Saturday, April 21, 2012

One Shot Story : The Best Guy Bestfriend


The Best Guy Bestfriend

            Lahat naman siguro tayo ay may tinatawag na bestfriend, diba? Ano nga ba ang ibig sabihin ng bestfriend para sa akin? Sya yung laging nandyan sa tabi mo kapag may problema ka sa kahit na anong bagay, yung hinding-hindi ka nya iiwan kahit na anong mangyari. Alam nya lahat ng ayaw at gusto mo, yung kaya nyang pag-tyagaan ang lahat ng topak mo sa buhay pero alam nya kung kailan dapat kunsintihin ka at kung kailan ka dapat pagsabihan at pigilan.


        Swerte ang mga tao na mayroong ganitong klaseng bestfriend, kaya naman masasabi ko na ang swerte ko dahil merong isang Owen Lacsamana sa buhay ko. Lahat ng definition ko ng isang bestfriends, iyon sya. He even sacrifices his lovelife for me, dahil ayaw nyang mawala ako sa buhay nya, and ganon din naman ako sa kanya.


        Ako si Ali Ocampo at eto ang kwento namin ng bestfriend ko na si Owen.


=========================


        “Hiwalay na naman kayo ng girlfriend mo, bakit na naman? Kailan ka ba magtatagal sa isang relasyon? Jusko ka naman Owen, mag-tino ka naman baka tumandang-binata ka nyan.” Kasi naman tong magaling na si Owen lagi na lang nakikipag-hiwalay sa mga jowa nya, sayang kasi ang gaganda.


        Umupo sa tabi ko si Owen at saka sinagot ang mga litanya ko. “Ok lang yon, hindi ko panghihinayangan ang mga yon. Masyadong makikitid ang utak nila eh.” Tapos tumayo sya at lumapit sa isang drawer nya na puno ng DVD collections nya. “Mas ok na sila yung mawala kesa ikaw, bestfriend.”


        Kaya naman kahit na saksakan ng pasaway ‘tong si Owen eh hindi ko maipag-palit. “Naks naman, maiyak ka naman jan bestfriend.” Natatawa kong biro sa kanya. Minsan kasi may pagka-best actor ang kaibigan ko na yan eh, magugulat ka na lang sa mga binibitawan nyang salita. “Oh, ano naman ang panonoorin natin ngayon? Oo nga pala, nasaan sila Tita?” kanina pa kasi ako dito pero kahit anino nila Tita hindi ko pa nakikita.


        “Nag-grocery si Mommy kaya sinamahan ni Dad, si Yaya Cora naman nag-day off.” Tumabi na ulit sya sa akin dahil magsisimula na yung papanoorin namin, sana lang wag suspense movie ang sinalang nya dahil makakatikim sya sa akin ng isang malupet.


        “Anong pelikula yang pinili mo?”


        “Hintayin mo na lang, for sure magugustuhan mo yan.” sa mga ganyang sagot nya, duda ako. Malamang pagti-tripan na naman ako nitong kumag na lalake na to. “Walang aalis ha, tatapusin natin yan.”


        Gustuhin ko mang tumayo eh hindi ko na magawa dahil ang sira-ulong lalake na to ay ginawang patungan ng paa ang mga binti ko. “Baka akala mo ang gaan nyang mga binti mo, baka hindi na ako makalakad mamaya pauwi.” Pero dedma lang sya, parang walang narinig na kahit na ano.


        Anak ng tipaklong! Bakit ‘The Shutter’ na naman ang trip panoorin nitong lalake na to, alam naman nya na weakness ko ang mga suspense movies. Ang lakas nya talagang maka-inis! Tinulak ko yung mga binti nya na nakapatong sa mga binti ko at saka ako tumayo. Ayoko talaga nung napili nya, gabi pa naman na, baka mamaya ma-praning na naman ako at maisip ko na ang lahat ng makaka-salubong ko sa daan ay mga multo.


        “Uuwi na ako, hindi ko na hihintayin sila Tita, pakisabi na lang sa kanya na sa susunod na lang kami mag-kwentuhan.” Hahakbang na sana ako ng bigla naman akon hilahin ni Owen pabalik sa sofa. Buko juice na buhay to, ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa ko sa kanya at ginaganito nya ako? “Owen naman uuwi na ako, alam mo namang wala akong hilig sa panonood ng ganyang klaseng pelikula.” Promise, hindi ko talagang magawang tumingin sa TV kahit sandali dahil ayoko talaga, natatakot ako.


        “Ang KJ mo talaga! Isipin mo na lang na eto yung kapalit nung pakikipag-hiwalay ko kay Samantha ng dahil sayo.”


