Chapter Nine
Nakakabanas
talaga ang Stanley na yon, iilang oras pa lang syang nananatili sa bahay namin
eh nalason na agad nya ang utak ng kapatid ko. Kita nyo nga, silang dalawa ang
magkasamang mag-lakwatcha! Gusto ko sanang sumama, ay mali samahan pala ang
kapatid ko kaya lang may trabaho nga ako. Aba, never kong gugustuhin na
makasama ang gung-gong na hitad na lalake na yon no, baka mamaya kung ano pa
ang magawa ko sa kanya!
“At
bakit naman ganyan ang itchura mo sister, bakit salubong ang kilay?”
Sya
si Moira, isa sa mga kasama ko dito sa canteen ni Aling Tonya. “Eh kasi naman
naiinis ako dun sa bagong kaibigan ng kapatid ko, bigla kasi akong
na-etchapwera sa eksena mula nung dumating sya.” Eh ganon naman kasi talaga ang
nangyayari ngayon, parang nagkakaron na ng gap sa amin ni Chay. “Tapos parang
ipinapamuka pa nya sa akin na ang laki ng pagkukulang ko sa kapatid ko.”
“Eh
sister, talaga namang malaki na ang pagkukulang mo sa kapatid mo. Napansin ko
lang kasi na araw-araw, gabi-gabi ka nagta-trabaho, parang galit na galit ka sa
salitang pahinga. Girl, minsan ok lang magpahinga at makipag-bonding
sa kapatid mo. Ipapaalala ko lang sayo na bata pa ang kapatid mo, at dahil bata
pa yan marami syang bagay na gustong maranasan at hindi nya mararanasan ang mga
bagay na yon kung lagi kang wala sa tabi nya. Hindi ko sinasabi na tumigil ka
sa mga raket mo sa buhay, bawasan mo lang para magkaron ka ng oras para sa
kanya ng hindi ka lumilinya ng ganyan!”
“Ang
haba nun girl, anong meron? Saang baul mo ba napulot ang mga pangungusap mo na
yan? Pero alam mo, ang ganda ng mga sinabi mo eh, talaga namang tinamaan ako!”
tinamaan talaga ako sa talumpati ni Moira. “Ikaw na muna ang bahala dito Moira,
aalis muna ako!” at hinubad ko na yung apron na gamit ko at saka dali-daling
lumayas sa canteen ni Aling Tonya!
Tama
naman ang sinabi ni Moira, bata pa ang kapatid ko at marami syang gustong
maranasan, at dapat ako ang kasama nya dahil ako ang kapatid nya. Siguro nga
nagka-mali ako ng isipin ko na mas mapapabuti si Chay kung kikita ako ng malaki
para mabigyan ko sya ng magandang edukasyon, pero nakalimutan ko naman na bata
ang kapatid ko na nangangailangan ng atensyon at pag-aalaga.
“Anak
ng tipaklong naman Charlene, hindi ko sinabing etong raket mo sa canteen ang
ibasura mo! Bumalik ka dito, mamaya marami ng customer.” Kahit si Aling Tonya
pa ang sumigaw sa akin na bumalik ako eh hindi talaga ako babalik. “Hoy
Charlene, bumalik ka dito!”
++++++++++++++++++++++++++++++
Ang
dami namang maganda dito kahit na nasa dulo na yata ako ng Pilipinas, kaya lang
hindi naman ako makaporma dahil dito sa makulit na bata na kasama ko, para tuloy
gusto kong magsisi na inaya ko pa ang isa na to. Pero hindi rin, kahit naman
bata ang kasama ko ngayon eh sobrang nag e-enjoy ako dahil para lang din akong
bumalik sa pagkabata.
“Kuya
Ley, dun naman tayo sa basketball!” sabay hila sa akin ni Chay dun sa may
basketball. Taraklis na bata to, babae pero puro laro na pang-lalake ang gusto.
“Bilisan mo Kuya!!!”
Hindi
naman sya excited no! “Watch your steps Chay, baka madapa ka kakamadali mo.”
Bata na to oh, dinaig ko pa ang may anak sa bata na to eh. “Chay, hintayin mo
ako at baka mawala ka.”
“Kuya
Ley sa ating dalawa ikaw ang mas dapat matakot na maligaw, dahil kabisado ko
ang lugar na to.”
Oo
nga naman, you’re so stupid Stanley! Ikaw na nga lang ang dayo dito ikaw pa
tong may gana na magsabi ng salitang MALIGAW!
++++++++++++++++++++++++++++++
Tinamaan
ka talaga ng mahusay Charlene Placido, saan mo hahanapin ang kapatid mo at ang
kumag na si Ley? “Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong sumunod nasa bayan lang kami,
o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka namin ni Chay.” Oo, tama
sa bayan, yung ang sabi ni Stanley.
