Saturday, December 10, 2011

Boyfriend in Disguise : Chapter 2

Chapter 2
(ISHY ARAVILLA POV)





"Happy Birthday Boo! I miss you!" Then he kissed me gently, sabay bulong saakin ng, "I love you..." Ang sweet ng Boo ko noh. Pero paano ba nagkatagpo ang landas namin ng sikat na lalaki na 'to?




=====
FLASHBACK
=====



Back in my sophomore year in South Grisham Highschool...


"Kyaaaaaaaahh~"


Favorite yata ng mga taong nasa paligid ko ang magtitili na lang bigla! Itong mga classmate ko kasing malalandi, kinikilig sa mga freshmen boys na nasa corridor ngayon.


"Si Eleazer Pascual yung anak ng may-ari nitong school natin diba? Syetttt!!! Ang gwapo pala niya!!!"


"Oo nga! Pati yung mga kabarkada niyang sina Waine at Argel!!!"


"Child abuse na 'to mga teh! Ahahahaha!!!"


Pinapakinggan ko lang sila habang kinikilig sila sa mga totoy na yun. Haha. Pero infairness naman kasi, ang ga-gwapong mga bata nga nila! Pero hindi ako mahilig sa mga lalaking mas bata saakin. Syempre dun pa rin ako sa kasing age ko!


Lilipat na sana ako ng pwesto ng upuan, kaso may naapakan akong paa. Pakalat-kalat kasi eh!




"Damn it!"





Photobucket


"Oops... sorry!" Teka... sino 'tong lalaking ito? Classmate ba namin siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita? "Classmate ka ba namin?"


Hindi niya ako pinansin. Isnabero! Pero tinitigan ko siyang mabuti, ay hindi pala gwapo! Haha! Ang emo kasi, nakatakip pa ng hoodie! Akala mo ang lamig! Ang init kaya ng panahon ngayon!




"Siguro madalas kang absent noh. Ngayon lang kita nakita eh."


Nakikinig lang siya sa mp3 niya, at nakapikit lang siya. Pagod? Eh nakaka-dalawang subject pa lang kami.


"What are you staring at?"


"Oh..."


Natameme ako nang mapatingin naman siya saakin. Syettt! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! Ang gwapo pala ng tukmol na 'to!

Photobucket



"Sinong nakatingin sayo... ha!" Lumingon-lingon ako kunyari sa likod ko. "Siya ba? Siya ba nakatingin sayo?" Sabay turo sa isa kong classmate na parang lutang lang din ang itsura.




"Stupid." He grinned at me at saka siya tumalikod saakin. Langya! Baka siya ang stupid! Ang gwapo nga niya, ang suplado naman! Grrrrr!






Yan... nakahanap ako agad ng enemy sa loob ng classroom ko! Buti na lang hindi kami seatmates ng ugok na 'to! Hindi ko siya matatagalan! Makalipat na nga ulit ng upuan!




Nung mga sumunod na araw, ordinaryo lang din. Except na napapansin ko palagi si classmate na masungit. Hindi naman sa tinititigan ko siya, kapansin-pansin lang kasi! Sa loob kasi ng isang linggo, dalawa o tatlong beses lang siya kung pumasok. Ang masaklap pa, kung papasok siya, late pa!




Teka... bakit ba ako affected masyado! "Are looking at me again?"




"Uy lakas mo ha! Paano mo nalaman, ah kasi nakatingin ka rin saakin!"




"Oh so tinitignan mo nga ako."




"Oh so tinitignan mo nga din ako?"




Yan din ang ordinaryong usapan namin sa araw-araw! Everyday mind game, everyday asaran!




At ang nakakapagtaka lang, kasi ang gwapo ng classmate ko na 'to eh. Kaso wala man lang pumapansin sa kanya! Parang ako lang! Kaya nga siguro, ako lang din ang binubwiset niya!




May mga times nga na parang feeling ko sinusundan niya ako. Pero alam mo na, baka feeling lang talaga ako kung minsan! Hahaha!




"Uy kilala niyo ba yung classmate natin na nakaupo dun palagi?"