        Dahil sa akin? Ano naman ang kinalaman ko sa relasyon at break-up nilang dalawa? “Hoooooy!!! At anong kinalaman ko sa break-up ninyo nung babae mo? Nagseselos sya sa akin? Sorry ka pero hindi kita type, duh!” tinawanan lang ako ng hinayupak, ano bang nakakatawa sa mga sinabi ko?


        “Don’t bother to know the exact reason why we broke-up, pero dahil talaga sayo. And oh, I’m not your type ha! Kaya pala yung bago mong crush kahawig ko.” at sinundan nya ng isang nakakalokong tawa. “What’s the name of that guy again? Kurt, tama ba ako?” at tumawa na naman sya na parang ewan.
             

        Kahawig naman talaga ni Owen yung bago kong crush na si Kurt, but that doesn’t mean na type ko na rin ang mapang-asar kong bestfriend. “Tumigil ka na nga Ow, uuwi na talaga ako!” kasi naman tong lalake na to! Anong klaseng pagpapalaki kaya ang ginawa nila Tita sa isang to at saksakan ng lakas mang-asar?


        “Eto naman kahit kailan pikon.” Salamat naman at tumigil na sya sa pagtawa at pang-iinis, pero uuwi pa rin ako. Ayoko lang talaga nung napili nyang pelikula. “Mamaya ka na umuwi, kawawa naman ako wala akong kasama dito sa bahay. Maawa ka naman sa gwapo mong bestfriend.”


        “Teka lang, parang ang lakas yata nung electric fan nyo masyadong malakas ang hangin.”


        Napatayo naman sya sa pagkaka-upo nya dahil sa sinabi ko na yon at saka nya ako inakbayan sabay higpit ng akbay nya sa leeg ko. Pestengyawang buhay to, balak na yata talaga nitong lalake na to na tapusin ang buhay ko. hindi ako maka-hinga! “Mahangin pala ha, etong bagay sayo Ali!!!”


        Uwaaaaaahhhh!!! Eto na naman ang killer kiliti nya, juskoday balak na nya talaga akong paslangin. “Woi Owen ayoko na tama na, hindi na ako makahinga!!! Oweeeeeeeeennnn!!!!” tumigil lang sya kasi napansin nya na nahihirapan na talaga akong huminga. “Grabe ka talagang halimaw ka, nakaka-sira ka ng ganda.” Nasaabi ko na lang habang inaayos ko yung nalukot kong damit at nagulo kong buhok.


        “Oo na, ikaw ng maganda! Sabi mo eh.” Bestfriend ko ba talaga ‘tong si Owen? “Manood na nga lang tayo, hindi yang kung ano-ano ang sinasabi mo jan.”


        Speaking of manood, ayoko talaga ng The Shutter. Maganda sya at talagang suspense kung suspense pero kasi naman, ayokong mamatay ng maaga. Marami pa akong pangarap na gustong matupad, lugar na gustong mapasyalan, at ang pinaka-gusto ko sa lahat ay ang maging jowa ko si Kurt.


        “Kukuha lang ako ng tubig, nauuhaw ako eh.” Tumayo naman agad sya at tinulak ako sa sofa. “Ano ka ba naman! Balak mo na ba talagang kitilin ang buhay ko?”


        “Ako na lang ang kukuha ng makakain at maiinom natin, manood ka na lang jan!”


        Hinanap ko yung remote control at saka ko pinatay yung TV at DVD palayer, ayoko talagang manood. Sa halip na manood kami ng mga nakaka-heart attack na pelikula, mas mabuti pa na mag-tongits na lang kami. Dito siguradong matutuwa ako dahil lagi ko syang natatalo, hahaha.


        “Bakit pinatay mo yung DVD? Badtrip ka din eh no, ganda-ganda nung napili kong movie eh. Para saan naman yang baraha na yan?” sa halip na sagutin ko yung tanong nya, ay binigyan ko na lang sya ng ‘alam-mo-na-yon smile’. “Tongits na naman? Ali naman ee, naglolokohan lang tayong dalawa sa laro na yan, ikaw at ikaw lang naman ang nananalo, pinapahirapan mo lang akong mag-balasa eh. Manood na lang tayo ng TV.”


        “We’re home! Hi Ali, kanina ka pa ba?” pasalamat syang nilalang sya at dumating na sila Tita, dahil kung hindi pipilitin ko sya na mag-baraha. “Dito ka na lang mag-dinner, ha?”


        Gustuhin ko man na maka-salo sila sa dinner every night ay hindi pwede, baka naman kasi magtampo ang mga kasama ko sa bahay. “Hindi na po Tita, nagluto po kasi si Mama ngayon eh, next time na lang po ako makiki-kain dito.” Nagkibit-balikat na lang si Tita sa naging sagot ko. “Tita, Tito mauna na po ako, hinintay ko lang po talaga kayong dumating, dahil itong magaling nyong anak ay nagpa-awa na naman.”


