CHAPTER SEVEN
“Alam mo Ate kung nakaka-butas ng pader yang ganyang tingin, malaman Ate wala na tayong bahay ngayon. Saka Ate tingnan mo yung butas ng ilong mo, parang any moment lalabasan na yan ng apoy. Ano ba kasing nangyari Ate, si Kuya Ley na naman ba?”
Si Kuya Ley naman kasi, lagi na lang iniinis ang Ate ko lalo tuloy gumaganda ang maganda ko ng Ate. Si Ate rin naman kasi, isa sya sa mga nakaka-pikon kung mang-inis dito sa barangay namin tapos dito lang kay Kuya Ley wala na syang masabi. Saka parang gusto ko ng maniwala tuloy dun sa sinasabi nung mga classmates ko kapag inaaway ko si Julian na ‘the more you hate, the more you love’. Pero hindi yun applicable sa amin ni Julian ha, hate ko talaga ang lalake na yon!
“Isa ka pa Chay, wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko. Wag na wag mong mabanggit-banggit ang pangalan nung lalake na yon dito sa bahay natin, kumukulo lalo ang dugo ko sa katawan.” Ano ba kasi talaga ang problema ni Ate Cha at ni Kuya Leys a isa’t-isa? Kasi wala naman akong makitang dahilan para magalit sila sa isa’t-isa! “Kapag kumatok ang lalake na yon dito, wag na wag mong papapasukin dito.”
“Eh bakit, diba tinutulungan mo sya saka boyfriend mo sya diba?”
Dahil dun sa sinabi ko, tuluyan ng nilabasan ng apoy ang ilong ni Ate Cha, hihihi! Ang cute talaga ng Ate ko kapag nagagalit ng sobra, tinalo pa ang kamatis sa sobrang pula ng buong muka nya.
“At saan mo naman napulot ang masamang balita na yan, ha Charise? Diba ang sabi ko sayo wag ka ng pupunta sa labasan?”
Hindi naman talaga ako pumunta ng labasan, siguro naman hindi ko kasalanan na talagang lapitin ako ng mga kwento kahit na nine years old pa lang ako, lalo na kung ganito ako ka-lakas maka-inis. “Ate naman, sino ba ang kaibigan mo na walang ibang alam gawin kundi ang rumonda dito sa buong barangay at pati na rin sa kabilang barangay para lang maka-sagap ng chismis? Tinalo pa nga nya ang isang tunay na barangay tanod sa dalas mag-ronda.” Alam kong kilala nyo kung sino ang tinutukoy ko, hahaha!
“Wag kang maniniwala sa kahit na anong sabihin ni Carlo tungkol sa akin!”
“So Ate hindi ako maniniwala sa kanya nung sinabi nya na ang bait mo, maganda ka, masarap magluto at kung ano-ano pang magagandang katangian?”
“Hindi lahat ng sinasabi ng isang tao pinaniniwalaan agad, lalo na kung alam mo naman ang totoo.”
Ang labo din kausap nitong si Ate kung minsan, hay ang mga inlove talaga naman. “Ate may bisita ka oh yung boyfriend mo, hi Kuya Ley.” Napaka-galing din ta-timing nitong si Kuya eh, sana nga sya na lang talaga makatuluyan ng Ate ko.
“Ano na naman ang ginagawa mo ditong lalake ka, nakakuha mo na yung kotse mo diba? Bakit bumalik-balik ka pa dito?”
Hindi naman pinansin ni Kuya yung mga litanyang patanong ni Ate at ako ang hinarap ni Kuya Ley. “Chay, kain tayo sa labas libre kita nagugutom ako eh.” Huwaw naman, bigtime! Sana sya na lang talaga ang maka-tuluyan ng Ate Charlene ko siguradong hindi ko na ulit mararanasan ang magutom.
Hinila naman ako palayo ni Ate kay Kuya Ley, hay nako ang epal ng Ate ko minsan na nga lang may manlibre sa akin sumisingit pa. “Dito ka lang Chay, wag kang sasama sa lalake na yan at baka kung ano na naman ang chismis na kumalat dito!”
“Bakit ba galit na galit ka sa akin, ano bang ginawa ko sayo?” oo nga naman kasi Ate, ano nga ba kasi ang ginawa sayo ni Kuya Pogi?
Bumaba na yung dugo ni Ate kanina eh, pero heto na naman at pumunta lahat sa muka niya, at isa lang ang ibig sabihin nun galit talaga sya. Hahaha!!! Hello World War Three!!!
“Gusto mong isa-isahin ko pa LAHAT ng ginawa mong hindi maganda sa akin simula pa kagabi? Maupo ka muna at baka mangalay yang mga binti mo!” at dahil pinalaki naman ako ni Mama at Papa na masunurin, pati na rin ng Ate ko eh umupo na rin ako, tabi kami ni Kuya Ley.
