Friday, April 6, 2012

So Near,Yet So Far : Chapter 35

"hindi nga,hindi naman talaga ako
yung nagpapadala ng bulaklak sayo e"
sagot ni Jervie


"ha? teka naguguluhan ako,
sabi mo ikaw may gawa lahat nito?" tanung ko .


"ou, ako nga may gawa nyan,
kami ni antonette yung nag ayos ng lugar nito,
pero ang may pasimuno talaga nito,
yung lalaking nagbibigay sayo ng mga bulaklak,
yung lalaking gustong makipagkita sayo,
andun nga siya e, andun siya sa favorite bench mo,
puntahan mo na siya, kanina ka pa nya iniintay, " sagot nya .




ang lakas ng kaba ng dibdib ko
habang papalapit ako . 
may lalaking nakaupo sa bench, 
siya na siguro yun,
nakatalikod siya, 
pero kahit nakatalikod siya alam ko kung sino siya .. 
alam ko na kung sino siya .. 




"andito ka na pala, kanina pa kita hinihintay e,
akala ko kasi hindi ka pupunta kaya humingi ako ng tulong kina antonette,
nahirapan pa nga akong kumbinsihin sila e,
ou nga pala flowers for you, white roses sign na malinis yung hangarin ko sayo,
at totoo yung nararamdaman ko para sayo.." sabi nya sabay abot ng bulaklak ..


"Rain .." sabi ko , tapos biglang tumulo yung mga luha ko ..


"audryne, mahal na mahal na mahal kita,
totoo yun, hindi ako nagsisinungaling, sana naman maniwala ka,
pangako lahat gagawin ko mapatawad at maniwala ka lang sa akin.
hindi ko maipapangakong hindi ka na masasaktan sa piling ko,
pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging masaya ka sa akin..
audryne, i Love you, do you still love me?" tanung nya, tapos hinwakan nya yung mga kamay ko .


"Rain, kahit kelan hindi ka nawala sa isip ko, lalo na sa puso ko,
 pinilit kitang kalimutan pero hindi ko magawa,
kahit kelan hindi nawala yung pagmamahal ko para sayo ..
i still love you Rain, "




tapos niyakap nya ako ng mahigpit .. 
tapos nagulat ako kasi may mga fireworks pa pala siyang hinanda.. 




after nun, may mga lalaking dumating, 
mga nagviviolin, 
tapos sinayaw nya ako. 
akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yung ganito karomantic na scene .. 
may nagviviolin tapos nagsasaway kami ng sweet dance.. 
pakiramdam ko tumigil bigla yung oras.. 
nawala yung mga tumutugtog at parang kaming dalawa lang yung nandun .. 
ang saya .. 


tapos mayamaya,. biglang bumuhos yung ulan .. 
nagtakbuhan yung iba para sumilong .. 




"parang ganito lang din yung dati no?" sabi nya .


"ou nga e.." sabi ko ..




tapos tinitigan nya ako sa mata .. 
tapos unti unting lumapit yung mukha nya sa mukha ko .. 
tapos hinalikan nya ako ..
ang bilis ng tibok ng puso ko.. 
tapos parang ang init ng mga pisngi ko .. 
sobrang saya ko nun .. 
tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit .. 


siguro yun na talaga yung masasabi kong pinakamasayang araw sa buhay ko .. 
dahil nalaman kong yung taong mahal ko, mahal na mahal din ako .. 









1 comment:

  1. uwaaaaahhhhhhh!!! i'm so happy!!!
    si rain pala! woot~
    akala ko talaga si jervs na!
    buti naman at may ginawa ka na rain!

    wag mo na ulit sasaktan si audryne dahil kung hindi, si jervs na talaga ang susuportahan ko!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^