Tuesday, January 31, 2012

Masyadong Masyado : Chapter 5


Chapter V---Richelle POV


Ha-chu! (Sabay singhot) feeling ko may nag-uusap ng tungkol sa akin… kanina pa ako bahing ng bahing eh. Malamang si kuya yun.. naku! Humanda ka sa akin kuya… baka kung anu-ano na ang pinagsasabi mo sa kanila tungkol sa akin. Naman eh… pano kung sabihin ni kuya na type ko si Matt? Oh kaya baka sabihin ni kuya na never pa akong nagka-bf… Naku kuya… humanda ka talaga sa akin mamaya…

Richelle: huuuuhhhhhh…. L

Mr. Santos: yes iha? May problema ba?

Richelle: ha? Ah! Wala po sir… nahirapan lang po akong huminga kanina…

Ano ka ba chel. Magdadahilan ka na lang palpak pa. pasalamat ka hindi pinasagutan sayo yung problem sa board.

Mr. Santos: ang mabuti pa siguro iha eh, pumunta ka na muna sa clinic.

Richelle: naku sir, hindi na po.. Ok na po ako…

Mr. Santos: ok! So, let us continue…

Yes! Bwenas! Tumunog na ang mapagpalang bell… tapos na ang klase… umalis na si sir. Kaya ayan, lumapit na sa akin ang dalawa kong kaibigan na babae.

Anna: ano bang nangyayare sayo bakla?

Cess: may problema ka ba? May sakit ka ba? Kanina ka pa kasi bahing ng bahing eh…

Richelle: hindi ko rin alam kung bakit cess eh. Wala naman akong sipon. Malakas ang kutob ko kanina na may nag-uusap tungkol sa akin eh.

Cess: Eh sino naman yun?

Jessie: hindi ba kayo sasama sa akin sa tambayan? Nandoon pa kasi sila Jacob eh. Ipapakilala ko si Romeo sa kanila.

Cess: xempre naman sasama kame no…

Richelle: tama… para naman masilayan na ni bebe girl si soulmate…hahahaha…

Anna: hay nako.. ako na naman po ang nakita nila…

Cess & chelle: i lab yu bebe girl…ahahaha…

At ayun nga, papunta na kami ng tambayan, andoon pa nga sila. Si kuya naman kung makatawa parang wala ng bukas. Napaka-ligaya. Teka, hindi kaya ako ang kinukwento nya sa tatlong yon kaya ganon sya kung maka-tawa… naku naman… humanda ka talaga sa akin…

Jessie: pasenxa na Jacob ah. Ah! Sya nga pala, mga pare, si Romeo, kaibigan din namin.

Romeo: kamusta… hi kuya.

Cess: Jacob, this is anna, your soulmate…hihi..

Anna: pakyu ka talaga cess…

Richelle: hahaha..ang kyot… si anna nagba-blush…

Anna: isa ka pa chelle…pakyu ka din…hahaha…

Dumating lang ako bigla ng tumahimik tong kuya kong sira ulo…

Richelle: hoy kuya! Nakita kita kanina mula sa malayo, kung makatawa ka kanina, parang wala ng bukas. Tapos ngayon na nandito ako bigla kang tumigel. Naku! Mukang tama nga yung hinala ko na kung anu-ano na naman ang sinabi mo tungkol sa akin sa kanila….ggrrr…

Richard: sis, puro magaganda lang naman ang sinabi ko sa kanila.

Richelle: at kalian ka pa natuton nun? Sira ka talaga! Kanina pa ako bahing ng bahing sa klase. At alam kong ikaw ang may sira ang ulo na pag-uusapan ako.

Cess: ang sweet nyo talagang magkapatid. Naiingit tuloy ako, sana may kuya din ako.

Richard: kuya mo naman ako ah. Kaya wag ka ng maiinggit sa abnormal na to. Pati si anna, kuya nya din ako. Kaya kapag may nanloko sa inyong tatlo. (at talagang kailangan tingnan yung tatlo? Bakit pati si Matt? Adik talaga…) lagot sila sa akin.

