Thursday, April 5, 2012

My First Love, True Love and Forever Love : Chapter 21

CHAPTER 21
(Sabina “Saab” Bernardo)


Saab: Tita Yukiko!!! Tito Eugene!!!

Amerie: nandito na po ako!

Yukiko: Amerie! Inah!!!!!! Mabuti naman at napasyal ka dito.

Saab: opo naman, na-miss ko na yung chocolate cookies nyo eh.

Eugene: nagkita pa kayo kanina sa University Amerie at sabay na kayong umuwi ni Inah?
Amerie: opo Tito, saka mamaya pa po kasi makaka-uwi si Yuji dahil may training pa po sya.

Eugene: kaya naman pala naisipan magpunta ng bata na to dito dahil wala ang kaagaw nya sa cookies.

Saab: naman Tito! Hi Maki, hi Aki!

Amerie: nasaan po sina Tita Minori?

Yukiko: nasa shop pa yata nila. Kumain na ba kayo?

Amerie: Opo Tita, nanlibre si Ryuji eh.

Eugene: yung makunat na si Ryuji nanlibre? Sigurado ka?

Saab: opo Tito, pinilit sya ni Amerie.

Amerie: and he spent three thousand for that treat.

Yukiko: nako Daddy, patay na naman ang wallet mo nyan. For sure hihingin din nya sayo mamaya pag-uwi nya yung three thousand na nagastos nya.

Saab: Tito, wag nyo po syang bibigyan ng extra allowance. For sure maraming pera ang isang yon, ayaw lang mabawasan yung ipon nya paminsan-minsan. Hahaha!

Eugene: oh sige Inah, pero sikreto lang natin yon ha. Ahahaha!

Amerie: akyat lang po ako sandal para mag-bihis.

Yukiko: oh sige iha, bumaba ka agad pagkatapos mo ha.

Amerie: yes Tita. Oh kayong dalawa mag-behave kayo.

Saab: hey little boys, what’s up? How are you two doing?

Aki: Ate Inah, alam mo ba type ka ni Ma---

Maki: kahit kailan talaga nakapa-kiss ang tell mo! Makaka-ganti din ako sayo.

Aki: wala ka naming igaganti sa akin kasi alam naman ni Amerie na type ko sya eh, eh ikaw hindi nya alam.

           
            Ayos tong kambal na to ah, parang kami lang din ni Rina before laging nagkukulitan, pero syempre pa si Rina ang laging asar-talo.


Clint: tropapipz!!!

Maki & Aki: Kuya Clint!!!

Clint: Hi Saab, nandito ka din pala.

Aki: may gusto ka rin sa kanya Kuya Clint? Ang dami mo palang kaagaw sa kanya Maki eh.

Maki: papasakan ko na talaga yang bibig mo Aki, isa pa!

Clint: she’s beautiful, right?

Maki: yes Kuya Clint, anyway what are you doing here? Nandito ka ba para makipag-laro sa amin, and because you missed us?

Clint: yeah, saka na-miss ko na rin ang luto ni Tita Yuki. Tita, pakain po ako ah.

Ryuji: hoy, anong ginagawa mo dito?

Saab: pakelam mo naman, hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito! Epal ka rin talaga kahit kailan eh.

Amerie: akala ko ba may training kayo ngayon, bakit nandito na agad kayo?

Ryuji: canceled ang training ngayon dahil wala rin pala si Coach. Kumain na ba kayo, Mommy?

Yukiko: maaga pa Ryuji para sa dinner. I heard nanlibre ka daw kanina, may sakit ka ba?

Ryuji: Inaaaaaaahhhh!!!

Saab: ano na naman, kung maka-sigaw ka jan akala mo ninakawan kita ng three thousand!

Ryuji: eh totoo naman eh, dahil sayo napa-gastos ako ng three thousand ng wala sa oras.

Saab: bakit, pinakinabangan mo rin naman yung three thousand mo na yon. Saka para three thousand lang nagkaka-ganyan ka, grabe ka!

Amerie: wag mo ng awayin yang si Inah, Ryuji. Minsan ka lang naman yata kung makapang-libre, tapos puro reklamo ka pa jan.

Yukiko: sya nga naman anak, ngayon na nga lang natin sya nakita ulit tapos inaaway mo pa.

Saab: bleh!!!

Amerie: dito ka na lang din mag-dinner Inah, mamaya ka na umuwi.

Saab: naku hindi pwede, baka makurot ako sa singit ni Yaya kapag hindi ko sya sinabayang kumain tonight, birthday kasi nga ngayon.

Eugene: Mommy, magpa-uwi ka nga kay Inah nyang niluluto mo bilang regalo natin sa yaya nitong bata na to.

Ryuji: si Inah lang din naman ang kakain nyan eh.

