Tuesday, December 6, 2011

Boyfriend in Disguise : Chapter 1

Chapter 1
(ISHY ARAVILLA POV)




"Kyaaaaaaaaaaahh~!"



Hala! Nagkakagulo na ang buong university! Kanina pa kasi nag-aabang ang mga girls sa pagbabalik ng isang sikat na celebrity from his world tour. Dito kasi siya nag-aaral sa Newcastle Moore University.



"Ishy!!!" Paglingon ko naman, parating na din ang bestfriends kong sina Helena  at Mindy na fangirls din ng celebrity na yun.



"Tawa na! Malapit na si Wiley!" Yan si Helena. Isa sa mga GF (girlfriend) ko. Ang ibig pong sabihin nung sinabi niya ay 'Tara na! Nanjan na si Riley!' Buyoy kasi siya. Ahaha!!! Kulang siya ng lettew aw (letter R) sa alphabet niya.



"Ooh ngah! Tarah nah GF!" At yan naman po ang GF kong si Mindy. Kung si Helena kulang ng isang letra sa alphabet niya, siya naman sobra-sobra! SOBRA sa letter H! Lahat ng nasasabih niyah ay may letter H sah hulih!



"Hay naku mga GF's! Si Riley na naman! Ayokong sumama!!! Mababaldog lang ako!" At yan naman ako, I'm Ishy! Ako lang yata sa buong mundo ang hindi fan ng lalaking yun!



"Wag kah ng umangal jhan! Tarah nah!" Wala naman din akong nagawa. Kinaladkad nila ako papunta sa gate dahil doon titigil yung sasakyan ni Riley Dayne.



"Oh yan! Gamitin mo yang camewa ko! Kumuha ka ng mawaming pictuwes ha!" Masasanay din kayo sa ka-weirduhan ng mga kaibigan ko. Wish ko lang! Hanggang ngayon kasi, iniisip ko kung sinasadya lang ba nila o totoo bang ganyan sila ka-alien magsalita.



Then just minutes later, a silver Bugatti Veyron car arrived at our school gate.


Photobucket
ISHY: Ganito ang sasakyan ni Riley oh! Ganda noh! Sarap i-carnap!


"Kyaaaaaaaaaaah!!! Riley!!!" 




Pagbaba ni Riley, sinalubong siya agad ng mga nagkakagulo niyang fans! At dahil nga isa siyang celebrity, wala siyang nagawa kundi ang harapin ang mga fans niya.




At kinukuyog na siya, ahahaha!!! Kawawa namang lalaki 'to!!!




"Hoy bwuha!!! Kumuha ka ng pictuwes!!!" Ay oo nga pala! Napatitig kasi ako kay Riley eh. Napaka-gwapong nilalang naman kasi! Kahit hindi ka fan, hindi mo maiiwasang hangaan ang Riley Dayne na ito!




"Riley pa-autograph!!!"




"RILEY MY GAWD!!! *sabay yakap at halik* Ay ang gwapo at bango mo!!!"




"Riley tumingin ka naman sa camera ko oh!!!"




Lahat na yata ng uri ng chansing, ginawa na ng mga babae kay Riley. Ni hindi na nga siya maka-usad sa paglakad. Pero hindi lang siya ang mukhang kawawa noh. Pati kaya ako!




Ang gulo! Aray! Nadambahan na ako, naapak-apakan at natulak-tulak pa ng mga sabik na fans! Natigil lang ang kaguluhan nang may dumating nang mga guards para i-escort si Riley papasok ng university.




"Hoy Ishy!!! Wag kang kemeh jan! Damihan moh pagkuhah ng pictures!!!"




Wag na kayong magtaka kung bakit excited sa pictures 'tong sina Helena at Mindy, yun ay dahil may fansite din kasi sila for Riley. Kaya pati ako, ginawa nilang photographer para lang makakuha sila ng maraming pictures ni Riley especially at moments like this




"Wala na siya... nakatalikod na."