Hindi naman napansin ni Ate na nakikinig din ako sa mga problema nya kay Kuya Ley, galit kasi sya ee. “Una, hiningan mo ako ng tulong dahilan para hindi ako makapasok sa evening job ko sa isang bistro. Ok lang naman sana kung ikaw na tinulungan ko eh hindi pa dinaig ang hurricane sa lakas ng hangin na naka-imbak jan sa katawan mo. Para simpleng thank you lang hindi mo masabi dun sa taong tumulong sayo.” Kasalanan naman pala talaga ni Kuya Ley kung bakit mala-bulkan na sumabog si Ate. “Tapos binigyan mo pa ako ng bagong pangalan out of nowhere.” Ay ano kaya yung binigay na pangalan ni Kuya Ley kay Ate?
“Bakit, maganda naman yung binigay ko sayong bagong pangalan ah? Bagay na bagay nga dun sa gagawin ko kapag hindi ka pa rin naging mabait sa akin, Ms. Sue!”
Ms. Sue? As in Ms. Sungit? Whahahaha!!! Ayos talaga tong si Kuya Ley, kaya lang hindi naman talaga masungit ang Ate ko. Pero bakit pagdating dito kay Kuya ang sungit nga nya?
“Ayan pa yang isang issue mo na idedemanda mo ako for a criminal case of rape!” huwat??? Kakasuhan nitong si Kuya ang Ate ko dahil sa kaso na rape?
“Ni-rape mo sya Ate? Ate bata ka pa rin naman saka joke lang naman yung sinabi ko sayo dati na tatanda kang dalaga, bakit mo ginawa yon?” sinasabihan ko kasi si Ate na baka tumandang dalaga sya kasi ayaw pa rin nyang mag-boyfriend tapos ang sungit-sungit pa nya kapag nagkakaron sya ng period. “Ginawa mo ba talaga yon Ate? Kuya Ley, bakla ka ba?” eh kasi naman sa ganda at sexy ng Ate ko hindi man lang sya nabighani, bakla lang ang hindi magkaka-gusto sa magandang Ate ko!
“Chay hindi ako bakla, lalake ako at walang duda doon.”
“Eh bakit kakasuhan mo ang Ate ko ng rape? Sabi mo hindi ka bakla, baka naman may tama na yang utak mo!”
Eh kasi naman diba, kahit yata sinong normal na lalake eh magkaka-gusto o hahanga sa Ate ko pero ang isang to hindi ee. Kaya alin lang talaga sa bakla sya o kaya naman may tama na talaga yung utak nya. Hindi naman sa nagyayabang ako o kaya naman binubuhat ko yung bangko ng Ate ko, pero talaga naman maganda, sexy, mabait at matalino ang Ate ko, masungit nga lang.
“Pumasok ka na Chay sa kwarto mo at mag-aral ka na lang doon.”
“Eh Ate naman ee, nag-uusap pa kami ni Kuya Ley eh.” Marami pa akong gustong itanong sa kanya eh, marami pa akong gusting i-confirm sa kanya.
Nilapitan ako ni Ate at ng hihilahin na nya ako papasok ng kwarto ko eh yumakap ako kay Kuya Ley, tingnan ko lang kung kaya pa rin akong hilahin ng Ate ko, hahaha! “Wag mong pilitin si Chay kung ayaw pa nyang pumasok sa kwarto nya para mag-aral saka weekend naman ngayon kaya pwede syang mag-petiks muna.” Naman Kuya, may tama ka talaga!
“Pwede ba wag kang makelam sa aming mag-kapatid, lumayas ka na nga sa bahay namin kung ayaw mong ipa-barangay pa kita.” OA din minsan tong si Ate eh, hindi ba nya alam na malaking tulong ang pwedeng maibigay sa amin nitong tinatawag nyang pakelamero?
“Ate, pwede ba na dito muna tumira si Kuya habang nasa bakasyon sya?” dahil sa tinanong ko na yon sa Ate ko eh talaga naman mas mapula pa sa kamatis at mansanas ang muka ng Ate ko, para ngang gusto na nya akong isumpa eh. Hahaha!
Tingnan nyo ha, busy ang Ate ko sa dami ng raket nya sa buhay para lang makapag-aral kami pareho at para mabuhay kami, at dahil doon lagi na lang akong nag-iisa dito sa bahay. Hindi man lang ba sumagi sa matabang utak ng Ate ko na baka may magtangka na gumawa ng hindi mabuti sa bahay namin? Pero kung nandito si Kuya, for sure na walang susubok na gumawa ng hindi maganda saka may makakasama pa ako, may magluluto na para sa akin, may makaka-laro na ako pagka-galing ko sa school, may tutulong na sa akin na gumawa ng assignments lalo na sa Science at Math at higit sa lahat magkakaron sya ng instant boyfriend!
