanap ng antok.
Pagkagising ko ay bumaba ako patungo sa lobby. May
magpapa-book sana ako ng ‘mas matagal pa sa hotel ‘to.
SANA.
Naisip ko kasi na hanapin ‘yung babae na nakita ko kahapon.
Tutal, may basbas na naman ng Mama at Papa, sya na nga siguro ang babae na
kukumplneto ng naiwang kulang-kulang na buhay ko mula ng mawala ang Mama at
Papa.
SANA.
Hindi ko na itinuloy ang pagpapa-book dahil bigla nalang may
sumagi sa isip ko na makikita ko sya ulit. Hindi ko alam, pero naramdaman ko.
Naramdaman ko na tutulungan ako ng Mama at Papa. Naniniwala
ako.
Bakit pa nga ba nila ipinaramdam sa’kin na siya na nga,
‘kung pahihirapan ‘rin naman pala nila ako?
Kaya lumabas ako at nag-gala sa mga sikat na lugar dito sa
Paris.
Saan na ako pupunta? Hindi ko na alam…
Mama? Papa? Tulong. Kaylangan ko ng guide nyo.
Nakita ko nalang ang sarili ko na pumapasok sa isang coffee
shop.
‘Ano naman nangyari sa paa ko at napadpad ako ‘rito?’
Naka-upo na ako sa isang pang-couple na seat nang masagot
ang mga tanong sa isipan ko.
Nakita ko ‘yung babae kahapon na nagse-serve ng kape sa ‘d
naman kalayuan na table sa’kin.
Napangiti ako.
Ngiting tagumpay.
Nagkunwari ako na hindi ko sya nakikilala nang pagdalhan nya
‘rin ako ng order ko dito sa table ko. Nakakapag-takang hindi nya ‘rin ata ako
nakikilala.
Disappointed.
Na-disappoint ako sa isipang hindi ako magtatagumpay sa
plano kong makilala sya.
Una sa lahat, hindi nya ako nakilala.Pangal—
“Hindi ba ikaw si Blue?” tanong niya sa’kin. Napangiti ako.
Dumaan kasi uli sya sa may table ko. Nag-serve sya table malapit
sa’kin.
Ngumiti lang ako sakanya.
“Ayan ang dahilan ‘kung bakit kita naalala at namukhaan.”
Lalo ako nangiti sa sinabi nya.
“Pwede ka ba mailabas? Ha-ha… hindi naman sa mabilis ako.
Gusto lang kita makilala ng lubos. ‘wag ka mag-alala. Friendly date.”
Matapos ko sya makitang tumango at ngumiti, ini-consider ko
na ‘yon na isang oo kaya naman hinintay ko sya.
Matapos ng isa at kalahating oras, natapos ang trabaho nya.
‘Mama, Papa… ayan uhh?? Nag-effort ako na hintayin sya. 1
point na ba ako?’
Nangiti ako sa pag-iisip na namuo sa isip ko. Nakangiti
tuloy ako nang magtama ang mga mata namin. Baka isipin nya, baliw ako.
Minus 5 points agad ‘yun.
>_____<
“Sorry ‘kung naghintay ka ng matagal. Hindi ko akalain na
ililipat sa’kin ‘yung O—“ hindi ko na sya pinatapos pa.
“H-hinde. Ayos lang. Masarap naman ang mga sweets nyo ‘rito
eh.”
Ngumiti sya sa’kin. Ibig sabihin, hindi nya na kaylangan pa
mag-explain.
“May plano ka ba sa araw na ‘to? Hindi ko naman siguro
nai-istorbo at naa-agawan ang mga importanteng lakad mo?” tanong ko sakanya.
“Uhhh—actually, hahanapin nga dapat kita eh.”
Napa-angat ang ulo ko’t napatingin sakanya mula sa
pagkakatitig sa kalsadang nilalakaran ko.
“H-hahanapin mo dapat ako?” hindi ko makapaniwalang tanong.
“O-oo eeh. Eto kasi.” Sabi nya at may dinukot sa bulsa nya.
‘yung panyo ko.
“A-ahhh… oo!! ‘yung panyo ko. Hahaha~~”
“Salamat nga pala dyan.” Sabi nya.
“Eto?” itinaas ko ‘yung panyo ko. “Walang anuman. Wala
‘yun.” Baling ko muli sa kalsada.
“Saan nga pala tayo pupunta ngayon?” tanong nya.
“Sa totoo lang, wala akong balak. Nakita lang ‘rin kasi kita
kanina, kaya naisipan kita yayain.” Paliwanag ko sa kanya.
