Tuesday, December 13, 2011

Boyfriend in Disguise : Chapter 3


Chapter 3
(ISHY ARAVILLA POV)



Tumatakbo na ako dahil magkikita kami ni Riley, hindi para mag-date! Kundi para mamili ng materials para sa science project namin!




"You're late!"




"Sorry." Medyo humihingal pa ako. "Napuyat kasi ako kagabi eh, kaya ako na-late ng gising."




"Sabi ko na nga ba." Ang seryoso naman niya! Galit ba siya na na-late ako? "Napanaginipan kasi kita. Magdamag tayong magkasama."




Punyemas! Akala ko seryoso na! Hay naku Riley... baka hindi na kita matiis at masagot kita bigla. "Tara na nga! Kung anu-anong hangin yang pumapasok sa utak mo."


Photobucket



"Anong hangin? Ikaw lang naman laman ng utak ko ha."




Ampupu!!! "Tanghaling tapat nagkaka-goosebumps ako sayo! Tumigil ka na nga!" Nauna na akong maglakad agad kesa naman kung ano pang lumabas sa bibig ng lalaking 'to. Saan ba niya nakukuha yang mga banat niya at parang hindi siya nauubusan? Sumasakit tuloy ang tiyan ko kakapigil ng tawa at kilig!




Dumirecho kami sa National Bookstore para mag-canvas muna ng murang gamit. "Wag tayong pipili ng mahal. Konti lang ang budget natin."




"Wow budget! Parang mag-asawa lang tayo ha! Ikaw nagba-budget! Hahaha!" Binatukan ko siya nang matauhan. "Aray!!! Kita mo, nananakit ka na agad!"




"Alam mo kasi sa sobrang keso mo, dinaig mo pa lahat ng cheese sa buong mundo! Oh maghiwalay tayo! Dun ka sa kaliwa, dito naman ako sa kanan." Tapos may inabot akong listahan ng mga gamit na kailangan namin. "Check mong mabuti yan ha. Wag kukuha ng mahal, utang na loob!"




"Psssh.. Buti pa 'tong materials, tinatawag mong mahal. Ako kaya?"




"Hay naku Riley!!!" Grabe mangulit ang lalaking 'to! "Dun ka na! Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka."




"OKAY!" At sa wakas, natigil din! Tinalikuran ko na siya kaso tinawag niya ako bigla. "Ay Ishy! May kailangan na pala ako!"




"Ano?"




"Ikaw. Hehe..." Lintek na yan! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kumuha ako ng pinakamalaking libro na naka-display para ibato sa kanya. Kaso napaatras siya... "Ohhh wag mong ituloy yan! Wala namang ganyanan! Pupunta na nga ako dun eh. Sige!"




Tapos tumakbo siya palayo saakin. Nakow pag nagkataon talaga, tatama sa gwapo niyang mukha itong libro eh... at nung maiwan na akong mag-isa. "Hay... ano ba 'tong ginagawa saakin ni Riley. Baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko."




May promise kasi ako sa sarili ko na hindi na muna magbo-boyfriend para walang abala sa studies ko. Uy! Totoo yun! Kaso dahil nga sa biglaang pagdating ni Riley sa buhay ko, naguguluhan na tuloy ako.




Sa kabutihang palad, nabili naman namin lahat ng gamit para sa project namin. Bitbit ni Riley yung dalawang plastic, at naglalakad-lakad lang kami. "Mag-merienda naman tayo, Ishy! May alam akong masarap na kainan dito ng desserts. Mahilig ka ba dun?"




"Desserts? Oo naman! Wala naman yatang babaeng hindi mahilig sa desserts eh!" Ayan! Tamang-tama ginugutom na nga ako. "Tara!"




Dinala niya ako sa isang class restaurant! Mamahalin siguro dito! Sabi pa naman ni Riley libre niya, kaya ba niyang magbayad dito? "Sigurado ka bang dito tayo kakain? May pera ka ba?"




"Masarap dito! Wag kang mag-alala, order ka lang ng gusto mo."




Aba't talaga namang nagpapa-impress saakin ang lalaking ito! Sige, lulubus-lubusin ko yan! Nagbigay ng may menu na sa harap namin at pumili na ako. Kaso, hindi ako makapag-decide kung anong pwede kong kainin! Mukhang masasarap nga lahat... at isa pa, ang mamahal ng presyo!