"Ahh! Yung si emo na palaging late! Bakit? Crush mo?"




"Eww! Ano bang klaseng taste meron ka Ishy?"




"Teka... gwapo naman yun ha... pero hindi ko siya crush ha!"




"Ay sus! Gumaganun! Walang nakakakilala dun. May sariling mundo eh. Parang ikaw nga lang ang kumakausap sa lalaking yun eh."




Ganun? Loner pala masyado si classmate na masungit! Eh teka! Bakit ako lang ang kinakausap niya at binubwiset? Langya naman! Lapitin kasi ako ng mga weirdo eh!




*     *     *




Another day sa South Grisham Highschool... at hindi ako makapasok sa canteen namin!




"Uwaahh! Aray ko naman!"  Gutom na gutom na ako! Nag-uunahan kasi yung mga kababaihan na makakuha ng mauupuan para lang makasabay kumain yung Eleazer na yun at mga kabarkada niya. Idol siya ng lahat, nakakatawa! Hindi ko na nga mapigilang magka-crush sa batang yun eh.




"Aishhhh!!! Not again!"




Nakaapak na naman ako pagka-atras ko. And guess what, ang galing ng pagkakataon, si classmate na masungit ulit! "Sinasadya mo 'to noh?"




"Alam ko bang nasa likod kita?" Sa sobrang daming tao, natulak ako papunta sa kanya. Napakapit tuloy ako nang di-oras! Ay bango niya, infairness!!! "Aray ko... takte naman! Makaalis na nga dito!"




Hindi na ako nakapasok ng canteen, and worse, gutom na gutom pa ako! Umupo na lang ako sa bench, hihintayin kong mabawasan ng tao yung loob ng canteen. Bahala nang ma-late mamaya!




After 45 minutes, nawalan na rin ng tao ang canteen! At dahil inuna ko ang sigaw ng tiyan ko kahit nag-ring na yung bell, hindi na muna ako umakyat. Isang subject lang naman ang hindi ko papasukan eh!




Ngumunguya na ako nang makaramdam ako na may mga matang nakatingin saakin. Nabulunan ako bigla... "Oh... si sungit na naman!!! Kasama niya yung grupo nila Eleazer Pascual! Magkakilala pala sila? Pero bakit sila nakatingin saakin?"




Maya-maya, lumapit saakin yung isa sa kanila. Argel yata pangalan nito eh. "Ate babylove, kaklase ka ba ni kuya Riley?"




Photobucket




"Riley?" Yun siguro pangalan niya. Teka bakit babylove ang tawag niya saakin? Ang cute niya naman!!! "Oo... bakit?"




Tapos lumapit na din yung isa sa kanila. Ito naman yata yung Waine. "Ate... sabay na daw kayong umakyat ni kuya Riley sa room niyo. Paano, na-late din daw siya."




"Ayoko nga! Ang sungit-sungit niyan eh." I didn't mean na pahiyain sila. Hindi lang talaga ako makapag-react ng matino dahil kausap ko ang mga gwapong batang ito!




Tapos bumalik silang dalawa sa pwesto nila. At nagusap-usap ulit sila! Ang gagwapong adik ng mga 'to! Pinagti-tripan ba nila ako?




Napatigil ako sa pagkain ko nang si Eleazer na yung lumapit saakin! Nako Ishy! Magkakasala ka niyan! Ang bata pa nito! Pero kung sa bagay, isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya eh.




"Hoy ate." Kung maka-hoy ang batang 'to! Number one palang supladito! Pingutin ko 'to eh! Pasalamat siya gwapo siya! "Itong si kuya Riley namin, may gusto sayo yan! Wag mong pinapapansin ang kasungitan niya! Idol niya ako eh. Pero pam-front niya lang yun!"




"ELI!" Lumapit na din si Riley at kinutusan si Eleazer. Para silang mag-kuya! Kaso magaling yata mag-karate 'tong si Eleazer at nakaganti agad. "Letchugas naman oh!"




"Aishh! Ang bagal mo naman kasi eh!" Teka... nawala sa isip ko yung sinabi niya ha... itong si Riley, may gusto daw saakin? PAANO NANGYARI YUN!!!




