(Eunice sparks POV)
“Narinig mo na ba yung balita?”
“Oo. May bago daw target si Hee-jun oppa.”
“Narinig ko din yun! New student daw, culinary arts major.”
Target? Are they talking about me? Nitong mga nakaraang araw kasi, a guy I call Mr. Pretty, na tinatawag naman nilang ‘Hee-jun’ ay sinusundan ako palagi kahit saan man ako magpunta. Sumusulpot na lang bigla at tatawagin ako sa pangalang hindi ko naman kilala.
Pagpasok ko, may narinig nanaman akong sumisigaw ng, “Yuni!!!” Si Mr. Pretty ulit, now running towards my direction. “Hey! Wait for me!”
Buti na lang nasa loob na akong ng elevator. Pinindot ko agad para magsarado at para hindi kami magkasabay. I felt pretty evil, at siguro naman hindi na susunod yun. Ano siya? Maghahagdanan para lang magkita kami at sirain ang umaga ko? Haha!
Nang makarating na ako sa third floor, dumirecho na ako agad sa demo kitchen. Monday ngayon, kaya nagre-relax na ako para sa bagong cooking test namin mamaya.
Pagdating ko sa working station ko, sakto namang may bumukas ng pintuan. It was Mr. Pretty, panting and persistent to ruin my day! Grrrrr…
“Bakit mo ako iniwan, meanie! Kinailangan ko tuloy maghagdan at iwasan yung obstacle of girls!” By the way, ‘obstacle of girls’ kasi ang tawag niya sa mga babaeng fans niya na palagi siyang kinukuyog. Kinukuhanan siya ng pictures, at pinipilit nilang mahawakan kahit hibla lang ng buhok niya.
Sinabi niya saakin yung about doon, dahil nagkukwento siya about sa favorite topic niya, topic about himself. As if interested ako! Hindi ko siya papansinin!
“Bakit puro major subjects agad ang kinuha mo? Walang minor?” Nagwa-warm up na ng sasabihin niya yan oh.
“Tinatamad ka siguro noh.” Ako, tamad!!! Argh… Pero dapat kalmado lang, dahil kapag sinagot ko siya o kinausap ko siya, I will lose.
“Anyway, gusto mong tumambay sa private room namin?” Private room? So they’re enjoying a special treatment. That’s so unfair!
“Why won’t you talk?” Tinitigan niya ako nang parang bata. He’s been doing the same thing if he wants me to answer back. Ang annoying part pa, tititigan niya ako as if he’s memorizing every angle of my face, and when he do this, it makes me so uncomfortable.
“Alam mo buong linggo na kitang naririnig na nagku-kwento tungkol sa sarili mo eh. Hindi ka ba napapagod?" Tapos may naisip ako kaya siguro ganito siya. “Crush mo ba ako?”
“Assuming masyado!” What the… Now he’s teasing me. Gusto ko siyang sakalin! “I don’t have a crush on you. But if I do…” Nag-pause siya sandali. “Imposible eh! I promised myself to never have a crush on anyone. Never!”
“So bakit mo ako sinusundan!” One reason is to make fun of me, for sure. “And you kept on following me like a dog!”
“Dogs only follow their masters. And you’re not in any way a master to me.” Nginitian na naman niya ako. Yung ngiting nakakasilaw, na kapag ginagamit niya sa ibang babae, para silang nababaliw.
“Ah! So tama siguro yung mga naririnig ko sa iba! Na ako ang new target mo!”
“Target?” Napatingin siya sa taas at nag-isip sandali. “Wag mong pansinin yung mga yun. Ang stupid kaya ng mga yun! Walang sense kausap!”
I almost laugh with what he said. I admit na matalino kasi siya, and has a good sense of humor. But I’m not letting my guard down. “Wala kang makukuha saakin!” Yeah, I doubt naman na kailangan niya ang pera or katawan ko noh! “So kung may pustahan kayo ng mga pinsan mo tungkol saakin, I’m not participating!”
“Hmmm… okay. Wala namang pustahan eh. Paranoid ka masyado!” He laughed at what he said. “So, gusto mong tumambay sa private room namin? None of your human rights will be violated, I assure you that.” Hindi ko naman iniisip na manyak siya noh. But still…
“No!”
“Why not?” Hindi ba obvious na ayoko nga sa kanya.
“Because I don’t want to get involve with you and your cousins. Nagsasayang ka lang ng oras. Leave me alone!”
