CHAPTER
EIGHT
“Sandali lang!” ano ba kasi
ang nakita ng kapatid ko sa lalake na to at naka-sundo nya agad? “Sige na, pumapayag na ako na dito ka muna
tumira habang nasa bakasyon ka pa, pero wag mong isipin na kaya ako pumayag eh
dahil sa gusto ko. Pumayag lang ako dahil ayokong makita na nalulungkot ang
kapatid ko.” Kasi naman tong si Chay nakaka-asar kung minsan ang trip sa
buhay!
“Narinig mo ba Chay yung sinabi ng Ate mo?
Dito na ako titira habang nasa bakasyon ako, tara na dito sa labas para
maka-kain na tayo.” At ayun nga pagkasabi noon ni Stanley eh talaga naman
muntik pang madapa ang magaling kong kapatid paglabas sa kwarto nya. “Ikaw Cha, hindi ka sasama sa amin?”
“Sama ka na rin Ate, wala kang kasama dito.
Saka sakto na rin yon Ate para busog ka pagpasok mo sa trabaho mo.”
Anak ng
tipaklong naman oh, may trabaho pa nga pala ako. “Shemay na yan, sige kayo na lang may trabaho pa nga pala ako. Hoy
lalake, wag mong papabayaan ang kapatid ko!” kailangan ko ng mag-ayos para
hindi ako ma-late.
“Wag ka na lang kayang pumasok sa trabaho
mo Cha? Why don’t we go out para naman makapag-bonding na rin kayo ng kapatid
mo? Looks like you don’t have time to bond with your sister.”
“Oo nga naman Ate, masyado ka ng busy kaya
nawalan ka ng oras sa akin. Hindi na tayo katulad nung dati Ate, napapabayaan
mo na ako. Buti na lang may Kuya Ley akong makakasama ngayon kahit ilang araw
lang. Tara na Kuya, mukang wala talagang balak sumama si Ate.”
Aminado
naman ako na ang laki ng pagkukulang ko sa kapatid ko, dahil sa dami ng trabaho
na pinapasok ko pero para rin naman sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. Akala ko
naiintindihan ako ng kapatid ko kung bakit ganito ang sitwasyon namin ngayon,
pero mali pala ako. I perfectly understand why she feel that way, wala na
talaga kasi akong oras para sa kanya. Pag-gising ko sa umaga, tulog pa sya;
pagkatapos ko syang gisingin aalis na agad ako; pag-uwi ko galing sa university
magpapalit lang ako ng damit tapos aalis na rin agad ako, hindi ko man lang sya
magawang kamustahin; pag-uwi ko naman galing sa huli kong trabaho sa gabi,
tulog na sya kaya wala na talaga kaming bonding time.
“Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong
sumunod nasa bayan lang kami, o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka
namin ni Chay.”
Nakaka-inis
talaga ang lalake na to, bakit ba kasi kailangan pa nyang ipamuka sa akin na
ang laki na ng pagkukulang ko sa kapatid ko. Alam ko naman yon ee, pero bakit
ba kasi pinag-sigawan pa nya sa muka ko! Nakaka-banas talaga sya!!!
============================
I don’t
have any intension na pag-awayin ang mag-kapatid, to be honest gusto ko pa
ngang makita kung paano sila mag-kulitan,
parang ang saya kasi nilang magkapatid, parang close talaga sa
isa’t-isa.
“Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong
sumunod nasa bayan lang kami, o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka
namin ni Chay.”
Nandito
kami ngayon sa isang fastfood chain dito sa pinaka-bayan ng lugar nila. Masaya
talaga ng kasama tong bata na to, sana nagkaron din ako ng kapatid na katulad
nitong si Chay. Kung nakaron kaya ako na katulad nitong bata na to, naging iba
kaya ang ugali ko?
“Kuya Ley, sa Manila ka ba galing? Anong
trabaho mo doon? Siguro mayaman ka, ang ganda kasi nung kotse mo Kuya eh!”
Cha is so lucky to have a sister like her, she’s a stress reliever. “Kuya Ley kahit na tatlong oras o buong
araw mo akong titigan, hindi ako magiging si Ate Cha.”
Ibang
klaseng bata talaga ang isang to, lahat na lang napapansin. “Ha? Ano ba yang pinagsasabi mo Chay!”
“May gusto ka ba sa Ate ko? Saka
ano bang ginagawa o sinabi mo sa kanyang hindi maganda para mainis sya sayo ng
sobra?”
Sa
totoo lang hindi ko rin naman alam kung ano bang hindi magandan ang nasabi or
nagawa ko sa kanya para mainis sya sa akin ng ganon. “I don’t know either, as far as I can remember wala naman akong nagawa
or nasabi ng hindi maganda ang Ate mo.” Hindi kaya dahil sa walang boyfriend
ang babae na yon kaya mainit ang dugo nya sa akin?
“Siguro kaya ganon ang Ate ko kasi never pa
syang nagkaron ng boyfriend. Kuya ligawan mo na lang kaya ang Ate ko para naman
bumait sya saka para hindi na sya nagta-trabaho.”