        Natawa si Tito sa sinabi ko, close kasi talaga ako sa family ng bestfriend ko, hehehe. “Kapal nito, ikaw nga to jang ayaw umuwi eh.” Hay nako, baligtarin daw ba.


        “Oo na, sige na ako na ang ayaw umuwi kahit pa nagsalang ka ng suspense movie na alam mong ayaw na ayaw ko. Sige po, mauna na po ako. Hoy ikaw Owen, magtino ka na! bye!”



=====================


        “Layuan mo si Owen kung ayaw mong siran kita sa kanya!” ayos din tong babae na ‘to ah, kung maka-utos akala mo binabayaran nya ako ng isang milyon isang araw. “Kapag hindi ka pa lumayo sa kanya, hinding-hindi mo makakalimutan ang gagawin ko!”


        Sya si Shane, ang current girlfriend ni Owen. Ewan ko ba sa lalake na yon kung anong nagustuhan nya sa isang ‘to eh saksakan naman ng pangit ng ugali.


        “You know what Shane, I don’t give a damn kahit na limampung beses mo akong siraan sa bestfriend ko. I REALLY DON’T CARE!!!”


        “Ali! Shane! What’s going on here?”

        Hindi naman na ako nagulat na any moment ay susulpot ang lalake na ‘to from nowhere. Alin lang naman sa dalawa ang dahilan nyan eh, si Shane ang hinahanap nya o ako.


        “Sinabihan nya ako na layuan ka, I said ayoko pero nagalit pa sya sa akin.”


        Lesheng babae ‘to, trip palang gumawa ng kwento eh di sana computer ang hinarap nya at hindi ako. “I know na hindi yon gagawin ni Ali, Shane.” Talagang hindi ko kayang gawin yon, ayokong pangunahan ang bestfriend ko when it comes to his lovelife.


        “Pero nagawa na nya Ow, I’m not lying here.” Hindi nagsisingungaling ka jan, putulin ko kaya dila nitong impaktita na to! “Mas kakampihan mo pa ba sya kesa sa akin Owen? Ako ang girlfriend mo at bestfriend mo lang sya.”


        Estupida!!! Hindi ba nya alam na mas mahalaga ang matalik na kaibigan rather than girlfriend or boyfriend? “Award ka girl ha, tamang papiliin si Owen between the two of us?” bongganess talaga ang babae na to ha.


        “Let’s go Ali, may utang ka pa daw na kwento kay Mommy kaya sa bahay ka daw magdi-dinner!” at nagsimula ng lumakad palayo ang lolo mo sa aming dalawa ng tontang babae na ‘to. “Ano ba Ali, kakaladkarin pa ba kita pauwi sa bahay naming?!”


        Taraklis na lalake to, ang lakas talaga ng tama sa utak! “Oo na, wag ka ngang excite jan dahil hindi naman ikaw ang ku-kwentuhan ko! Hmmmp! GTG Shane.” And iniwan ko na ang bruhang ambisyosang babae na yon.


        “Ano bang nangyari kanina sa inyong dalawa ni Shane?” biglang tanong nya sa akin.


        Pwede bang mamaya na nya ako kausapin dahil busy ako sa pagkain ng ice cream? “Haaaay, mamaya mo na ako interview-hin sa nangyari kanina, kumakain pa ako ee.”


        Bigla naman nyang kinuha yung ice cream na hawak ko at ibinato dun sa malapit na basurahan.


        “Ano bang problem among impakto ka, sayang yon Owen, pagkain yun eh.” Sayang talaga yung Magnum ko, wala pa sa kalahati yung nakakain ko eh, sayang ang fifty five pesos ko. “Sinayang mo lang yung pera na pinambili ko dun ee.”


        “Wala ka ng kinakain kaya i-kwento mo na kung ano ba talaga ang nangyari kanina. Simulan mo na.”


        Hay nako, ikaw ba naman ang magkaron ng ganitong ka-bugnutin na bestfriend, ewan ko na lang kung hindi agad pumuti ang buhok mo sa kaka-intindi at kunsumisyon.


        “She asked me to stay away from you, kung hindi ko daw yon gagawin eh sisiraan nya ako sayo. I said hindi kita iiwasan and I really don’t care kahit na ilampung beses pa nya akong siraan sayo. That’s all, thank you!” at nauna na akong lumakad papasok sa bahay na nila na para talagang kasali sa isang beauty contest.


====================


        “Tao po! Nanjan po ba ang magandang si Madam Rowena Lacsamana? Ako po ito, si Ali Ocampo para magbayad ng utang… na chismisan.”


        Narinig ko naman na tumatawa si Tito at Tita dun sa may kitchen nila. Malamang may niluluto na naman silang masarap. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko, may bestfriend na ako tapos nadagdagan pa ang Mama at Papa ko, tapos ang sarap pa lagi ng pinakakain nila sa akin, hay ang saya ng buhay.


