Wednesday, May 16, 2012

Help! She's Seducing Me! : Chapter Nine

Chapter Nine


                Nakakabanas talaga ang Stanley na yon, iilang oras pa lang syang nananatili sa bahay namin eh nalason na agad nya ang utak ng kapatid ko. Kita nyo nga, silang dalawa ang magkasamang mag-lakwatcha! Gusto ko sanang sumama, ay mali samahan pala ang kapatid ko kaya lang may trabaho nga ako. Aba, never kong gugustuhin na makasama ang gung-gong na hitad na lalake na yon no, baka mamaya kung ano pa ang magawa ko sa kanya!


                “At bakit naman ganyan ang itchura mo sister, bakit salubong ang kilay?”



                Sya si Moira, isa sa mga kasama ko dito sa canteen ni Aling Tonya. “Eh kasi naman naiinis ako dun sa bagong kaibigan ng kapatid ko, bigla kasi akong na-etchapwera sa eksena mula nung dumating sya.” Eh ganon naman kasi talaga ang nangyayari ngayon, parang nagkakaron na ng gap sa amin ni Chay. “Tapos parang ipinapamuka pa nya sa akin na ang laki ng pagkukulang ko sa kapatid ko.”



                “Eh sister, talaga namang malaki na ang pagkukulang mo sa kapatid mo. Napansin ko lang kasi na araw-araw, gabi-gabi ka nagta-trabaho, parang galit na galit ka sa salitang pahinga. Girl, minsan ok lang magpahinga at makipag-bonding sa kapatid mo. Ipapaalala ko lang sayo na bata pa ang kapatid mo, at dahil bata pa yan marami syang bagay na gustong maranasan at hindi nya mararanasan ang mga bagay na yon kung lagi kang wala sa tabi nya. Hindi ko sinasabi na tumigil ka sa mga raket mo sa buhay, bawasan mo lang para magkaron ka ng oras para sa kanya ng hindi ka lumilinya ng ganyan!”


                “Ang haba nun girl, anong meron? Saang baul mo ba napulot ang mga pangungusap mo na yan? Pero alam mo, ang ganda ng mga sinabi mo eh, talaga namang tinamaan ako!” tinamaan talaga ako sa talumpati ni Moira. “Ikaw na muna ang bahala dito Moira, aalis muna ako!” at hinubad ko na yung apron na gamit ko at saka dali-daling lumayas sa canteen ni Aling Tonya!


                Tama naman ang sinabi ni Moira, bata pa ang kapatid ko at marami syang gustong maranasan, at dapat ako ang kasama nya dahil ako ang kapatid nya. Siguro nga nagka-mali ako ng isipin ko na mas mapapabuti si Chay kung kikita ako ng malaki para mabigyan ko sya ng magandang edukasyon, pero nakalimutan ko naman na bata ang kapatid ko na nangangailangan ng atensyon at pag-aalaga.


                “Anak ng tipaklong naman Charlene, hindi ko sinabing etong raket mo sa canteen ang ibasura mo! Bumalik ka dito, mamaya marami ng customer.” Kahit si Aling Tonya pa ang sumigaw sa akin na bumalik ako eh hindi talaga ako babalik. “Hoy Charlene, bumalik ka dito!”



++++++++++++++++++++++++++++++




                Ang dami namang maganda dito kahit na nasa dulo na yata ako ng Pilipinas, kaya lang hindi naman ako makaporma dahil dito sa makulit na bata na kasama ko, para tuloy gusto kong magsisi na inaya ko pa ang isa na to. Pero hindi rin, kahit naman bata ang kasama ko ngayon eh sobrang nag e-enjoy ako dahil para lang din akong bumalik sa pagkabata.


                “Kuya Ley, dun naman tayo sa basketball!” sabay hila sa akin ni Chay dun sa may basketball. Taraklis na bata to, babae pero puro laro na pang-lalake ang gusto. “Bilisan mo Kuya!!!”


                Hindi naman sya excited no! “Watch your steps Chay, baka madapa ka kakamadali mo.” Bata na to oh, dinaig ko pa ang may anak sa bata na to eh. “Chay, hintayin mo ako at baka mawala ka.”


                “Kuya Ley sa ating dalawa ikaw ang mas dapat matakot na maligaw, dahil kabisado ko ang lugar na to.”


                Oo nga naman, you’re so stupid Stanley! Ikaw na nga lang ang dayo dito ikaw pa tong may gana na magsabi ng salitang MALIGAW!