Pfffft!!!
Ano??? Ako liligawan ko yung babae na yon na parang araw-araw dinaratnan ng
buwanang dalaw? “Chay parang msa
gugustuhin ko na lang na isang totoong tigre ang ligawan ko kesa sa Ate mo. Mas
may pag-asa pang bumait ang tunay na tigre kesa sa Ate mo.” Mukang hindi na
yata babait sa akin ang isang yon, parang habangbuhay na yata nyang ibabaon sa
puso at utak nya ang hindi maganda naming simula.
“Kuya, anong tingin mo sa Ate ko? Wag mo ng
sabihin na masungit sya dahil ilang beses mo na yung nasabi ee.”
Nobody
can deny na magkapatid silang dalawa, pareho silang hindi normal, hahaha! “Well, maganda ang Ate mo and that is so
obvious, she’s sexy too, she also has that strong personality, masipag din ang
Ate mo. Sabi mo kanina marami syang trabaho diba, at hanga ako sa kanya dahil
doon. At early age para na syang merong sariling pamilya na kailangang buhayin,
she need to work overtime to earn money para sa future mo.” Nakaka-hanga
naman talaga si Cha kahit na saksakan talaga sya ng sungit.
“Wow! Jollibeeeeeeeeeeee!!!” packing
tape na yan, hindi naman pala nakikinig ang batang to, tinanong-tanong pa ako.
Sana bata ulit ako para naman maranasan ko rin yung mga nararanasang saya ni
Chay.
Hindi
masaya ang childhood ko kasi hindi ko nagagawa before yung mga ginagawa ng mga
pang-karaniwan na bata katulad ni Cha. Never kong naranasan na maligo sa ulan,
yung kumain sa mga ganitong klaseng fastfood stores, yung maglaro sa kalsada ng
mga larong kalye, at yung magkaroon ng maraming kaibigan with different traits.
“Kuya Ley, may camera ba yang cellphone mo?
Picture-an mo naman ako kasama si Jollibee, favourite mascot ko kasi sya eh.”
Ano kaya ang feeling ng may kapatid na ganitong ka-hyper? “Kuya bilis!!!”
May
lumapit na dalawang babae sa akin “Hello
cutie, I’m Megan.” Pakilala nung isa na maputi at sexy. “And I’m Allison, and you are?” eto
namang isa is morena pero maganda at sexy din.
“Kuya naman ee, naka-alis na tuloy si
Jollibee.”
“Is she your baby sister, she’s so cute.”
Tapos pinisil nila yung pisngi ni Chay, ano kaya ang sasabihin o gagawin nitong
bata na to, parang kinakabahan ako.
====================
May
lumapit lang na dalawang babae kay Kuya Ley hindi na nya ako pinansin, nako mga
lalake talaga. “Kuya naman ee, naka-alis
na tuloy si Jollibee.” Nakaka-banas din tong lalake na to eh, kaya pala
galit sa kanya si Ate eh.
“Is she your baby sister, she’s so cute.”
“Aray naman! Hindi nya ako kapatid, sa
ngayon.” Pesteng mga babae to, ang aarte lang, ang sarap tisurin tapos sana
masubsob una nguso. “Sya ang boyfriend
ng Ate ko kaya layuan nyo na sya kung ayaw nyong awayin ko kayo.”
Mehehe!!!
Lumayo naman agad yung dalawa, pero kinuha pa rin nila yung number ni Kuya Ley,
ang titigas talaga ng muka nila. “Tara
na Chay, saan ba ang mall dito?” pero hindi ko sya pinansin, dedma lang sya
sa akin dahil may kasalanan pa sya.
Dahil
sa kanya hindi ako nakapagpa-picture kay Jollibee, nine na ako pero wala pa ako
kahit na isang pirasong picture na kasama sya. Kahit nga si Hetty o Twirly na
lang ang makasama ko sa picture ok lang, pero wala pa rin eh.
“Chay, sorry na. Sila kasi eh, nilapitan
nila ako at nagpa-kilala, hindi naman ako bastos para hindi sila pansinin.”
Pssshhh!!! Kalokohan! Talagang chick-boy lang ang isa na to. “Promise, habang kasama kita hindi ko muna
papansinin yung ibang babae.” Nagpa-promise tapos hindi naman kayang
tuparin, hmp!
“Kailangan hindi mo rin papansinin yung
ibang babae kapag si Ate ang kasama mo.” Syempre naman, dapat si Ate lang
ang apple of the eyes nya. Na-apply ko din yung idiomatic expression na yan,
ilang buwan ko rin iniisip kung paano ko magagamit yun, hahaha.
“Oh sige, hindi ko na rin papansinin yung
mga babae kapag kayong dalawa ng Ate Charlene mo ang kasama ko. Bati na ba
tayo, hindi ka na galit sa akin?”