"Don't stop! Kahit likod lang ni Wiley, pwede na!!!




Sige na nga para matagil na 'tong dalawa kauutos saakin... "RILEY!!! Isang smile naman jan!!!"




Effective yata yung pagsigaw ko dahil bigla siyang lumingon, at nag-smile. Nagtilian yung mga babae, at parang tanga lang yung iba, hihimatayin pa yata sa kilig.




*     *     *




"Ang galing moh GF!!! Nakuhah moh yung nag-smile sih Riley!!! Ang ganda ng shot!"




"Oh yan, madami na kayong mapo-post sa site niyo hah. Libre niyo naman ako!"




"Anong libwe! Ikaw ang may biwthday jan! Ikaw ang manlibwe, GF!"




"Paano ako manlilibre, hindi pa nga nagpapadala sina mommy ng allowance." Nakaupo kami sa bench. Tahimik na ulit simula nung nag-start na yung klase. Panigurado mamayang uwian, may eksena na naman! "Pass na ako mamayang uwian ha! Kayo na bahalang maghabol jan kay Riley niyo."




"GF... peroh the best kah talagah pag kumukuhah ng pictures ehh. Kalangan namin ang powers moh! Biruin moh, pagka-sigaw moh pah lang kanina, napalingon nah agad sih Riley!"




"Hahaha!!! Baka nagandahan siya sa boses ko... tapos napangiti siya dahil na-realize niya na pati pala ako, maganda! Ahahaha!"




"Tikas ng face! Pewo sumali ka na kasi sa fangiwl's site namin Ishy! Sikat kasi yung mga shots na nakukuha mo! May futuwe ka sa photogwaphy!"




"Ayoko nga... kahit kailan hindi ako magiging fan ng Riley Dayne na yun noh!" Tapos sabay nila akong binatukan. "Aray!!!"




"Kesah naman sah invisible boyfriend moh noh! Nih hindih moh pah ngah yun pinapakilalah saamin! Ilang years nah bah kayoh nun?"




Tumayo ako dahil iniiwasan ko ang topic na 'to. "Anyway... I have to go na girlfriends! May klase pa ako! Babusssshhhhh!!!" At tumakbo na ako palayo sa kanila.




Kaming tatlo nina Helena at Mindy ay nagkakilala lang ngayong first year college sa isang minor subject. CommArts ang course ko, Fine Arts si Helena, at IT naman si Mindy. Nag-click agad ang mga attitudes namin, kaya naging close kami agad.




At marami na silang alam tungkol saakin, pwera lang sa pinakatatago kong lovelife.




Anyway, nagpunta ako sa building ng College of Arts, dun sa lumang music room. Located yun sa 6th floor nitong building, at walang ibang tao ang nagpupunta sa room na yun.




"Darating kaya si Boo dito?" My Boo! Yan ang tawagan namin ng invisible boyfriend ko. Cute noh! Oo na lang kayo! Secret meeting place namin 'tong room na 'to. Pero hindi ko sure kung darating ba siya ngayon.




After three hours... "Ano ba yan! Nag-skip pa naman ako ng two classes para lang makita siya! Kaasar!"




Umalis na ako sa room, thinking of mah boo! Hay... medyo matagal na din kasi kaming hindi nagkikita! I miss him soo~ much!




*     *     *




Uwian na, at nag-aabang na agad yung mga fans ng celebrity na si Riley dahil pagkakataon na naman ito para i-violate ang human rights niya! Mamanyakin na naman nila ang kaawa-awang nilalang.




At para maka-iwas sa gulong hatid ng mga makakating fans ni Riley, umuwi na ako agad!




Nang makarating na ako sa condo unit ko na binili ng parents ko for me... "Ay! Nice to be home!" Nahiga ako agad sa sofa at nag-relax ng konti.