"Nakakahiyang um-order eh. Dahil ikaw ang magbabayad, ikaw na lang nga pumili ng kakainin natin."




"Alam Ishy, natikman ko na lahat ng matatamis dito eh. Yung ice cream, cake, pudding at chocolates... yung matamis mo na lang na OO ang hinihintay ko."


Photobucket


"Makakain ba natin yang OO na yan ha? Riley naman, ikaw na um-order!"




Tinawanan niya ako. Hindi yata pwedeng sa loob ng ilang minuto, hindi siya pwedeng bumanat. Ikamamatay niya yata kung titigil siya sa pagka-cheesy niya! Pagdating nung waiter, matino naman siyang nakapagsalita. In-orderan niya ako ng cake at juice at pudding naman yung sa kanya.




Pag-alis nung waiter, ang awkward tuloy ng silence namin. Para kaming magka-date ngayon. "Umm... Riley... Bakit nga pala madalas kang uma-absent sa school? Minsan two times a week ka lang kung pumasok."




"Ah... bakit nami-miss mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil ang tino naman kasi ng tanong ko eh. Sagutin naman niya ng matino! "Oh, wag kang sumimangot lalong kang kumu-cute eh. Madalas akong absent kasi nagte-training ako."




"Training? For what? Parang katulad nung training ni Pacquiao?"




"Nasa itsura ko bang maging buksengero? Eh di nasira mukha ko nun!" Naka-lunok yata ng electricfan ang lalaking 'to sa sobrang hangin! "Sa C-ENT ako nagte-training. Cruizer Entertainment."




"Cruizer Entertainment? Ano yun?"




"Isang bagong independent record label yun dito. Parang talent agency, nagpo-produce sila at publisher din ng different genres of music. Gusto ko kasing maging recording artist eh."




"Pfft... gusto mong mag-artista?"




"Idol star, Ishy! Idol star!"




Ahh... sa tingin ko pa lang naman kay Riley, hindi imposibleng sumikat siya dahil nga gwapo siya! Pa-mysterious typr nga lang. "Eh ano namang talent mo? Singing? Dancing? Acting?"




"Ano sa tingin mo?" Manghuhula ba ako? Anyway, kaya nga siguro siya nagte-training eh para gumaling siya lalo.




"Bakit naman gusto mo maging 'Idol' star?"




"Simple lang... para pag sikat na ako, yayaaman ako. Tapos gusto kong makagawa ng mga kantang makakapag-bigay inspiration sa marami. Tapos yung babaeng mamahalin ko, maging proud saakin. Basta gusto ko lang maramdaman yung feeling na maging sikat, para makuha ko lahat!"




Natawa ako sa kanya. Ang isip-bata niya. Napaka-babaw lang mag-isip! "Sige... susuportahan kita jan sa pangarap mong yan! Magiging fan mo ako."




"AYOKO NGA!"




"Aba! Ikaw lang ang hindi pa artistang tumatanggi na ng fan!"




"AYOKO, dahil gusto kitang maging girlfriend!"




"Ma'am, Sir, ito na po order niyo."




Nakanang timing yan ni kuya waiter! "Kuya ang epal mo. Sige, salamat." Pinigilan ko ang pagtawa ko. "Oh wag kang magpigil ng kilig mo jan."




"Hindi ako kinikilig ha. Natatawa ako!" Actually, kinikilig talaga ako...




"Para pala akong joke noh... minsan kahit korni, napapasaya ka naman!"




"Kumain na nga tayo! Baka mawalan pa ako ng gana sayo eh!"






Masisisi niyo ba ako kung mahuhulog ang loob ko sa makulit na lalaking ito? Kahit na minsan walang kawawaan ang mga sinasabi niya, napapasaya nga niya ako.




After naming kumain, inaya niya ulit akong maglibot ulit bago daw kami umuwi. Pumayag naman ako, dahil wala naman akong gagawin sa bahay kung uuwi ako agad eh.




"Aray... teka Riley... ang sakit na ng paa ko eh." Kung alam ko lang na maglalakwatcha pa ako, sana hindi ako naghigh-heels.




"Yan kasi... bakit ang mga babae mahilig mag high-heels."




"Sorry naman ha!"




"Kasalanan mo din yan eh. Ang mga anghel kasi hindi naglalakad, lumilipad!"