++++++++++++++++++++++++++++++



                Tinamaan ka talaga ng mahusay Charlene Placido, saan mo hahanapin ang kapatid mo at ang kumag na si Ley? “Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong sumunod nasa bayan lang kami, o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka namin ni Chay.” Oo, tama sa bayan, yung ang sabi ni Stanley.


                Eh ano Cha, lilibutin mo ang buong bayan? Eh baka tulog na ang dalawa na yon eh nasa bayan ka pa rin ang hinahanap sila. Takte lang talaga, paano ko ba sila mahahanap? “Kapag nagbago ang isip mo at gusto mong sumunod nasa bayan lang kami, o kaya i-text mo na lang ako para masundo ka namin ni Chay.” Ite-text ko sya? HELL NO! Baka kapag nalaman nya ang number ko eh araw-araw na nya akong kulitin sa text. Wow Charlene, ang tatag mo dahil sa sobrang kapal mo! But on second thought, how will I know kung nasaang lupalop sila ng bayan nandon kung hindi ko sya ite-text? Saka gag-show ba sya, hindi naman nya ibinigay sa akin yung number nya, kay Chay!


                “Diba ikaw po yung Ate ni Chay?” sino naman tong bubwit na lalake na to? “Nakita ko po sila kanina dun sa may TimeZone, kasama po nya yung boyfriend mo.” Ay bata chismis yan, hindi ko boyfriend ang kasama ni Charise. “Baka po nandoon pa rin po sila hanggang nayon.”


                “Salamat, sino ka nga pala? Bakit kilala mo ang kapatid ko?” eh siguro naman hindi masama kung itatanong ko kung sino sya, baka kasi mamaya eh kursunada nya ang kapatid ko. Mabuti na yung ngayon pa lang alam ko na ng masabihan ko na sya na hindi pa pwedeng mag-jowa ang kapatid ko.


                “Ako po si Julian, classmate po nya. Sige po, mauna na po ako!”


                Sino ba kasama nung bata na yon at lilisaw-lisaw lang dito? Pero infairness naman sa kanya, cute syang bata! Teka nga, makapunta na nga sa TimeZone baka nga nandun pa rin silang dalawa. Pero ano ba ang sasabihin ko sa kanila kapag nakita ko na sila, anong isasagot ko kapag tinanong nila ako kung bakit ako sumunod sa kanila? Anak ng pating naman talaga oh, baka nagkamali na naman ako sa desisyon ko ah!


                Nandito na ako sa TimeZone at wala pang dalawang minute ay nakita ko na agad sila, pero hindi pa ako lumalapit at nagpapakita sa kanila. Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanila ee! Madali ko lang silang nakita kasi naki-usi ako dun sa kumpulan nung mga babae, malamang kasi si Stanley ang dahilan. Hindi ako pumunta sa umpukan na yon para makigulo sa mga babae dun ng dahil kay Stanley, gusto ko lang makasiguro kung sila nga yon para naman hindi na ako mahirapan sa paghanap sa kanila. Sige lang Charlene, paliwanagan mo lang yang sarili mo na parang timang.


                “Ateeeee!!!” kahit kailan talaga Cha palpak ka kung magtago, lagi ka na lang mabilis makita ni Chay. “Anong ginagawa mo dito? Diba may trabaho ka sabi mo?”


                Eh kung umalis na lang ulit kaya ako? Para naman kasing ayaw ni Chay na nandito ako eh, saka eto namang kumag na higad na to parang hindi ako napapansin, hmmp! “Naisip ko kasi ang dami ko ng utang na bonding moment sayo eh, kaya nag-out na ako sa canteen…ng walang paalam. Eh di si Charise na ang nangiti sa sinabi ko.


                “Kuya Ley, Kuya Ley! Look, nandito na si Ate Cha. Tara, nood tayong sine libre mo kami!” ay ang bilis nahawa ni Chay sa kakapalan nitong kumag na to. “Tara na Kuya Ley, diba nag-promise ka sa akin kanina?”


                Promise? Anong promise yun? Sige ako na ang OP, ako na ang walang alam! “Kung ayaw nya Chay tayong dalawa na lang, may pera naman si Ate.” Ayoko ngang makasama sa loob ng madilim na lugar ang isang katulad nya. Saka baka hindi ko maintindihan yung papanoorin namin kapag nasa malapit lang sya.


                “Sasama sya Ate Cha, hindi pwedeng hindi. Magagalit ako sa kanya kapag hindi sya sumama sa atin, ayaw pa naman nya na magka-away kami. Diba Kuya Ley?”


                Ka-lalake na tao takot sa isang bata, huh! “Ano bang gusto mong panoorin para makabili na ako ng ticket natin?” sasandali lang akong nawala super close na agad sila, parang silang dalawa ang mag-kapatid at hindi kaming dalawa ni Chay. Parang saling-pusa lang ako sa lakad na to!