Photobucket
ISHY: Heto naman ang loob ng condo ko. Sakto lang ang laki dahil mag-isa lang naman akong nakatira dito. The best ang view, lalo na kapag gabi!


Then I reached for the telephone. May mga voice mails ako, so I pressed the button to listen to it.




"Ishy! Baby!!!" Sina mommy at daddy! Nasa States kasi sila eh. "Happy Birthday anak! Sorry medyo delayed ang padala ng allowance this month ha. Pero nahulog na daw ng kuya mo yung pera. May dagdag yun, buy gifts for yourself!"




"Pffft! Ayan may panlibre na ako kina Mindy at Helena!"




"Anak, tawag ka lang pag may kailangan ka ha! Sorry, we can't be there on your 19th birthday! Hayaan mo, pag-graduate mo na lang, makukumpleto ulit tayo!"




"Ang tagal ko pa ga-graduate eh! Wala ba silang balak mag-bakasyon dito kahit minsan?"




"Bye baby!!! Happy birthday ulit!!! Muaaahugzzz!"




"Ahahaha!!! Thanks ma and pa..." Tapos, pinindot ko ulit yung button, boses naman ni kuya Gideon ang narinig ko.




"Ishy baby!!! Napadala ko na allowance mo ha! Ayusin mo ang pag-budget niyan!" Kuya Gideon talaga! Hanggang ngayon, wala pa ring tiwala saakin pagdating sa pera! "Anyway, pinadagdagan ko yung allowance mo dahil birthday mo naman. Pero wag kang bumili ng kung anu-ano!" Panira ng trip! Ahahaha!!! "Happy Birthday baby!!! Bye!!! Sana magkausap na tayo hindi yung sa voice mail lang."




"Ahahahahahahaha!!! Ang kulit ni Kuya Gideon"




The last voice mail came from my boyfriend. "Hey boo!" Hello boo... I miss this sexy voice, darn it! "Sorry if I can't be with you right now. I'm so busy, napaka-hectic ng schedule! Pero babawi ako, okay! May surprise ako for you! Bye my boo!"




YUN LANG!!! Ni hindi man lang niya ako ni-greet ng happy birthday! Ni wala ding I love you! Or kahit I miss you man lang! Nakow boo!!! Pag nagkita tayo, makakalbo kita eh!




Nawala tuloy ako sa mood. Nagpalit na ako ng pambahay, saka dumirecho sa ref. "Hay... happy birthday Ishy! Wala man lang laman yung ref mo!"






*diinnnggg... doonnngggg...*






Sino naman yun? Wala naman akong in-invite na bisita ha! Pagbukas ko ng pinto.




"Pizza delivery po."




Napakunot ako. Naamoy ko yung pizza, syettt!!! Naglalaway na ako!!! But... "I didn't order for that."




"Your name is Ishy Aravilla..." Oo nga ako yun! "Sa inyo po naka-pangalan eh. Nabayaran naman na 'to ma'am."




"Ay ganun!!! Sige amin na kuya!!!" Syempre hindi ko palalampasin 'to! Bayad na pala eh! "Ay kuya, sino nga palang nagbayad nito?"




"Nagde-deliver lang po ako, hindi ko kilala." Isnaberong delivery boy! Cute pa naman sana! Anyway, magsaya ka Ishy at may makakain ka na sa birthday mo!





Nagmadali akong ilagay yung pizza box sa table, at binuksan ko na. "UWAAH!!! Ang sarap nito!!!" Para akong timawang excited sa pizza! Ahahaha!!! Patay kang pizza ka, ubos ka saakin!


Photobucket
ISHY: Nakakatakam diba!


"Siguro si boo ang nag-order nito? Ito na yata yung surprise niya? Pero hindi pa kinumpleto!!! Sana man lang may coke na sinama!!!"




Sakto pagkasabi ko nun, may nag-doorbell ulit! Pagbukas ko ng pintuan... "Ma'am, nakalimutan po pala yung free drinks niyo."