“Alam ko na.” nagulat ako nang hatakin nya ang mga braso ko.
“Akyatin na’tin ‘yan!” sabi nya sa’kin habang nakatingala.
“Sigurado ka?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Gusto ko kasi akyatin ‘yan, matagal na… wala lang
talaga ako kasama.” Paliwanag nya.
Mukha naman na diterminado talaga sya na akyatin ang puno na
‘to. Hindi ko maintindihan ‘kung bakit, pero natutuwa ako sa kanya.
Malaki ‘yung puno, oo.
Mukha syang malalagyan ng tree house sa loob. Sa tingin ko,
‘kung mauna ‘man sya na umakyat sa puno na ‘to at mahuli ako, hindi kami
magkakakitaan sa loob. OA ba? Pero totoo.
“Mauna ka na para maalalayan kita.” Suhestyon ko.
Tumango nlang sya at pumorma na para umakyat ng puno.
Hindi na naman nya kaylangan ng tulong ko. Ang galing nya
nga umakyat eh. Saan kaya ang probinsya nito? Siguro, laking probinsya ‘to at
batang kalye. Ang galing kasi nya umakyat ng puno.
Naka-akyat na ‘rin ako ng puno at umupo sa isang sanga. Nasa
loob na kami ng puno kaya mataas na ‘rin kami. Ang ganda ng tanawin at ang
sarap ng hangin. Ang sarap matulog. Nakakatanggal ng pagod.
“Ang ganda rito ‘no?” basag nya sa katahimikan.
Tatango na lang sana ako kaso naalala ko na magkatalikuran
nga pala kami—kaya sumagot nalang ako.
“Oo. Nakakatanggal ng stress at pagod. Paano mo nalaman ng
puno na ‘to?” tanong ko sakanya.
“Bata palang ako, nakikita ko na ang puno na ‘to—I mean, 15
years old uhh?? Baka kasi magtaka ka ‘kung bakit bihasa pa’rin ako sa tagalog.”
Nangiti naman ako. Wala syang ilang-ilang ‘kung makasagot sa’kin.
“Ganun ba? Bakit kayo nag-migrate sa Paris?”
“Nag-asawa kasi ng iba ang Mommy ko. Pero namatay sya, kaya
naman naisipan lisanin ni Daddy ang Pilipinas. Masyado sya nasaktan sa pag-alis
ni Mommy. Ewan ko nga ‘kung bakit dito nya naisipan?”
“Una, wala naman kami kamag-anak sa lugar na ‘to. Pangalawa,
hindi ko alam ‘kung saan sya nakakuha ng ganun kalaking pera para mai-migrate
kaming dalawang magkapatid.”
“Hahahahaha…”
Na-disturbed ako sa tawa nya. Bakit bigla nalang tumatawa
‘to?
“Na-alala ko lang. Hindi mo pa nga pala alam ang pangalan
ko. Ang daldal ko talaga.”
“Hahahahahaha~~” natawa ako sa pag-iisip na tama nga sya.
“Oo nga ano? Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong ko sakanya.
“Hahahaha… ako nga pala si Jam! Jamilla Khym.” Naramdaman ko
na kumilos sya. Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na pala sya. “Jamilla
K-H-Y-M!” iniabot nya ang kamay nya sa’kin. “Nice knowing you?—“ bitin niya.
Ini-abot ko ang kamay nya at nag-shake hands kami habang
sinasabi ko ang pangalan ko. “Liam Blue.”
Napa-squint sya sa narinig nya. “Bakit? Panget ba ang BLUE
bilang pangalan?” tanong ko sakanya habang tumatawa.
“Akala ko ‘nung una, binibiro mo lang talaga ako na Blue ang
pangalan mo.” Sabi nya
“Hahaha~~ h-hinde. Blue talaga ang pangalan ko.”
Nagkibit-balikat sya. “Well… nice meeting you, Liam.”
“Liam… hahaha~~” natatawa lang ako.
Isa lang kasi ang tumatawag—o tumawag, sa’kin ng Liam. At
ngayon, hindi ko pa’rin sya nakikita hanggang ngayon. Nasaan na kaya ang batang
‘yon? Baka hindi ko na sya makita. Baka kapag nagkita kami, kasal na ‘ko.
“Saan ka nga pala sa Pilipinas?” pag-iiba nya ng topic.
“Sa ***** ako.” Napalingon sya sa sinabi ko.