“Saan mo naman napulot yang idea na yan, siguro tinuro sayo nyang lalake na yan noh?! Sabi ko naman sayo Charise wag kang mag-titiwala agad kung kani-kanino lalo na kung bagong kakilala mo pa lang!”
Yan lang ang nakaka-turn-off kung minsan kay Ate, masyadong advance ang utak. Kakasimula pa lang ng karera nasa victory party na agad yung utak nya. “That’s a very good idea Charise, saktong-sakto nasa bakasyon ako. Hindi na rin ako mahihirapan na maghanap ng matutuluyan.”
“At anong akala mo sa bahay namin, Hotel o kaya naman bahay ampunan? Hindi ka pwede dito, ayoko!”
“Pero gusto ng kapatid mo na dito muna ako tumira sa inyo! Hindi mo ba mapapag-bigyan ang nag-iisa mong kapatid?” at tumingin sa akin ang future Kuya ko at kinindatan ako, alam na!
Kunwari nalungkot talaga ako dun sa sinabi ni Ate Cha na ayaw nya na dito muna si Kuya Ley, kailangan galingan ko yung acting ko para naman pumayag na si Ate. “Sige naman na Ate, pumayag ka na. Nakaka-lungkot kasi kapag mag-isa lang ako dito sa bahay. Tapos wala pang nagtuturo sa akin sa mga assignments ko kaya ang baba ng grades ko. Sige na Ate, pumayag ka na!”
“Don’t be so selfish Charlene, mukang kailangan talaga ng kapatid mo ng makakasama pero hindi mo naman yon magagawa dahil sa dami ng trabaho mo.” Go Kuya Ley, galingan mo pa yang pangungunsensya sa Ate ko at malapit na yang pumayag. Tumayo na ako at saka humakbang papunta sa kwarto ko na talaga namang sobrang lungkot, kuno! “Tingnan mo nga yang itchura ni Chay, kaya mo bang tiisin yan? Kaya mo bang makita araw-araw yung ganyang muka ng kapatid mo? Sabagay, hindi mo pala makikita na nalulungkot sya kasi busy ka sa mga trabaho mo.” Dati kayang stageplay actor ‘tong si Kuya Ley at sobrang galing nyang mag-deliver ng mga pang-Emmy na lines? “Charise dadalawin na lang kita dito kapag nagkaron ako ulit ng oras, maghahanap na lang ako ng ibang lugar kung saan ako pwedeng mag-bakasyon, mag-iingat ka lagi ah.”
At syempre pa tumakbo ako palapit kay Kuya Ley at saka yumakap at umiyak. Grabe, pwede na kaming maging artista ni Kuya sa galing ng acting namin, hahaha! “Kuya!!! Dito ka na lang mag-bakasyon!” with matching singhot pa yan ha.
“Eh ayaw ni Ate Cha mo eh, eto na lang yung number ko. Text mo ako kapag wala kang magawa at maka-usap, sanay ka namang mag-text diba?
“Oo naman, tanga na lang ang hindi marunong magtext ngayon Kuya Ley! Baka naman kapag nag-text ako sayo hindi ka mag-reply.” Tapos tiningnan ko ang Ate ko na sobrang lungkot ng expression ng mga mata ko, hahaha.
Tiningnan din ni Kuya Ley si Ate, pero nag-iwas lang ng tingin ang Ate ko. “Hindi talaga ako magre-reply dahil tatawagan kita once na maka-receive ako ng text galing sayo. Ok ba yon?” hay nako, mukang walang epekto yung acting naming dalawa ni Kuya, mukang wala pa ring balak si Ate na pumayag ee.
“Ok yon Kuya, pero mas ok talaga kung nandito ka para kapag meron akong hindi maintindihan sa lessons namin sa school may mag-tuturo sa akin. Busy kasi ang Ate ko kaya hindi na nya ako maturuan ngayon.” Bro, ilang litro po ba ang ibinigay Ninyong anesthesia sa Ate ko at ganyang ka-manhid? “Sige na Kuya, pasok na ako sa kwarto ko. Mag-iingat ka Kuya, babay!”
hwahaaaaha!!! an kulit ni charise! an gling nla umacting! kxo ang tigas ni ate e, manhid much lng!
ReplyDeletenyahaha...adik much lang yang si Chay...hahaha... naka-hanap ng kaibigan at kuya sa katauhan ni Ley...
Deletehaha.. pwede na sila maging best actress at actor!!!.. hahah.. ang kulit din nila eh.. naku,papayag na yan..
ReplyDelete