"Uy galing ha! Sakto ka kuya!" Nakayuko lang si kuyang delivery boy. Hindi kaya si Boo ito? "Boo ikaw ba yan?"




Pagharap niya saakin, natawa lang ako sa sarili ko! Feeling mo naman Ishy. Feeling mo din kuya delivery boy! Gwapo kaya ng boyfriend ko! "Po? Ano po yun?"




"Ay sorry kuya! Akala ko kakilala ko eh... salamat po dito hah."




Pagsarado ko ulit sa pinto, nilagok ko agad yung inumin. "Wag ka na kasing umasa Ishy! Nagpaalam na nga siyang hindi mo siya makikita eh!"




Paupo na sana ako, kaso nagdoorbell na naman... "Ma'am..."




Ang kulit ni kuya!!! In love na yata saakin 'to eh! Kaso hindi pwede, meron na akong boo! Anyway, ano na naman kayang free ang makukuha ko! Free hug at kiss? Kung galing sa kanya, wag na uy! Stick to one ako noh!




Pag-open ko ng pinto... may hawak nang pink balloons, teddy bear at bouquet si kuya! Ano 'to, am I receiving a confession from a stranger? "Uy kuya delivery boy, ano naman yan?"




"What is this?" Pagharap niya, nagulantang ako sa nakita ko... "Surprise!"




I closed the door and locked it. Te... teka... double check mo nga Ishy kung hindi ka namamalik-mata! In-open ko ulit yung pintuan, at siya nga yung nakatayo sa labas ng condo ko ngayon.




"Hey boo! What's wrong?"




I closed the door and locked it, AGAIN! Si... si Riley!!! Nandito siya ngayon!!!




Dali-dali akong pumunta ng kwarto to check on myself. Nag-retouch ako, nagpabango, siniguro kong maayos 'tong suot kong damit at maganda ako! "HEY BOO!!! Ano ba!!! Let me in!!!"




Sumisigaw na siya at sinisipa yung pintuan... eh... anong gagawin ko, hindi pa ako tapos mag-ayos! "BOO!!! At a count of three kapag hindi mo pa ako pinapasok..."




NEVER MAKE HIM COUNT! That's his first rule, so I open the door. "Boo... hehe..." I stared at his serious face. "Akala ko busy ka?"




"Yeah... and you just wasted two minutes of my precious time by making me wait here."




I pouted my lips! "So galit ka na niyan!" Tapos tinaasan niya ako ng kilay. Galit nga siya!!!




"Oh! Balloons mo! Pati rin 'to, sayo na!" Ibinigay niya saakin yung balloons, yung pink teddy bear at yung bouquet.


Photobucket






At saka siya tumalikod saakin. Aalis na ba talaga siya? Ano ba yan! Nagtampo agad!!! "Uy Riley!" Hindi na ako makakilos sa dami ng hawak ko. Paano ko pa siya pipigilan para hindi siya umalis? "Don't tell me aalis ka na agad? Ito naman!"




Saka siya tumingin  at lumakad papunta saakin kaya napaatras ako paloob ng condo ko. Tapos kinurot niya ang dalawang pisngi ko sabay sabing, "Happy Birthday Boo! I miss you!" Then he kissed me gently, sabay bulong  saakin ng, "I love you..."




Sa sobrang kilig, nabitawan ko yung balloons!!! Ang ganda nga ng effect sa loob ng bahay ko!




Photobucket



There you have it! My sweet, moody and handsome boo! Si Riley Dayne!




And like I said before, I will NEVER be his fan, dahil boyfriend ko siya noh! Ahem... clear ko lang, boyfriend in disguise... dahil walang ibang nakakaalam sa relasyon naming dalawa!






(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 1





1 comment:

  1. ganda ng sasakyan ni riley hah! sosyal! kakagutom din ung pix!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^