Napatingin saakin si Riley, tapos umiwas ulit siya ng tingin! Syet!!! Ang ganda ko! Crush nga niya ako!!! "Hindi ka pa ba tapos kumain? Late na tayo sa next subject natin."




Bipolar ba ang lalaking 'to. "Kung away-awayin mo ako kanina ganun na lang! Tapos ngayon malalaman ko, crush mo pala ako." Ganyan po ako, straight to the point!




"Aray ko! Basag! Hahahahahaha!" Ang kulit nung Argel at Waine. Nang-asar pa! 




"Teka mga pare... iwanan na natin sila dito." Tapos tinapik nung Eleazer yung likod ni Riley. "Kaw na bahala dito kuya Riley ha! Ayan naka-first move ka na! Wag ka kasing masyadong masungit, ginagaya mo ako eh!" Haha!!! Kung makapagsalita ang batang 'to, akala mo hindi mas matanda sa kanya si Riley!




Umalis na yung tatlo. At naiwan sa harapan ko si classmate Riley. Naupo siya sa harap ng lamesa ko, at nakatakip lang siya sa bibig niya habang hinihintay ako. "Hindi ka pa ba tapos kumain?"




"Hindi pa."




Bakit kinakabahan ko bigla... umayos ka nga Ishy! Teka... tanungin mo na lang kung totoo ba yung sinabi kanina ni Eleazer.




"May gusto ka ba saakin? May gusto ako sayo." Sabay namin nasabi kaya nabulunan ako ulit.




Wag mong ipahalatang kinikilig ka! "Kaya ba lagi mo akong inaaway?"




"Hindi kita inaaway."




"Anong ginagawa mo?"




"Nagpapapansin. Effective ba?"




"Pshhh." Akala ba niya easy girl ako! Habulin niya muna ako! "Hindi yun ganun kadali... manligaw ka muna kung gusto mo ako." Ako na! Kakabaabeng tao ko, ang hangin ko! Hahahaha!!!




Natapos na akong kumain at saka na ako tumayo. Naglakad na ako papunta sa room namin at naka-sunod lang siya saakin. "Umm... pwedeng kunin ang number mo?"




Ampupu! Hindi ba siya marunong manligaw? "Nope..." Ako naman, pahar-to-get kunyari!




"Umm... Riley Dayne nga pala ang pangalan ko."




"Ahh... okay... ako naman si..."




"Ishy Aravilla! I know your name already."




Napalingon ako sa kanya para harapin siya. "Stalker ba kita?"




"Classmate kita. Hindi mahirap alamin ang pangalan mo." Ah oo nga naman. Pahiya lang ng konti!!! Ano ba naman yan Ishy! "Ummm... so pwede bang manligaw?"




"Kapag sinabi kong hindi?"




"Bakit naman hindi? Meron ka pa bang ibang manliligaw?"




Syempre sa ganda kong ito... wala! Kaya nga nakakagulantang na may gusto siya saakin eh. "Wala naman... sige manligaw ka... pero wag kang umasang sasagutin kita ha."




Natawa lang siya sa sinabi ko. Masyado na ba akong feeling! Paano, first time ko lang namn din nakatanggap ng confession from a guy! Magulo utak at puso ko, okay? "Alright... you'll make up your mind sooner or later. Oh number mo... pahinge na. At nang maka-textmate na kita."




*     *     *




Magkatextmate na kami ni Riley... "Kyaaaaaaaaaaaaahhhh~" Tumitili ako mag-isa sa kwarto. Napaka-cheesy kasi ng lalaking 'to! Aaminin ko na kahit nako-cornihan ako minsan sa kanya, kinikilig pa rin ako!




Heto ang ilan sa mga example ng text niya saakin: "You know what Ishy, I'm thinking of something that would look great on you. Necklace? Earrings? Head-band? Ahh!!!... I think I look great on you. Oh tayo na?"




Heto pang isang pamatay ipis jan! "Good morning Ishy... future wifey ko... hehe." Sino bang hindi magkaka-empacho sa lalaking 'to?




