Tuesday, January 31, 2012

My First Love, True Love, and Forever Love : Chapter 1



CHAPTER 1
(Sabina “Saab” Bernardo)

Saab: Ma, Pa… Dun na po ako sa car!

Rina: Hey Saab, wait for me, sabay na tayo!

Celina: mag-iingat kayo huh, first day of school so enjoy!

Isagani: umuwi agad after class, wag ng kulitin ang driver.

Rina: Bye Ma. Bye Pa.

Saab: Don’t worry po Pa, uuwi agad kami.

Rina: let’s go Saab.

That’s my family, ang saya diba? Close kasi talaga kami sa isa’t-isa, we talk like were just friends. Sana kaya kong ibalik yung ganyang samahan namin, nakaka-miss kasi. Kung gaano kami ka-close noon, ganito naman kami ka-broken ngayon. This happened twelve years ago.

Saab: Yaya, where’s Mama and Papa?

Yaya: naku Sabina, maagang umalis at may aasikasuhin daw about sa work nila.

Saab: eh Si Rina?

Yaya: si Rina? Oo nga pala, hindi ko pa nagigising ang isang yon, sandali lang anak at tutunguhan ko lang.

Saab: sama na ako Ya.

Yaya: tara na!
Pinuntahan na namin ni Yaya si Rina para gisingin.

Saab: Rina gising ka na, baka ma-late tayo sa school. Sige ka, pagagalitan tayo ni Mam Sungit.

Yaya: Sabrina, bangon na jan!

Rina: opo, ten minutes.

Saab: ten minutes ka jan, tara na!

Hinila ko na sya para bumangon na, pero ayaw pa rin talaga nya kaya naman dinaganan ko sya para mapilitan syang bumangon. Ganyan kami lagi, ang hirap nya kasi talagang gisingin.

Rina: Saab, ang bigat mo! Umalis ka na jan, sige ka, kikilitiin kita.

Saab: kilitian muna tayo bago tayo mag-breakfast. Hahaha!

Rina: sabi mo yan ha…walang ayawan!

Yaya: ready…set…go!!!

Kaka-iba si Yaya diba? Kaya mahal na mahal namin ni Rina yan, kasi hinahayaan nya lang kami sa mga kalokohan namin sa bahay, pero ibang usapan na kapag nasa school na kami.

Yaya: oh, tama na yan, nakaka-five minutes na kayo. Tara na sa baba at ng makakain na kayo ng breakfast. Let’s go! Let’s go!

Rina & Saab: ok Yaya!

After we get dressed, we are now on our way to school. Habang nasa byahe, nagkikilitian pa rin kaming dalawa, at syempre pa, suportado na naman kami ni Yaya. Nagulat ako ng bigla na lang tumigil si Rina at niyakap ako ng sobrang higpit. Bakit? May problema ba o may masakit ba sa kanya?

Saab: bakit ba? Hindi ako maka-hinga Sabrina!

Rina: Saab, mag-iingat ka lagi ah, pag tatawid ka ng kalsada, wag kang tatanga-tanga.

Saab: anu ka ba naman Rina, tatadjakan kita jan eh! Syempre naman, titingin muna ako sa kaliwa ko, tapos sa kanan naman, at kapag wala ng dumadaan na sasakyan, saka pa lang ako tatawid. May problema ka ba Sabrina?

Rina: wala, masama bang mag-alala? Basta Saab, alagaan mo si Mama at Papa, pati na rin si Yaya, ok?

Saab: psshhh!!! Wag ka ngang praning jan kambal!

Rina: mag-promise ka na lang kasi.

Saab: ang weird mo talaga, pero sige. Promise, aalagaan ko silang tatlo, gusto mo isama pa natin si Kuya Juancho eh.

Juancho: Miling, ikabit mo yung seatbelt nung mga bata.

Yaya: bakit Juancho, may problema ba?

Juancho: wala tayong preno Miling, bilisan mo.

Yaya: oo, oo. Twins, wag nyong aalisin yan ha, it will make you safe.

Saab: anung nangyayari Yaya?

Rina: don’t worry Saab, I’ll keep you safe. Promise, hindi ka masasaktan.