        “Puro ka talaga kagagahan Ali, sige simulan na! Ano bang latest sa school nyo? May bago na naman bang girlfriend ang baby boy ko?”


        Tapos biglang sumulpot si Owen, lagi na lang syang sumusulpot sa kung saan. “Mommy naman, hanggang ngayon na college na ako baby boy pa rin ang tawag mo sa akin, nakakahiya!” nilapitan naman sya ni Tita at niyakap, at ginulo ang buhok ni Owen na inaayos nya everyday ng isang oras. “Maaaaa!!!”


        Ayaw na ayaw nya kasi na hinahawakan yung buhok nya, kasi nga naman ang tagal-tagal nyang humaharap sa salamin at pine-perfect yung itchura nya tapos guguluhin lang. Kapag nga may birthday nyan, limang clay doe ang ibinibigay ko jan kasi dun sya malakas. Hahaha.


        “Ang cute-cute talaga ng baby namin oh, manang-mana sa Daddy nya!”


        Syempre pa hindi magpapatalo si Tita. “Anong sayo, sa akin nagmana etong si Owen, diba baby!? Akuchi-kuchi!!!” hahaha, laugh trip talaga tong pamilya na to, lahat sila may toyo sa utak.


        “Subukan mo lang tumawa Ali at matitikman mo ulit ang killer kiliti ko!”


        Parusa talaga minsan ang maging kaibigan tong si Owen, bawal daw tumawa eh…pero sorry na lang sya dahil hindi ko na mapigilan yung sarili ko. “Bwahahahahaha….ahahahahahaahaha!!!! hahahahaha!!!” tapos mejo lumayo na ako sa kanya ang inilagay ulit sa likod ko yung bag ko, ready na akong tumakbo pauwi. Ayoko pang mamatay, marami pa akong pangarap sa buhay na gustong matupad, at hindi mangyayari lahat ng yon kung hindi ako aalis dito. “Tita, sa susunod na lang po ulit, kapag hindi po kayo naka-singhot ng masamang hangin at ganyan ka-lakas ang trip nyo. Bye Tito, bye Tita, bye bestfriend.” At tumakbo na ako, mahirap na baka mahuli pa ako ni Owen eh paniguradong tapos ang maliligayang araw ng buhay ko.


        “Bumalik ka dito Ali, humanda ka talaga sa akin.” Dahil sa narinig ko na yon, lalo pa akong kumaripas ng takbo, yung alam kong hindi nya ako aabutan. “Hoy, bumalik ka dito!!!”


==================


        After three weeks, may bago na namang jowa ang loko, si Janine. Sa lahat yata ng naging jowa ng mahal kong bestfriend, sa kanya lang yata gumaan ang loob ko at nagtitiwala na hindi nya sasaktan, lolokohin at papipiliin ang bestfriend ko between the two of us.


        “Tara Ali, sabay ka na sa amin na mag-lunch wala ka naman yatang makaka-sabay.” Ang bait nya no, hindi lang yon ang ganda pa nya. Waley na wale yang beauty ko, ang amo ng muka nya saka para syang anghel na pinababa ni Saint Peter para sa bestfriend ko. “Let’s go!” sabay hila nya sa akin para sure na hindi na ako makatanggi sa kanya.


        “Alam mo Ali nagtataka na ako sayo, bakit ba ang tahimik mo ngayon? May sakit ka ba?”


        Adik talaga ‘tong panget na Owen na ‘to, muka ba akong may sakit sa gandang taglay ko na ‘to? “Wala akong sakit ‘no, and if ever na meron man hindi mo ako makikita dito dahil paniguradong tatamarin lang ako.”


        “Gano na kayo katagal na mag-bestfriend?” tanong ng magandang si Janine, pati pangalan nya maganda, dream name ko yung name nya kaya talagang maganda. Para kasing you two really know each other well.”


        Nagaka-tinginan naman kami ni Owen sa tanong na yon. Sa totoo lang, hindi ko na matandaan kung kailan ba kami unang nagka-kilala at kung pano kami naging mag-bestfriend.


        “Ahmmm… hindi ko na matandaan babes kung kailan kami unang nagka-kilala eh. Ikaw ba Ali, natatandaan mo pa ba?”


        Ako pa talagang tinanong ng pesteng lalake na ‘to, malay ko din ba kung kailan pa yon. “Hindi ko na din matandaan eh, basta matagal na yon.” Tama bang mag-subuan kayo sa harapan ko? Nakaka-imbey na kayong dalawa, nasaan na ba si Papa Kurt ko? Maka-alis na nga lang dito ng hindi tuluyang masira ang magandang araw ko! hmmp!!! “I have to go na, may klase na ako eh.” Iisip lang ako ng dahilan sablay pa, alam nga pala ni Owen ang schedule ko.