“Why do you hate us so much?” Alam naman niyang nagalit ako sa kanila nung uang beses ko silang makilala ah! Bakit pa niya tinatanong?
“Liars are the people I hate the most. Ang galing niyong mag-pretend na good people, when in fact you’re the worst.”
“You call me rude!?” Duh! “What you did was rude!!! Kunyari, na-impress kayo sa mga classmates ko, tapos yung side-comments niyo naman pala, super negative! You’re doing that dahil hindi nila kayo naiintindihan! Sinong rude ngayon?” Take that!!! Ngayon paano mo sasagutin yan!
“What?” Killing the dream? Come on! Wag niya nga akong baliktarin!
“So, kung nagsabi pala kami ng totoo, mas better?” I questioned myself but he explained. “Gusto mong sabihin namin sa mga pagmumukha nila that they FAILED, giving them a reason to be embarrassed in front of everyone.”
Natahimik ako. Wala akong nasabi sa kanya pabalik. Why does he have to be so clever?
“Na-realize mo na noh? Besides, alam na nila na kailangan nilang mag-improve since hindi naman kami nag-sinungaling sa grades na naka-post dun sa bulletin. Ikaw nga lang nakakuha ng highest grade dun eh.” Well tama siya dun.
“Got you there! You lost! I’m right, right?” He’s right okay! Pero bakit ang yabang niya! Nakakaasar!
“Whatever!” I sound like a loser.
“You sound like a loser.” Binabasa ba niya iniisip ko? “But don’t feel bad. Masyado ka lang honest.”
Nagkatinginan kami. Is he trying to console my defeat?
“A piece of advice, you don’t always have to tell the truth. But that doesn’t mean you have to lie.”
“It’s for you to learn what it really means.” Nakangiti siya saakin and at last, nabigyan niya ako ng ilang minuto ng katahimikan.
Nabasag lang yung silence nang may pumasok na grupo ng babae. Mga fans niya yun, at yung iba, mga classmates kong babae.
“Girls!!! It’s really Hee-jun oppa!!! Nandito nga siya!!!” A girl screamed, at dinumog kami agad. Grabe naman! Exaggerated na!
Pero bago pa sila makalapit, pinigilan na sila agad ni Mr. Pretty. “Back-off!!!” Naka-signal ang kamay niya na parang traffic enforcer. Nakakatawa!
“This is my cue to leave. Magkita na lang ulit tayo, Yuni.” Tapos tumakbo siya agad, at sinundan naman siya ng mga babae. Ano kayang gagawin nila kay Mr. Pretty pag nahuli nila siya? Gang-rape? Kawawang lalaki!
Nung maiwan na ako mag-isa, I realized one thing. Ang makipag-usap pala sa lalaking yun isn’t that bad after all. Lahat naman kasi ng sinasabi niya, may sense. I just don’t get it most of the time.
Kaso, mali pala ang akala ko na mag-isa na lang ako. Nagpaiwan kasi yung iba kong classmates at iba nilang friends, at lahat sila nakatingin saakin.
Nagsilapitan sila papunta saakin. “What are you to him? Bakit palagi mo siyang sinusundan?” Me following him! Bulag ba sila? In any case, I don’t owe them any explanation. At isa pa, walang dapat i-explain!
“We don’t want you around him, kaya layuan mo si Hee-Jun!” Ang sabi nung isang babae sabay tulak saakin. Madalas nang mangyari itong scene na ‘to saakin. Mula pa gradeschool at middle school, madalas na akong ma-bully.
“Sabihin niyo yan sa kanya!” I’m not letting this happen to me again. Pero biglang may lumapit saakin na malaking babae. She’s a couple of inches taller and couple of pounds bigger than me.
“Ang kapal ng mukha mo! Kapag nakita ka pa namin na kasama niya, magiging miserable buhay mo!” Then again I was pushed but this time, sobrang lakas na kaya natumba ako. “Get it!!!” Ouch that hurts.
Unti-unti na silang nag-alisan nung nagsi-pasukan ng yung iba pa naming kaklase. Ilang minutes na lang kasi, magsisimula na yung cooking test.
Binabawi ko na yung sinabi kong it’s not that bad talking to Mr. Pretty. Kasi ang totoo, it could be fatal and traumatic.
End of Chapter 5
nice stOry.... :)
ReplyDelete@shinjukirose...
ReplyDeletethank you sis!!! buti naman napadpad ka na din dito sa blog ko. hahaha!!!