Eh
ano Cha, lilibutin mo ang buong bayan? Eh baka tulog na ang dalawa na yon eh
nasa bayan ka pa rin ang hinahanap sila. Takte lang talaga, paano ko ba sila
mahahanap? “Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong sumunod nasa bayan lang kami,
o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka namin ni Chay.” Ite-text
ko sya? HELL NO! Baka kapag nalaman nya ang number ko eh araw-araw na nya akong
kulitin sa text. Wow Charlene, ang tatag mo dahil sa sobrang kapal mo! But on
second thought, how will I know kung nasaang lupalop sila ng bayan nandon kung
hindi ko sya ite-text? Saka gag-show ba sya, hindi naman nya ibinigay sa akin
yung number nya, kay Chay!
“Diba
ikaw po yung Ate ni Chay?” sino naman tong bubwit na lalake na to? “Nakita ko
po sila kanina dun sa may TimeZone, kasama po nya yung boyfriend mo.” Ay bata
chismis yan, hindi ko boyfriend ang kasama ni Charise. “Baka po nandoon pa rin
po sila hanggang nayon.”
“Salamat,
sino ka nga pala? Bakit kilala mo ang kapatid ko?” eh siguro naman hindi masama
kung itatanong ko kung sino sya, baka kasi mamaya eh kursunada nya ang kapatid
ko. Mabuti na yung ngayon pa lang alam ko na ng masabihan ko na sya na hindi pa
pwedeng mag-jowa ang kapatid ko.
“Ako
po si Julian, classmate po nya. Sige po, mauna na po ako!”
Sino
ba kasama nung bata na yon at lilisaw-lisaw lang dito? Pero infairness naman sa
kanya, cute syang bata! Teka nga, makapunta na nga sa TimeZone baka nga nandun
pa rin silang dalawa. Pero ano ba ang sasabihin ko sa kanila kapag nakita ko na
sila, anong isasagot ko kapag tinanong nila ako kung bakit ako sumunod sa
kanila? Anak ng pating naman talaga oh, baka nagkamali na naman ako sa desisyon
ko ah!
Nandito
na ako sa TimeZone at wala pang dalawang minute ay nakita ko na agad sila, pero
hindi pa ako lumalapit at nagpapakita sa kanila. Hindi ko pa alam kung anong
sasabihin ko sa kanila ee! Madali ko lang silang nakita kasi naki-usi ako dun
sa kumpulan nung mga babae, malamang kasi si Stanley ang dahilan. Hindi ako
pumunta sa umpukan na yon para makigulo sa mga babae dun ng dahil kay Stanley, gusto
ko lang makasiguro kung sila nga yon para naman hindi na ako mahirapan sa
paghanap sa kanila. Sige lang Charlene, paliwanagan mo lang yang sarili mo na
parang timang.
“Ateeeee!!!”
kahit kailan talaga Cha palpak ka kung magtago, lagi ka na lang mabilis makita
ni Chay. “Anong ginagawa mo dito? Diba may trabaho ka sabi mo?”
Eh
kung umalis na lang ulit kaya ako? Para naman kasing ayaw ni Chay na nandito
ako eh, saka eto namang kumag na higad na to parang hindi ako napapansin, hmmp!
“Naisip ko kasi ang dami ko ng utang na bonding moment sayo eh, kaya nag-out na
ako sa canteen…ng walang paalam.” Eh
di si Charise na ang nangiti sa sinabi ko.
“Kuya
Ley, Kuya Ley! Look, nandito na si Ate Cha. Tara, nood tayong sine libre mo
kami!” ay ang bilis nahawa ni Chay sa kakapalan nitong kumag na to. “Tara na
Kuya Ley, diba nag-promise ka sa akin kanina?”
Promise?
Anong promise yun? Sige ako na ang OP, ako na ang walang alam! “Kung ayaw nya
Chay tayong dalawa na lang, may pera naman si Ate.” Ayoko ngang makasama sa loob
ng madilim na lugar ang isang katulad nya. Saka baka hindi ko maintindihan yung
papanoorin namin kapag nasa malapit lang sya.
“Sasama
sya Ate Cha, hindi pwedeng hindi. Magagalit ako sa kanya kapag hindi sya sumama
sa atin, ayaw pa naman nya na magka-away kami. Diba Kuya Ley?”
Ka-lalake
na tao takot sa isang bata, huh! “Ano bang gusto mong panoorin para makabili na
ako ng ticket natin?” sasandali lang akong nawala super close na agad sila,
parang silang dalawa ang mag-kapatid at hindi kaming dalawa ni Chay. Parang
saling-pusa lang ako sa lakad na to!