        “Are you sure Ali? Ingat ka ha, baka matalisod ka na naman at kung ano na namang kabalbalan ang masabi mo.”


        Kasama lang nya si Janine nakalimutan na nya ang schedule ko, ang sakit lang. Maka-layas na nga lang dito, asar talaga! Saan ako pupulutin nito ngayon eh wala pa naman talaga akong klase eh, wala rin naman akong ibang kaibigan maliban kay Owen. Anak ng tipaklong naman talaga oh! Makahanap na nga lang ng tahimik na lugar kung saan walang iistorbo sa pagmumuni-muni ko, pero may tahimik bang lugar dito sa university? Kahit sa CR ka magsuot paniguradong wala ka pa ring katahimikan na mahahanap, sa library na bawal ang maingay marami ka pa ring ingay na maririnig. Leche lang talagang buhay to, parang itinago na yata ang lahat ng katahimikan dito sa university!


        “My gawd, I need world peace!!!”


        “Why not kill yourself for you to get what you need?”


        Ay-anak-ng-sampung-kabayo-ka! Sino ba naman tong tao na to na basta-basta na lang nagsasalita, pati ba naman dito mala-Owen pa rin ang matatagpuan ko!


        “Hoy, sino ka, nasaan ka, lumabas ka jan!” taraklis na hinayupak na tao sya! Paano na lang kung may sakit ako sa puso at bigla akong inatake, talagang world peace ang makukuha ko, eternal and lifetime peace pa. May biglang lalake na lumabas dun sa may poste. “K-Kurt?”


        Am I dreaming? Kill me, kill me now! Pwede na talaga akong ma-tsugi, si Kurt oh, ang iniibig kong si Kurt! “W-what are you doing here?” tamang mag-stammer ka Ali, kalandi nito.


        OMG, ang gwapo nya talaga kahit na nag-smirk sya. Pwedeng-pwede ko na talagang i-claim ang eternal peace na nakalaan para sa akin. “Anong ginagawa ko dito? Dito ako nag-aaral kaya nandito ako, as simple as that.” Sapul ka don Ali, anu ka ngayon? BASAG! Maka-alis na nga lang dito at baka mahalay ko pa ng poging nilalang na to. “Oh, bakit aalis ka? Kahit libutin mo tong buong university maghapon wala kang mahahanap na world peace.”


        Impaktong gwapo na to, nag-smirk na naman. “Meron pang lugar dito sa school na merong world peace, sa chapel.” Akalain mo nga naman bigla ko pang naisip yon. Bakit nga ba late ko na ng maisip na tahimik sa loob ng chapel, malamig pa dahil naka-aircon. “J-jan ka na nga!” tapos humakbang na talaga ako palayo sa kanya. Bwiset lang talaga, ang gwapo nya!


======================


        “Hoy Ali, iniiwasan mo ba ako?”

        Nito kasing mga nakaraang linggo ay umiiwas talaga ako kay Owen. Nakita ko kasi na masaya sya kapag kasama nya si Janine, kaya hindi na ako umeepal. Saka akala ko kasi iba si Janine sa LAHAT ng naging girlfriend nito kumag na to, pero NAGKAMALI pala ako. Kung anong ginanda ng muka nya, sya naman palang pinangit ng ugali nya, pari rin syang si Shane, yun nga lang tahimik sya kung lumaban. Nararamdaman ko na unti-unti nyang inilalayo si Owen sa akin, kapag inaaya ko si Owen lagi syang umeepal na may pupuntahan sya at kailangan nya ng kasama at kung ano-ano pang dahilan. Tapos ngayon nakuha pa akong tanungin ng kumag na ‘to kung iniiwasan ko sya, sapakin ko kaya sya?


        “Bakit naman kita iiwasan? Busy lang talaga ako ngayon Owen dahil malapit na ang finals, super bonggacious sa dami ng kailangang i-meet na deadlines para sa mga lecheng projects ko.”


        Totoo naman yang sinabi ko, pero hindi totoo na hindi ko pa natatapos ang mga projects ko. Eh kung hindi ako magsisinungaling sa kanya, anong sasabihin kong dahilan?


        “Bakit hindi ka na pumupunta sa bahay, yung mga text at tawag ko sayo hindi mo rin sinasagot? Pati si Mommy at Daddy nagtatanong kung bakit hindi ka na pumupunta sa bahay. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kasi hindi ka naman nagsasabi. May problema ka ba?”


        Problema? Kung pwede ko lang sabihin sayo kung anong problema ko, kaya lang kapag sinabi ko sayo mahihirapan ka lang kaya mas mabuti pa na ako na lang ang mahirapan. “Anu ka ba naman Papa Owen, walang problema no, ok lang talaga ako. Promise, once na natapos ko na LAHAT ng projects ko pati na rin ang exams, dadalawin ko ulit kayo nila Tita.”