"Gusto mo ikaw lumipad pag nasuntok kita?" Babangasan ko sana siya kaso natapilok na ako at sumubsob ako.




"WOOOH!" Pero buti na lang nasalo ako ni Riley. Shettt!!! "Oh! Tara na nga umupo na tayo"




Inaalalayan niya ako, eh hindi naman ako ganun nasaktan. Yung bwiset ko lang talaga na high heels eh. "Ayan, nafo-fall ka na saakin. Literal pa yun ha."




"Sira!" Inikot-ikot ko yung paa ko, pero medyo masakit nga.




Tinanggal naman ni Riley yung suot kong sandals at tinignan yung paa ko. "Teka lang ha. Jan ka muna."




Saan naman kaya magpupunta ng lalaking 'to! Dala pa niya yung sandals ko! Naiwan tuloy ako dito sa upuan nang naka-paa lang! Nakakahiya tuloy sa mga nagdadaang tao! Ano ba naman yan! RILEY!!!




Nung bumalik siya, may dala siyang box ng sapatos. Na-touch naman ako nung pinasuot niya ako ng rubber shoes. "Ako na magsusuot Riley."




Photobucket


"Let me do it. I'll tie your shoe lace so you won't fall for anyone else."




"Gumaganung banat na naman!" Tinawanan niya ako, at tinawanan ko na lang din. "Napaka-bolero mo Riley!"




"Sige na bolero na kung bolero! Pero sa lahat ng bolero, ako lang ang nagsasabi ng totoo noh!"




"Ahahahaha!!!"




Hindi naman ako tumatawa ng ganito noon eh. Pero pagkasama ko si Riley, parang ang simple lang ng paligid! Palagi pa akong masaya!






*    *    *




Nagdaan yung months na pa-sekreto lang kaming nagkikita. Hindi ko pwedeng tawaging date, so bonding lang yun! Kahit sa loob ng classroom, nagte-text lang kami para makapag-usap. Nanliligaw pa rin siya, at hindi ko pa rin siya sinasagot. Kasi kung talagang seryoso siya saakin, hihintayin niya ang OO ko.




"Ten years from now, tingin mo ganito pa rin tayo?"




"Hmmm... siguro."




"Anong malay mo, magka-apelyido na tayo!"




"LAKAS MO RILEY!!! Bangag ka talaga!"




"Pero sagutin mo muna ako para mangyari yun."




"Hmmm... sige! Pag-iisipan ko!"




"Ang tagal mo nang nag-iisip ha." Nagre-review kami para sa 3rd quarter exam namin. May dalawang upuan sa pagitan namin at nag-uusap lang kami through text. "Magti-third year na lang tayo, nanliligaw pa rin ako sayo."




"Sabi ko naman sayo nung una diba, pwede kang manligaw. Pero hindi pa sigurado kung sasagutin kita."




Ang tagal niyang nag-reply. Nung tinignan ko siya, ang seryoso lang ng mukha niya. Galit? Napapa-isip kasi ako, kapag ba sinagot ko na siya, ganyan pa rin siya ka-sweet? Paano kung kami na? Madalas pa naman sa mga lalaki, nagbabago na kapag sila na nung nililigawan nilang babae.




"Hay... kung pwede lang gawing walong araw ang isang linggo, gagawin ko, sagutin mo lang ako." Nag-iisip lang pala siya ng banat niya! Kaso hindi pa nga ako nakakapag-reply, nagtext ulit siya.




"Hindi ka ba nalulungkot na magpapasko na, kasapi ka pa rin sa SMP? Samahan ng malalamig ang pasko."




"Hindi naman... bakit? Ikaw ba? May kasama ka ngayong pasko?"




"Wala... pero try mo kayang PSP. Pasko sa piling ko."




"Inaaya mo na ba ako sa darating na Christmas ball?" Inunahan ko na siya. Malapit na kasi yung Annual South Grisham Christmas ball namin. Last year, hindi ako umattend dahil wala akong ka-date.




"Hindi ah." Puchaks! Pahiya ako nun hah! Hindi ko na nga siya rereplyan! "Uy... galit ka?" Langya ka Riley! Bwiset ka! Bastedin kita eh!