“The
Avengers na lang Kuya Ley!” ang galing talagang pumili ng kapatid ko, alam kung
anong mga klaseng pelikula ang gusto ko. “Gusto mo rin yun diba Ate?”
“Oo
naman!” hindi naman ako excited diba, hindi naman halata na gusto ko talagang
mapanood yon. “Tara na!”
Excited
na akong mapanood ang The Avengers dahil sa TUNAY KONG BOYFRIEND na si Chris
Evans a.k.a. CAPTAIN AMERICA! “Crush mo nga pala si Captain America, sabi mo pa
nga boyfriend mo sya diba?” tatapalan ko na ng hamburger ang bibig nitong si
Chay eh, nakakahiya kay Ley. Baka mamaya isipin nitong lalake na to na
desperada na ako.
Pasalamat
na lang talaga ako at hindi nag-react ang kumag na to, dahil kung hindi
ingu-ngudngod ko sya sa flooring nitong mall. “Let’s go, malapit na daw
magsimula.” Aya nya sa amin after nyang bumili ng ticket naming tatlo. Por jos
por santo! Muka kaming isang pamilya, eto naman kasing si Chay hindi man lang
pinamanahan ng tunay nyang mga magulang ng katangkaran, ang liit kasi nya eh,
muka lang syang grade one kahit na grade three na sya.
“Ang
cute naman ng anak nyo!” ay nakteteng lang, anak daw namin oh! “Ilang taon ka
na cutie?” tanong nung babae kay Chay.
“Hindi
po nila ako anak, sya po ang Ate Charlene ko, at sya naman po ang boyfriend ng
Ate ko, si Kuya Ley.”
Gumawa
na naman ng issue ang isang to, grabe talagang bata! Kung nagulat ako sa naging
sa sagot ni Chay dun sa babaeng nagtanong sa kanya eh mas nagulat ako sa ginawa
ng lalake na kasama naming mag-kapatid.
“She’s
not my girlfriend!” eh di kaming dalawa na ni Cha yang biglang napa-tingin sa
maganda nyang muka. Si Chay napa-tingin sa kanya kasi parang lumabas na
sinungaling sya, ako naman eh tuwang-tuwa dahil sa wakas ay may maganda rin
syang nasabi. “She’s my fiancée! Hindi pa kasi alam nitong cute na to na
magiging tunay na nya akong Kuya! Anyway, we have to go!” at saka nya ako
inakbayan at inakay si Chay.
Kung kanina tuwang-tuwa at
maligaya ako dahil sa sinabi nya na “SHE’S NOT MY GIRLFRIEND”, ngayon naman eh
gustong-gusto ko ng lumubog ang bahagi nitong mall na to, ok lang kahit hindi
ko na mapanood yung The Avengers! NAKAKAHIYA LANG TALAGA!!!
aq n lng yta ang nde nkkpnood ng avengers n yan! peo buti alam q n ung captain america at super agree aq jan! ang dmi q plang kaagaw sknya! hahhhahhahhaha!!! peo ang bitin ate!!!!!!!!!! nxt n agad!
ReplyDeletekalma ka lang Jiyeon...hahaha...
ReplyDeletewala pa nga akong maisip kung pano ko dudugtungan yan eh...hehe...
at oy Kpop... boyfriend KO na si Capt. America!!! Si Ironman kay Regine na... Si Thor sa kapatid ni Regine... Tapos si Hawk Eye kay Empress na... kaya naman si Hulk na lang ang natitira para sayo..kung gusto mo si Fury na lang...ahahaha...
abangan mo na lang yung next chapter... anyways, nakapag-update na ako ng Nanny at My GF sa PF...
ang cute naman miss queen! nauuso talaga ang the avengers!
ReplyDeletekaso bitin update! more!!!
aynaku naman... dead na dead ako sa Avengers na yan.. lalo na kay Capt. A!!! hahaha..
Deletewaaaahhhh..... sorry po sa maigsi na update... promise, bawi ako sa next chapters... sorry po!!!
sana mas mahaba pa yung naging update. i want to read more.
ReplyDeletereklamador ko lang talaga. sorry!
waaaaahhhh.... sorry po sa short update, nagka-problema po kasi ang utak ko...
Deletebawi na lang po ako sa mga susunod na chapters...
hahah.. awhh!! ang cute talaga nila!!.. para na silang isang pamilya,kulang na lang kasal eh.. hahah.. i really adore chay! nakakagigil!!.. wuii!!fiancee na daw oh!! kilig much!!
ReplyDelete