Tuesday, February 28, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 15

CHAPTER 15
(Sabina “Saab” Bernardo)

Ryuji: Oh, ayan ang number ni Mommy.

Saab: siguraduhin mo lang na tama ang ibinigay mo sa akin, dahil kung hindi hahanapin kita sa buong university at saka kita babangasan! Jan ka na nga!!!

Rina, salamat!!! Nagkita na kami ni Ryuji!!! Makikita ko na rin sina Tito at Tita, at higit sa lahat, makaka-kain na naman ako ng ibang pagkain. Ang sarap kasing magluto ni Tita, kahit nga Japanese food kinakain ko na ngayon eh!


Menchie: saan ka ba galing babae ka? Sabi mo sandali ka lang?


Nica: Saab, nakita ko kung sino yung kausap mo kanina. Si Ryuji Francisco yun ah, yung captain ng baskeball team. Nanliligaw ba sya sayo?

Andrea: really, si Ryuji ba talaga yung kausap mo kanina Saab?

Menchie: si Ryuji ba talaga yung childhood playmate mo? My gosh Sabina, bigatin ka talaga!!!

Saab: Easy lang! Si Ryuji nga yung kausap ko kanina, at hindi nya ako nililigawan Nica. At oo Menchie, sya nga yung long lost childhood playmate ko.

Andrea: ipakilala mo naman kami sa kanya, grabe ang galing nyang maglaro ng basketball.

Nica: may gusto ka sa kanya Andrea?

Andrea: crush lang naman, wala namang masama dun diba?!

Saab: makikita ko na ulit ang Mommy at Daddy nya!!!

Menchie: close ka talaga sa family nya noh!

Saab: oo naman, lagi kasi akong sa kanila kumakain kapag walang pasok. Kapag wala akong magawa at ayaw makipag-laro ni yaya, pumupunta ako sa kanila. Feeling ko nga parang sila yung parents ko, mas mahal pa kasi nila ako kesa sa tunay kong magulang.

Andrea: eh di ang swerte mo pala na dalawa ang parents mo.

Saab: wag na nga nating pag-usapan yung kumag na yon! Kain na tayo!!! Waiter!

Waiter: yes Mam? May additional order po kayo?

Saab: yes, for take out. Tatlong Bacon Cheeseburger please, medium well. Thanks!

Waiter: ok po. Excuse me po!

Ken: akalain mo nga naman oh, dito pa natin makikita ang loners club.

Paolo: ang dami nyong in-order, baka wala kayong pambayad nyan! Hahaha!

Chloe: malamang, or kung hindi naman, jan nila gagastusin yung isang taon nilang pinag-ipunan.

Jodie: at wag kayo, nag-shopping pa pala sila.

Heto na naman po ang barkadang walang ibang alam gawin kundi ang inisin kami. Pero eto naman si Ken, panay pa rin ang tingin kay Nica.

Saab & Andrea: may something talaga!!!

Menchie: hoy kayong apat na walang magawa, pwede ba umalis kayo dito sa harap namin at nawawalan kami ng ganang kumain!

Chloe: alam nyo ba na hindi kayo bagay sa mga ganitong klaseng lugar. Ang mga nagpupunta lang kasi dito is yung mga susyal at may kaya!

Andrea: may kaya kami Chloe… kayang-kaya ka naming kalbuhin kahit ngayon na mismo!

Waiter: here’s for your take out Mam.

Saab: thank you! Here, pa-swipe na lang. Thanks.

Paolo: may credit card pala kaya malakas ang mga loob kumain sa ganitong klaseng lugar!

Jodie: hayaan na nga lang natin, minsan lang naman sila nakaka-pasok sa ganitong lugar.

Sa lahat ng ginawa ninyo ngayong araw, iyan ang pinaka-maganda, ang lumayas kayo sa harapan namin. Grabe sila, akala nila kung sino sila, sila lang ba ang may karapatang mag-Fridays.

Nica: ui mga bruha, kailangan na nating umalis, baka ma-traffic tayo pauwi hindi ako umabaot sa curfew ng dorm.