        “Hoy Ali, diba sabi mo tuturuan mo pa ako sa Programming? Tara na!”


        Oh, teka lang naman Owen, wag mo naman akong titigan ng masama na parang ako ang pasimuno ng death march. “Sandali lang Kurt, bastos ka din eh. Nakita mo ng nag-uusap pa kami eh.” Hindi man lang ako hinintay ng bruho, bigla na lang naging walkout king. Eto namang si Owen yung tingin nya punong-puno ng tanong.


        “What was that all about? Kailan pa kayo naging close ni Kurt, bakit hindi mo man lang nasabi sa akin?” eh pano ko naman masasabi sa kanya eh umiiwas nga ako, saka laging epal ang Janine na yon. And speaking of epal…


        “Babes!”


        Babes nya muka nya! Ang sama ng ugali nya, kasing sama ng amoy ng imburnal! “I have to go Ow, kita na lang tayo kapag hindi na ako busy. Saka baka magwala na naman yung kumag na si Kurt. Byeiiieee!!!” nag-wave naman ako sa kanya sabay takbo pero meron pa ring poise.


        Ayoko lang makita ang pagmumuka nung babae na yon sa malapitan dahil kumukulo lang talaga ang dugo ko. “Ingat ka Ali!” jusko naman, nakuha pa nya talagang sumigaw ng ganon. If I know, gustong-gusto nya na makita na madapa ako na una nguso. Saint Peter, pwede po bang paki-bawi na po ang bruha na yon kung jan nga po sya nanggaling!


        “Hoy Kurt, baka naman gusto mong bagalan yang lakad mo! Aba, hinihingal na ang ganda ko sa paghabol sayo!” habol-hininga kong reklamo sa kanua. Lechugas naman kasing tao na to, daig pa ang jowa na nagseselos ng makita yung jowa nya na may kausap na iba. At kinilig naman daw ako sa naisip ko na yon. “Hoy!”


        Huminto naman sya sa paglakad… huminto lang sya kasi nandun na sya sa tapat nung isang chair and table. Ikaw ba naman magkaron ng ganitong ka-sungit na tinuturuan, ewan ko na lang kung hindi agad pumuti ang buhok mo sa buo mong katawan.


“Let’s start.”


Naman! Maloloka na talaga ako sa dalawang pogi na lalake sa buhay ko. Ako na, ako na may dalawang gwapong lalake, pero sakit naman sa bumbunan ang inaabot ko.


Ok, ok!”


At ayun nga, nagsimula na kaming magturuan ng programming subjet nya. alam mo na yung feeling na hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo kasi ang lapit ng muka nyo sa isa’t-isa tapos ang bango-bango pa nya na parang ibinuhos nya ang isang bote ng pabango na gamit nya. My gaaaaaaaawwwwwwwwdddd!!! Heaven ang feeling pero para ring hell!!!


“Hoy, anong tinitingin-tingin mo jan?”


Bwisit na lalake na to, ilang beses ko ng pinag-sabihan na may pangalan ako at iyon ay ALI, tapos HOY pa rin ang tawag nya sa akin. Bahala nga sya sa buhay nya, mag-aral syang mag-isa nya. Kapag ganitong marami na akong iniisip eh wag na nyang tangkain na dumagdag. Magwo-walkout na ako, anong akala nya sya lang ang may karapatan na gawin yon?


“Ali san ka na naman pupunta? Hindi mo pa ako tapos turuan!”


“Waaaaahhh!!! Ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap na kasing gulo mo!”


=========================


“Break na kami ni Janine!” h-ha? Ano daw, break na sila nung impaktita na yon? BAKET? “I broke up with her.” Jusko talagang lalake na to, wala na ba syang balak magseryoso sa babae?


Kumuka muna ako ng unan at saka ako lumapit sa kanya…at saka ko hinampas sa ulo nya. “Araaaay naman, bakit mo ginawa yon?” bagay lang yan sayo no.


“Bakit ka nakipag-hiwalay sa kanya?”


Humiga sya sa kama ko na akala mo sya ang nagmamay-ari non, kapal ng muka. “Ang sama ng ugali nya eh!” sabay buntong-hininga nya.


Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o matuwa sa taong to eh. “Mabuti naman at napansin mo din, akala ko tuluyan ng pinasok ng hangin yang utak mo kaya nabubulagan ka na! Pero teka, pano mo naman nasabi na masama ang ugali nya?” curious lang ako, kasi kapag silang dalawa lang naman ang magkasama o kaya kaming tatlo eh ang sweet-sweet nya, ang bait-bait ng pinapakita nya?


“Narinig ko na nag-uusap sila nung mga kaibigan nya”


“Kailan ka pa naging chismoso Owen Lacsamana? Ilang linggo lang tayong nagkahiwalay nagka-ganyan ka na, napariwara na ang buhay mo. My gawd ka Owen.” Hindi naman kasi hilig ng lalake na yan ang makinig o mangelam sa usapan ng may usapan, tapos ngayon sasabihin nya narining nya yung usapan ni Babes nya saka nung kaibigan nung baboy na yon.