“Promise yan ha, kapag hindi mo yan tinupad
galit ulit ako sayo. Bati na tayo Kuya Ley kaya tara na dun sa mall. Laro tayo
dun ha.” Ang tagal na kasi since the last time I played nung mga games sa
mall, busy kasi si Ate kahit Sunday may
trabaho sya. “Tara na Kuya, lakarin na
lang natin, malapit lang naman yon dito.” At hinila ko na si Kuya Ley
palabas ng Jollibee para hindi na sya maka-tutol sa gusto ko, hahaha!
First
stop, World of Fun. Dito kami madalas magpunta ni Ate noon, pero syempre hindi
na ngayon.
“Hintayin mo ako dito, bibili lang ako ng
tokens.” Sana marami bilin nya para naman mag-enjoy ako.
Ano
bang uunahin kong laruin pagbalik ni Kuya Ley? Hmmm…
“Hoy Cha-cha, anong ginagawa mo dito? May
pera ka ba pambili ng tokens?”
Hay nako, hanggang dito ba naman sasusundan pa
rin ako ng salot ng buhay ko? Hindi ba pwedeng sa school ko na lang sya
nakikita kung hindi pwede na hindi ko na sya makita kahit kailan? “Hoy ka din jan Yan-yan! Ano namang pakelam
mo kung nandito ako ngayon at kung may pambili ako ng tokens?” peste lang
talaga. Kung kuto o garapata lang ang bwisit na classmate ko na to, malamang
matagal na nyang hindi nasisilayan ang mundo.
“Alam mo ba Cha-cha na ang cute mo kapag nagagalit ng ng sobrang,
pulang-pula kasi yung muka mo na mas mapula pa sa makopa.” Ano ba yung
makopa, pagkain ba yon, o kaya naman bagay? Haaaay, ewan ko sa kanya! Maghanap
sya ng kausap nya!
Pupuntahan ko na sana si Kuya Ley
dun sa palitan ng token para lang mawala sa paningin ko ang asungot na to, kaya
lang bigla na lang syang sumulpot sa likuran ko. “Laro na tayo Cha, alin sa mga ito ang uunahin natin?” pero
thankful na rin ako kasi hindi pala napansin ni Kuya ang kumag na si Julian “Kaibigan mo Chay, o baka naman ligaw mo?”
yuck ka Kuya, isa kang malaking YUCK!
“Yuck!!!” sabay pa naming sabi ni Julian with a very disgusted
make-face.
“Kuya Ley naman, kung yang ungas na yan ang nag-iisang lalake sa mundo
hindi ko papatulan yang bully na yan.” Hindi ko naman gusto na magkaron ng
madaming uban sa murang edad, saka ng highblood. “Tara na nga Kuya, laro na lang tayo at wag mo ng pansinin ang isang
yan.”
Akala ko mananahimik na lang si
Julian at sa school na lang gaganti pero nagkamali ako. “At kahit na ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo, kung babae ka man nga ba eh hindi rin naman kita
papatulan dahil ayoko sa mga babae na maas matapang pa kesa sa akin.” Eh di
para na rin nyang inamin na duwag sya at wala syang panama sa akin, hahahaha!!!
“Ay ewan ko sayo, sa school mo na lang ipag-patuloy yang speech mo.
Pagpahingahin mo naman ang inis ko sayo kahit na ngayon lang.” at saka ko
binalingan si Kuya Ley, pero nagulat ako sa itchura nya kasi para syang tanga
na naka-ngiti habang tinititigan kaming dalawa. “Anong tinitingin-tingin at nginingiti-ngiti mo jan, may nakakatawa ba
Kuya Ley?”
“I saw myself and your Ate Cha to the two of you, para rin kayong aso
at pusa.” Pssshhh!!! Kailangan ba talaga ng comparison? “Ang cute nyong tingnan habang nag-iinisan kayo, tingin ko hanggang
sa paglaki nyo ganyan kayo hanggang sa ma-develop na kayo sa isa’t-isa.”
Lakas makagawa ng kwento tong si
Kuya Ley, siguro writer sya o kaya writer sya sa past life nya. “Ang weird mo Kuya, tara na nga lang at maglaro
na tayo. Nasasayang lang ang oras natin sa tipaklong na to.” Tapos hinila
ko na sya palayo kung nasaan ang lamanglupa na si Julian.
“Napansin ko lang kung ano-ano ang tinatawag mo sa akin ha. Humanda ka
talaga sa akin sa Monday Cha-cha dahil buong araw kitang iinisin at aasarin.”
Tapos lumakad na sya palayo sa amin. Tamang mag-banta, tingin naman nya
natatakot ako sa kanya! Mangarap sya!
ahaha, luma-lovelife kay julian ha! kaso aso't pusa din sila. haha.
ReplyDeletethank you po sa pagbasa at pag-comment... :) <3
Deleteinisin mo rin siya at asarin......
ReplyDeletenku, humnda ka daw cha-cha. peo wag k pptalo. hhaahhhahah.
ReplyDeletehahaha.. ang cute rin nila julian!.. mei lovelife din pala tong si chay eh.. hahah,parang si cha at ley lang eh.. ang cute talaga!!!
ReplyDelete