“T-talaga? Kamusta na ang *****??”
“wag mo sabihin sa’kin na taga ***** ka ‘rin?” tanong ‘rin
ang isinagot ko sa kanya.
“Hindi ko sasabihin dahil halata na naman.” Kibit-balikat
nya’ng sagot sa akin.
“Hahahaha~~! Ano ba ‘yan? Sino ka bang talaga? Bakit kaya
tayo pinagtagpo?” nasabi ko bigla.
Napa-kibit-balikat ulit sya at muling nagtanong. “Kamusta na
ang *****?”
“Ayos naman. Malinis pa’rin. Nagkaka-isa pa’rin ang mga tao.
Tahimik.”
Tango lang sya ng tango sa mga sinasabi ko sa kanya.
Nag-usap lang kami tungkol sa Pilipinas at ng nakakaramdam
na sya ng pagtawag ng bahay nila, naghiwalay na kami matapos magpalitan ng mga
numero.
Hindi na kami nagkita sa mga sumunod na araw.
Natuloy ko na ‘rin ang pagpapa-book ng isang buwan dito sa
Paris.
Ngayon, hindi na sa kadahilanang baka hindi ko sya makita
agad, ‘kundi…
…dahil nakita ko na sya.
Nagkalapit ang loob namin sa mga sumunod na Linggo at dahil
na ‘rin sa sobrang lapit na ‘yon, gumawa ako ng move.
“Oo. Oo, Liam. Pumapayag ako na maging girlfriend mo.”
Napatayo ako sa pagkaka-luhod ko ng marinig ko ang sagot
nya. Nayakap ko sya sa sobrang tuwa.
“Maraming salamat, Jam. Hinding hindi kita bibiguin. Babalik
lang ako sa Pilipinas para ayusin ang papeles ko at dito na ‘rin ako
titira—para makasama na kita.”
Ngumiti sya sa’kin at nagsabing, “Take your time, Liam.
Marami pa tayong panahon.”
Natawa naman ako sa sinabi nya. Nagbiro na lang ako.
“Ang tanda na kaya na’tin. 24?”
“Hahahaha~~! Ikaw talaga.” Hinampas nya ako sa balikat.
Nagkatitigan kami sa mata at nag-yakap.
Dumating ang araw na kaylangan ko na bumalik ng Pilipinas.
Hindi na kami nagkita pa bago umalis ng Paris. May mga huling salita lang syang
ipinabaon at sinabi sa’kin na nagpa-panatag ng loob ko.
“Iisipin ko nalang na narito ka pa sa Paris. Kunwari’y hindi
ka lang nakakadalawa sa’kin kasi busy ka. Basta ‘wag mo kakalimutan na mahal
kita, Liam.”
Kaya ito ako ngayon, nakangiting naka-uwi sa Pilipinas.
Wala akong sinayang na panahon at nilakad ko agad ang
pagma-migrate ko sa Paris. Tungkol naman sa baker na maiiwan ko ‘rito, iiwan ko
sya ng panandalian at ililipat sa Paris. Ililipat ko ang Main Branch sa Paris.
Magiging another branch na lamang ang tunay na main branch sa Pilipinas.
Matapos ng mga buwan na paglalakad ng pagma-migrate ko sa
Paris, bumalik ako at nagkita kami ni Jam.
Walang araw at panahon akong sinayang para ipakita sa kanya
ang pagmamahal ko. Gaya nga ng sabi ng Mama sa’kin, “Kahit hindi mo na sabihin,
Anak. Alam ko na mahal na mahal mo ang Mama.”
Ganuon ‘rin ang nangyari sa amin ni Jam.
‘kung tatanungin nyo mismo sya ‘kung ilang beses ko na sya
sinabihan ng ‘mahal ko sya’ o ‘I love you’, mabibigo lamang kayo sa
pag-aakalang maraming beses na. Dahil sa loob ng dalawang taon na pagiging
magnobyo’t nobya namin, hindi ‘ni kailanman ko sya sinabihan na mahal ko sya.
Ang tanging sinabi ko lang ay…
“I DO.”
Ikinasal kami last year.
Masaya ako kasi wala na akong mahihiling pa dahil gaya ng
inakala ko, mabubuo nya nga ang naging kulang-kulang na buhay ko mula ng
mamatay ay Mama at Papa.
Masaya ako kasi sa tuwing anibersayo ng Mama at Papa, may
kasama na ako kumausap sakanila, kasabay kumain ng icecream cake at uminom ng
sprite sa tabi ng dagat.