Bumangon sya saka ako binatukan, leshengot na lalake to. “Hindi pa kasi ako tapos magsalita tapos umeepal ka na agad. Ilang araw mo lang kasama yung crush mo nagka-ganyan ka na, my gawd ka Ali.” At talagang ginaya pa nya yung itchura ko kanina, nakakatawa tuloy sya. “As I was saying, I ACCIDENTALLY heard what they are talking.”


Eh excited ako kaya umepal na naman ako. “And then, tapos? Kwento na bilis, nae-excite ako ng super bongga.” Batok na naman? aba, nakakarami na ang kalahi ni Adan na to ah. “Aray ko naman, nakaka-dalawa ka na! hintayin mo ang ganti ko sayo mamaya! But in the mean time, ituloy mo na yang kwento mo. Dali!”


“Wag ka muna kasing magsasalita, patapusin mo muna ako bago ka mag-react. Alam kong mahirap yon para sayo, pero please naman Ali manahimik ka kahit ngayon lang na magku-kwento ako, ok?”


Tumango lang ako at hindi na nagsalita ng OO, baka kasi dumami pa ang masabi ko eh baka hindi lang batok ang sunod kong matanggap mula sa kanya.


“They are planning na siraan ka sa akin, na ilayo ang loob ko sayo!” type naman ako sa laptop ng reaksyon ko. “They are using Kurt para magalit ako sayo, I don’t get the point to that pero ang sama talaga nung plano nila.” Hala ka…type ulit ako ng wild reaction ko. “But Janine clears all things to her friends. Kapag daw kasi lagi kayong magkasama ni Kurt hindi mo na ako kakailanganin.” Type na naman ako, level 7 na ang galit ko ha, konti na lang at masusugod ko na ang isang yon. “Ikaw na ang kusang lalayo sa akin, kaya hindi sya mapag-bibintangan na inilalayo nya ako sayo, na ginagawa naman nya talaga.” Teka lang, pahingi naman ng tubig at malapit ng sumabog ang Bulkang Pinatubo sa aking pagkatao.


Lumabas ako ng kwarto ko without saying any word to him, kaya naman nasundan na lang nya ako ng tingin. Gusto nyong malaman kung ano yung mga naging reactions ko sa mga sinabi ni Owen? Eto!!! Basahin nyong mabuti ha!



WHAT THE!!! ANG SAMA TALAGA NG UGALI NUNG BABAE NA YON, ANG SARAP NYANG I-SHOOT SA BASKETBALL RING AT SAKA PATAMAAN NG BOLA NG VOLLEYBALL AT NG TENNIS BALLS!!! PERO PARA MAS MASAYA, ISAMA NA RIN NATIN YUNG NAGTITIGASAN NA GOLF BALL!!!

SI KURT? ANG WALANGYANG KURT NA YON!!! AKALA KO PA NAMAN KAIBIGAN KO NA TALAGA SYA, TAPOS MALALAMAN KO NA NAGPAGAMIT LANG SYA SA HALIMAW NA BABES NI BESTFRIEND OWEN KO!!! HUMANDA SYA SA AKING TIMAWA SYA…LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!!! ANONG AKALA NYA, PALALAMPASIN KO LANG LAHAT NG GINAWA NYANG PANG-UULOL SA AKIN, PWES, NAGKAKAMALI SYA, NAGKAMALI SYA NG KINALABAN!!!

PESTE KA TALAGANG JANINE KA…AKALA KO PA NAMAN NUNG UNA ISA KANG ANGHEL NA PINABABA NI ST. PETER PARA SA KAIBIGAN KO, YUN PALA ISINUKA KA NI SATANAS MULA SA IMPYERNONG PINANGGALINGAN MO DAHIL NATAKOT SYA NA BAKA MAAGAWAN MO SYA NG PWESTO… NITONG IMPAKTITANG JANINE NA TOH!!! MY GAAAAHHHHHDDDDD!!! I CAN’T BELIEVE THAT THIS STUPID GUY BESIDE ME FALL FOR A SO,SO MEAN LIKE HER… PAKATANGA LANG TALAGA!!!