Saab: Tito, Tita mauna na po ako at baka nagwawala na si Yaya sa bahay, lobat pa naman yung phone kaya siguradong nag-aalala na yon. Babay! Babalik na lang ako next time, tapos gala tayo.

Ryuji: sige na, umuwi ka na dami pang sinasabi eh!

Saab: shatap!!! Uwi na po ako.

Clint: ihahatid na kita.

Aki: I smell something sweet here.

Maki: yung niluluto lang yon ni Tita na chocolate cake.

Saab: Tita nagbe-bake ka ng chocolate cake? Malapit na po ba yang maluto?

Yukiko: meron na akong nagawa kanina, yun na lang ang iuwi mo para hindi ka na gabihin lalo. Eto Inah, paki sabi sa yaya mo na happy birthday.

Saab: makakarating Tita. Mauna na po ako ah, babay na talaga.

Amerie: ingat ka ha, ihatid nyo na si Inah, kung sino man sa inyo ang gustong mag-hatid sa kanya.

Clint: ako na lang ang maghahatid sa kanya.

Saab: wag na Clint, ok lan, kaya ko namang umuwi mag-isa.

Clint: no, I insist. Ihahatid na kita, mejo madilim na rin baka kung ano pang mangyari sayo.

Ryuji: sige, umuwi ka na.

            Ano bang issue nitong si Clint at talagang nagpupumilit na ihatid ako? At ano naman ang problema ni Ryuji at bakit parang sobrang bwisit nya sa akin? Hay nako, bahala nga sila sa mga buhay nila.

Clint: saan ba kita ihahatid? Anyway, how should I call you, is it Inah or Saab?

Saab: just call me Saab, hindi na kasi ako sanay na tinatawag na Inah eh.

Clint: ok, so saan na nga ba kita ihahatid?

Saab: sa labas ng subdivision mo na lang ako ihatid, magpapa-sundo na lang ako kay Kuya Dodong sa labas.

Clint: wag ka ng magpasundo, ako na lang ang maghahatid sayo sa mismong bahay nyo.

Saab: are you sure? Eh diba kaya ka nga nagpunta kila Tita eh, para makapag-bonding kayo nung kambal?

Clint: well, yeah. But I have another reason why I decided to visit them.

Saab: ahh, you own this car?

Clint: yup, maganda ba?

Saab: it’s nice, sobrang ganda.

Clint: talaga, that’s nice to hear, you know.

Saab: maganda kasi ganito din yung kotse na ginagamit ko, hehehe. Kapag sinabi kong pangit tong sasakyan mo, para ko na ring nilait ang sariling kotse ko. Hahaha!

Clint: ahahaha!!! Makulit ka nga pala talaga kagaya ng sabi ni Ryuji.

Saab: kahit kailan talaga ang lalake na yon, saksakan ng daldal. Lalake pa yon ha, pano pa kung naging babae yung isang yon!

Clint: ahmm, I just wanna say something to you.

Saab: what’s that? Kung uutang ka, sorry pero wala eh. Hehehe, joke lang. Ano yun?

Clint: I’ll court you.


            Patawa much naman ang isang to, kanina lang kami nagka-kilala manliligaw agad? Hindi naman sya masyadong nagmamadali ah. Pero, ano bang dapat kong sabihin sa kanya? Hindi naman lang nya ginawang patanong para naman may chance akong mag-protesta.


Saab: ahahahaha!!!! Whahahahaha!!! Grabe ka Clint, ang lakas mong maka-sakit ng tyan dahil jan sa mga jokes mo. Ibang klase ka!

Clint: I’m serious here Saab, I’ll court you.


            Seryoso ba talaga sya, balak nya talaga akong ligawan? Ano naman ang isasagot ko sa ‘to? Maryosep na buhay ‘to, magulo na nga dahil nakita ko na ulit sila Ryuji tapos dumagdag pa sa gulo itong si Clint, mag-kaibigan nga silang dalawa ni Ryuji.


            Oi kayo jan, baka naman may maibibigay kayong magandang gawin at sabihin dito sa lalake na to. Bigyan nyo naman ako ng mga pamatay na payo jan, wala akong alam sa mga ganitong klaseng sitwasyon, first time ever to. Hindi magagawa ang next chapter hanggang hindi nyo ako binibigyan ng malupit na payo.







3 comments:

  1. ayun oh! patay ka ngayon ryuji!
    ayan na si clint! go clint, suportahan muna kita at nang magselos yang kumag na ryuji na yan!

    ReplyDelete
  2. sige! ligawan mo na siya clint at nang matauhan yang ryuji na yan!

    ReplyDelete
  3. lbnan mu si clint, ryuji! wag kng magptlo! khit ganyn ka, suportado kta ng full force!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^