Menchie: tara na! Nawalan na rin naman ako ng gana eh!

Andrea: pero may something talaga kay Ken eh! Nakita mo ba yung reaksyon nya ng makita nya ang bagong Nica?

Saab: nakita ko yon! Kulang na lang tumabi sya kay Nica at mangako na hindi na nila tayo iinisin!

Nica: hayan na naman kayo eh, ako na naman ang nakita nyo.

Menchie: dapat nga proud ka eh, ang ganda mo kaya!

Saab & Andrea: tahmah!!!

Nakalabas na kami ng Fridays, and guess who kung sino ang makakasalubong namin! Si Ryuji and his family!!! Kulang na lang takbuhin ko si Tito at Tita dahil sa sobrang saya na nakita ko na ulit sila after a decade.

Ryuji: Inah!!!

Andrea: anu daw, Inah? Nagpalit na ba ako ng palayaw?

Menchie: hahaha!!! Gaga!!! Feeling mo naman ikaw ang tinatawag, ako kaya!

Nica: pano namang naging ikaw, ang layo naman ng Menchie sa Inah!!!

Sige lang tingnan nyo lang ako ng ganyan ng malusaw na ako sa kinatatayuan ko! Alam mo yung gusto mong matawa sa reaksyon nila pero hindi mo magawang matawa ng bonggang-bongga pero hindi mo magawa dahil naka-tingin sayo yung crush mo!

Saab: oo, ako nga si Inah!!!

Yukiko: Inah anak ikaw na nga ba yan?

Eugene: si Inah nga yan Mommy, ang gandang bata eh.

Maki: Mama ang ganda pala ni Inah, liligawan ko talaga sya! Kuya Ryuji, akin na sya ha, hindi mo na sya pwedeng ligawan ah!

Aki: hindi ka bagay sa kanya Maki, maganda sya eh tapos pangit ka!

Minori: tama na yan!

Amerie: sya pala si Inah, sya pala ang dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ni Ryuji.

Saab: Tita Yukiko, Tito Eugene!!!

Eugene: ang laki mo na ah, at ang ganda mo pa!

Saab: ikaw Tito hanggang ngayon binobola nyo pa rin ako, mabait na po ako!

Ryuji: may mabait bang nang-aaway?

Saab: cheee!!!! Tita!!! Namiss ko po kayo ni Tito.

Ryuji: ako, hindi mo na-miss?

Saab: hanggang ngayon epal ka pa rin! Magbago ka na nga Ryu!!! Ay oo nga po pala Tito, Tita, mga kaibigan ko po. sina Menchie, Andrea at Nica.

Eugene: pwede bang hiramin na muna namin sa inyo ang bata na to? Ngayon lang kasi naming ulit sya nakita eh.

Andrea: no problem po, kayo na po ang bahala sa isang yan, kakatakas lang po nya kasi sa Mental.

Saab: ah ganon, hindi na kita ipapakilala sa kanya!

Andrea: hindi na ba pwedeng mag-joke Sabina?

Saab: Ryuji, sila nga pala ang mga kaibigan ko, sina Menchie, Nica at Andrea. Pa-picture daw kayo ni Andrea!

Andrea: I love you friend!!!

Yukiko: mauna na kami sa inyo ah, sumama na rin kaya kayo sa amin.

Menchie: hindi na po, may curfew po kasi yung isa naming kasama eh. Ingat po!


3 comments:

  1. Andrea: anu daw, Inah? Nagpalit na ba ako ng palayaw?

    Menchie: hahaha!!! Gaga!!! Feeling mo naman ikaw ang tinatawag, ako kaya!

    Nica: pano namang naging ikaw, ang layo naman ng Menchie sa Inah!!!


    ang kulit n2ng tatlong 2! ahhhahaaahha!

    ReplyDelete
  2. at dun pla s momnt nina ryuji at saab, ayii, kilig kilig!

    ReplyDelete
  3. hahahahhaaah, nnktuwa sina ryuji at saab peo d best nga ung friends ni saab! cute lng nila! hahah!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^