Tumayo na ako sa kinauupuan ko para lumabas ng classroom. Bakit ba ako nababad trip? Ano naman kung hindi niya ako ayain! Hindi ko pa nga naman siya sinasagot eh. "Ishy!"




Paglingon ko. "Bakit mo ako sinusundan?"


Photobucket


"Galit ka ba? Bakit ka biglang umalis?"




"Wala! Dito lang ako sa labas magrereview. Wag ka nang sumunod!" Naglakad na ako, pero alam kong nakasunod pa rin siya. "Wag mo nga akong sundan!"




"Wag kang magalit! I'm just following my dreams!"




"Following your dreams mo mukha mo!"




"Ay galit nga! Bakit? Dahil dun sa christmas ball?"




"Anong dahil dun? Jan ka na nga!" Aalis na sana ulti ako kaso hinawakan niya ako sa kamay.




"Samahan mo muna ako. Aayain sana kita personally na maging date ko ngayo sa CHRISTMAS BALL." Adik din 'tong lalaking 'to! Paano ko ngayon sasagutin 'to! Hindi na lang kasi ako inaya agad! Yan tuloy nagalit pa ako! Kung papayag ako agad, eh di iisipin niyang kaya nga ako galit kanina dahil akala ko hindi niya ako aayain.




"Ayoko! Hindi ako pupunta."




"Tsk! Sasamahan mo lang ako ng dalawang beses eh." Dalawang beses? Ako ba niloloko ng lalaking ito? Suntukan na lang Riley oh. "Samahan mo ako... now and forever!"




Nyeta!!! Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking 'to! Hindi ko alam kung kelan siya serious, tapos magiging makulit, tapos serious ulit, tapos puro kalokohan ulit!




"Ikaw lalaki ka!!!" Babatukan ko sana siya, kaso inilagan niya ako. Pero hindi pa ako tapos, nag round two pa ako sa pagbatok pero this time, hindi siya umilag. Pinigilan niya lang yung kamay ko by helding it tight, then he went closer at my face.




Hindi ko alam yung gagawin ko dahil bumilis yung tibok ng puso ko, at umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Kaya tinulak ko siya, at tutumba sana siya pero hinawakan ko yung damit niya kaya imbes na siya lang yung matumba, pati ako nasama.




"Aray... okay ka lang?"




"Ikaw kasi eh!"




"Anong ako? Ikaw yung nanunulak jan. Yan tuloy, sabay tayong nahulog sa isa't isa."




Tumayo na ako. "Ano ba yan Riley! Tigilan mo na nga yang cheesy lines mo! Hindi ko alam kung kelan ka seryoso eh! Baka mamaya, ginagamit mo lang yang mga salitang yan para mapasagot ako."




"Yun naman talaga ang ginagawa ko. At seryoso ako! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala saakin?"




Aalis na talaga ako. Ito na talaga! Iiwanan ko na si Riley! Kaso... ayan na naman siya sa paghawak-hawak effect niya eh. "Bago ka umalis... date na kita sa christmas ball ha."




"OO NA!!! Oo na sige na!" Saka niya ako binitawan! Ayan! Para matapos na, um-oo na lang talaga ako.




.




.




.




Ano ba kasing nangyayari saakin? Gusto ko na rin naman na si Riley eh, so ano pang hinihintay ko? Sagutin ko na kaya siya? Kaso... basta!!! Ang gulo talaga ng isip ko!!!




Pag sinagot ko na kasi siya, ano nang mangyayari? Mag-on na kami. Girlfriend na niya ako, boyfriend ko na siya... tapos ano? Lahat ba ng babaeng nililigawan ng lalaki, dumadanas din ng ganitong problema?




"Ang hirap maging AKO!!!" Tapos pumasok bigla si Riley sa isip ko... panigurado ang isasagot niya saakin kung sakali ay, "Mahirap maging IKAW? Eh di subukan mong maging TAYO!" Oh yan... nahahawa na din talaga ako kay Riley ha!





(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 3

2 comments:

  1. pasensyaness ha... kung napapansin niyo po yung sapatos ni ishy ay size 5 lang! hahaha!!!

    pambata kasi yan, pero gusto ko talaga ng design. isipin niyo na lang, pandalaga! ahaha!!! >..<

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang cute ate! hindi naman napansin na pambata pala yun! haha! kakatuwa kasi mga linya ni riley eh! nilalanggam na ako sa sobrang sweet! haha!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^