Ano ba naman tong kakambal ko, hindi kaya hinangin ang utak nito? Bakit parang merong hindi magandang mangyayari.

Rina: Saab, wag kang aalis sa tabi ko, dito ka lang, akong bahala sa inyo ni Yaya.

Saab: Yaya, ano bang ibig sabihin ni Rina, hindi ko saya maintindihan?

Yaya: Sabrina, wag kang magsasalita ng ganyan, walang masamang mangyayari sa ating lahat, ok?

Rina: Yaya… alagaan mong mabuti si Saab ha, wag mo syang pababayaan.

Yaya: Rina, wag kang ganyan, hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi mo. Ikaw ang mag-aalaga sa pasaway mong kakambal na si Saab.

Rina: Yaya mag-promise ka.

Yaya: ayoko! Ikaw ang mag-papatino sa kakambal mo, sabay kayong lalaki at kayo ang mag-aalaga sa isa’t-isa.

Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, pero pakiramdam ko parang iiwanan ako ngayon ng kakambal ko, parang eto na yung huling pagkakataon na makakasama ko sya. Eto na yung huling pagkakataon na mayayakap ko sya. Bakit? Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Saab: Sabrina, hindi ka naman aalis diba? Bakit nibibilin mo ako kay Yaya? Aalis ka ba, saan ka pupunta? Sasama ako sayo ambal, gusto ko lagi kitang kasama.

Rina: ano ka ba Sabina, hindi ka pwede dun, bawal ang pasaway doon noh.

Saab: eeeeehhhh…bawal ka din doon, pasaway ka rin naman eh! Sabrina, dito ka lang, wag kang aalis.

Juancho: Miling, yung mga bata!!!! Babangga tayo!!!

Pagkasabi nun ni Kuya Juancho, bigla akong niyakap ng mahigpit ni Yaya at ni Rina. Nagising na lang ako na nasa ospital na ako, nasaan na ang kakambal ko? Nasaan si Yaya? Pinilit kong bumangon para hanapin ang kakambal ko, ang mahal kong kakambal, pero hindi ko kaya, masyadong maraming masakit ang buong katawan ko. Naiiyak na ako sa sobrang sakit at sa sobrang kaba, kinakabahan ako kasi wala sa tabi ko ang kakambal ko. Nag-iisa lang ako dito sa kwarto na to. Bakit, nasaan ba sya? Nasaan na ba talaga ang kakambal ko?


10 comments:

  1. uwaaah sis... naiyak ako sa last part! anong nangyari kay rina... hala baka namatay siya!

    naawa ako kay saab! next na agad sis!!! >__<

    ReplyDelete
    Replies
    1. maiba naman sis...inuna ko na ang iyakan bago ang tawanan...hahaha...

      next chapter na ba agad??? hahaha!!!

      Delete
  2. ang heavy n agd ng umpisa!!!!!!!! ano n nangyri s kmbal ni rina.... awww mukhng alm ku n ang nangyri pero wag nmn sana!

    next n sna agd ate queen!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibahin naman natin ang simula..simulan natin sa heavy then pa-light na sya ng pa-light...hahaha...

      salamat po at nagustuhan mo!!!

      Delete
  3. wow... nakakaiyak to ah...umpisa pa lang nagpapaiyak kana ate queen..hehhee,,naiyak ako sa mga promise nila...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kailangan sa buhay yan...masama naman yung lagi ko na lang kayong pinapatawa...hahaha...

      salamat sis... :)

      Delete
  4. bakit naman ganun ka-sad!!! T___T

    iba talaga ang kambal e, tignan mo naramdaman na agad ni saab na parang iiwan na nga siya ni rina. kakaiyak naman!

    next chapter na po please!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po... wag kang mag-alala, sasaya ka na naman sa mga susunod na chapters..hahaha...


      salamat po talaga...

      Delete
  5. GRABE!!! SOBRANG HINDI KO INAASAHAN NA MAIIYAK KAYO SA FIRST CHAPTER NG MY FIRST LOVE...

    MARAMING SALAMAT!!!!

    ReplyDelete
  6. wew :) ang ganda nito :)) hahahaha ngayon lang ulit nakabasa ng story :D as in. ang galing :) HAHAHAHA

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^