                “The Avengers na lang Kuya Ley!” ang galing talagang pumili ng kapatid ko, alam kung anong mga klaseng pelikula ang gusto ko. “Gusto mo rin yun diba Ate?”


                “Oo naman!” hindi naman ako excited diba, hindi naman halata na gusto ko talagang mapanood yon. “Tara na!”


                Excited na akong mapanood ang The Avengers dahil sa TUNAY KONG BOYFRIEND na si Chris Evans a.k.a. CAPTAIN AMERICA! “Crush mo nga pala si Captain America, sabi mo pa nga boyfriend mo sya diba?” tatapalan ko na ng hamburger ang bibig nitong si Chay eh, nakakahiya kay Ley. Baka mamaya isipin nitong lalake na to na desperada na ako.


                Pasalamat na lang talaga ako at hindi nag-react ang kumag na to, dahil kung hindi ingu-ngudngod ko sya sa flooring nitong mall. “Let’s go, malapit na daw magsimula.” Aya nya sa amin after nyang bumili ng ticket naming tatlo. Por jos por santo! Muka kaming isang pamilya, eto naman kasing si Chay hindi man lang pinamanahan ng tunay nyang mga magulang ng katangkaran, ang liit kasi nya eh, muka lang syang grade one kahit na grade three na sya.


                “Ang cute naman ng anak nyo!” ay nakteteng lang, anak daw namin oh! “Ilang taon ka na cutie?” tanong nung babae kay Chay.


                “Hindi po nila ako anak, sya po ang Ate Charlene ko, at sya naman po ang boyfriend ng Ate ko, si Kuya Ley.”


                Gumawa na naman ng issue ang isang to, grabe talagang bata! Kung nagulat ako sa naging sa sagot ni Chay dun sa babaeng nagtanong sa kanya eh mas nagulat ako sa ginawa ng lalake na kasama naming mag-kapatid.


                “She’s not my girlfriend!” eh di kaming dalawa na ni Cha yang biglang napa-tingin sa maganda nyang muka. Si Chay napa-tingin sa kanya kasi parang lumabas na sinungaling sya, ako naman eh tuwang-tuwa dahil sa wakas ay may maganda rin syang nasabi. “She’s my fiancée! Hindi pa kasi alam nitong cute na to na magiging tunay na nya akong Kuya! Anyway, we have to go!” at saka nya ako inakbayan at inakay si Chay.


             Kung kanina tuwang-tuwa at maligaya ako dahil sa sinabi nya na “SHE’S NOT MY GIRLFRIEND”, ngayon naman eh gustong-gusto ko ng lumubog ang bahagi nitong mall na to, ok lang kahit hindi ko na mapanood yung The Avengers! NAKAKAHIYA LANG TALAGA!!!



7 comments:

  1. aq n lng yta ang nde nkkpnood ng avengers n yan! peo buti alam q n ung captain america at super agree aq jan! ang dmi q plang kaagaw sknya! hahhhahhahhaha!!! peo ang bitin ate!!!!!!!!!! nxt n agad!

    ReplyDelete
  2. kalma ka lang Jiyeon...hahaha...

    wala pa nga akong maisip kung pano ko dudugtungan yan eh...hehe...

    at oy Kpop... boyfriend KO na si Capt. America!!! Si Ironman kay Regine na... Si Thor sa kapatid ni Regine... Tapos si Hawk Eye kay Empress na... kaya naman si Hulk na lang ang natitira para sayo..kung gusto mo si Fury na lang...ahahaha...

    abangan mo na lang yung next chapter... anyways, nakapag-update na ako ng Nanny at My GF sa PF...

    ReplyDelete
  3. ang cute naman miss queen! nauuso talaga ang the avengers!
    kaso bitin update! more!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aynaku naman... dead na dead ako sa Avengers na yan.. lalo na kay Capt. A!!! hahaha..



      waaaahhhh..... sorry po sa maigsi na update... promise, bawi ako sa next chapters... sorry po!!!

      Delete
  4. sana mas mahaba pa yung naging update. i want to read more.
    reklamador ko lang talaga. sorry!

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaaaahhhh.... sorry po sa short update, nagka-problema po kasi ang utak ko...

      bawi na lang po ako sa mga susunod na chapters...

      Delete
  5. hahah.. awhh!! ang cute talaga nila!!.. para na silang isang pamilya,kulang na lang kasal eh.. hahah.. i really adore chay! nakakagigil!!.. wuii!!fiancee na daw oh!! kilig much!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^