Cess & Anna: ahhhhhhhhhhh….. ang sweet naman…hahahaha…

Jacob: wag kang mag-alala pare, wala sa plano ko ang saktan at lokohin ang soulmate ko…

Aaron: at ganun din naman ako kay destiny.

Richard: dapat lang. ikaw Matt?

Richelle: sino ba ang ka-love triangle nyang si Matt? Kay destiny o soulmate?

Richard: ka-love triangle ka jan. type ka kaya nyang isa na yan..

Ha????o_0 ano daw? Ako? Type nya? Whahahaha… patawa naman masyado ang kuya ko…

Richelle: nalipasan ka ba ng gutom kuya? I know you know him and even me. Alam mo naman siguro ang gusto nya sa babae. At kahit isang trait na gusto nya sa babae eh wala sa akin. Buti nga kung babae talaga ng tingin nyan sa akin..hahaha… and kuya, alam kong alam mo na ayaw ko ng maxado…

Cess: defensive bakla?

Jacob: hahahaha…ikaw Matt, anong masasabi mo?

Matt: No comment! Puro kayo kalokohan…

Richelle: cess, alam mo naman na ayoko sa maxayong maxado. At isa sya sa maxadong maxado na yun.

Matt: At ayoko din sa maxadong madaldal, at isip bata. At isa sya sag anon.

Huh! We feel the same way! Akala mo kung sinong pogi. Pero pogi naman talaga sya eh. Pero kahit na, maxado xang mayabang at seryoso. Parang dala nya sa balikat nya ang problema ng sanlibutan. Duh!

Richard: easy lang. wag kayong mag-away. Hindi pa nga kayo mag-on nag-aaway na kayo.

Richelle: hay nako kuya! Ewan ko sayo.para kang adik. Ang weird mo talaga. Libre mo na lang kame. Gutom na naman ang alaga ko eh.

Romeo: eh diba kumain na kayo kanina bago ang klase? Grabe naman yang tyan mo.

Anna: oo nga naman chel. Ako hanggang ngayon nalalasahan ko pa yung kinain natin, tapos ikaw gutom ka na agad.

Richard: babae ka ba talaga chel? Grabe talaga yang tyan mo. Lagi na lang gutom, ang lakas mong kumain pero hindi ka naman tumataba. Saan mo ba dinadala ang mga kinakain mo?

Richelle: stupid question. Babae ako noh. Tara na kasi.. ang dami mo pang sinasabi eh. Libre mo kaming lahat.

Aaron: oo nga pare, gutom na rin kami eh.

Anna & Cess: kuya… please.?!

Romeo: pano ba yan kuya, lahat kame gutom na.

Richard: kahit kailan talaga chel pahamak ka eh. Wala kaya akong dalang pera. Nagastusan pa ako ng wala sa oras.

Matt: problema ba yun pare, isang swipe lang ang katapat nyan. Hahahaha…

Richelle: minsan lang naman toh. Pero kung gusto mong ulitin, pwedeng-pwede naman…hahahaha… labyu kuya…

Richard: oo na…oo na… saan ba tayo?

Jacob: McDo na lang pare. Baka naman sabihin mo abuso kame.

Richelle: naku, ok lang yan kay kuya. Para naman mabawasan ang ipon nya.hahaha… starbucks tayo kuya. Gusto ko ng coffee mousse cake nila. Cge na guys, starbucks na lang tayo.

Richard: grabe ka talaga. Napaka-gastos mo talaga. Mamumulubi ako sayo nyan eh.

Cess & anna: ok lang sa amin ang starbucks.

Jacob, matt, aaron, rom & jessie: sa amin din.

Richelle: salamat… tara na kuya…

Kawawa naman ang kuya ko, nagastusan na naman ng dahil sa akin…hahahaha… Alam ko naman na hindi nya ako matitiis eh…


2 comments:

  1. Jacob: wag kang mag-alala pare, wala sa plano ko ang saktan at lokohin ang soulmate ko…

    Aaron: at ganun din naman ako kay destiny.

    Richelle: sino ba ang ka-love triangle nyang si Matt? Kay destiny o soulmate?


    waaah ang kulit nila! hahaha!!! si soulmate at saka si destiny! tas biglang may comment si richelle, kalovetriangle daw! hahahaha!!! next na agad po!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^