Wala rin sa mga highschool friends at classmates ko ang nakakaalam na nililigawan ako ni Riley. Ayoko kasing ipaalam eh, nahihiya ako! Tapos baka tuksuhin pa nila ako!




Kinabukasan, sa loob ng classroom namin. "Okay class, you can choose your partner. Tapos mag-meeting na kayo tungkol sa project niyo."




Lumingon-lingon ako kung sino sa mga classmate ko ang pwedeng maging ka-partner, kaso nag-vibrate yung cellphone ko. Si Riley nagtext? Pagbasa ko sa text niya... "Wag ka nang maghanap ng iba... partner na tayo. "




Napatingin ako kay Riley... pumaparaan na naman siya! Sige, gusto ko naman din 'to eh! Lumapit ako sa kanya... "May partner ka na?" Syempre, uma-acting lang ako para hindi mapansin ng iba kong classmates.




"Wala pa... pwede ka ba?"




I smiled at him. "Sige, partner na tayo." Naupo ako sa tabi niya, at kunyari wala lang saakin yung mga nangyayari.




Nagtataka kasi yung mga classmate ko na pinili kong maging ka-partner si Riley, eh sikat sa pagiging emo at weirdo ito sa buong klase! Ako lang yata ang nakakakilala sa totoong Riley Dayne eh!




"Game! Ano nang gagawin natin?"




Nakatingin lang siya saakin. Mokong din 'tong lalaking 'to! Pag sa phone ang daldal, kapag sa personal parang timang lang! Oh yan, nakatitig na naman siya sa beauty ko! "Uy!!! Gusto mo maghanap ako ng ibang ka-partner? Baka wala tayong matapos niyan!"




"Warm-up muna... A, E, I, O, U."




"Ha?" Ano namang tungkol dun?




"Tingin mo tama yung A, E, I, O, U?"




"Hoy! Magseryoso ka nga!"




"Warm-up nga muna eh, sagutin mo na."




"Joke na naman ba yan? Pag ako hindi natawa jan, maghahanap ako ng ibang partner ha." Nag-isip ako sandali... ano namang kayang meron sa A, E, I, O, U? "Tama naman yung A, E, I, O, U hah!"




"No."




"Oh siret na nga!"




Tinitigan niya ako. Tapos ang seryoso ng mukha niya. Malala na talaga ang sapak ng lalaking 'to! Kumuha siya ng papel at sinulat yung sagot.




"A, E, O, U, I."




"Ugok ka ba?" Pag ako talaga hindi natawa, kukutusan ko siya!




"Don't you think we should put U and I together?" Tapos pataas-taas pa siya ng kilay.




"Pfftt... nakakaumay ka! Alam mo yun?"




"Amp. Hindi ba nakakatawa?" Nilukot niya yung papel at nag-seryoso na. "Changgalang Eli yan, siya nagturo nito eh. Tara na nga, meeting na tayo!"




U and I together daw!!! Shettttttttttt!!! Maghunos-dili ka Ishy! Ang corny kaya! Bakit kinikilig ka?



Photobucket



Napangiti ako bigla dahil hindi ko na mapigilan, at saktong nahuli niya yun! "Oh... you dropped your smile. Pulutin ko?" Niloloko pa ako ng kumag!!! "Nakakaumay daw kinikilig naman. Pssh!"


"Tumigil ka na nga jan! Seryoso na kasi!"


"Seryoso naman ako ha..." At pabulong niyang dinagdag... "Sayo."


Hay naku po! Wala na yatang tatalo sa pagka-moody at pagka-keso ng lalaking 'to! Hindi naman siya ganito sa lahat! Saakin lang! At hindi pa nga kami masyadong magkakilala, ang gaan na agad ng loob ko sa kanya! Hay ganito ba yun? Ganito ba yung feeling ng...


In love?



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)


End of Chapter 2





2 comments:

  1. Uwaaaaah! Kinikilig ako sheettttt!!! Hahaha. Sana ako rin may Riley! ^___^ si Jiyeon?! OMGGGG!!!! :D

    ReplyDelete
  2. Si Eli, Wayne, At Argel nandito :) Na-miss ko din sila :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^