MY GOOD, OH SO GOOD LORD!!! PATAWAD PO SA LAHAT NG BAD WORDS NA NASABI AT MASASABI KO PA, PERO HINDI KO TALAGA MAPIGILAN ANG INIS KO SA KANYA… ANG SAMA TALAGA NG UGALI NYA…BALAK PA NYANG BALIGTARIN ANG LAHAT!!! TADONG BABAE NA YON!!! HUMANDA TALAGA SYA SA AKIN KAPAG NAKITA KO SYA…PAGBUBUHOL-BUHULIN KO SILA NI KURT AT NG MGA HALIPAROT NYANG KAIBIGAN… MAKIKITA NILA…MAKIKITA TALAGA NILA…

SANDALI LANG…NANINIKIP ANG DIBDIB KO, KAILANGAN KO NG TUBIG, WAIT LANG… SANDALI LANG…


        Pagbalik ko ng kwarto ko habang may dala ng isang 1.5 na bote ng softdrinks na tubig lang ang laman eh nakita ko ang impaktong Owen na natatawa habang may binabasa sa laptop ko, malamang yung reaction ko yun habang nagku-kwento sya.


        “Ang lakas talaga ng tama mo sa utak no! At talagang napag-tyagaan mo pang mag-type ng ganitong kabaha at ganitong kalalaki. Hindi naman halata na ang laki ng galit mo, ha! Pati ako sinabihan mo pa na pakatanga lang!”


        Nakuha mo pang tumawa jan kulugo ka, eh hindi na nga ako maka-hinga kanina dahil sa sobrang galit ko, tapos ikaw natatawa pa. “Eh sabi mo kasi manahimik ako, alam mo naman na isa yan sa pinaka-nahihirapan akong gawin.” Inom na naman ako ng tubig dahil talagang nahihirapan akong huminga dahil sa inis at galit sa kanila.


=====================


        We both decided na wag ng patulan si Janine at si Kurt, na wag ko na silang saktan, na wag ko ng ituloy yung mga nilagay ko dun sa reaction sheet ko sa laptop na talaga namang nakaka-shit! Hindi na lang namin sila pinansin ever kahit na todo hingi pa sila ng sorry. Sorry nilang muka nila, kami pa talagang dalawa ni Owen ang binangga nila…hindi ba nila alam na ang bumangga sa friendship naman ay ang syang magigiba?


        Until now buo pa rin kaming dalawa ni Owen at wala pa ring nakaka-giba. Pero kawawa naman talaga ang bestfriend ko kasi mukang wala na yatang pag-asa na makahanap sya ng babae na kayang tanggapin ang lahat sa kanya, syempre kasama ako sa package na yon.


        Ewan ko ba sa mga naging ex nitong si Owen kung bakit hindi nila ako matanggap-tanggap, eh ang saya kaya ng buhay kapag kasama nyo ang isang katulad ko.


        I have something to tell to all of you… Hindi ako BABAE, kasi isa akong BADING, BAKLA, SHOKLA, VAKLUSH!!! Yup, hindi ako isang tunay na EBA!!! Gulat kayo noh!!!


        Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng nag-iisang kaibigan samantalang masayahin naman akong tao. Pero ngayon, kahit bigyan nyo ako ng isang milyon na kaibigan, hinding-hindi ko ipagpapalit ang bestfriend ko na si OWEN LACSAMANA like what he did nung pinapipili sya ng mga naging girlfriends nya.


        Hindi ko alam kung paano kami naging mag-bestfriend nitong si Owen to think that he is a straight guy…as in hindi mo sya pag-iisipan na may lahi syang vahklah!!! And what’s more surprising about him is, he treats me as a REAL GIRL!!! Isang tunay na babae ako para sa kanya, kaya naman maligayang-maligaya ako na sya ang bestfriend ko.


        Sana lahat ng third-sex na katulad ko ay irespeto at pahalagahan, kagaya ng respeto at importansya na ibinigay sa akin ni Tito Rowan, Tita Rowena, ng pamilya ko, at ng bestfriend ko.


        Oh pano ba yan, kailangan ko ng umalis at gogora pa ako kasama sila Tita Rowena dahil magsho-shopping kami dahil summer na at paniguradong lulusubin na naman namin ang magagandang beach ng Pinas… Babushka mamaril, kyeme-kyeme shondiness, effictiveness!!! Gorabelles na aketch!!!

6 comments:

  1. grabe!!!!!!!!!! ate, nde q inexpect yung huli ha. beki pla xah! grbe ang friendship tlga nila. galing nito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Jiyeon...hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko at ganyan ang naging ending nyan eh...hahaha...

      pero thanks talaga sa pagbasa ng mga one shots ko... kilig ako!!!

      Delete
  2. wow!!!! naloka naman ako dito..akala ko si owen ang bading haha..

    nice one sis..naunahan mo ako..

    i was planning to do a one shot story din kasi about bestfriends..

    ReplyDelete
  3. grabe ka bkla.. naloko mo ko.. hahahha.. kaloka ka tlga.. but nice story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha..ganun talaga bakla... kailangan ng something surprising sa ending...

      Delete
  4. haha.. umaasaapa nmn akong mgkaktuluyan sila..tapos..wahahaa...bakla pala si Ali.... pero aaaaaaaaaah! anda po ng story. ^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^