Masaya ako kasi hindi lang sa tuwing anibersaryo lang ng
Mama at Papa at birthdays namin ako nadadalaw sakanila 'kundi sa anibersaryo na
'rin namin ni Jam. Tatlo 'yon. Ang amin, kinasal kami at birthday ni Jam.
Nakita ko na 'rin ang ama nya at ok naman kami.
Nailipat ko na 'rin ang Main Branch ng bakery namin dito sa
Paris. Ang sa Pilipinas naman ay pinagagalaw ko pa'rin sa pamamagitan ng apo ni
Aling Llena na dating paboritong bilan nila Mama at Papa ng icecream cake nang
mga buhay pa sila.
All things are settled down.
Isa nalang ang hindi ko pa nasasagot sa lahat ng aking mga
katanungan.
"Nasaan na kaya 'yung batang tumatawag sa'kin ng Liam
dati?" napatingin sa gawi ko si Jam; misis ko.
"Bakit, Mahal?" tanong nya sa'kin. "Sinong
bata?" tanong nya ulit.
"Wala... hahahah~~!" ngumiti ako sakanya at
hinalikan sya. Sinunod ko naman ang babay namin na 4 na buwan sa sinapupunan
nya.
"Hi Baby. Antagal mo naman lumabas, tuturuan ka ni Papa
na tumugtog nga piano eeh. Ikaw ang pinaka-una na estudyante ng Papa."
kinakausap ko ang tiyan ni Jam.
"Ikaw talaga, Mahal. Hahahaha~~! Halika nga rito.
Pa-kiss." ini-angat ko ang ulo ko at hinalikan ko sya.
"Mama, pupwede ba ako makahiram ng ID mo? Kaylangan ko
kasi kukuha kita ng membership sa isang club."
May club kasi na nabuo at nahagip ng mata ko 'rito sa Paris.
Club para sa mga first baby. Natutuwa nga ako kasi may mga exercise sila para
hindi nai-stress ang mga buntis.
"Sure. Kuhanin mo nalang sa wallet ko."
"Okay."
Inabot ko 'yung wallet nya sa side table ng kama namin at
hinanap 'yung ID nya.
"Mama, 'yung ID 'nung nagtatrabaho ka pa sa Cafe ang
gusto ko. Ang ganda-ganda mo 'ron eh."
"Sa mga ila-ilalim. Baka nandyan 'yun. Hindi na naman
kasi gamitin ang ID na 'yun. Hanapin mo nalang dyaan."
Hinahanap ko 'yung ID nya nang may nalaglag.
Nagulat ako ng makita ko 'yun.
"M-mama, s-sayo ba 'to?" nanalalaki ang mga mata
kong tanong sakanya.
"Oooops. Bakit nasayo 'yan? Hahahaha... wala 'yan,
big-" hindi ko sya pinatapos.
"Ayan ang pinaka-una na 'ILOVEYOU' ko sa ibang tao.
Sinulat ko 'yan sa isang piraso ng papel. Paano napunta sayo 'yan?"
Nagkalakihan kami ng mata at sabay na napaturo sa isa't isa.
"Batang lampa?/Babaeng bully?" - Jam/ako
"Ikaw 'yon?" sabay kami.
"HAHAHAHAHA~~~!" natawa nalang ako sa conclusion
na namuo sa utak ko.
"Buti pa ang batang bully na 'yon, sinabihan mo ng
'ILOVEYOU'!"
"Actions speaks louder than words, Mama. Don't worry. Ayaw mo 'non?? I TOLD YOU 'ILOVEYOU' ON A PIECE OF PAPER?"
"At least, natago mo pa at kumpleto na ang mga
katanungan ko sa isip."
huhu.. nakaka inspired ito..
ReplyDeletesalamat sa pag-appreciate at pagbabasa. ;))
Deletewow! this is so sweet! the ending is really nice! and over all good story! na-enjoy ko basahin, sobra!
ReplyDeletesalamat po ^^,) ♥
Deletesarap ma-inlove.. destiny and fate, wow!!
ReplyDeletehihi. y-yeah :3
Deletenpakagandang story po... sobrng kinilig aq s ending.. isa k po s mga inspiring authors d2 n gus2 q tlga ung story. gling!
ReplyDeleteuwaaaah~ nahiya naman ako. ahiii.
Deletes-salamat! *shy*
Ay, nawala po sa isip ko yung title XD nadala ako ng story HAHAHA. Ganda po! Niceeee.
ReplyDelete~AnnaBanana